webnovel

Chapter 14

(( Cristoff ))

Umupo si Kring sa gilid ng kama habang nakatingin sa amin na nakangiti.hmmm parang may alam yata ito sa nangyari?Hindi kaya sya ang dahilan kung bakit kami magkatabi ni Van?Pero pano?Alangan naman na ilaglag nya si Van para lang makatabi sa akin.

"Mukhang may pinag aawayan kayo ah"sabi nito.Nang tingnan ko si Van,nagtataka ito sa sinabi ni Kring at ilang sandali pa unti unting nagsisilitawan ang mga mapuputi nyang ngipin.Ngumiti ito sabay hampas ng unan sa mukha ni Kring.Nagtawanan sila,magbestfriend nga talaga.

(( Vanellope ))

Tinulungan ko si Kring maghanda ng agahan namin.Si Cristoff nasa salas lang at parang may kausap.Nang matapos na kami nilapitan ko si Cristoff sa salas na abala sa kanyang telepono.Tumingin din ito sa akin ng maramdaman nyang tumabi ako sa kanya.Ang amoy nya,sobrang bango.Kaya pala kaninang umaga may naaamoy akong pabango ng lalaki.Sobrang manly ng pabango nya.Nakakainlove talaga yung mga lalaking masyadong mabango,para sa akin dagdag points din yun. hehehe

"Van may byahe na pala kami mamyang 2pm baka after lunch aalis na rin ako"sabi nya.

"Sure.2:30 din naman kasi in namin ni Kring,sabay na lang tayo"sagot ko naman sa kanya.Tumingin din ulit ito sa telepono nya,kaya eto na naman ako,titig time sa kanya kahit sideview lang.

Tiningnan ko ito mula sa mukha nyang nakaside view sa akin at hanggang sa katawan nito.Kasi naman ang kuya nyo walang damit pang itaas.hahaha:)

Napangiti ako ng konti sa pumasok sa isip ko kaya hindi ko namalayan na nakatingin na pala ito sa akin.

"Enjoying the view?"sabi nito na may nakakalokong tingin.

"Tse! nakakadiri ka!Maligo kana nga!"sabay tayo ko at ngumiti ng patalikod.Syempre mga bes,wag natin ipahatala na guilty tayo hahaha djk lang.Ayoko lang isipin na nya pinagpapantasyahan ko sya baka lalong lumaki ang ulo.Alam nyo na,compliments.

Niyaya na ako ni Kring kumain kay umupo na ako sa pwesto ko para kumain at si Cristoff naman ayun naligo pa kaya ilang minuto pa lumabas din ito ng banyo na nakatapis lang.Si Kring parang first time makakita ng lalaking nakatapis.May pa nganga effect pa talaga.

Dumaan ito sa amin papuntang kwarto,dun kasi sya magbibihis since wala syang damit at yes po,ang lola nyo naman ang magpapahiram dahil bwisita natin sya🤭

"Ang yummy naman ni papa Cris bes"ani ni Kring.

Nagsimula na kaming kumain kaya hindi ko sya sinagot kasi busy ako kakalagay ng pagkain sa bunganga ko baka kasi mamaya mawalan ako ng gana pag nasa harap ko na si Cristoff.

Biglang umupo naman si Cristoff sa tabi ko pero hindi ko iyon pinansin,patuloy lang ako sa kinakain ko.

"Mukhang nagmamadali ka yata?"tanong ni Cristoff nang mapansin nyang nagmamadali akong kumain.Kinuha naman ni Kring sa bulsa nya ang cellphone nya at may hinanap at ipinakita na nga nya ito sa amin ni Cristoff na nasa harap nya.

"See?Diba ang sweet nyo?"sabi nito habang kinikilig.

Ramdam kong nakangiti si Cris sa tabi ko kaya tiningnan ko sya ng masama.Muli ko naman binalingan ng tingin ni Kring na hanggang ngayon nakangiti pa rin sa akin or sa amin dalawa.

"Post ko kaya to?"ani ni Kring.

"Dali post mo Kring tag mo na din ako"dagdag naman ni Cris.

Talaga lang ha,pinagkaisahan nila talaga ako?

"Subukan nyo"simpleng sabi ko kahit na sa loob loob ko napipikon na ako.

Nagtawanan ang dalawa na parang walang narinig sa sinabi ko.

Tumayo ako at nagwalk out sa kanila total tapos na rin naman ako sa kinakain ko pero sa isip ko sana naman wag ipost ni Kring kasi malalagot ako nito pag nakita yun ng pamilya ko.

Narinig kong pinagtatawanan ako ng dalawa.Alam kasi ni Kring na pikon ako🤭

You may encounter errors and typos:)

You can also read this on Dreame: JMP_beauty

JMP_beautycreators' thoughts
次の章へ