webnovel

Chapter Six

Sa pictorial, gulat na gulat si June sa makakasama nito sa pagpapa-picture. Nalaman niyang si Anghel ang ka-tandem niya sa photo shoot para isang cloting line na "Sammmy". "Ba't di niyo naman sinabi na ang demonyong 'yan ang makakasama ko sa pictoprial Sam!?" galit na tanong ni June sa mistisa at dalagang presidente ng nasabing clothing line. "Pasensiya ka na June," sabi ni Sam, "we just want to surprise you that's all." Dugtong pa ng dalagang presidente. "Well, I'm not surprise!" sabi ni Sparkle, "I'm shock!" dugtong pa ni June. Panay ang pag-ngiti ni Anghel kay June sa malayuan. Pinabayaan na lang ni June kahit naiinis ito. "June, you signed our contract, so you have no choice." Sabi ni Sam kay Sparkle. "Hindi ba nagbabasa ng diyaryo o nanonood ng balita sa TV ang mga amerikana?" tanong ni June kay Sam. Nagulat at nainsulto si Sam dahil isa siyang half-American, half-Filipino na binibini. "Excuse me!" sambit ni Sam sabay taas noo kay June. "'Yang lalaking 'yan, ang huling nakasama ni Daisy! Eh, paano kung ako ang isusunod niyan!" sabi ni June sa presidente. "Wala kang ebidensiya na ang binatang 'yan ang sikat na killer ngayon, well I can assume na killer 'yan sa mga babae. Halos mamatay lahat ng bakla't dalaga, pati matanda lumalaway diyan. Ba't di ka nga ba baliw na baliw sa Anghel na 'yan?" tanong ni Sam kay Sparkle. "Wala akong planong baliwin ang aking sarili sa NPA na 'yan," sagot ni June, "gagawin ko itong pictorial ay dahil nakapirma ako sa kontrata at hanggang do'n lang. Itaga mo 'yan sa lapida mo." Sabi ni June sa president ng clothing line. Napanganga na lang at walang masabi si Sam sa dalagang artista. "Surprised?" tanong ni Ricky kay Sam, "that's my sister.' Dugtong pa ng kuya ni June.

Napapalakpak naman si Kitty sa amo nito ng hinay-hinay dahil ito ay nagagalingan.

Lumakad si June papunta kay Anghel at ngumingiti. Naisipan ni June na sabihin ang mahiwagang linya ni Dominique. Pilit kung umasta ang pag-ngiti ng binata kay Sparkle. Nagsalita si Sparkle sa binatang artista. "'Wag na 'wag mong ipapakita sa 'kin 'yang pangil mo kung ayaw mong ako mismo ang kumagat sa'yo." Galit na sabi ni June kay Anghel dahil naiinsulto ito ngiti ng aktor. Nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga. Nanginig si Anghel sa takot at may kinuha sa bulsa. Tumalikod na si June at lumakad papunta sa pictorial stage.

Mula sa umpisa hanggang sa huli, nakatayo lang si Anghel na parang takot na parang wala sa sarili. Habang si June ay panay ang posing sa bawat take ng picture. Nagtataka naman sina Ricky, Kitty, Sam at ang photographer sa binatang artista.

"Ito na lang," sabi ni ng photographer kay Sam. Panay ang hanap nila ng tamang cover sa clothing line ng kompanya. Nagtataka sina Sam, ang photographer, si Ricky, Kitty at pati si June kung bakit parang wala sa sarili si Anghel sa mga pictures. Sa lahat ng photos, nakatayo lang ang binata at parang may hinahanap. Ang napili nilang picture na pupuwede sa cover ng clothing line, ay nakaupo si June sa sahig, nakatindig si Anghel kay Sparkle at nakayuko. "Oh sige 'yan na lang.' sabi ni Sam na dismayado ang mukha. Napatingin sina Ricky, June, Sam, Kitty at ang binatang photographer kay Anghel. Ang binatang artista ay nakaupo lang sa kanyang upuan at may binabasang papel sa malayuan. "Nakita ka kanina namin June na kinakausap mo si Anghel. Anong sinabi mo't nanginginig ang barakong 'yan?" tanong ni Sam kay Sparkle. Pinuntahan na lang ni June si Anghel. "Baka kailangan niya ng entertainment, I have to go with June." Sabi ni Kitty na susunod sana kay June ngunit, "Dito kalang." Sabi ni Ricky sabay pigil kay Kitty. "Sabi ko nga eh, dito lang ako." Sabi ni Kitty.

