webnovel

Chapter 5 Boyfriend

"Welcome to our batch reunion! Kamusta na mga classmates?

Salamat sa pagpunta nyo alam kong busy tayong lahat sa kanya.kanya nating buhay, gusto lang naman nating kamustahin ang bawat isa satin makalipas ang ten years." masayang bati ng emcee nila.

"Infairness Yra di ka mukhang 26 ha! walang pagbabago sa all time favorite muse ng batch natin!, mukha ka pa ring

teenager!" anang class president nila,

sa tuwing sumasapit kasi ang election ng klase nila eh walang may gustong lumaban sa kanya sa posisyong yon.

"kailan mo ba kami iimbatahin sa big day mo ha?" tanong pa ng isa sa mga classmate's niya.

"Oo nga naman, abay wala man lang kaming makita sa Social media tungkol sayo ah!" singit naman ng taon taong escort niya "baka naman inaantay mo pa ako!?"biro pa nito

"Uy Ron, wag kang ambisyoso no! hindi porket hindi ako nagpopose sa social media eh wala na akong lovelife!" tinampal pa niya ito braso, close din kase sila nito nung mga kabataan pa nila.

"Oo nga may boyfriend sya!" ngiting pangasar ang binigay nya kay Heshi. "Instant boyfriend!." tudyo pa rin nito. mula kasi ng iwan sila ni Jion sa JnJ's ay hindi na sya tinigilan ng kaibigan sa katatanong at kaka biro. Di daw nito akalain na forever ang friendship nila, pati sa karelasyon ay magkadikit sila.

"Wala na pala akong pagasa kung ganon!?" kunwari pay naghihinakit si Ron sa tinuran.

"Ganun talaga, una una lang yan!" biglang may pumulupot sa bewang ni Yra, nanlaki ang mga mata niya. "Sorry im late, by the way I'm Jion Azzel Guia, I am Yra's boyfriend." Inilahad nito ang kamay sa natulalang si Ron.

"Talaga? Boyfriend ka nya!? Bakit parang hindi nya alam?" Saad ng kuya Juno nito na nakapulupot na rin ang kamay sa kaibigan nya, magkasama pala ang magkapatid.

Nagtatanong ang mata ni Yra kay Heshi "May meeting sila jan sa malapit kaya pinasunod ko na rin dito." Saad ni Heshi.

"Di rin naman kami magtatagal, may meeting pa din kami by 1pm," saad ni Jion, "kaya behave like a good girl Honey."

Siniko ni Yra Jion "ano bang pinagsasabi mo! Maka honey ka naman jan!" aalisin na sana niya ang kamay nito sa bewang nya ng mapansin nya na may kasama pa itong isa. Tinitigan niya ito, Aba gwapo din ang isang ito ha! Mas gwapo nga lang si Jion ng konti dito, mapangakit ang mga mata ng isang ito, teka lang muna bakit bigla nya itong ikinumpara kay Jion? napakurap sya sa naisip ng biglang may kamay na humarang sa mga mata niya.

"Wag mong titigan Si Minjy baka I block list ka nyan sa opisina ko." Tinakpan pala ni Jion ang mga mata niya.

Natawa naman ang lalaking sinasabi nito, "I'm Jin meynard, Jion secretary." Tinanggap naman ni Yra ang nakalahad nitong kamay. "And please wag mo akong tatawaging Minjy." Nakangiting sabi nito.

"Upo muna tayo para naman mapagkwentuhan tayo ng maayos."

Anyaya ni Ron.

"Thank you nalang, but we need to go, dumaan lang talaga kami to see our babies." Pagtanggi naman ni Juno. "We need to go. Call me if youre done here and I will pick you up." Pamamaalam

nito sa kaibagan nya. "We'll go ahead little sis." baling naman nito sa kanya.

"Ayoko sanang umalis pero kailangan kong kumayod para sa future natin." sabi naman Jion sa kanya at tinangka siyang

halikan nito, pero bigla syang napatungo kaya sa noo nya naglanding ang labi nito.

Tiningnan niya ito ng masama "what are you doing?" gigil na sabi ni Yra "nahihibang kanaba? Huh!?" napatingin sya sa mga kasama nila, lahat naman ay nakangiti sa kanila.

"Nagpapaalam sa girlfriend ko." yun lang at tinalikuran na sya Jion.

"Goodbye Yra, Heshi. Mauna na kami." Tatawa tawang paalam ni Minjy bago tuluyang umalis.

"Ang sweet ng boyfriend mo ha!" Mapang asar na wika sa kanya ni Heshi.

"Tumigil ka nga Heshi, sinabi ko ng hindi ko sya boyfriend eh!" singhal ni Yra sa kaibigan. "ano ba kasing problema ng isang yon?"

"Anong problema ng isang yon? o anong problema ninyong dalawa?." mapanuring tanong ni Heshi sa kanya.

"Malay ko sa lalaking yon! Baka naman ganon lang talaga sa lahat ng babaeng nakikita niya. Di ba sabi mo nga playboy sya." paiwas na sagot ni Yra.

"Alam mo kambal, si Jion ang tipo ng lalaki na hindi ipinipilit ang sarili sa kahit na kaninong babae, Kaya nga hanggang ngayon eh wala pang sineseryoso ang isang yon, kase kalimitan sa mga babaeng nakikilala niya eh nagkakandarapa na kanya," kwento ni Heshi "at yon ang pinagkaiba nila ng Kuya niya. Tanda mo pa ba yung babae sa bar nung isang gabi?"

"Ung lumapit kay Jion?" tugon ni Yra

"Oo. yun din ang kaunaunahang babae tinanggihan nya ng harapan. Nagulat nga si Juno nung kinuwento ko sa kanya yung nangyari eh." Paliwanag pa nito.

"Ano namang nakakagulat don?" tuloy simsim ni Yra sa pineapple juice na dinala ng waiter sa table nila.

"Hindi yun." sabay subo nito sa itlog ng pugo na nasa chapsuey na katatapos lang iserve ng waiter.

"Eh ano palang nakakagulat doon?" nagsimula na rin syang mamapak ng ulam na nakain sa mesa nila.

"Yung sinabi ni Jion na Girlfriend ka nya."

Di napigilan ni Yra ng mapabuga ang juice na iniinom nya sa sobrang pagkabigla.

"Anyari sayu!?" halakhakan ang mga kasama nila sa table.

Pinunasan ni Yra ang bibig nya ng tisyu na iniabot ni Ron.

"kambal, sabihin mona sa akin ang totoo, umamin ka! May tinatago kaba sakin ha?" pabirong tapik pa sa kanya ni Heshi.

"Ang kulit mo din eh noh? Sinabi ko na sayo nakasama ko lang syang uminom ng isang beses sa bar dahil hindi mo ako sinipot. Kaya hindi ko rin alam ang pinagsasabi ng isang yon." Sinimulang

ngatain ni Yra ang spare ribs na nasa plato niya.

"Sabi kase sakin ni Juno eh never bang nagbanggit ng girlfriend ang kapatid niyang iyon, kaya kahit minsan eh wala pa itong ipinakilala sa kanilang pamilya pati na rin sa barkada nila." Dagdag pa ni heshi. "Baka naman may gusto sayo ung tao! Kala ko talaga kanina Boyfriend mo nga ang isang yon kase makapulupot sayo parang snake eh! Daig pa si Winston kung makapag sabing gewfwend kanya."

次の章へ