webnovel

Chapter Six

"I JUST simply wanna die."

Napangiti si Jillian nang masuyo habang nakatingin sa kawalan. She was Clarice at the moment. Nakasalang sila ni Enteng sa isang eksena. Nasa beach sila at kasalukuyang palubog ang araw. Iyon ang ikaapat na araw ng shooting day nila.

Andrew and Clarice's story progressed. Nagka-kilala na ang mga ito at naging malapit na magkaibigan.

"Hindi ako naniniwalang iyon talaga ang gusto mo," aniya bilang Clarice.

"Bakit hindi kapani-paniwala? Wala akong dahilan para mabuhay pa," tugon nito bilang si Andrew.

"Kung talagang ayaw mo nang mabuhay, matagal ka na sanang nagpakalunod sa dagat. Pero buhay ka pa rin hanggang ngayon. Deep in your heart, you still want to live. Alam mo kasing masarap mabuhay kahit maraming pangit na pangyayari ang dumadaan sa atin. Marami namang puwedeng maging dahilan upang mabuhay tayo. Maghanap ka lang ng makakapitan. Life is amazing and fun. We should enjoy every minute of it."

Natigilan ito. Napatitig ito sa kanya. Mabuti na lang at bulag ang papel na ginagampanan niya. Hindi niya kailangang tumingin sa mga mata nito. Ang malamang na mangyari kasi kapag nakipagtitigan siya rito ay mablangko ang isip niya. Hindi sila uusad.

"You are one of life's beauties, Clarice. Mula nang makilala kita, unti-unting nagkakaroon uli ng kulay ang lahat. Pakiramdam ko, regalo ka sa akin ng Diyos." He was so sincere. Kung wala lang sila sa harap ng mga camera, baka naniwala na siya rito nang tuluyan. She focused her mind. They were just acting.

"Regalo ka rin ng Diyos sa akin, Andrew. Even if I don't see you, I know you are beautiful. Your soul is so beautiful. I can feel it."

"Can you be my reason for living?"

She smiled softly. "I can be one of the reasons."

"Cut!" sigaw ng direktor nila. "Perfect! Simply great. All the proper emotions were there. Good job, Jillian and Paul."

Nag-high-five sila ni Enteng. Bihira silang magkamali sa mga eksena. Walang kahit anong reklamo sa kanila ang direktor nila. Everything was sailing smoothly. Baka nga mapaaga ang pagtapos ng buong show.

Hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon o hindi. She wanted to spend more time with Enteng.

Nag-break muna sila. Kumain sila kasama ang mga staff. Nagpasalamat siya nang hainan siya ni Enteng ng pagkain. Ganoon palagi ito. Napakamaalaga nito sa kanya. Halos ibigay na nito ang lahat ng kailangan niya.

"Mukhang hindi lang sina Andrew at Clarice ang nade-develop sa isa't isa. Sina Jillian at Paul na rin yata," tukso sa kanila ng isang fellow actor nila.

"Hay, naku. Hindi lang kayo sanay na nakikita kaming magkasama. Ganito talaga kami. Makukulit," tugon niya.

Inakbayan siya ni Enteng at ginulo ang buhok niya. Natatawang itinulak niya ito palayo ngunit hindi siya nito pinakawalan. Kiniliti pa siya nito.

"I'm eating!" tili niya.

Pinakawalan na siya nito, nakangisi pa rin. "O, sige, lumamon ka na," tudyo nito.

Lumabi siya. "Talagang lalamon ako. Kanina pa ako gutom, eh." Kinuha niya ang plato nito at inilayo niya iyon dito. "Magpakagutom ka. Akin na `tong pagkain mo."

Nagkulitan pa sila. Sa sobrang pagkaabala nila sa pagkukulitan ay hindi nila napansin na halos nakatingin na sa kanila ang lahat.

"`Sabi ko sa `yo, eh," bulong ng isang staff sa kapwa nito staff.

"Oo nga. Bagay nga sila. Paullian fan na ako."