"Ano 'yan?" tanong ni June kay Anghel na may binabasa na papel. Tinago bigla ni Anghel ang hawak na papel sa bulsa. "Wala,' sagot ng binata at napatayo at kinausap si Sparkle, "lalagyan ng sigarilyo." Dugtong pa ng binata sabay ngiti. "Ba't wala ka sa sarili mo kanina sa pictorial?" tanong ni June, "Sinabihan lang kita ng 'mag-ingat sa pangil' and what-so-ever, natakot kana?" dugtong pa ni Sparkle. Tumayo si Anghel sa kinauupuan niya at nagsimulang magsalita. "June, may ipapakita ako sa--" Naputol bigla ang sinasabi ni Anghel nang biglang sumigaw si Sam. "Hindi hahatak ng mamimili ang picture na 'yan!" sigaw ng dalagang presidente sa malayuan. Napatakip ng tenga ang photographer sa sigaw ni Sam. Nagpatuloy sina Sam sa paghahanap ng perfect cover sa clothing line na ine-endorse. Iniwan muna ni June si Anghel at binalikan si Sam. Napatayo na lang mag-isa si Anghel at di mapakali. "June! Hindi maghi-hit ang picture na 'to!" sabi ni Sam kay June na di approve sa final picture sa clothing line. Nakita ni Kitty, Ricky at June na lumabas ng pictorial room si Anghel. "Habulin mo 'yon." Sabi ni Kitty sa amo nito. "Sige na, kami na'ng maghahanap ng tamang picture niyo, dali baka umalis 'yon dahil na-offened sa sinabi mo." Sabi ni Ricky sa kapatid. Panay naman ang sigawan nina Sam at ng photographer. "Ano ba!?" sigaw din ng photographer kay Sam, "nakakabingi kana!!!' dugtong pa nito. Naiisipan ni June na habulin ang lumabas na si Anghel.

