webnovel

Chapter 8

RAFAEL did everything. He knew he did his best. Pero hindi iyon sapat upang mahuli ang babaeng nagtakas kay Patrick. Sa hinagap ay hindi niya alam kung saan ito dumaan at parang bulang nawala ang mga ito sa eksena. Basta ang alam niya, muli na naman silang natakasan ng suspek.

At tulad ng mga nakaraang krimeng kinasangkutan ng grupong iyon ay planado ang lahat. Wala ni isa sa mga staffs ng ospital ang may alam na napasok na pala ng Alphas ang gusali. Ni ang mga guwardiya ay hindi makapaniwala sa mga tanong niya. Ang sabi ng mga ito ay wala naman daw silang napansin na kahina-hinala.

Nang puntahan nila ang CCTV Room ng ospital ay patay na nang datnan nila ang mga operators niyon. Sa unang tingin ay parang natutulog lamang ang mga ito dahil nakatungo ang ilan sa mesa habang ang ilan ay nakasandal ang ulo sa kani-kanilang upuan. Ngunit nang lapitan nina Rafael, ilang mga pulis, at mga tauhan sa ospital, lahat ay walang awang nilaslas sa leeg.

Ang isang lalaki naman, na sa tingin niya ay nasa mid-forty, ay parang nanlaban pa dahil nakadapa ito sa likuran ng upuan at hawak pa nito ang service firearm. Naliligo na rin ito sa sariling dugo. Thirty two stab wounds sa iba't ibang parte ng katawan ang sinabing ikinamatay ng biktima ayon sa mga sumuri rito.

Sinuri rin ang mga ito ng forensic team upang tingnan kung may mga ebidensyang puwedeng makapagtutukoy sa mga salarin gaya ng fingerprint o kung anu-ano pa. Umaasa si Rafael na aayon sa kanila sa pagkakataong iyon ang kapalaran. Ilang araw o linggo ang hihintayin bago nila makuha ang resulta ng isinagawang forensic examination.

They checked the CCTV footages. At ang siste, binura ang lahat ng records ng nang araw na iyon.

Nagtagis ang panga niya at wala sa sariling napasipa sa gulong ng Police Mobile. He was sweating. Nag-iinit ang palibot ng kanyang mukha. There's two things that could describe what he was feeling at the moment: anger and guilt.

Hindi niya alam kung bakit nag-e-exist ang mga taong tulad ng Alphas. He just couldn't get it. Ilang inosenteng tao na ang nadamay sa kasamaan ng mga ito. Naaawa siya sa pamilya ng mga biktima.

Napatingin sa malayo si Rafael. He knew it! It was all about money. Ang pinakamatinding rason kung bakit maraming tao ang kumakapit sa patalim —sa mabuti o sa  masamang paraan man iyan— ay dahil sa pera.

Naisip niya, hindi naman kikilos ang mga miyembro ng Alphas kung walang reward. Money!

But something came up to his mind. Imposibleng pera ang dahilan ni Patrick para sumapi sa grupong iyon gayong kabilang ang pamilya ng binata sa mga mayayamang angkan sa buong Makati City?

Napailing si Rafael. Nasisigurado niyang may malalim na rason ang binata. Pero ang hindi niya alam, bakit mas pinili nitong kumapit sa kasamaan? He can approach him if he is in need of help. Lagi lamang siyang nariyan. Sana ay hindi humantong ang lahat sa sitwasyon ngayon.

He groaned furiously inside his head. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Na kasalanan niya ang lahat. Everything was under his account. Na naagapan sana niya kaagad ang nangyari sa ospital kung sinunod lamang niya ang masamang kutob.

Ngayon, nag-aalala siya na baka mas lalong mapalayo ang loob ni Eris sa kanya —sa kanila. Hindi lamang sa pelikula nangyayari iyon. Sa totoong buhay rin. Sigurado siya na hindi na aabutan nang umaga ang matalik na kaibigan ng kanyang kapatid.