"K-KISSING scene?" hindi napigilang bulalas ni Jillian nang marinig ang sinabi ng direktor nila. "Wala po sa usapan `yan."

Kinausap sila nito ni Enteng bago sila mag-umpisa nang araw na iyon. Sinabi nitong naisip nito na mas mapapaganda ang isang eksena kung may kissing scene. Nilingon niya si Enteng na tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Alam n'yo naman na minsan talaga ay may mga naidadagdag sa mga eksena. The scene would be more romantic." Tila excited na excited pa ito.

"Alam ko naman po `yon. Ano lang po... kuwan... parang..." Hindi niya alam kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. Hindi sa ayaw niyang makahalikan sa isang eksena si Enteng. She wished for it, right? Matindi nga ang naging disappointment niya nang mabasa niya ang script at walang kissing scene.

She got her wish now. Parang hindi lang siya handa. Parang biglaan lang ang lahat. Nanatiling nananahimik ang kapareha niya.

Bahagyang natawa ang direktor. "Bakit ganyan ang mga hitsura n'yo? Parang ngayon lang kayo makikipaghalikan sa harap ng camera. You know the drill. It's just simply meeting of two lips. No emotions involved. Though the viewers don't know that. That's why it's called acting. Seriously, why am I explaining too much? I thought this would be easy. Do you wanna do it or not? Madali akong kausap."

"There's no problem, Direk," sabi ni Enteng nang magsalita ito sa wakas. "We'll do it. We're both professionals."

"Great. Then we'll do it."

Napalunok siya. Was she ready to kiss Enteng? Gaano siya maaapektuhan? Ilang leading men na ba niya ang nakahalikan niya? The director was right. The kiss in front of the camera was just simply meeting of two lips. Kailangan lang na maging mahusay sila sa pag-arte upang maiparating sa mga manonood na punong-puno ng emosyon ang halik na iyon.

"Brush your teeth," bulong ni Enteng malapit sa tainga niya. Bahagya siyang napapitlag. Masyado kasing malapit ang mga labi nito sa tainga niya. "I saw you eating onions earlier."

Naiilang na itinulak niya ito palayo. Walang salitang iniwan niya ito. Kailangan niyang mag-internalize. Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili. Kailangan niyang mag-toothbrush at mag-mouthwash—nang bonggang-bongga.

"MAGANDA ang sunset pero malungkot. Natapos na naman ang isang araw. Dilim na ang kasunod."

"Kung hindi didilim, hindi mo makikita kung gaano kaganda ang mga bituin."

"Cut!"

Mariing ipinikit ni Jillian ang kanyang mga mata. Pang-apat na take na nila ng eksenang iyon. She was trying to give her full concentration but she could not. Tila nahihirapan siyang maging si Clarice nang mga sandaling iyon. She was Jillian, a girl that was secretly in love with her best friend. The best friend that was about to kiss her. The best friend who looked so cool about it. Was that what the actors called "professionalism?"

Nasa baybayin sila ng dagat. She and Enteng were in characters and were watching the sunset. Nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Clarice and Andrew were together now.

"You are so tense, Jillian. Halatang-halata. What is wrong? Is there something bothering you?" May bahid na ng inis ang tinig ng direktor nila.

The kiss. nais niyang isagot ngunit pinigil niya ang sarili. "I'm sorry, Direk," aniya sa nahihiyang tinig.

"Keep in mind that we are not Enteng and Jillian, the best of friends. We are Andrew and Clarice, the eternally in love couple. Focus, Jilli," bulong ni Enteng sa tainga niya.

"I know," ganting-bulong niya. "Pag-iigihan ko na sa susunod na take."

"Ready?" tanong sa kanila ng direktor.

Sabay na tumango sila ni Enteng. Sa hudyat ng direktor ay inulit nila ang kanilang eksena. This time, she was much better.

"I wish you can see this world's beauty, Clarice. Napakaganda ng pananaw mo sa lahat ng bagay kahit na wala kang nakikita. May mga ibang tao nga na malilinaw ang mga mata ngunit pulos pangit ang nakikita."