Hinabol ni June ang binata. Nakarating na ang dalaga sa parking lot sa kakahanap kay Anghel ngunit wala itong nakita ni anino manlang ng binatang aktor. Naisipan ni June na umihi muna. Malapit lang ang banyo sa parking lot kaya napalakad ito papunta sa banyo. Habang lumalakad ang dalaga, naririnig niya na may sumusunod sa kanyang likuran. Kahit takot ay agad itong tumalikod para malaman kung may sumusunod nga ba sa kanya. Napahinga ng malalim ang dalaga dahil walang tao sa likuran nito. Nang humarap siyang muli ay napasigaw ang dalaga dahil sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Ngunit si Anghel lamang pala. "Sorry, I didn't mean to scare you!" sabi ni Anghel kay June. "'Wag kang manggulat! Bigla ka lang umuulhot! Mawawalan ako ng hininga sa'yo!" sabi ni June. Wala pa namang katao-tao sa parking lot, madilim kahit 9:00 pa lang ng umaga, at mukhang uulan pa. Nakita ni June na malungkot at natatakot si Anghel. "What's wrong?" tanong ni June sa binata. "Bago tayo nag-shoot," sabi ni Anghel, "nakita ko 'to sa driver's seat ng sasakyan ko." Ipinakita ni Anghel sa dalaga ang isang envelope na puti at may nakasulat na "Protégée". "Tingnan mo kung anong laman." Sabi pani Anghel kay June. Binuksan ng dalaga ang sobre at tiningnan kung ano ang nasa loob nito. Isang papel na may sulat na naka quote on quote. Binasa ng dalaga ang sulat, "'Wag na 'wag mong ipapakita sa 'kin 'yang pangil mo kung ayaw mong ako mismo ang kumagat sa'yo." Nagulat si June. Alam niyang sinabi niya ang nasabing linya kay Anghel kanina sa pictorial. "I'm hoping na walang kinalaman sa pagkamatay ni Daisy ang papel na 'yan at sa pelikula mo noon. Linya 'yan ni Dominique di ba?" sabi ni Anghel. Natatakot na si June. "Napaisip lang ako, hindi naman ako protégée, protégée means female, a female protégée kung baga." Sabi pa ng aktor. Bumilis ang tibok ng puso ni Sparkle sa takot. "Akong isusunod niya." Sambit ng dalaga. "Ano?" tanong ni Anghel. Tumunog bigla ang soundtrack ng pelikulang 'Protégée' na 'Bleeding in Love' mula sa sasakyan ni June. Napatitig ang dalawa sa sasakyan. Nagulat sina June at Anghel. Bukas ang driver's seat door ng sasakyan ni Sparkle. Tumakbo agad si June sa sasakyan nito. Naiwan si Anghel sa kinatatayuan niya. Kahit takot, ay galit pa rin ang dalaga dahil gusto na niyang malaman ang killer. Pumasok ito sa sasakyan niya. Pinagsusuntok niya ang radyo ng kanyang sasakyan dahil di mapatay-patay ang kahit i-off niya ito. Patuloy sa pagkanta ang music. Nalaman ni June na CD pala ang tumutunog. Nakita pa ng dalaga ang isa pang Protégée note sa tabi ng player. Umiiyak na si June sa takot. Binuksan ng dalaga ang papel at nakasulat ay "You are ivited to... DIE..." napaiyak ng todo si June. Binuksan ni Sparkle ang CD player at kinuha ang CD. Nakasulat sa tape ang saltang 'Surprise!' Kumabog ang puso ni June nang makita ang CD. Nabitawan niya ang tape. Napatitig si June side mirror ng sasakyan nito. At nakita niya si Starkiller, nakamaskara ng star, may hawak na ice pick, sa likuran ni Anghel. "Look out!!!" sigaw ni June kay Anghel sabay labas ng sasakyan nito at tumingin sa aktor. Ngunit sinaksak na ng killer ang artista sa kanyang spinal cord gamit ang ice pick. Napasigaw si Anghel dahil sa saksak nito sa kanyang likod at pati si June ay napasigaw ng "No!!!"

Parang may narinig si Kitty na may sumigaw na babae ngunit ang ingay sa sigaw ni Sam at ng photogpher nanag-aaway, hindi na sigurado ang dalagang make-up artist kung sino ang sumigaw. Pinagpatuloy niya na lang ang panonood ng mga binatang modelo na nagpi-pictorial. Nagtataka lang ang dalagang make-up artist kung nasaan ang kuya Ricky ni June.

