"I- I don't believe this" she said with conviction and closed the folder she was holding. Marahan niyang pinahid ang mga luha mula sa kanyang pisngi. Muli niyang iniusog ang folder na iyon sa tapat ni Frances.
Umangat ang mga kilay ng babae sa pagkabigla "What do you mean you don't believe it? Hindi ka ba marunong magbasa?"
"Minsan mo na akong niloko at pinaglaruan, sa tingin mo ba ay mahuhulog pa akong muli sa mga cheap tactics mo, Frances?" nginitian niya ito. "Until I hear it from Xander personally..." she paused "...no, until Xander gives me this document personally, and tells me he wants me gone from his life, hindi ako maniniwala"
"Wow!" umikot ang mga mata ng babae pataas "hindi ko alam na ang isang tulad mo Beatrix ay magiging ganito kababa!"
"Sino ba talaga sa atin ang mas mababa? Ako na asawa niya o ikaw na pinipilit isiksik ang sarili sa lalaking ayaw na sa kanya?"
"How dare you!" asik ng babae sa kanya "You stole him from me! Ako dapat ang pakakasalan niya!"
Humugot siya ng isang buntong hininga bago sumagot. Napapagod siyang makipag palitan ng salita sa babaeng ito "That was such a long time ago, Frances. Naaawa ako sa iyong hindi ka pa rin makawala sa nakaraan" she stood up from her seat. Tama ang mama niya, isang malaking kahangalan ang makipag kita sa babaeng ito. Ano ba ang inexpect niya mula sa pakikipag kitang iyon? Isang magandang balita mula kay Xander?
Tanga ka talaga Beatrix, sumbat ng kanyang isip.
"Give it up, Bea" ani Frances "Xander wasn't yours in the first place. Bakit hindi ka na lang muling umalis at magpakalayo-layo? Hindi ka ba naaawa sa anak mo?"
Beatrix stopped on her tracks at nilingon si Frances "I truly pity you, Frances. In time, babalik at babalik ang ala-ala ng asawa ko. At sa huli, lumayo man ako, kami pa rin ng anak ko ang babalikan niya." sagot niya sa kalmadong tinig. Nakita niya ang pag ngangalit ng mga bagang ng babae sa sinabi niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ng babae at tuluyang tinungo ang daan palabas ng coffee shop na iyon.
*******
Tinanaw ni Beatrix ang kalawakan ng karagatan sa kanyang harapan. Tila mayroong mga brilyanteng naglalaro sa ibabaw ng tubig, dala ng pagtama ng papalubog na liwanag ng araw sa dagat. The place looks magical, kayganda ng karagatan ganoon din ng paligid, pati simoy ng hangin ay presko at may dalang bahagyang lamig.
She filled her lungs with the fresh ocean air and briefly closed her eyes. Everything around her looks perfect yet there is a huge hole in her heart na hindi niya alam kung muli pang maghihilom. Sa tuwinang maiisip niya iyon ay tila mayroong bakal na kamay ang pumipiga sa kanyang puso, na nagiging dahilan ng paninikip ng kanyang hininga.
Nagmulat siya ng mga mata at muling malalim na huminga, pinipilit ialis sa isipan ang malulungkot at masasakit na ala-ala, hindi siya maaaring umiyak na lamang ng umiyak. Gaano man kasakit at kalalim ang kanyang pinagdaraaanan, mayroong siyang anak na umaasa sa kanya, at hindi niya gustong makita siya ni Mico na palagian na lamang niyang pagluha.
One week ago, she decided to stay at their private beach in Davao, in order to give herself time to think and calm her heart. Mag-iisang buwan nang wala man lamang siyang narinig ni ano mula kay Xander, at hindi man siya naniwala sa papeles na ipinakita ni Frances ay hindi niya maiwasang unti-unting mawalan ng pag-asa na maaayos pa silang dalawa. Marahil ay labis itong nasaktan at nagalit sa kanya dahil sa natuklasan. Marahil ay hindi talaga sila nakatadhanang dalawa....
Nagpatuloy siya sa paglakad sa baybayin, hinayaang laruin ng mumunting alon ang kanyang mga paa. Isang linggo mula ngayon ay nakapag desisyon na siyang bumalik ng Amerika kasama si Mico. Hindi niya gustong isiping muling pagtakas sa suliranin ang kanyang gagawin, sa halip ay nais niyang isiping ito ang pinaka mainam na gawin para sa kanilang mag-ina. Kung nakapag desisyon si Xander na hindi siya kayang patawarin nito ay nararapat din marahil na subukan niyang paghilumin ang sugat sa puso. Maybe in time, kung sila talaga ang nakalaan para sa isa't isa, siguro ay tadhana na ang gagawa ng paraan.