"Kung gugustuhin mong makakita ng maganda, makakakita ka."

"When you're in love, everything you see is beautiful. When you're in grief, everything you see is ugly. I want you to see all this world's beauty. Gaya ng sunset."

"Gusto ko ring makakita, Andrew. Gusto kong makita ang mukha mo."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "We'll find ways. Ang sabi ng doktor ay hindi pa naman huli ang lahat, `di ba?"

Tumango siya. Bahagya siyang humarap dito at hinaplos ng mga daliri niya ang mukha nito. "Mahal na mahal kita, Andrew."

"Mas mahal na mahal kita, Clarice," tugon nito sa napakasuyong tinig. Hinaplos nito ang buhok niya.

She smiled tenderly. She was Jillian telling how much she loved Enteng. Alam niya iyon sa kaibuturan ng puso niya. Walang kinalaman doon sina Clarice at Andrew. Too sad, it was Andrew speaking to Clarice on Enteng's part.

Unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Ginawa niya ang lahat upang hindi mahalatang kinakabahan siya nang sobra.

She closed her eyes when his lips touched hers. She parted her lips for him. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin niya habang hinahagkan siya nito. It was more than heaven. It was more than perfection. It was what she fantasized and so much more. She felt complete. Tila nais pa nga niyang maluha sa sobrang kaligayahan.

Dumiin ang mga labi nito sa mga labi niya. Naging mapusok at maapoy ang halik nito. Pumaloob ang mga daliri nito sa buhok niya at hinapit siya nang husto. Walang pag-aalinlangang tumugon siya sa halik nito.

"Cut!" hiyaw ng direktor.

Agad na naghiwalay sila. Hindi sila magkatinginan ni Enteng. Agad na lumapit sa kanila ang direktor at mga make-up artist nila. Pinunasan ng make-up artist niya ang mga labi niyang namumula na yata dahil sa halik. Nilagyan nito iyon ng lip-gloss pagkatapos. Inayos din nito ang buhok niya.

"Paul, don't ravish her. The kiss is not supposed to be hot and passionate. It's supposed to be sweet and gentle. Do you get that?" anang direktor kay Enteng. Tumango ito. "Okay. Let's do the kiss again. Malapit nang lumubog ang araw. Dalian natin."

Enteng looked gently at her. Nang humudyat ang direktor, dahan-dahang bumaba uli ang mga labi nito sa mga labi niya. Gaya kanina, ipinikit niya ang kanyang mga mata nang maglapat ang kanilang mga labi. The kiss was sweeter ang softer. Sinuyo ng mga labi nito ang mga labi niya.

A tear fell from her eye. She was just too happy. Pakiramdam niya ay natupad na ang matagal na pangarap niya. Alam niyang sina Clarice at Andrew ang nagmamahalan at naghahalikan, ngunit nais niyang dayain ang kanyang sarili kahit sandali lang. Nais niyang isiping hindi nila ginagampanan ang papel ng ibang mga tao.

They were Enteng and Jillian. Nais niyang isipin na nagmamahalan sila. Nais niyang isipin na walang nakapalibot na mga tao at camera sa kanila, na totoo ang lahat kahit na sandaling-sandali lang.

"Cut! Perfect, guys!"

Dahan-dahang pinakawalan ni Enteng ang mga labi niya. Pinahid nito ang umalpas na luha sa mata niya. Yumakap siya rito. Ginantihan nito ang yakap niya at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya.

Masaya na siya dahil kahit sandaling-sandali lang, napasakanya ito.

"HOW WAS it?"

Binuksan muna ni Jillian ang pinto ng unit niya bago siya nagtatakang tumingin kay Enteng.

"How's what?" Naglakad siya patungo sa kusina upang kumuha ng maiinom para sa kanila.

Pagkatapos ng shooting kanina ay naging kapwa sila tahimik. Pauwi na sila nang magyaya itong kumain. Pinaunlakan naman niya iyon. Ayaw niyang isipin nitong naiilang siya dahil sa halik na iyon. Pinauna na niyang umuwi ang personal assistant at driver niya. Tahimik din sila habang kumakain sa isang tahimik na restaurant.

