webnovel

Chapter 21 (Long text ahead)

"Beauty can be seen in all things, seeing and composing that beauty is what separates the snapshot from the photograph."

---Matt Hardy

"Mr. Perez, are you sure of this?" Gusto kasi ni Mr. Perez na maging partner kami sa bago niyang ilalabas na produkto which is perfume.

"Yes Ms. Villachin and I want you to be the model." Hindi ko inaasahan ang bagay na 'yon. Napatawa ako ng mahina dahil nakakatawa naman yong joke ni Mr. Perez pero kumunot lang ang noo ng matanda.

Kaya napatigil ako sa katatawa. "I mean, why me? There's a lot of models out there. Right Mr. Perez?" Businesswoman ako at hindi model, ano na naman kayang iniisip ng matandang 'to.

"Why not? You are beautiful and sexy. Look, kapag ikaw ang model natin dito mas maliit lang ang magagastos natin sa advertisement dahil hindi na tayo mag babayad pa sa kukunin nating modelo." Napaisip ako dahil sa mga sinabi ni Mr. Perez, may point siya doon pero bahala na nga.

"Excuse me ma'am and sir. Para po sakin, tama po yong sinuggest ni Mr. Perez dahil yong budget natin para sa modelo eh mapupunta na lang sa iba pang expenses. From that mas makakatipid tayo, hindi naman tayo kukuha ng mga modelong hindi sikat. Hindi po ba?" Suggestion ni Timothy.

"See Ms. Villachin, your secretary agrees with my suggestion. If you say yes right now, I will give the budget right away." Kilala ko na si Mr. Perez, kung ano ang gusto niya, 'yon din ang dapat mangyari. Since wala naman kaming problema pagdating sa pera, I will grab this opportunity.

"Okay then, I will accept your offer Mr. Perez." Nakangiti ako habang inaabot ang kontrata ng secretarya ni Mr. Perez.

"Kindly sign this contract Ms. Villachin. You will be my partner in six months, I hope our project will be successful." Iniabot naman ni Timothy 'yong ball-point sakin then I start signing the contract.

Kaya pala nakipagkita sakin si Mr. Perez, dahil sa project na 'to.

"Mr. Perez kindly sign this contract too." Binigay ko yong kontrata at ballpen kay Mr. Perez at naka ngiti naman itong kinuha sakin.

I hope it will be successful. Malaking project to.

"Here Ms. Villachin, so kailan tayo magsisimula ng photoshoot? I want it as soon as possible but I want you to take time to prepare." Agad agad? Pero mas mabuti na nga yong maaga para mas maganda at hindi hassle.

"Since may pasok na ilang araw na lang, why not our theme this photoshoot is a school unifom. What do you think?" Ini isa isa ko silang tatlo kung agree ba sila sa suggestion ko pero nagtitigan lang si Mr. Perez at si Ms. Reyes at tumango tango silang dalawa.

"Perfect. Tama ang sinabi mo Ms. Villachin, school uniform ang gagamitin natin since pasukan na. What do you think Ms. Reyes?" Napaisip naman si Ms. Reyes.

"Tama po yong suggestion ni Ms. Villachin, pero anong gagamitin nating school uniform? High school uniform or college uniform? For me high school unifom will suit."

"Yes, I'm agree again with Ms. Reyes. Why? It is because most of the popular university here in the Philippines, they don't have a school uniform. They wear anything they want." Suggestion ulit ni Timothy.

"Okay then, iyon ang gagamitin natin. By next 3 months dapat naka handa na ang lahat para sa photoshoot. Ms. Reyes, contact the most popular photographer then by the first week of August we can start it." Tumango naman si Ms. Reyes. Tumayo naman ang matanda at may kinuha sa kanyang mesa, sa tingin ko isang bottle ng perfume. It must be his product.

Tiningnan ko naman si Timothy at busy ito sa pagsusulat sa mga sinabi ni Mr. Perez.

"Here is the sample, try this Ms. Villachin." Tinanggap ko yong sample at nag spray ako sa wrist ko at ini-amoy ko. Ang bango, parang bulaklak ang flavor.