Huminto siya sa paglakad sa baybayin at tumalungko. Gamit ang mga daliri ay isinulat niya ang pangalan ng binata sa buhangin. Agad iyong nabura nang abutin ng alon ng tubig. She smiled bitterly. Kung sana ay sing bilis ding mabubura sa puso niya ang pangalan nito kagaya ng pagpalis ng tubig sa buhangin.
She stood up at malungkot na tinahak ang daan patungo sa beach house. Bahagya ng nababalutan ng dilim ang paligid. Dahil pribado ang parte ng beach na iyon ay walang ibang tao siya masasalubong sa paglakad.
Hindi pa siya nakalalayo ng isang pares ng mga kamay mula sa kanyang likuran ang tumutop ng isang panyo sa kanyang mukha. Ang sumunod niyang nalaman ay unti-unting umikot at nanlabo ang kanyang paningin....
She doesn't know how much time had passed that she was unconscious, but she awoke to the sound of the ocean, ganoon din ang banayad na pag-uga ng kinauupuan. Is she in a ship or a yacht?! Alin man sa dalawa ngunit alam niyang nasa gitna sila ng karagatan! Sinalakay ng matinding kaba at takot ang kanyang pagkatao! She was kidnapped!
May piring ang kanyang mga mata at nakatali ang kanyang mga kamay, ngunit malambot ang kanyang kinauupuan. Is it a sofa? A bed? Pinilit niyang umisod habang nakaupo na kanya namang nagawa dahil hindi naman nakatali ang kanyang mga paa, at napagtanto niyang kama nga ang kanyang kinauupuan.
The smell of roses assaulted her senses. Mabango ang amoy sa loob ng lugar na iyon. Parang malamyos na amoy ng rosas na nagmumula sa mamahaling kandila. Just who on earth would do this? Pribado ang bahagi ng beach na pag-aari nila at malayo sa publiko, isa pa, siniguro ng amang si Emilio na mahigpit ang guards bago makapasok sa private resort na iyon. Would one of his dad's trusted guards do this then?!
"Help!" she screamed. Kung sino man ang kidnapper niya ay hindi nito naisipang busalan ang bibig niya. "Tulong!" muli niyang sigaw kahit pa sa wari niya ay naglalayag sila sa gitna ng karagatan at walang makakarinig sa kanya.
Maya maya ay naramdaman niya ang paglapit ng isang yabag. Mabigat ang mga yabag na iyon at sa tantiya niya ay nagmumula sa isang may kalakihang tao.
"Sino ka? What do you want from me?!"
Hindi sumagot ang tao, sa halip ay naramdaman niya ang lalong paglapit nito sa kanya. The side of the bed slouched, tanda ng pag-upo nito sa kanyang tabi. May pagmamadali siyang umisod palayo sa kung sino mang taong iyon. Matindi ang kaba ng kanyang puso na sa tingin niya ay lalabas na anomang sandali mula sa kanyang dibdib.
"S-sino ka?! P-pakawalan mo ako!" aniya sa halos nanginginig na tinig.
She heard the person gently chuckle, ngunit hindi ito sumagot, sa halip ay tila muli itong umusog palapit sa kanyang kinauupuan.
Muling umurong si Beatrix hanggang sa maramdaman niya ang pagsayad ng kanyang likod sa dulo ng kama. She was trapped in the corner of the bed, at wala ng uusugan pa! Parang bata niyang isiniksik ang sarili sa sulok na iyon, bringing her legs up to her chest, at pilit niyakap ng mga kamay ang binti.
"D-don't come any c-closer you bastard!" asik niya rito. But whoever it was didn't seem to listen dahil base sa pagyugyog ng kama ay tila lalo itong papalapit sa kanya!
"I-I s-said don't come any closer!" hiyaw niya. Napatda siya ng maramdaman ang isang malamyos na pagdampi ng tila talulot ng bulaklak sa kanyang pisngi. Mula sa pisngi ay marahang pinadaaan ng estranghero ang bulaklak na iyon sa kanyang mukha, it travelled from her forehead, down to her nose and finally to her lips. Tama siya, rosas nga iyon dahil naamoy niya iyon ng saglit na humantong sa kanyang ilong.