"The kiss."

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na bote ng fresh orange juice. Why was he asking her that uncomfortable question? Sinikap niyang huwag manginig habang sinasalinan niya ng juice ang dalawang malalaking baso.

"How do you want me to answer that? Jillian's opinion or Clarice's?"

"Pareho."

Uminom siya ng juice. "Clarice thinks it's sweet and gentle. Full of love and adoration. Jillian thinks it's an act." Humugot siya ng malalim na hininga. "Simply meeting of two lips."

Kumunot ang noo nito. "That's it?"

"Why? Do I have to feel anything else?" Hindi birong enerhiya ang ginamit niya upang maging napakakaswal ng dating niya. "Why are we talking about it in the first place, huh? Ilang babae na ba ang nahagkan mo on and off cam? Tinatanong mo ba sila talaga nang ganyan pagkatapos?"

"No. It's just that..."

"Do I have to feel anything special about it?"

Nagulat siya nang bigla na lang siyang haklitin nito sa baywang. Bago pa man siya makapiyok, nasa mga labi na niya ang mga labi nito.

Napasinghap siya, nanlaki ang kanyang mga mata, dahilan upang mas manalakay ang mga labi nito. His tongue delved inside her mouth. The kiss was harsher this time. Tila mauubusan ito kung makahalik. Isinandal siya nito sa pader at lalong nilaliman ang halik nito. Ipinaikot niya sa leeg nito ang mga braso niya. Tinugon niya ang mainit na halik nito.

Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong binitiwan. Mabuti na lang at nakasandal na siya sa pader kung hindi ay nawalan siguro siya ng panimbang.

Gulat na gulat ang ekspresyon ni Enteng. Tila hindi ito makapaniwala sa nagawa. He left her without a word.

Nanghihinang dumausdos siya pababa sa sahig. Natulala siya. What had just happened? Nang dahil sa isang kissing scene ay nagbago ang lahat sa pagitan nilang magkaibigan. Nararamdaman niya iyon. Alam niyang baka hindi na niya kayang magkaila tungkol sa totoong nadarama niya para kay Enteng.

Tita Angie was right. Hindi niya mapaghihiwalay ang realidad sa pantasya kapag kasama niya si Enteng sa isang proyekto. Pakiramdam niya ay lalong lumago ang pag-ibig niya rito dahil kina Clarice at Andrew.

Why did he kiss her? In character pa rin ba si Enteng? Masyado bang naapektuhan ito sa character ni Andrew? Was it Andrew kissing Clarice? Or was it Enteng kissing Jillian?

Naluha siya. Mula sa simula, hindi talaga pumasok sa kanya ang karakter ni Clarice. She was Jillian all along—on and off camera.

KANINA pa minumura ni Enteng ang kanyang sarili. Paano niya nagawa ang bagay na iyon? It was Jillian! Hindi ito basta tulad ng ibang mga babae.

Bakit nahihirapan yata siyang magkontrol ngayon? Kahit maraming beses na niyang sinabi sa kanyang sarili na maghinay-hinay muna ay pilit pa ring umaalpas ang kontrol niya.

He wanted to devour Jillian. He wanted to kiss her more. He wanted to make her his. He wanted to love her in all possible ways.

He was so in love with his best friend. Matagal na niyang naamin iyon sa sarili niya. Tandang-tanda niya kung kailan niya tinanggap sa kanyang sarili na higit pa sa pagmamahal sa isang kaibigan ang nadarama niya para kay Jillian. It was the day they did an interview together. Sa parteng tinanong ng host ang, "Are you guys in love with each other?" Nais niyang sumagot ng "oo" ngunit alam niyang mali. Gulong-gulo pa ang isip niya noon. Kaya nga hinayaan niyang si Jillian ang sumagot nang sumagot sa mga tanong.

