webnovel

The Scheme

Maya- maya ay nagkatinginan ang dalawang dalaga ng halos magkasabay na nagring ang kani- kanilang cellphone.

"Hello," sagot ni Martina.

"Bakit kuya?" kinakabahang tanong ni Jei.

"Jei, we are on our way. Makinig ka kay Martina at please, don't be stubborn." Yung lang at agad na pinatay ni Rain ang kanyang cellphone.

Bumaling si Jei kay Martina matapos nitong kausapin ang kanyang kapatid.

Dumadagundong ang puso ni Jei habang hinihintay na magsalita ang dalaga.

"Ate, what's going on?" tanong ni Jei. Tumingin muna si Martina sa paligid bago magsalita.

"Jei, I want you to act as normal as possible in front of anyone. Don't ever reveal what you saw. This is for your own sake... and Wonhi's," mariing bulong ni Martina.

Nagramble ang iba't- ibang katanungan sa utak ni Jei ngunit wala siyang lakas upang magtanong kaya't tumango na lang siya.

Sa labas ng ospital ay naghihintay ang isang anino sa pagdating ng ambulansiya. Nahihigit niya ang kanyang paghinga sa bawat oras na nakakarinig siya ng sirena ng sasakyan.

Gamit ang kanyang binocular ay sinusuri niya ang pasiyenteng inilalabas sa bawat ambulansiyang dumarating. Makalipas ang halos dalawang oras na paghihintay ay nagpasya itong umalis. Hinitit niya ang huling sigarilyo bago apakan ang upos nito. Malaki ang ngiting nilisan nito ang ospital.

Sa ospital...

Sa wakas ay natapos na rin ang surgery na isinagawa kay Wonhi. Laking pasalamat ng lahat ng malamang walang natamaang internal organ mula sa natamong saksak. Pero kinailangan pa rin siyang salinan ng dugo.

"Kuya, I am sorry, but can you tell me what's going on?" tanong ni Jei nang maiwan silang magkapatid sa private room ni Wonhi.

Napabuga ng hangin muna ang binata saka tumingin sa kaibigan. Ilang segundong tahimik ang binata na tila tinitimbang kung sasabihin na ba niya sa kapatid ang totoo o patuloy na gawing sikreto ito. Saktong pumasok si Martina na may dalang shopping bag na naglalaman ng damit na pinabili niya sa isang staff. Buti na lang at maraming 24/7 na shops sa harap ng ospital.

"Magpalit ka muna, Jei. May shower diyan kaya pwede kang maglinis ng katawan," saad ni Rain sa kapatid. "The truth can wait."

Walang nagawa si Jei kundi sundin ang utos ng kapatid. Mabilisang nagshower ang dalaga. Habang nagsasabon ng katawan ay pilit bumabalik ang mga pangyayari.

"Had I been there earlier, this might not have happened," sisi niya sa sarili. Hinayaan niyang maghalo ang kanyang luha at ang tubig mula sa shower.

Katahimikan ang sumalubong kay Jei matapos niyang maligo. Naabutan niya ang kanyang kuya, si Martina at ang kapatid nitong detektib.

"Join us, Jei," saad ng kanyang kuya na halatang siya ang hinihintay. Umupo si Jei sa tabi ni Rain malapit sa hospital bed.

"Kuya, please. I would like to know what's going on. I have the right to know, kuya," bulalas ni Jei sa kapatid. Tumango si Rain saka nagpaliwanag.

"The person who wants this to happen is closer than we anticipated," panimula ni Rain.

"What?! Are you saying that you already know his assailant?" tanong ni Jei saka bumaling kay Det. Smith. Tumango ito.

"But, this is becoming complicated and we don't have enough evidence to arrest them," sagot ng detektib.

"I am not sure how much longer this secret would last, but sooner or later, the people who did this will eventually know that he's not dead," dagdag ni Rain. "And they'll find him to finish the job."

Lumunok ng ilang beses si Jei dahil tila may nakabara sa kanyang lalamunan. "S-sinong sila?" nababahalang tanong ng dalaga.