"W-what do you want from m-me?" Naroon pa rin ang takot sa kanyang dibdib ngunit hindi niya maiwasan ang lamunin ng kuryosidad dahil sa ginagawa ng lalaki.
Muli, ay walang siyang nakuhang anomang sagot mula sa kanyang kidnapper. The man inched even closer to her, at napapitlag siya ng maramdaman ang labi nito sa kanyang labi, brushing ever so soflty like a feather.
She should shriek and run away ngunit hindi niya malaman kung anong masamang espiritu ang namayani sa kanya na sa halip na magpiglas palayo ay tila siya na-freeze sa kinalalagyan!
Nang maramadaman nitong hindi siya kumilos ay inulit nito ang ginawa. She sucked in a breath, nalanghap niya ang mabini nitong hininga sa kanyang mukha. May piring ang kanyang mata at hindi siya nakakita but he felt...familiar.
Wake up Beatrix!!! the warning bells in her head were blaring! Huwag mong sabihing na-aapektuhan ka ng ginagawa ng kidnapper mo?! Gusto mo bang ma-rape?! Hiyaw ng utak niya.
Naging mas may bigat ang pagdampi ng labi nito sa kanya, ramdam niya ang init mula sa malalambot na mga labi nito.
Hindi rin niya alam kung bakit siya nagkakaganito? Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa halip na takot ang mamayani ay tila naging kalmado ang kanyang kalooban ng dumampi ang mga labi nito sa kanyang mga labi? She must have gone crazy!
Sa natitirang katinuan sa kanyang isip ay pabalya niya itong itinulak palayo. She tried to crawl out from the bed ngunit mabilis niyang naramdaman ang pag sikmat nito ng kanyang baywang. In a split second, he was pinning her on the bed, ang mga kamay niya ay itinaas nito sa kanyang ulunan. She could feel his weight on top of her, pressing her. His body was warm, at hindi agad rumehistro sa kanyang utak ngunit pamilyar ba ang amoy nito sa kanya?
Her mind must be playing tricks on her! Siguro dahil sa kagustuhan niyang muling makita ang asawa ay niloloko na siya ng isip, causing her to think that Xander's scent was tickling her senses.
"A-ano ba ang kailangan mo sa akin? P-pakawalan mo ako...please?" pagmamakaawa niya sa kabila ng malalakas na dagundong ng puso niya. She would be lying to say that her erratic heartbeat was from purely fright and not excitement. The stranger is evoking feelings in her she shouldn't be feeling right now.
"I will never let you go...ever." anang lalaki sa mababang tinig.
Lalong ipinako si Beatrix sa kinahihigaan ng marinig ang tinig nito. How could she forget that voice? Maging sa panaginip niya ay naririnig niya ang tinig na iyon!
"X-Xander?" she croacked. Si Xander nga ba ang kasama niya ngayon o niloloko siya ng isip?
She felt his breath on her neck, and it gently reached her earlobe. The man gave her ear a gentle wet bite, at tila libo libong kuryente ang nanalaytay sa pagkatao ni Beatrix. Hindi niya napigil ang pagkawala ng isang pagsinghap.
"You said you will never give up?" anito as he continued to plant little wet kisses on her neck, trailing all the way down. Ang isang kamay nito ay tangan pa rin ang mga kamay niya sa ibabaw ng kanyang ulo.
She gulped. Tumaas bumaba ang dibdib niya sa ginagawa nito.
"...ang sabi mo sa akin, hindi ka susuko no matter what...no matter how long it takes...hmmm..?"
"X-Xander?" halos hindi lumabas sa lalamunan niya ang tinig. Nanunuyo ang lalamunan niya kasabay ng pag guhit ng pamilyar na init na iyon mula sa kanyang sikmura pababa.
Bahagya itong lumayo sa kanya at naramdaman niya ang pagtanggal nito ng pang itaas na butones ng suot niyang blusa gamit ang isang kamay.
"Beautiful!" he exclaimed when her chest got exposed from her blouse. Natatabingan iyon ng lace bra na suot niya.
Iniyukod ng lalaki ang ulo and licked her deliciously in between her mounds. Naiarko ni Beatrix ang katawan pataas.
Gumising ka Beatrix! Hindi mo nasisigurong si Xander nga ang kasama mo!
