webnovel

Chapter 8

" Women today may be called exciting, exotic, sexy, expensive and extravagant, but rarely exquisite. "

--- Unknown

No! Please don't do this to me! Please, I'm begging you. Please don't take away my company from me! Please. Paos na ang kanyang Boses. Nagmamakaawa si Mlaire sa lalaking nasa harapan niya, ngunit hindi man lang siya nito sinagot at agad na lumabas sa office. Nakaluhod pa ang dalaga ng masabi niya ang katagang "You, heartless man." Iyak ng iyak ang dalaga.

"Mlaire! Anak, gising na" May pasok ka pa oh. Nag alala ang kanyang ina dahil sa pag sasalita ng anak habang natutulog.

"Anak nanaginip ka, please wake up."

Buti na lamang at nagising na si Mlaire, may bahid pa ng luha ang makinis nitong mukha. Napayakap agad siya sa kanyang ina at umiyak na parang bata.

"Mlaire, anak what's wrong?" Tanong ng kanyang mommy.

"Nothing mom, it just a bad dream. Don't bother it." Sagot niya sa ina, Iyon lamang ang kanyang sinabi, ayaw niyang mag alala pa ito.

"Are you sure anak?" Dagdag pa nito.

"Yes mom, so don't worry about it, okay?" Ngumiti ang dalaga habang nagsasalita, dahil ayaw niyang mahalata ng ina na nagsisinungaling lamang siya.

"Okay anak, just tell us kung may problema, handa kaming tulungan ka ng dad mo." Paalala ng kanyang mommy.

"Opo mommy, wag ka na pong mag alala. Malaki na po ako." Sambit ng dalaga.

"Oh sha sha, bumangon ka na at mag ayos dahil andiyan si Shelley sa living room. Gusto ka daw niyang kausapin." Nag nod lamang ang dalaga at hinagkan si Donya Maire bago lumabas, maliligo muna siya saglit.

Agad siyang pumasok sa cr at habang naliligo ang dalaga napaisip siya tungkol sa kanyang panaginip kanina. Pasado ala singko palang na umaga ng bumangon siya, sino kaya ang lalaking yon? At bakit ganon na lang kung umasta ito.

Kung tatanungin siya ng iba kung kinakabahan ba siya, oo ang kanyang isasagot dahil pahiwatig ito. Hindi mangyayari ang kanyang panaginip, determinadong sabi niya sa sarili. Hindi siya mapapabagsak ng kung sino sino lang.

Pagtapos mag bihis, dumiretso si Mlaire sa living room at nagpahatid ng pagkain kay Emma. Nakita naman siya agad no Shelley, matagal na itong nagtratrabaho sa kanya at naging kaibigan rin niya ito ng mahigit limang taon.

"Shelley?" Tawag niya sa kaibigan/secretary niya.

"Ahhm, can we talk Mlaire?" Confident na tanong ni Shelley.

"Okay, then start." Sabi ni Mlaire.

"Look Mlaire, I know kailangan mo ngayon ng mapagkatitiwalaan pero kailangan ko na rin umuwi sa America. Sabi ng doctor ng mommy ko, mas lumala ang sakit ni mommy. I really want to take care of her. I hope you understand." Nakayukong sabi nito kay Mlaire.

"Kailan ang alis mo, Shelley?"

"Next, next week pa naman Mlaire. Why?" Sagot ng kanyang kaibigan.

"Can you please help me to find another secretary? May ilang araw pa naman bago ka umalis, right?" Malungkot na tanong ni Mlaire.

"Yes naman, I will help you to find. Mamimiss kita Boss, pabirong sabi ni Shelley sa kaibigan, Ano ka ba? Hindi kita mamimiss, loka ka. Iiwan mo ko no, basta alagaan mo doon si tita Ariel." Paalala ni Mlaire.