"Hindi! You're kidding!" hindi makapaniwalang saad ni Jei habang paulit- ulit na binabasa ang mensahe ni Wonhi kay Rain bago ang tangkang pagpaslang sa binata.

"I understand, Jei. I am still in self- denial," saad ni Martina na hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan.

"Now what?" tanong ni Jei.

"Now, we wait. Act as normally as you can in front of them. And I still have to identify the rider. Once we get a confession from the rider, we can have an arrest warrant issued," saad ng detektib.

Kinabukasan...

Nagising si Jei sa malakas na ungol kaya napabalikwas siya ng gising at tumingin sa binatang nakangiwi sa malakas na sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

"Oh my gosh! You're awake!" masayang saad ni Jei sa binata at hindi napigilang yakapin ito ng mahigpit. "Thank, God! Thank, God!"

"Ouch! Y-your weight is crushing me!" nakangiwing saad ng binata.

"Oh, sorry! I am just happy," sagot ni Jei saka pinindot ang intercom sa taas ng headboard ng kama at maya- maya pa ay pumasok ang doctor at dalawang nurse.

"Good morning, Mr. Park. How are you feeling?" nakangiting saad ng doctor habang sinusuri si Wonhi.

"A little dazed, but I am fine. I guess," sagot ng binata.

"That's from the blood loss. But, you're vital signs are normal. You're very lucky... one centimeter higher, you're stomach and liver must have been punctured," saad ng doctor. Tumango lang si Wonhi. Matapos suriin ang kanyang pasyente ay nagpaalam ang doctor at dalawang nurse.

"Are you hungry?" tanong ni Jei.

"No," matabang na sagot ni Wonhi.

"Hey, you have to eat... I will make some food for you," mariing saad ng dalaga saka iniwan si Wonhi at nagtimpla ng cereal. Bumalik itong may mainit na mangkok ng cereal.

"I will raise this so that you can comfortably eat," saad ng dalaga habang inaadjust ang kama ni Wonhi.

"Now eat," saad ng dalaga kay Wonhi.

"I'm not hungry," sagot nito.

"No! Eat up. You need to recover your strength," sermon ni Jei na nakapamaywang pa saka hinihipan ang mainit- init na pagkain.

"What are you doing?" kunot noong tanong ni Wonhi sa dalaga.

"Open your mouth," sabi ni Jei.

"Nope," sagot ni Wonhi na umiwas pa ng tingin.

Tahimik na tinitigan ni Jei ang binata na animo'y may binabalak na masama sa binata. Na- curious si Wonhi sa kung anumang iniisip nito.

"Whaaaa," hindi natapos ni Wonhi ang tanong dahil mabilis na isinubo ni Jei ang kutsara sa bibig ng binata. Walang nagawa si Wonhi kundi kainin ito.

"Gotcha!" nakangising sabi ni Jei sa binata dahil naisahan niya ito. "Do you still want me to feed you, your majesty?" dagdag nito.

Agad sumimangot si Wonhi saka marahas na hinablot ang kutsara sa kamay ng dalaga at dahan- dahang kinain ang prenipare nitong cereal.

"Now, drink," ani ni Jei kay Wonhi matapos itong kumain. Parang masunuring batang ininom ni Wonhi ang maligamgam na gatas na ibinigay ng dalaga.

"Good boy," saad pa ni Jei kay Wonhi habang ginugulo nito ang buhok ng binata. Lalong sumimangot si Wonhi sa ginawa ng dalaga pero hindi siya nagsalita.

Hinihingal na pumasok si Rain sa kwarto at inutusan si Jei na i-on ang TV. Nagulat sina Jei at Wonhi sa balitang bumungad sa kanila. Ayon sa news anchor, "Supermodel Wonhi Park is dead? Social media has once again exploded when this picture of Wonhi Park was uploaded on his social media account last night around 1 am with a caption, Goodbye."