"what happened to all those promises, princess?" Muling tanong nito.
Princess?! It is indeed Xander! Tanging ito lamang ang tumatawag sa kanya ng endearment na iyon.
Her eyes welled up with tears, tila sasabog ang puso niya sa tindi ng emosyon. Naglandas ang mga luhang iyon sa magkabilang pisngi niya.
*******
Napatigil si Xander sa ginagawa ng maramdaman ang mabining pag hikbi ni Beatrix. He looked at her face right away and saw tears trekking down her cheeks.
Shit! He must have really scared her!
Marahan niyang inalis ang piring sa mga mata nito.
Oh God! How he missed seeing her beautiful face!
Nanatili siyang nakatunghay sa magandang mukha ng asawa. Her eyes remained closed but tears kept falling. She bit her lower lip to keep a sob.
"Princess...I'm sorry if I scared you... I am such a jerk!" Hinaplos niya ang mukha nito at pinahid ang mga luha. "Open your eyes please, and look at me"
Beatrix shook her head "I'm scared this is all a dream and you'll be gone the moment I open my eyes..."
"I'm here..." he gently untied the handkerchief that he loosely put around her wrist. Sa totoo lang ay gusto niyang magulat na hindi iyon nakalas ng dalaga kanina.
Dinala niya ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. "Andito ako sweetheart..."
She slowly opened her eyes to gaze at him. Nagtama agad ang kanilang paningin dahil nakatunghay pa rin siya sa mukha nito.
"I'm sorry if I scared you, sweetheart... This idiot wanted to make the greatest come back for you and I think I went overboard" his tone was apologetic.
Beatrix reached out for his face and slowly caressed it "you're really here" she said in between sobs.
"Yes" he caught her hand and brought it to his mouth to kiss it. "I'm sorry it took me this long..."
He let her gently sit up. They were seating inches away from each other on the bed.
"I'm so sorry if I lied Xander" muling tumulo ang mga luha nito "it was never my intention to lie or fool you. Yes, I admit that I seduced you into marrying me but-"
"...and I thank you for doing that, Beatrix. Salamat at pinikot mo ako."
Bahagyang lumaki ang mga mata ni Beatrix na napatingin sa kanya, "did your memories come back? N-naaalala mo na ba?"
Umiling siya. "Bits and pieces, here and there ngunit hindi pa bumabalik ang lahat"
"Kung ganoon?..."
"I was a fool to not realize right away what you mean to me, sweetheart," he tenderly smiled at her at hinawi ng mga daliri ang ilang buhok nitong humarang sa mukha. "I love you, Beatrix Luna Montecillo. Memories or no memories, that's something that won't change. Hindi kayang burahin ng ano mang amnesia ang pangalan mong nakaukit dito," he pointed at his chest.
Beatrix bit her lower lip. Lalong nahilam ng mga luha ang mga mata nito.
"Hey... stop crying. I'm sorry if I scared you sweetheart," kinabig niya ito palapit sa dibdib and gave her head a kiss.
Beatrix shook her head. "More than scared thinking that I got kidnapped, mas takot ako sa kaisipang nawala ka na ng tuluyan sa akin..."
"I'm sorry it took me this long. I was a fool. I was a real idiot!" Inilayo niya ito sa dibdib at buong pagmamahal na tinitigan sa mukha. "May mga bagay din akong kinailangang itama Beatrix, kaya ako natagalan"
"W-what about the...a-annulment papers?"
Nagsalubong ang mga kilay niya, "annulment papers?"
"Frances gave me the annulment papers and-"
"Ah Frances again! That fucking bitch!" He growled in exasperation.
"You mean you didn't send it?" May pagliliwanag sa tinig ng dalaga.
"Hell no! Those papers have gone missing from my office! If you had bothered reading it throughly sweetheart, those papers were actually from you. Iyon ang mga papel na pinipilit mong pirmahan ko noon"
Isang mahinang "oh" ang lumabas sa labi ni Beatrix.
"Huwag kang mag-alala, I made sure that Frances won't be able to bother us again"
Napatingin ito sa kanya. He couldn't help but laugh a little sa ekspresyon ng mukha nito. "Don't worry I didn't kill anyone!"
"But what do you mean?" Giit ni Beatrix.