"Yes, naman ako pa, basta mag iingat ka rin dito. Alam mo namang marami ang kalaban mo." Sabi nito kay Mlaire, hindi na sumagot si Mlaire, nag kwentuhan lamang sila sa living room habang kumakain ng almusal.

Nagpaalam ang mga ito at dahil marami pa ang kanilang tatapusing trabaho sa kompanya, lalong nadagdagan ang kanyang problema dahil na aalis na si Shelley.

Nagpahatid si Mlaire sa kanilang driver, ayaw niyang magmaneho sapagkat gusto niyang mag isip ng mabuting gawin. Kailangan niyang makahanap ng bagong sekretarya as soon as possible.

Makalipas ang mahigit isang oras na pagbibiyahe, nakarating rin sila sa kompanya. Natagalan ito dahil sa traffic, nagpasalamat muna ang dalawang dalaga at pumasok na sa loob.

Lahat ng tao ngayon ay busy sa kadahilanang sisimulan na ang bagong project ni Mlaire at ng ibang kliyente na nakipag deal sa kanya. Bumabati naman ang mga empleyado kahit may ginagawa ang mga ito, ginantihan niya ito ng ngiti.

Pumasok sila ni Shelley sa private elevator, kailangan nilang magmadali ngayon. Marami ang nakatambak na folder sa desk ni Mlaire, at kailangan niya pa itong pirmahan.

Ng makarating sa opisina si Mlaire, agad itong umupo at nagsimulang pirmahan ang mga documents na nasa desk niya. Habang si Shelley naman ay gagawa ng form para sa mga gustong mag apply bilang sekretarya ni Mlaire.

Hindi madali ang maghanap ng sekretarya sapagkat kailangan mo silang kilatisin bago ka magtiwala. Dahil sa panahon ngayon di mo mapapansin na nasa harapan mo na pala ang kalaban.

Natapos naman agad si Shelley at si Mlaire, mag lulunch muna ang mga ito at mamayang hapon, sisimulan na ang interview. Sikat ang villachin company at marami na naman ang mag apply dito. Pumunta ang magkaibigan sa isang mamahaling restaurant, don sila kumain dahil sa ambiance ng lugar. Mahangin at refreshing.

Hindi rin sila nagtagal doon, dahil marami na ang naka pila na gustong mag apply bilang secretary. Isa isa nila itong in-interview at wala silang nagustuhan sa mga ito, lahat ay pera lamang ang habol.

Mag aala singko na ng matapos ang interview, sana bukas makahanap na ako ng bagong secretary. Sabi ni Mlaire sa hangin. Nakakapagod ang araw na ito para sa kanilang dalawa ni Shelley, nag pasundo na lamang si Mlaire at hinatid si Shelley sa bahay nito.

Nasa tapat na sila ng bahay ni Shelley, nagpaalam na ito kay Mlaire at nag beso beso muna bago lumabas sa kotse. Nag thank you rin ito kay manong driver.

Nakatulog si Mlaire sa biyahe, ginising na lamang siya ng kanyang mommy. Hindi na ito kumain at agad na humiga sa kama.

Bukas na lamang niya kakausapin ang dad niya, miss na niya ito pero sadyang marami pa ang kanyang dapat tapusin.

Pinikit niya ang mga mata at pinipilit na makatulog ngunit parang ayaw pa ng utak niya.

Kaya naman bumangon siya at nagbabad sa tubig, napaisip na naman siya na sana bukas mayroon na siyang bagong sekretarya.

Nagbihis ito ng pantulog at parang may kung ano na nanghihikayat na tingnan niya ang kanyang cellphone.

Hinanap nga ng dalaga ang kanyang cellphone at nang mahanap na niya ito agad naman itong nag ring.

Nagulat ang dalaga, dahil sa taong tumatawag sa kanya, kaparehas ito ng unknown number na tumawag rin sa kanya.

Nagdadalawang isip pa ito kung sasagutin niya ba ang tawag o igsasawalang bahala na lang.

次の章へ