Medyo sumasakit na ang paa ni Yra sa paghihintay ng taxi, kakalabas palang niya sa opisina nila nauna ng umalis si Heshi dahil hindi naman ito nag overtime. Mag aalas otso na kaya medyo mahirap ng sumakay ng taxi dahil sa rush hour. Pinapara niya ang paparating na taxi ng magring ang kanyang cellphone. Sino kaya tong tumatawag? Tinitigan ni Yra ang screen dahil numero lang ang nakalagay at walang itong pangalan.
"Hello?" ay shit! Nakalampas na ang taxi na pinara niya.
"Hi! Nasa office ka pa ba?" tanong kaagad ng nasa kabilang linya.
"Oo!" si Jion ba itong kausap niya?
"Malapit lang ako sa office niyo, anong oras ka lalabas?" tanong uli nito "susunduin sana kita. mag dinner tayo."
Nagdadalawang isip si Yra kaya lang kailangan din nilang magusap tungkol sa mga magulang nila. "Actually, andito na ako sa labas ng building namin, nag aabang na ako ng taxi."
"Im almost there just few more minutes" sabi nito.
Nagpalinga linga si Yra may mga ilang empleyado ng kanilang opisina ang nagsilabasan, mabuti nalang at susunduin siya ni Jion dahil dahil kung hindi mas lalo siyang mahihirapan sumakay pauwi. Maya maya pay huminto sa tapat niya ang kulay itim na Mercedes. Bumaba si Jion doon.
"Im a little late, lets go!" binuksan nito ang passenger seat at inalalayan siyang makapasok doon. Nang makaupo na siya ay isinarado nito ang pinto ng kotse at pumunta sa driver seat.
Nilingon niya ang mga empleyado na kasabay niyang naghihintay doon kanina. Halos lahat ng kababaihan doon ay nagbubulungan.
"San mo gustong kumain?" tanong nito sa kanya ng makasakay na rin ito.
"Anywhere will be fine." Tugon ni Yra. Pero bigla niyang naalala naalala na ngayun araw ang realease ng bagong music video ng paborito niyang K-pop band at kailangan niya iyong mapanood no matter what. "on second thought, pwede bang magpadeliver nalang tayo tapos sa bahay ko nalang natin kainin? Kung okey lang sayo?"
"Hmmm? Okey. Mas maganda nga yan naisip mo para makapagpahinga ka ng maaga."
"Isa pang request, pwede bang magfast food nalang tayo para mabilis ang deliver ng pagkain."
Nagthumbs up nalang sa kanya ang binata at muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Kinuha naman kaagad niya ang telepono at umorder na sya ng mga pagkain sa paborito niyang fastfood.
Pagdating nila sa apartment ni Yra ay kaagad niyang binuksan ang wifi at tv, ibinigay niya kay jeon ang remote control bago tuluyang pumasok sa kwarto. "Magbibihis lang ako sandali."
"Do you need help?" tanong nito sa kanya
"Para saan?"
"Sa pagbibihis, im willing to help you any time.!" Pilyong sabi nito.
"I can managed." Sabay sara niya sa pinto ng kanyang kwarto. She felt some trembling in her stomach.
Paglabas nya ng kwarto ay andoon na ang inorder niyang pizza at chicken wings, she's wearing her favorite pajamas.
"Why don't you wear something sexier than that?" tudyo nito sa kanya habang binubuksan ang kahon ng pizza, naupo na rin siya sa tabi nito.
"Sorry pero wala akong ganoong Klase ng damit. Mga character pajamas lang ang meron ako." Kinuha niya ang remote at nag browse sa youtube. Nakita naman kaagad niya ang paboritong.boy band na hinahanap. "Wow! Two million views agad after ten minutes! Grabe talaga sila."
"Bakit sino ba yang pinapanood mo? Masyado namang makulay ang buhok ng mga iyan." Kumuha ito ng isang slice ng pizza.
"They are my favorite band. Ang cool kaya nila." pagtatanggol niya sa mga ito "tsaka sobrang cute nila." Her eyes brighten while shes watching the performance. Dumampot na rin siya ng isang pirasong pakpak ng manok at isinubo iyon ng buo habang kumukumpas kumpas ang isang daliri niya sa bawat beat ng tugtog.
"So this is what youre doin after work?"
"Pag may oras pa ako, madalas kasi hating gabi na ako nakakauwi. Pinapanood ko sila para mawala ang stress ko."
"Ahh!." Tatango tango lang ito sa kanya. Itinapat nito sa bibig niya ang slice ng pizza at kinagat naman iyon ni Yra. "sa palagay mo anong oras kaya kami pupunta sa bahay niyo on Sunday?"
Nabilaukan naman si Yra ng kinakaing pizza, tinapik tapik niya ang kanyang dibdib iniabot naman sa kanya ni Jion ang baso ng softdrinks.
"Nakakabigla ka naman!" sabi niya dito. "kakausapin ko ang tatay ko pipilitin ko syang ikansel yung pakikipag meet nya sa mga magulang mo."
"and why are going to do that?" si Jion naman ang nagulat sa sinabi ni Yra.
"Kase wala namang sapat na dahilan para doon, hindi naman kailangan umabot sa ganon."
"But im serious. Natawagan ko na ang parents ko at dadarating sila sa lingo."
"Baka makaabala kami sa inyo!"
"No! it's final. Magmemeet ang mga magulang natin, tsaka wala naman masama doon."
"kaya lang-"
"kaya lang ano? "putol ni Jion sa sasabihin niya. "wag kang magalala Yra, hindi yun big deal sa parents ko. Tsaka isa pa, pag babae ang naging anak natin higit pa dito ang pagdadaanan ng manliligaw sa kanya!"
"Anak agad? Hindi ba pwedeng maging magboyfriend muna tayo bago magkaanak!" exaggerated na sabi niya dito.
"Did you forget? nauna na ang honeymoon natin bago pa kita ligawan?"
"Aahh! Ikaw talaga palagi mo na lang isinisingit sa usapan ang bagay na yan." Pinaghahampas niya ito ng unan, Dinaan niya sa biro ang hiyang nararamadaman.
Tawa ito ng tawa habang hinaharangan ang unan na inihahampas niya dito. Ng tumigil na si Yra ay hinila naman siya ni Jion, napaupo tuloy siya sa kandungan nito. Iniyakap nito ang dalawang kamay sa bewang niya, halos magkapantay lang kanilang mukha sa ganoong posisyon.
"Maliban sa pagnenegosyo ko,I never been this serious in my life." He looks in her eyes "I really like you Yra, I really do."
"Pero paano kung hindi pa ako handa?"
"I'm willing to wait. I can wait for you."
"but how long are you going to wait? Wala namang kasiguraduhan ang mga plano ko sa buhay. Im not even sure kung hanggan kailan kita paghihinatyin. Paano kung ako bigla akong matakot? Paano kung mawalan ng saysay ang paghihintay mo?" at pano kung biglang magbago ang isip mo? Gusto sanang idugtong ni Yra,.
"Ill make sure you understand your feelings for me first. Just try it Yra, I never go back on my words." He reassured her.