Patay na ang aktor pero patuloy pa rin ang pananaksak ng killer sa likod ng aktor. Tinapon ni Starkiller si Anghel sa gilid at tumitig kay June. Tumakbo papunta ang killer kay Sparkle. Agad na umatras si June papasok ng sasakyan nito. Muntik ng makapasok ang killer ngunit naisara na ni June ang sasakyan niya at agad Ni-lock ng aktres ang mga pintuan ng sasakyan nito. Panay ang iyak ng dalaga sa takot. Pinagtutulak ng killer ang sarili nito sa pintuan ng driver's seat para mabuksan at para makapasok. Panay din sa sigaw si June dahil sa takot na baka mabuksan ni Starkiller ang pintuan. "Help!!!" Sigaw ni June ng paulit-ulit. Ngunit walang dumating na tulong. Nakita ni June sa labas ng sasakyan niya na nakahandusay ang isang guard sa ilalim ng sasakyan nito. Pati pala secuirity guard pinatay din ng Starkiller. Nilaslas ang leeg gamit ang ice pick. Napasigaw pa lalo si June nang mabasag na ang glass window ng driver's seat nito sa kakatulak ng killer ng sarili niya sa pintuan. Nataranta na si June sa takot. Inaabot na ng killer ang lock ng driver's seat door mula sa basag na glass window nito. Binuksan ni June ang passenger's seat door at doon dumaan para makalabas. Ngunit dahil sa takot at nginig hindi niya mabuksan ang nasabing pintuan. Napasigaw ulit si June nang binuksan na ng killer ang driver's seat door at pumasok! Ngunit nabuksan na rin ni June ang pintuan ng passenger's seat at agad itong lumabas. Nakapasok na itong Starkiller sa sasakyan ng dalaga ngunit nakalabas na din ng sasakyan nito itong si Sparkle. Tumakbo si June ngunit hinahabol din siya ng killer. Kahit nasa hallway na pabalik ng pictorial studio ay nagha-habulan pa rin ang dalawa. Ngunit sa turning point, may nabangga si June sa daan na tatlong tao. Napasigaw si June sa gulat at kahit ang tatlong taong nabangga ni Sparkle ay napasigaw din. Sina Kitty, Sam at ang photographer lamang pala ang nabangga ng dalagang artista. Nagsigawan ang apat sa gulat kahit ang binatang photographer ay napasigaw din at boses babae pa. Nagulat ang lahat sa sigaw ng binata. "I mean... Ah!!!" iniba agad ng photographer ang sigaw nito na boses lalaki na. Napatalikod agad si June, wala na si Starkiller sa likuran nito. Humarap siyang muli sa mga kaibigan nito, nanginginig at takot na takot. "Girl are you alright?" tanong ni Sam kay June. "Anghel's dead." Sagot ng June na nanginginig at umiiyak. Biglang may nagsalita sa likod ni Sparkle, at medyo boses babae. "Who's dead?" tanong ng tao sa likuran ni June. Napasigaw si June at napatalon kina Sam, Kitty at sa photographer. "Over!" sabi ng tao sa likuran ng dalaga at si Ricky lamang pala, "dapat sisigaw at tatalon talaga?" dugtong pa ng kuya ni June, na may dala-dalang plastic ng, juice, kape, doughnut, burger, potato fries, at kung ano-ano pa. "Sa'n ka galing?" tanong ni June na todo sa iyak. "Obvious ba?" sagot ng kuya nito sabay pakita ng mga dala-dalang mga pagkain. "Saan ka dumaan?" tanong pa ni June sa kapatid. "Ah, main door, nagpa-C.R. lang ako." Sagot ni Ricky. Nagalit si June sa sagot ng kapatid. "Ang lapit ng C.R. sa parking lot, hindi mo man lang ako naririnig na sumisigaw?!" galit na tanong ni June. "Sigaw?" tanong din ni Ricky habang hinuhubad at kinukuha ang headset nito sa kanyang tenga. "Anong sigaw?" tanong ulit ni Ricky sa kapatid. Napaiyak na si June. "Anong klaseng kapatid ka?! Dahil sa pagbibingibingihan mo, namatay si Anghel!!!" sigaw ni June sa kuya nito. Tumakbo pabalik ng pictorial studio si Sparkle. Nagulat si Ricky sa inasal ng kapatid at sa mga sinabi nito. "Saan galing si June?" seryosong tanong ni Ricky kina Sam, Kitty at sa photographer. Sabay na sumagot ang tatlo ng, "Sa parking lot." Lumakad silang apat papunta sa parking lot. At nagulat silang lahat sa nakita. Banyo palang ay kitang-kita na ang sasakyan ni June na wasak ang driver's seat, may patay na guard sa ilalaim ng BMW at sa sahig ay nakahandusay si Anghel, tadtad ng saksak ang likod.

次の章へ