webnovel

Chapter 55 Minjy

"Yra, wake up!"

Nagising si Yra sa masuyong halik sa kanya ni Jion, "Bangon na, may pupuntahan tayo!" weekend yun kaya hindi niya alam bakit sya ginising nito.

Kinapa ni Yra ang cellphone nya sa bedside table at tiningnan ang oras.

"5:am palang, ang aga aga pa." muli niyang hinila ang kumot para matulog uli pero hinila lang iyon ni Jion para mapilitan syang bumangon. "Saan ba tayo pupunta?"

"Malalaman mo mamaya, basta bumangon kana dyan para makaalis tayo ng maaga."

humng!! ungol niya habang pinipilit igalaw ang katawan sa kama. "gusto ko pang matulog."

"Pag hindi ka umalis dyan sa kamang yan, maghapon kitang pahihigain dyan!"

Bigla naman nagising ang diwa ni Yra, alam niya ang ibig nitong sabihin kaya napilitan siyang bumangon agad.

"Were here!" nakahinto sila sa isang gate na wari ni Yra ay deadend na, pinagbuksan sila ng isang gwardya doon. Isang maliit na building iyon sa loob ng isang subdivision sa probinsya ng laguna, inalalayan siya ni Jion na makababa ng kotse nito.

"Sir Jion, kamusta po kayo!" sumalubong sa kanila ang babaeng nasa edad kwarenta, nakasuot ng Polo blouse na asul at slacks na itim. Parang uniform? sa isip ni Yra. "Nung isang linggo pa po kayo hinihintay ng mga bata."

"Marami kase akong trabaho Luz, kaya hindi ko sila mabisita ng madalas." anito sa babae. "Nasan na po ba sila?"

"Andun po silang lahat sa likuran, nag almusal na po ba kayu?" ani Luz sa kanila.

"Hindi pa nga kase maaga kaming umalis ng bahay, pero my inorder akong pagkain, pakihintay nalang." iginaya na siya ni Jion papunta sa likurang bahagi ng building na iyon.

"Anung meron dito Jion?" habang naglalakad sila roon ay abot ang lingga niya sa paligid. Isa iyong Building na may tatlong palapag.

"Makikita mo mamaya." nakangiting sagot nito sa kanya.

Napanganga si Yra ng marating sila sa sinasabi nitong likuran, napaka ganda ng lugar na iyon na sa tantya niya ay nasa 5000sqm. na napakaraming tanim na ibat ibang klase ng gulaying pambukid ika nga! at ang isang bahagi niyon ay nagmimistulang playground ng mga batang naroroon, mayroong half court ng basketball, may mga swing at slides. Napapaligiran pa iyon ng puno ng Rambutan at mangga.

"Si kuya Jion!" sigaw ng isang bata doon ng mapansin sila nito. Nagtakbuhan ang mga ito at nagpaunahang makalapit sa kanila.

"Kuya bakit antagal mo pong hindi dumalaw dito?" tanong kaagad nung pinakamalaking bata sa kanila.

"Busy si kuya, kaya hindi makapasyal sa inyo! mabait ba kayung lahat habang wala ako?" magiliw nitong kinusot ang buhok ng mga bata roon. "Ikaw macoy, araw araw kabang naliligo kahit hindi ako napunta dito?"

"Si kuya naman, syempre po kailangan akong maligo araw araw kahit wala ka!" sagot ng batang tinawag nitong macoy.

"Buti naman, yaan niyo at pag hindi na busy si kuya ay mas dadalasan ko pa ang pagdalaw sa inyo." naaaliw si Yra habang pinapanood ang nobyo niyang pinapaligiran ng mga bata, well hindi naman lahat ay bata dahil yung iba ay mga binatilyo na! "Sige na magsibalik na kayo sa mga ginagawa ninyo at mayamaya ay kakain na tayo."

"Yehey!" sigawan ng mga bata habang nagtatakbuhan uli pabalik sa kanya kanya nilang ginagawa. Yung iba ay nagdidilig ng halaman at yung iba naman ay nagwawalis, mayroon ding nagbubunot ng damo sa paligid ng mga gulay.

"sino sila?" tanong niya rito.

"Mga batang lansangan sila, kinupkop ko dito." nakining lang siya rito. "Yung iba iba jan iniwan ng mga magulang, yung iba mga batang hamog!"

"Bakit mo sila kinupkop? I mean bakit hindi sa DSWD mo sila ibinigay?"

"Masyado nang maraming bata roon, naghahanap pa nga sila ng magaampon sa ibang bata doon eh! tsaka isa pa ito lang ang maitutulong ng pamilya namin sa mga batang iyan." anito

" Pamilya? ibig sabihin kayung mag anak ang nagtayo nito?"

"Originally sina Mom and Dad ang bumuo nito, later on nakijoin nalang kaming magkakapatid. Dito ko nakilala si Minjy."

"Si Minjy? talaga! akala ko ba working student sya?" gulat na tanong niya rito.

"Minjy is one of them, bago sya mag aral ng college ay nagpaalam sya sa parents ko na gusto nyang magworking student, kaya ng magtayo ako ng negosyo ay kinuha ko agad sya para hindi na sya mahirapan maghanap ng trabaho, which is a very good idea, kumita ako ng malaki dahil sa katalinuhan nya."

Kahangahanga ang kabutihan ng nobyo niya, kahit hindi halata sa itsura nito ay may mabuti talaga itong kalooban. "lahat ng mga bata dito nakuha niyo sa lansangan?" sinimulan nila ang paglalakad sa gulayan.

"Hindi naman, yung iba sa kanila inihabilin ng mga magulang dahil di na daw nila kayang buhayin."

"Ah, e si Minjy asan ang magulang niya?" wag sana nitong isipin na tsismosa sya, gusto nya lang malaman. "Bakit sya napunta dito?"

"Minjy was part of a gang somewhere in manila when he was a teen ager. Nabiktima ng gang nila si Kuya Juno kaya sya na meet ng Parents ko. Yung parents niya naman patay na pareho kaya kinupkop siya nina Mom."

Natahimik si Yra, akala niya kase marami na syang alam tungkol sa nobyo, akala nya lang pala iyon! hindi pa pala umaabot sa one fourth ng pagkatao nito ang ang nakikita niya.

"And one more thing, half of my business belongs to him!" napatanga si Yra sa sinabi nito. "bale 50-50 kami sa lahat ng kita ng mga negosyo ko dahil siya ang katuwang ko sa lahat ng iyon, katulong ko sya ng buuin ko ang una kong negosyo, at first ayaw niya ng ganon. Sapat na daw sa kanya na paswelduhin sya, pero pano ko naman gagawin yun kung malaking bahagi ng utak niya ang ginagamit ko para mapaunlad ang mga negosyo ko. kami ni Minjy, we're doin our best para sa mga batang yan."

Tinitigan niyang mabuti ang nobyo habang pinapanood nito ang mga batang abala sa kanikanilang mga gawain. Siguro niligtas nya ang mundo nung nakaraang buhay niya kaya sya biniyayaan ng Dyos na makatagpo ng ganitong klase ng lalaki.

次の章へ