Tiningnan ko ang ingredients ng sample perfume at gawa pala siya sa pinya. As in pineapple? Tapos nilagyan ng kunting honey. Kaya pala Pine with honey ang nakalagay, perfect ito ang mga gusto ng mga kabataan ngayon.

Binigay ko kay Timothy ang sample perfume at nag spray siya sa kanyang kamay at ini-amoy rin. Habang si Mr. Perez at si Ms. Reyes eh nag aabang sa kung ano ang sasabihin ni Timothy.

"Sakto. Ito ang mga gusto ng mga kabataan ngayon, at unique yong amoy niya. Hindi masyadong matamis at yong amoy niya hindi masakit sa ilong." Napa ngiti naman si Mr. Perez at si Ms. Reyes sa judgement ni Timothy.

"Ms. Villachin what do you think?" Tanong ni Mr. Perez.

"Same as Timothy. This perfume are the best for teenagers." Napangiti naman ang matanda dahil sa criticism ko, I'm sure marami ang bibili ng product na'to.

"Okay then, let's meet again if there's a problem Ms. Villachin. Thank you for accepting my offer." Tumayo ako at nakipag shake hands kay Mr. Perez at kay Ms. Reyes. Nakipag shake hands rin si Mr. Perez kay Timothy at ganon rin si Ms. Reyes.

"Thank you Mr. Perez for choosing me. You will never regret that you chose me anyway." Biro ko sa matanda, napatawa lang ito dahil sa sinabi ko.

"Just like your father, you are a joker too." My father and Mr. Perez are friends but then because of business they once had an misunderstanting that's why they don't talk anymore for about a year.

Ngumiti lang ako at biglang nag vibrate yong phone ko, chineck ko kung sino ang nag text at si Jhaenne pala.

Gusto daw akong makausap, importante daw. Kaya dali dali kong kinuha ang bag ko at nag paalam na ako kay Mr. Perez.

"I'm sorry Mr. Perez but we need to go." Napatango naman ang matanda at pinagbuksan kami ng pinto ni Ms. Reyes, I just uttered the word "Thank you" bago tuluyang makalabas sa opisina ni Mr. Perez.

Pumasok kaagad kami ng elevator at pinindot at ground floor, ano kayang nangyari kay Jhaenne?

Baka sumumpong na naman yong sakit nag babaeng 'yon. Wala pa naman sila Tita sa bahay nila.

Nang makarating kami sa ground floor agad kong pinuntahan ang kinalalagyan ng kotse ko. Umupo naman si Timothy sa driver seat.

"Let's go to Jhaenne's pad." Pinakita ko naman ang address ng condo ni Jhaenne. Tanging tango lang ang sagot ni Timothy.

Dalawang oras. Dalawang oras ang nasayang dahil sa traffic, sabi naman ni Timothy malapit na raw kami. Tapos itong si Jhaenne pa ang kulit kulit, tawag ng tawag.

Tumingin tingin ako sa labas baka nandoon si Jhaenne at nag hihintay lang sakin. Ayon nga, nakita kong nakatayo sa labas ng building. Ipinarada naman ni Timothy ang kotse sa pwedeng pag lagyan nitong kotse.

"Hoy babae, bakit nakatulala ka diyan?" Broken hearted siguro ang isang 'to, paano kasi nakatingin lang sa malayo tapos yong buhok niya sabog na sabog parang hindi naka pag suklay ng isa- isang buwan.

"Ay palaka! Nang-gugulat ka naman eh." Aba ako pa ngayon ang nang gugulat eh siya nga itong malayo ang tingin.

"So, what is your problem and you called me earlier?" Parang naiiyak na siya, bakit? Ano bang mali sa sinabi ko?

"Let's talk upstairs." Tumango na lang ako at inalalayan ko siya papuntang elevator, naka sunod naman samin si Timothy.

Pinindot naman ni Jhaenne ang floor ng unit niya. Nang makarating kami, kaagad kaming pumasok sa loob at pina upo ko siya. Kumuha ako ng isang basong tubig at pina-inom ko kay Jhaenne.

