Chapter Two
Mikee❤
Bukas na ang pasukan pero parang wala akong gana, naiinis kasi ako kay Spencer, kuya ni Steven. Ang lakas kasi mambwisit eh! Ka-close ko na nga ang buong pamilya nya tapos sya parang isa lang akong malaking paningit. Naalala ko tuloy kahapon.
Flashback
Nagjo-jogging ako sa loob ng subdivision, kanina pa akong alas kwatro dahil sobrang aga kong nagising. Or lets say hindi ako makatulog dahil tumawag sakin si Mom na may pupunta sa bahay namin at doon na titira.
Tinanong ko kung nag-ampon sila pero sinabi lang na malalaman ko din kung bakit.
Tumigil ako sa tapat ng isang malaking bahay sa dulo ng subdivision. Ito ang pinakamalaki at pinaka engrande sa lahat. Umupo ako sa gilid non at nagpahinga.
"Ate Mikee!" Napatayo naman ako ng makita ko si Steven at yung bwisit nyang kuya na may kasamang Husky. Mayaman talaga ang mokong.
"Oh? Hi? Nagjogging lang ako, dito rin ba kayo nakatira?" tanong ko kay Steven.
"Yang bahay na nasa likod mo! Palibhasa ignorante ka!" Parang ginaya naman ako ni- hindi ko pa pala sya kilala.
"Edi wow! Kinakausap ba kita?"
I heard him muttered something pero hindi ko na inintindi yon.
"Sige na Steven, I need to go na."
Nagpaalam na ako pero pinigilan ako ni Steven at hinila papasok sa bahay nila. Kahit nahihiya ako ay nagpahila nalang ako. "Ate Mikee! Papakilala po kita kay Mama! Wala po si Papa kasi nasa Singapore. Wag nyo nalang po pansinin si Kuya Spencer."
Pumasok na kami at mas lalo akong naglaway sa nakita ko, vintage style kasi yung loob at tadtad ng mamahaling vases at furnitures.
Dumaretso kami sa kusina, at nakita ko ang isang magandang babae, I think she's on her 40's pero maganda parin.
"Goodmorning po. Mikee nga po pala. " bati ko at nginitian naman nya ako. Nakaayos na ang pagkain. Nakakahiya naman kung sasabay ako kaya kunwari ay aalis ako.
"Oh Mikee, dito ka na kumain!" Wala na akong nagawa kaya umupo na rin ako.
Nakita ko naman na pumasok si Spencer. Umupo sya sa tapat ko at masama parin ang tingin. Ayaw ko naman maging bastos sa harap ng nanay nila kaya ngiti lang ang iginanti ko. Napaiwas nalang sya ng tingin at umirap pa. Bakla.
Tahimik kaming kumakain, si Steven lang ang maingay dahil nagkukwento lang sya sa Mama nya. Samantalang kami ng kumag na to ay naglalaban ng tingin.
"Aray! Pucha!"
"What's the problem Mikee?" bumaling sakin yung nanay nila Steven kaya ngumiti lang ako. Nakita ko namang nakangisi lang ang gagong tumapak sa paa ko.
"Ano bang problema mo.?"
Nanggagalaiti kong bulong, ewan kung pano yon pero basta parang ganun na yun. Ang sakit kaya nung tapak nya ha!
"Ikaw." Simple nyang sagot at umalis na, hindi man lang tinapos yung pagkain.
Nakuu! Wag na uli sya papakita sakin! Nakakainis yung ugali. Sya na nga ang nang apak sya pa ang may ganang mag walk out.
Aaarrrggghh! Duduguin ako ng wala sa oras! Charot lang. Hahaha.
-End of Flashback-
Ayun! At pagkatapos non ay ang init init na ng dugo namin sa isa't isa.
Ayoko naman lumabas ng bahay kaya nakabulagta lang ako dito sa kwarto.
May nagdodoorbell naman sa baba. Sino naman kaya yon? Magtatanghali na ah!
