webnovel

Chapter 26 Jobless

Nakatayo si Yra sa harap ng full body length mirror sa loob ng kwarto niya, sinisipat niya ang kanyang leeg. Magaling na ang galos doon at walang naiwang pilat. Sa pagtitig niya doon ay nabaling ang atensyon niya sa singsing na suot niya, napangiti sya sa harap ng salamin.

Ang ganda mo Yra! haba ng hair! pinagmasdan niyang mabuti ang sarili mula ulo hanggang paa, 5'4 ang height niya at 50 kgs ang timbang, lapat lang sa balikat ang itim na itim niyang buhok, hindi rin sya sobrang puti dahil hindi sya nag gugluta o kung ano pa man, binagayan ng doble eyelid niyang mata ang matangos niyang ilong at medyo manipis na labi. Tulad ng nakasanayan niya ay face powder lang at kaunting liptint ang gamit niya dahil nangangati ang mukha niya sa mga beauty products na kalimitang ginagamit ng kababaihan sa ngayun. Nang matapos siya sa pagaayos ay dinampot niya ang kanyang bag bago lumabas ng kwarto.

Pagbukas naman niya ng pinto ay sinalubong siya ni Jion ng halik sa labi habang nakahawak sa doorknob. "Ang tagal mo!" nang maghiwalay ang kanilang mga labi, "gusto na sana kitang pasukin dyan sa loob ng kwarto mo! kung hindi ka lang malalate sa trabaho!"

Bahagyang namula ang pisngi ni Yra, hanggang ngayun ay hindi pa rin siya sanay sa mga antics ng binata. "Andami dami ko ng pahinga, wala na akong suswelduhin pag hindi pa ako pumasok sa trabaho." itinulak na niya ito palabas ng kwarto, baka kase siya ang maitulak nito pabalik sa loob noon.

"I told you pwede ka namang magresign sa trabaho mo at lumipat sa kumpanya ko para hindi ka nahihirapan." sinundan siya nito palabas ng bahay, halos araw-araw inuulit nito sa kanya ang usaping iyon pamula nang lumabas sya sa ospital. " O kaya naman ay lumipat kana sa bahay ko para hindi na ako nahihirapan!" hirit pa nito.

"Hoy Mister, sino bang nagsabi sayo na ihatid-sundo mo ako araw-araw? tsaka ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ko pwedeng gawin yon." si Jion na ang naglock ng bahay nya. "kung nahihirapan ka di wag ka na lang pumunta dito." nakangusong saad niya dito.

"Hindi ako nagrereklamo, binibigyan lang kita ng mas madaling option para win-win ang situation nating dalawa." paliwanag nito.

"Paano naman naging win-win yon? ilang taon na ako sa trabaho ko at sayang naman ang benefits na makukuha ko don kung aalis ako." anong benefits ang pinagsasasabi mo Yra? deep inside maisip lang niya na makakasama niya si Jion araw-gabi ay para na syang kinokoryente. ihhhh! nakaka excite kaya yun! Ibinaling ni Yra sa labas ng kotse ang tingin niya para di makahalata ang binata na lumilipad na ang imahinasyon niya sa dako pa roon.

"Di hamak na mas maganda ang benepisyong matatanggap mo kung lilipat ka sa kumpanya ko!" pangungulit pa rin nito sa kanya. "Hindi lang tayo maghapong magkakasama, magdamag pa!"

Nilingon niya ang nagmamanehong binata, "Jion tumigil ka na nga sa mga sinasabi mo!" galit galitan sya kunyari, pero wag ka! nabubuhay na lahat ng himaymay ng kaluluwa niya!

"Bakit? di mo ba ako namimiss pag nag-iisa ka?" tudyo pa nito sa kanya.

"Syempre namimiss, pero hindi ung ano ha!" namumula na ang dulo ng tenga niya.

" Ano yung ano?" patay malisyang tanong nito.

Bumaba na sa leeg ni Yra ang init na nararamdaman ng tainga niya. "kailangan pabang espelingin yon? yun lang naman ang gusto mo!" isinubsob niya ang mukha sa palad niya. nakakahiya!

"Bakit ano ba ang gusto ko?" nakatuon pa rin ang atensyon nito sa pagmamaneho.

Hindi na niya ito tinugon bagkus ay kinuha niya ang cellphone sa bag at nagkunyaring busy roo.

"Kambal may problema tayo!" salubong agad ni Heshi sa kanya pagpasok palang niya sa loob ng opisina nila at base sa itsura ng mukha nito mukhang malaking issue yun para sa kanila.

"Bakit?" ibinaba agad niya ang shoulder bag bago hinarap ito, di niya maiwasan ang pag- aalala.

"kambal, nahack ang system natin at nag-leak ang data ng mga kliyente natin at sa ginawang imbestigasyon ng counter part ng company natin eh dito sa unit natin nanggaling ang leakage." ipinakita nito ang detalye sa kanya na nakalagay sa folder.

"Everyone! sa conference room ngayun na!" sigaw ng team leader nina Yra, dali- dali namang nagsilabas lahat ng kasamahan nila at sumunod sa dito. Nagkatinginan nalang silang magkaibigan bago nagkibit balikat nalang bago sumabay sa agos ng mga nag-aalalang empleyado.

Bagsak ang mga balikat ni Yra habang inaayos ang mga personal na gamit niya, isa-isa niyang inilalagay sa kahon ang lahat ng mga iyon. Pagkatapos silang kausapin ng team leader nila ay inianounce nito na isasarado muna ang unit nila at ititigil muna lahat ng operasyon noon hanggat di natatapos ang isyu ng data leakage at hindi babalik ang operasyon hanggat di nareretrieve lahat ng kumalat na datos tungkol sa mga kliyente nila. Sampu lang sila sa unit na iyon at bawat isa ay pinapili kung anung mas gusto nila, ang isa ay mananatili ka sa kumpanya pero bababa ka ng pwesto at ang isa pang option ay babayaran ka nalang ng kumpanya at maghanap kana ng ibang trabaho.

Mas pinili nina Yra at Heshi ung huli. Kaya habang nagliligpit palang sila ng mga gamit ay pinagiisipan na nila kung saan sila mag-aaply ng trabaho.

"Ano ito?" tanong sa kanya ni Jion bago kinuha ang buhat buhat niyang kahon, bago binuksan nito ang bakseat ng kotse nito at inilagay doon ang kahon.

"Ano pa nga ba! edi nawalan ng trabaho." wala sa loob na sagot niya dito.

"Huh?" siya naman ang hinarap nito, "nawalan ka ng trabaho?" nilingon nito ang building na punanggalingan niya.

Habang nasa byahe pauwi ay ikinuwento niya rito ang nangyari sa kanilang magkaibigan.

"Ano tatanggapin mo na ba ang offer ko sayo na magtrabaho ka sa kumpanya ko?" habang namamahinga sila sa bahay niya.

"Anu naman ang magiging trabaho ko sa kumpanya mo kung sakali?" itinaas niya ang dalawang paa at nag indian seat si Yra sa tabi ni Jion.

"Personal Assistant ko!" sagot nito.

次の章へ