"So what happened Jhaenne?" Panimula ko habang umuupo sa harapan niya.

"Mlaire, ang tanga tanga ko!" Umiyak siya harapan ko at pinukpok ni Jhaenne yong ulo niya gamit yong kaliwa niyang kamay.

Pinigilan ko siya, baka mapano pa tong kaibigan ko. "Just tell me what happened Jhaenne so that I can help you. Okay? You can trust me Jhaenne." Sinenyasan ko si Timothy na kumuha muna ng maiinom sa kusina, baka nauuhaw na siya.

Tahimik naman itong pumunta ng kusina.

"I had a one night stand with.." Huminto siya saglit at tumingin sakin ng diretso. What the heck? Sino na naman kayang lalaki, sa pag kakaalmam ko eh conservative siya.

"With?" Alam ko namang na wala akong karapatan para i'judge siye pero maling mali na nakipag one night stand siya.

"With Mash." Kinalma ko ang sarili ko, hindi naman siguro yong kaibigan kong si Mash Dela Fes. Sana nga kapareho lang sila ng pangalan. Sana nga mali ang kutob ko.

"Mash?" Sana mali ang iniisip ko, lagot talaga sakin si Mash kapag siya nga yong tinutukoy ni Jhaenne.

"Mash Alle Dela Fes! I don't know what really happened that night but I just woke up naked and Mash sleeping beside me, he's naked too Mlaire." Napahagulgol ng tuluyan si Jhaenne dahil sigurado akong magagalit sina Tita kapag nalaman nila ang nangyari.

"What, I mean did you remember a condom? Or something protection that night?" Kahit ako, hindi ako makapaniwala sa nangyari. They used to be Tom & Jerry and I never expect this thing will happen to Mash and Jhaenne.

"Nothing Mlaire, I just felt him. What I'm gonna do now? Please help me, alam mo namang ang daming babae ni Mash." Lagot talaga sakin si Mash, kapag nakita ko siya babayagan ko talaga yong mokong na yon.

"Don't worry, ako na ang kakausap sa lalaking 'yon. Just fix yourself, wag kang magpapahalata sa kung ano ang nangyari sa inyo ni Mash. Act naturally, alam ko naman na papanagutan ka non." Pag che-cheer up ko kay Jhaenne. Pareho ko silang kaibigan, and I want the best for the both of them.

Kahit mali, wala na akong magagawa dahil nangyari na. Isa pa nasa tamang edad na silang dalawa, dapat alam na nila ang tama sa mali.

"Thank you Mlaire for listening, I know this is wrong but I can't change the fact that I'm not a virgin anymore. Hahahaha." May gana pa siyang mag joke sa lagay na yan. Pero dahil sa tawa niya napatawa na rin ako. Gaga to kahit kailan.

"So Jhaenne did you call Mash after that night?" Napabalikwas naman siya ng upo ng itano ko yon. Bakit na naman? Mali na naman ba yong tanong ko?

"Never. Natatakot kasi ako na baka sabihin niyang wala lang yon sa kanya, syempre babae ako para sakin eh importante ang bagay na kinuha niya sakin. Although gusto ko rin naman." Ang landi talaga, paiiyak iyak pa siyang nalalaman pero gusto rin naman pala niya 'yong nangyari. Kinurot ko nga sa bandang singit ang landi eh.

"Exactly! Call him later and talk to him. Wag kang matakot sa kung ano ang sasabihin niya, diba mas mabuting alam mo ang katwiran niya kaysa mag isip ka lang ng kung anu-anong bagay na hindi naman totoo." Dumating naman si Timothy na may dalang juice at isang box ng pizza. Napangisi naman ako ng malawak dahil namiss ko ang pizza, sobra.

"Pa-ngiti ngiti ka diyan, alam ko naman na pizza lang ang katapat mo kaya nag padeliver na ako ng advance. May dalawang box pa ng pizza doon sa kusina!" Napangiti na lang ako at nilantakan ko na itong pizza.