Nagflash ang picture umano ni Wonhi na kinuha sa kanyang IG account. Sa litrato ay isang taong nakukumutan ng puting tela mula ulo hanggang paa. Sa bandang kanan ng kanyang unan ay isang 38 pistol.

"His fans all over the world are now asking the same questions: What happened to Wonhi Park? Is he really dead or this is just a prank? Why isn't he answering all this allegations?" patuloy ng reporter.

"Fuck! That's a fucking lie! I'm gonna kill you! Bastards!" malalakas na mura ni Wonhi matapos patayin ni Rain ang TV. Hindi niya napigilan ang sarili sa galit kaya bigla niyang ibinato ang hawak na baso.

Gumawa ng malakas na ingay ang nabasag na baso at agad natutop ni Jei ang kanyang bibig sa pagkabigla.

"Calm down," saad ni Rain sa kaibigan.

"How can I calm down after that? This is bullshit! Fuck! Fucking bastards!" sigaw ni Wonhi na nanginginig sa galit.

"I know! So, get ready, bro! I arranged a presscon. Reporters will be here around 10 am. Answer what's asked. Don't elaborate. Don't exaggerate," paalala ni Rain sa galit na kaibigan.

"I know you're pissed off. But, you have to fight. You have to be strong. We will always be here for you. That's not a promise. That's an assurance," seryosong sabi ni Rain kay Wonhi na huminga ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili.

"Thank you," pasalamat ni Wonhi sa kanyang kaibigan. "Thanks for everything but I don't want you to get involved any further. I can sense that this is not simple,"seryosong saad ni Wonhi.

Umiling si Rain saka marahang tinapik ang balikat ni Wonhi. "We're brothers remember? How can you say that to me? How can I just watch you suffer from a distance and do nothing? You shouldn't have helped me then," nakangiting sabi ni Rain sa kaibigan.

"Thanks, bro," tanging sagot ni Wonhi. Lumingon ang dalawang binata ng marinig nilang suminghot si Jei at nakitang nagpupunas ito ng luha habang nakaluhod na nililinis ang bubug ng basag na baso. Hindi niya mapigilang maging emosyonal sa sinabi ng kanyang kuya.

"That's just a broken glass, Jei," natatawang saad ni Wonhi sa dalaga. Nainis siya lalo ng malulutong ang mga halakhak ng mga ito.

"Mga letche kayo," nakaingos na saad ni Jei. "Fine! Clean your own mess!"

"I was just kidding," apologetic na saad ni Wonhi.

"Hindi ka na mabiro," nakangiting sabi din ng kanyang kuya.

Dali- dali niyang nilinis ang mga bubog saka siya padabog na lumabas upang ibasura ang mga ito. Naririnig pa rin niya ang tawanan ng mga ito.

Sa presscon ay isa- isang sinagot ni Wonhi ang mga tanong sa kanya. Hindi siya nagpakita ng anumang galit na ikinagulat ng mga reporters. Sa katunayan ay may bahid ng ngiti sa kanyang mga labi.

"This will be the last question," sabi ni Rain matapos ang halos 30 minutes.

"You don't have to answer it if you want, but this lady here...," sabay turo kay Jei, "looks familiar to me so I searched the social media for an answer and I found out that you have but one photo with her," ipinakita nito ang picture ng dalawa na nakuha sa Isla del Fuego habang magkahawak kamay na naglalakad sa may buhangin. Biglang lumingon si Rain sa kapatid na agad nagbaba ng tingin habang si Wonhi ay napatitig sa litrato. "Are you in a secret relationship or some sort?"

Nabigla ang dalaga sa hindi inaasahan tanong ng reporter. Kinakabahang hinihintay ang magiging sagot ng binata.

"I can answer your question, Mr. Kim. She's my sister," agad na saad ni Rain. Malakas na 'aaaaaaaaah' ang narinig mula sa mga reporters.

Ngunit biglang sumagot si Wonhi, "She's very dear to me because...," natahimik ang lahat habang hinihintay ang sagot ni Wonhi.

次の章へ