Nakita ko ang isang binatang lalake, mas matanda siguro sya sakin. I think nasa 25 na sya dahil mukha na syang may trabaho. Sya na siguro yung sinasabi ni Mama na dito titira.
"Ikaw ba ang kaibigan ni Mikee? O girlfriend?" tanong nya sakin. Medyo na tawa naman ako. Ang alam lang nya siguro ay lalake ako at hindi mukhang babae. Hello? Wala kaya akong boobs!
Well uso naman ang mga magandang flat chested.
"Ako po si Mikee. Kayo po?" mahinahon kong sabi.
"ANOOOOO?"
Okay, medyo OA si Koya! Big deal ba talaga?
"Hmm, pasok po!"
Umupo kami sa Living Room at nagkwentuhan. Nalaman ko na Eljhay pala ang pangalan nya at 22 years old lang. Graduating na sa isang Culinary School sa Makati. Galing sya sa probinsya kaya medyo iba ang usap at ugali nya. Pero may alam na sya dito sa maynila kasi nga nagaral sya dito ng apat na taon.
Medyo hindi palang sya sanay sa mga galawan. You know, party and any kinds of fun. At isa sa kinagulat ko, he's my brother!
Kaya pala may pagkakahawig kami, the only difference is mas masculine ang features nya at talaga namang gwapo.
Nawala daw sya noong 3 years old sya at naisama ng mga madre sa probinsya. Isang taon daw naghirap sila Mom and Dad sa paghanap then nagdecide na silang tumigil. Then doon ako sumingit. Hehe.
"So, may boyfriend ka na ba?" tanong nya sakin. Gabi na at nagkwekwentuhan parin kami.
"Ako? Hahaha ang daming nagtatangka pero walang makabingwit." At sabay na naman kaming nagtawanan. Close na agad kami.
Nagiinuman na nga kami dito sa terrace ng first floor.
"Pagbisita ng pamilya ko dito, may ipapakilala ako sayo. Gwapo yun at mabait." Ngumiti lang ako. Kung si Spencer kaya mabait, patay na patay na siguro ako don. Kaso wala e, maitim ang budhi nung lalaking yon.
Mauubos na namin yung beer ng may tumawag sakin. Unregistered number. Hindi ko yon sinasagot hanggang magpaulit ulit yung tawag.
"Sagutin mo na!" sabi ni Kuya Eljhay. Sinagot ko na dahil ano namang mawawala kung hindi diba. Hahaha
Maghe-hello na sana ako ng sumigaw yung nasa kabilang linya.
"HOY! BAKIT AYAW MONG SAGUTIN HA!"
"Teka- Sin---"
"TSAKA SINO YANG KASAMA MO? NAGIINOM PA TALAGA KAYO HA? LANDI MO DIN EH!"
"HOOOOOOY KA DIN! SINO KA BA? GAGO KA BA? WAG AKO ANG I PRANK CALL MO! LECHE!"
Nakipagsigawan na rin ako, si Spencer kasi ito panigurado. Hindi ko alam kung paano nya nakuha ang number ko. Basta boses palang nun nakakabwisit na.
"Hoy! Ano ba yan? Bakit ka sumisigaw?." tanong ni Kuya Eljhay.
"Wala po, pasok na po tayo, doon na natin sa loob ituloy."
*****
AYOKOOOOO GUMISIIIIIIINGG! Pero wala na! Wala na kong magawa. Naeexcite din kasi akong makita sya. Oh! Wag magisip ng kung ano, gusto ko lang kasi sya gantihan sa pangaasar nya sakin.
"Mikee! Handa na ang almusal!" tawag sa akin ni Kuya Eljhay. "Opo! Sunod na po ako!"
Nagtataka kayo kung wala kaming katulong? Ayaw ko kasi! Lalo na pag may nangengeelam ng mga gamit ko. Tsaka bilang lang ang pinapapasok ko ng kwarto ko.