"Buti nga pumunta pa ako dito, busy kaya akong tao." Inirapan ko si Jhaenne habang sinusubo ang last na slice nitong pizza, pumunta naman si Timothy sa kusina para kunin pa yong dalawang box ng pizza.

"Whatever!" Pataray rin na sagot ni Jhaenne at nanlaki bigla ang dalawa niyang mata. "What the hell, nandito pala ang sekretarya mo! Ba't hindi ko napansin kanina?" Takang taka si Jhaenne habang umiinom ng juice.

"Eh sa nag dra-drama ka kanina, malamang sa malamang narinig niya yong pinag usapan natin." Napakamot naman si Jhaenne sa ulo niya.

"I'm dead." Uminom ulit ng juice si Jhaenne at sakto namang dumating si Timothy na dala ang dalawang box ng pizza.

Mabilis na tumayo si Jhaenne at hinila si Timothy papuntang dining area. May pabulong bulong pang nalalaman, ewan ko sa kanilang dalawa basta ako kakain lang dito.

Malapit ko nang maubos ang isang box ng pizza ng bumalik ang dalawa sa sala. Nagkibit balikat na lang ako habang iniinom ang juice ko.

Malapit ko nang maitapon itong basong hawak ko dahil biglang nag ring ang telepono ko. What the hell! Sino na naman kaya ang tumatawag sakin.

"Hello?"

"Hello ma'am? Pu-pwede na kayong pumunta ngayon sa site to see the new building." I remember, dapat ngayong araw akong pupunta sa site to see the improvements of the building.

"Yes, thank you Eng. Brion. I'll be there in a minute." I drink my juice before I hung up.

"Jhaenne we need to go." Tumayo ako at kinuha yong bag ko sa couch malapit sakin.

"Why? You have an important meeting?" Kumuha ng isang slice ng pizza si Timothy at Jhaenne.

"Yes, at isa maligo ka nga muna bago ka makipag kita kay Mash baka layasan ka lang non kapag nakita ang itsura mong parang baliw. Hahahaha." Hinila ko kaagad si Timothy at baka ma beast mode na naman si Jhaenne.

Narinig ko pang sumigaw si Jhaenne. "Ewan ko sayo Mlaire, maiinlove ka rin diyan sa kasama mo! Hahahaha!" Hindi naman yon totoo at hinding hindi mangyayari ang bagay na yon.

Si Timothy lang naman ang kasama ko ngayon, napatingin ako sa mukha niya ng bigla siyang masinagan ng araw. Ngayon ko lang napagtanto na kulay emerald pala yong mga mata niya.

His nose, his red lips, his perfect jaw and everything becomes so slow. He turn his head to me and he slowly smile, I saw his perfect set of white teeth and his cute dimples.

"Ma'am?" Parang tumigil ang lahat dahil sa ngiti niya. Wala akong naririnig kundi ang malakas na kabog nitong puso ko, at wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Si Timothy lang at wala nang iba pa.

"Back to earth Ms. Villachin." Bumalik sa realidad ng bigla akong yugyugin ni Timothy. Shit! Sana di niya mahalata na nag da-daydream ako kanina.

"What happened to you ma'am? I keep on calling your name but you just smile at me tapos tulala ka pa." Shit! Kailangan kong mag palusot.

"Hi-hindi! I just remember of something, don't mind it." Napatango naman siya at nandito na pala kami sa labas ng building, nakita ko naman kaagad ang kotse ko at naglakad ako papunta don.

"Timothy sa site tayo." Binuksan ko ang stereo dahil gusto kong makinig ng music. Saktong The day we fall in love ang kanta, this is a korean song and I'm a fan.

🎵Naegeman deulrige dalkomhan mogsoriro yaegihaejulhae🎵

🎵Cheoeumbuteo geudae maeum so everyday loving me🎵

🎵Saranghae just be my love🎵

Napapasabay na lang ako sa kanta, dahil ang ganda ng boses ni Park Shin Hye. Napatingin naman sakin si Timothy habang sumasabay ako sa kanta.

"You can pronounce the lyrics of that song ma'am?" Most of the people says that the language of korea ia very difficult to imitate. But I do believe the saying Try and try until you memorize.