He sighed. Sa halos isang buwang hindi niya pagpaparamdam kay Beatrix ay siniguro niyang isaayos ang lahat. He filed for a restraining order for Frances upang hindi na ito makalapit pa sa kanila ni Beatrix at Mico. The court proceedings took longer kahit pa pinilit niyang madaliin. In the end, the court granted in favor of his request. Sa loob ng 3 taon ay hindi ito makalalapit sa kanila.
Hindi niya ninais magpakita kay Beatrix hanggang hindi niya tiyak na maayos ang lahat. Sa mga panahon ding iyon ay tinukoy niyang maigi ang damdamin. Hindi pa man lubos na magaling ang amnesia niya ay napagtanto niya kung gaano niya kamahal ang asawa. Living without her for almost a month was pure hell! Ilang ulit niyang pinigilan ang sariling tumakbo pabalik dito. If they are going to start anew, nararapat lamang na magsimula sila ng maayos. Hindi niya nais ang anomang alinlangan sa pagitan nila.
"I filed for a restraining order. Court proceedings took longer but it was successful. Hindi na siya makalalapit sa atin... at least for 3 years. At kahit lumipas ang tatlong taon, nasisiguro kong hindi na niya tayo gagambalin. I made sure she understands that I could easily make her life a mess kapag ginulo pa niya tayo," paliwanag niya.
"A-akala ko, tuluyan ka ng mawawala sa akin, Xander"
"Eh ano itong balita kong ikaw na naman nga ang aalis patungong Amerika?" He playfully pinched her nose.
"I just thought that.." she paused, "paano mo palang nalaman kung nasaan ako?"
"I begged your parents to tell me sweetheart. And when I say beg, I really begged. Halos luhuran ko ang papa mo dahil maging si Zach ay tikom ang bibig!" Naiiling itong natatawa, "that son of a bitch wouldn't tell me where to find you kahit pa nakiusap ako!"
"Really?" Beatrix's eyes were dancing with joy. Nasasalamin sa mga iyon ang labis na galak at pagmamahal.
He nodded and cupped her face. Pinagpantay niya ang mukha nila. "Remember your promise. Walang bawian! You are not allowed to leave me again. Ever!"
"Oh Xander!" Mahigpit siyang niyakap nito. "I love you. Mga bata pa lang tayo ay minahal na kita," she said emotionally.
"I know. And you're the one who tamed my wild heart, princess." Itinaas niya ang baba nito, "mahal na mahal kita, Mrs. de Silva"
Bago pa niya nagawang ilapit ang mukha kay Beatrix ay ito na mismo ang humalik sa kanya. Passionate, burning kiss na kaytagal niyang inasam na muling malasap.
He kissed her with equal passion, at ramdam niya ang agad na pag re-react ng katawan. Napaungol si Beatrix dala ng mapusok na halik na iyon, ganoon din ng maramdaman nito ang epekto ng ginagawa nila sa kanyang katawan.
"X-Xander..." she whispered. Her eyes showing unburnt passion and desire.
Muli niya itong ihiniga sa kama, "should we pick up where we left off, sweetheart? Sa tingin ko ay panahon na rin para magkaroon ng kapatid si Mico," nanunukso ang kanyang tinig. Ang kamay niya ang nagsimulang maglikot sa katawan nito.
Isang ungol lamang ang naging tugon ng kabiyak. Ang mga labi at kamay nito ay ginaya ang kanyang ginagawa.
"Let's start forever now, Beatrix. Ikaw at ako. Let me love you for as long as I breathe. At kahit sa kabilang buhay pa, ikaw pa rin ang tanging mamahalin ko."
Idinikit ni Beatrix ang noo sa kanyang noo "Yes Xander... forever... tayong dalawa..." malambing na tugon nito.
Nang gabing iyon, tanging ang mga alon lamang sa karagatan at mga bituin sa kalangitan ang naging saksi sa panibagong simula ng kanilang pagmamahalan.
~End.
Thanks so much for reading and for being patient with the updates all throughout the course of this novel. I won't lie - I did experience a long writer's block while writing this story and that's why I could't release more than one chapter per week. It was just those days when I felt so uninspired to write and no ideas, dialogues nor scenes were coming to my head! Thanks for being patient and for supporting this story nevertheless.
I will be taking a short break from writing after this story, until I find the inspiration I need to start another one. I love writing and I won't ever quit doing it! I hope you'll find the time to checkout my next story when I start working on a new one! :)
Thanks much again!
Xoxo,
April
July 21,2020