Pagbaba ko palang ng hagdan, amoy ko kaagad ang aroma ng butter. Shit! Nalimutan kong Culinary Student si Kuya Eljhay.
"Kain na po mahal na prinsesa, baka mahuli ka sa klase."
Agad naman akong umupo at nilantakan ang mga pagkain, grabe! Heaven yung truffle pasta at bacon! Kapag sinuswerte ka nga naman oh! May kapatid pa akong chef! Sana hindi ako tumaba!
****
Hinatid naman ako ni Kuya Eljhay sa school kaya walang hussle sa pagpapark. Nagprisinta narin naman sya na ihahatid nya ako lagi bago sya pumunta sa Makati, hindi na nya ako masusundo dahil ginagabi na sya sa byahe.
Anyway, pumasok na ako at may mga nakasabay akong isang grupo ng kalalakihan. Masyado silang malakas magusap kaya kahit hindi ko intensyon ay naririnig ko.
"Kahit kelan napakayabang talaga nung Spencer na yun!"
"Ano? Tirahin na natin?"
Grabe? Bakla ba sila para uhmm anuhin si Spencer?
"Sige! Turuan natin ng leksyon para matakot naman sa atin yun!"
"Wag mo namang patayin pare, isang saksak lang pede na!"
Saksak? Oh my god! Parang ayoko nang makinig sa usapan nila. Pero kung iisipin naman, dapat lang sa kanya yun. No! Hindi ako papayag na mangyari yun lalo pa at siguradong may mapapahamak sa naririnig ko.
"So? After lunch mga pare? Sigurado akong doon yon dadaan sa likod ng Building nila."
*****
Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Iniisip ko parin yung narinig ko kanina. Malapit na kasi matapos ang lunch ng Engineering Department at kami ay bago palang. Magkaiba kasi ng Lunch Schedule. 11:30 ang sa Eng. Dept samantalang 12:30 kami.
"MR. BERMUDEZ! WHAT'S HAPPENING TO YOU? ARE YOU LISTENING?"
Napatayo ako sa upuan ko sa gulat. First day Bad records agad!
Nakatingin na sa akin lahat ng kaklase ko. Nakakahiya talaga! Ang gugwapo pa naman ng mga kaklase ko. Char.
"Sorry Ma'am, May I go to C.R"
Tumango lang si Ma'am at bumalik sa pagtuturo. Nakita ko namang nagtatawanan yung mga balasubas kong kaklase, kung di ko lang alam may mga gusto yan sila sakin.
Pumunta talaga ako sa C.R, nagkukulong lang ako sa dulong cubicle. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, kung tutuusin ay dapat wala akong pakialam sa kanya.
Iisipin ko nalang, kailangan ko yung pigilan kasi narinig ko. Tsaka feeling ko kasalanan ko pag masaksak sya. Mga P*ta naman kasi yung mga lalaki! Ang sasama ng ugali, well si Spencer din naman, kaso hindi naman ganun na mananaksak.
Tumayo na ako at lumabas, sakto naman na may papalabas na lalake, si Spencer!
"Spencer wait!"
Hindi nya parin ako nililingon kaya hinabol ko na sya. Pucha! Ang bilis maglakad ni gago! Paliko na sya sa likod ng building nila. Napakaripas ako ng takbo.
"Spencer! Sandali lang!"
Parang tanga akong nagtatatakbo at nagsisisigaw don. Wala naman masyadong estudyante kaya ayos lang. Nakaisip naman ako ng paraan para tumigil sya sa paglalakad.
"Spencer! I love you!"
Mga salitang umalingawngaw sa corridor. Patay!
Nakita ko namang tumigil si Spencer sa paglalakad. Napayuko nalang ako. "Anong sabi mo?" May panunukso sa boses nya.
Gosh! Paano ko malalampasan to? Tulungan nyo ko!
Nhojies
[Vote and Comment!]