"Yes. Just practice it." Napapa hum na lang si Timothy dahil hindi niya alam ang lyrics ng kanta.

Nakarating naman kami kaagad sa site. Malayo pa lang eh kitang kita ko na ang pagbabago ng gumuhong building, hindi nga ako nagka mali kay Eng. Brion. Talagang maasahan siya sa mga ganitong bagay.

"Mr. Brion, good job. Pinabilib mo'ko dahil dito." Ngumiti naman si Eng. Brion habang umuupo. Si Timothy naman bumalik sa kotse dahil may nakaligtan daw siya.

Not my business anymore.

"Of course, you pay me for this and this is how I work." Good to hear that, at least my money will never be a waste.

Tiningnan ko ng mabuti ang mga poste, well mas concrete ito kaysa sa unang posteng pinagawa ni Eng. Asis. Sigurado akong matutuwa si Mr. Tan kapag nakita niya ito.

Sa isang sulok, nakita kong may kausap na trabahador si Eng. Brion. Nilapitan ko dahil parang kailangan ng pera ni Manong, naawa ako dahil parang matanda na eh tapos nag tra-trabaho pa.

"Sa susunod na linggo pa ho yong sweldo, hindi na kayo pwedeng mag advance dahil nag advance ka na ng apat na beses." Mahinahong paliwanag ni Eng. Brion.

"Sige na ho sir, kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon." Naawa ako ng husto kay Manong kaya ng makalapit ako kaagad akong kumuha ng limang libo sa bag ko.

"Manong ito po ang limang libo baka makatulong yan sa inyo." Napaiyak naman si Manong ng iniabot ko yong pera sa kanya.

"Maraming salamat ho ma'am, malaking pera na po ito. Ipapagamot ko po kasi yong anak kong nadengue, wala po talaga kasi kaming pera kaya gusto kong mag adavance. Salamat ho talaga ma'am." Kawawa naman yong bata kaya dinagdagan ko pa ng limang libo para naman maipagamot ni Manong ang anak niya.

"Huwag niyo na ho akong tawaging ma'am at wala pong anuman. Sana ho gumaling na ang anak ninyo." Hinawakan ni Manong ang kamay ko, aangal pa sana si Mr. Brion pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Hulog ka nang langit Ineng, ipagpatuloy mo lang ang pagtulong sa mga taong nangangailangan."

Napangiti ako dahil sa mga sinabi ni Manong.

Since hapon na, pinauwi ni Eng. Brion ang lahat ng trabahador.

"Salamat ulit Ineng, pagpalain ka ng Maykapal." Pinagmasdan kong umalis si Manong. Ang gaan gaan kasi sa pakiramdam kapag may tinutulungan kang taong nangangailangan ng lubusan.

Napatingin ako sa relo ko at naalala ko yong party ni Mr. Gabriel.

"Timothy drive me home then prepare yourself because the party will start at 7."

"Yes ma'am."

Nakarating kami ng mabilis sa bahay dahil himala, walang traffic ngayon.

"Before 6:30 you should be here, don't be late. Okay?" Ang hilig niyang tumango! Kainis, di man lang sumagot ng kahit oo lang.

Padabog akong pumasok sa bahay. Nakakabanas eh!

I don't even know why I'm acting like this? I don't know what's happening to me every time we're together.

I put down all my things in my bed and I just take a quick shower.

I wear my red long gown and my red stiletto. I just wear a light make up and I curl my hair.

Exactly 6:30 I'm done with everything, pero wala pa ring Timothy ang bumubusina sa labas.

I get my phone and I dial his number pero laging cannot be reach. Nasaan na kaya yong lalaking yon?

I decided to go to the party alone, alanganaman hintayin ko pa eh alam naman nating hindi na dadating pa.

Pumunta ako sa garahi at ako na lang mag isa ang mag da drive papuntang party. Hindi pa ako nakakalabas ng bahay ng may makita akong nakaparadang kotse at may lalaking nakatayo sa labas ng kotse niya.

Who's that guy?

次の章へ