Tahimik lamang si Rafael sa passenger's seat ng Police Mobile habang binabagtas nila ang daan pabalik sa MPDC. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana na para bang maraming iniisip. Hindi niya ininda ang init ng sikat ng araw na tumatama sa kanya. Hindi rin umiimik sina Liam, na siyang nagda-drive ng mobile, at iba pang mga kasamang pulis.

"Kayong lahat, sa opisina!" pagalit at pasigaw na sabi ng hepe nang marating nila ang istasyon. Sa ospital ay kanina pa ito nagngingitngit sa galit, ngunit napansin ni Rafael na nagtitimpi ito habang kausap ang mga staff ng ospital at pamilya ng mga namatay na staff.

Habang naglalakad silang lahat sa pasilyo na papunta sa sinabing lugar ng hepe ay pinagtitinginan sila ng ilang mga pulis at ilang mga sibilyan. Their faces were blank. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Napahugot na lamang ng isang malalim na hininga si Rafael at saka nakatungong naglakad.

Sa mga kabiguan niya bilang lider, hindi na niya alam kung ano ang mukhang ihaharap sa kanilang hepe at mga kasamahan sa trabaho. Kapatid pa man din ito ng ina niya.

He wanted to punch himself para kahit papaano ay mahimasmasan siya o talagang saktan ang sarili niya. Pero sa mga nangyari, parang nawalan siya ng lakas.

Walang kuwenta ang mga 'yan! Itapal mo sa mukha mo!

Napakagat siya sa ibabang labi. Maybe he's right, he thought. Wala siyang kuwenta. Walang silbi ang mga parangal na natanggap niya sa loob ng halos isang dekadang pagsisilbi sa bayan. Hindi siya nababagay sa trabahong iyon. Hindi siya tunay na superhero, gaya ng turing sa kanya noon ng kapatid. Wala siyang magagawa. Hindi niya nagawa nang tama ang trabaho niya.

Wala akong silbi!

Nagpahuli siya sa paglalakad. Sa una ay nag-aalangan pa siya na pumasok sa loob ng opisina ng hepe nang makaratisa nito ang hepe nang nakakrus ang mga braso at nakasalubong ang mga kilay at nakaigting ang panga habang nakatingin sa mga kasamahan niyang nakalinya ilang metro mula sa harap nito. Nakayuko ang lahat. Wala ni isa ang naglakas nang loob na magsalita.

He closed the door silently, saka siya pumunta sa pinakadulo ng gawing kanan kung saan naroroon si Liam. Pagkarating niya roon ay kaagad na bumusina ang hepe.

"Ang simple-simple ng trabaho ninyo pero hindi pa n'yo nagawa nang maayos! Ano'ng klaseng mga pulis kayo? Ha?" The chief's voice was thunderous. Tanging ang boses nito ang maririnig sa opisina nito.

"Isang high class personality ang pinakawalan ninyo nang wala sa oras! Mga hunghang! Mga walang silbi!" Huminto saglit ang hepe. Ilang saglit ay muli itong nagsalita. "Sabihin ninyo sa akin. Kayo ba'y mga bakla? Ha?"

No one dared to speak up.

"Dahil kung tunay kayong mga lalaki, hindi mangyayari ito! Isa lang! Isang babae lang ang nagpatumba sa inyo!" Chief Rob continued while motioning his hand. "Ano'ng nangyari? Sagutin ninyo ako! Nasaan na ang angas ninyo? Officer Mendoza? Enriquez? Bautista? Abrenica? Del Vista?"

Napalunok si Rafael nang umalingawngaw sa buong silid ang malutong na mura ng hepe. Naglolokohan ba tayo rito? Sumagot kayo!"

"If there is one person here who must be blamed of, ako po dapat iyon, Sir." Rafael's voice was firm and clear.

Hindi na niya inisip pa ang sariling kapakanan. They were all voiceless at that time. And he wanted to be their voice. Hindi niya gustong magpakabayani. It was the least he can do. Nakita niya kung gaano kadedikado at kung gaano kabigat ang sakripisyong ipinakita ng mga kasamahan niya sa trabaho. Kaya ay gusto niyang tulungan ang mga ito.

Narinig niya ang mga anas ng kasamahan na hindi niya kasalanan ang lahat pero sinabi niya sa mga ito na 'huwag' sa pamamagitan ng seryosong tingin.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng hepe. Lumapit ito sa kanya. "Ano'ng sinasabi mo, Officer Del Vista? Inaako mo ang kapabayaan ng iba? Hindi mo alam ang sinasabi mo."

Nakatungong tumango si Rafael. "Tama po kayo, Sir. Ako ang in-charged sa kasong ito. At hindi mangyayari ang mga nangyari kung naging mabuti akong lider sa kanila."

"Brod!"

Narinig ni Rafael ang bulong ni Liam. Nilingon niya ito pero ngumiti siya nang mapait. He eyed him not to complain.

Huminga nang malalim ang hepe. "Ano pa nga ba ang magagawa natin? Kahit na ngawa ako nang ngawa sa inyo, nangyari na ang nangyari. Hindi na maibabalik ang nakaraan," pang-aagaw ng atensiyon ng hepe. "Ang mahalaga ngayon ay may natutunan kayong leksiyon."

Tinalikuran sila ng hepe. Pumunta ito sa upuan at umupo roon habang minamasahe ang sentido.

Sa pagkakataong iyon ay lumuwag na rin kahit papaano ang pakiramdam niya. Napangiti siya nang makitang maliwanag na rin ang mukha ng mga kasamahan niya. Alam niyang abswelto na sila sa hepe.

"Huwag po kayong mag-alala, Sir," sabi niya. "Sa pagkakataong ito, hindi na namin ulit hahayaang mangyari ito. We'll do everything we can to solve this case."

Umiling ang hepe. "Hindi na kailangan, Officer Del Vista. Hindi pa rin ibig sabihin niyon ay abswelto na kayo sa akin. Nagkakamali kayo. Hindi maaaring palagpasin ang nangyari. Bilang parusa sa inyo, napagdesisyunan kong ilipat kayo sa ibang trabaho."

Natigalgal si Rafael. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi rin maiwasang gumawa ng ingay ang mga kasamahan niya.

"Kung ako lang ang tatanungin, wala akong masabi sa dedikasyon na ipinamamalas ninyo sa trabaho. Napatunayan mo sa akin, Rafael, na handa kang gawin ang lahat malutas lang ang kaso. Muntik ka nang mamatay. Pero... hindi pa rin iyon sapat," pagpapatuloy ng hepe. "Ginawa na ninyo ang parte ninyo. At hanggang doon na lang iyon."

"Pero paano po ang kaso?" giit niya.

"Marahil ay nakalimutan na ninyo pero hindi lamang kayo ang napiling lumutas sa kaso," paliwanag ng hepe.

Hindi pa iyon nakakalimutan ni Rafael. Hindi lamang sila ang pinagpilihan ng mga nakatataas na lutasin ang kasong iyon. Maging ang team ni Naoimi Patrimonio, ang laging nangunguna noon sa klase nina Rafael noong kolehiyo. Ngunit dahil may hinahawakan pa itong kaso noon ay napunta sa kanya ang kaso.

"Sa tingin ko, ito na ang tamang pagkakataon para bigyan ng pagkakataon ang team ni Officer Patrimonio," pagpapatuloy ng hepe. "Kayo naman, ipagpapatuloy ninyo ang naiwang trabaho ng team ni Officer Patrimonio. Kayo ang magroronda sa daan sa umaga hanggang sa huling oras ninyo sa trabaho. Alam naman na siguro ninyo ang gagawin, hindi ba?"

Napatango na lamang nang wala sa oras si Rafael. Parang may sumugat sa dibdib niya at nararamdaman niyang masakit iyon. Para siyang nawalan ng isang pakpak. Nasa itaas na siya, sa isang iglap ay muli na naman siyang bumagsak sa lupa.

"Mabuti. Bukas na bukas diung ganoon, maaari na kayong umalis

次の章へ