Dahil naguguluhan, lumayo muna siya rito at itinuloy na ang kanyang pagbabakasyon. Isa pa, ayaw na rin niyang makaistorbo sa paggawa nito ng pelikula nito noon. Nag-isip siya nang husto habang malayo siya rito. For years, he believed strongly that they were great friends and they would forever remain so. Suddenly, he didn't want the great friendship anymore. He wanted something more, something sweet and romantic. Kagaya ng mga nangyayari sa mga romantic show at films na nilabasan na nila.

Maybe, subconciously, he had always been in love with her. Hindi lang niya maamin sa kanyang sarili noon. Maybe, he was in denial for long.

Noong una niya itong makilala, nakaramdam na siya ng kakaiba para dito. Mga bata pa siguro sila noon para mapagtanto niya kung ano talaga ang kanyang nadarama. Nang tumagal, siguro ay mas pinahalagahan niya ang magandang pagkakaibigan na nabuo sa pagitan nila.

Could he risk everything now? Paano kung hindi naman umayon ang kapalaran sa kanya? Paano kung hindi siya nito mahalin sa paraang nais niya? Sisige pa rin ba siya? Was he prepared to lose her?

Hanggang sa matapos ang bakasyon niya ay hindi niya napagdesisyunan kung ano ang gagawin niya tungkol sa nararamdaman niya. Nang pagbuksan siya nito ng pinto nang puntahan niya ito pagbalik niya sa siyudad ay kamuntikan na niya itong nahagkan. He missed her so and she looked so delectably beautiful. Mabuti na lang at nakapagpigil siya noon.

Hindi nga niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang sabihin ni Tita Angie na tumanggap ito ng project para sa kanila ni Jillian. Pagkatapos ng napakatagal na panahong hindi sila nagkatambal sa screen ay biglang magsasama sila. Masaya siya dahil makakasama niya ito palagi. Hindi ito mahihiwalay sa paningin niya. Natatakot din siya dahil baka umalpas ang kontrol niya. Baka hindi niya maisabuhay nang maayos ang karakter na gagampanan niya.

Nagkatotoo ang mga ikinatatakot niya. Hindi nagkaroon ng buhay ang karakter ni Andrew. It was Enteng all along. Umalpas ang kontrol niya. Nang matikman niya ang mga labi ni Jillian ay nakaramdam siya ng matinding kaligayahan. He felt so complete. He felt so alive. Her lips were the softest and the sweetest lips he had ever kissed. He couldn't get enough of it. He felt like he could kiss her forever.

Kung hindi pa sumigaw ang direktor ng "cut" ay baka mas nalaliman pa niya ang halik. He exerted too much superhuman effort to compose himself. He concentrated too hard. The required kiss was supposed to be soft and sweet. Nais din niyang iyon ang maramdaman ni Jillian. He wanted it to be memorable for both of them. He wanted her to feel that it was not simply meeting of two lips, not simply an act. The kiss he gave her was full of love. Hindi na siya magtataka kung lalabas iyon sa telebisyon. Mararamdaman ng mga viewer na umaapaw ang pagmamahal ni Andrew para kay Clarice sa halik na iyon. But truth was, it was Enteng lovingly kissing Jillian.

What happened to her unit earlier was not planned. Hindi rin niya alam kung bakit bigla niya itong hinagkan. Basta nais lang niyang mapalapit dito. Pakiramdam din niya ay naa-addict na siya sa mga labi nito. At nainis siya nang bahagya dahil tila hindi ito apektado sa mga halik niya. Nang tumugon ito sa kanya kanina ay natuwa siya nang husto. Kasabay ng katuwaang iyon ay ang realisasyon. Napagtanto niyang nagkakamali siya sa mga ginagawa niya. If he would pursue her, he should take things slowly—step by step. Hindi naman ito katulad ng mga babaeng nakarelasyon niya.

Ngayon ay hindi niya alam kung paano ito kakausapin nang walang mararamdamang pagkailang sa panig nila pareho. Paano siya didiskarte ngayon? Paano niya liligawan ang kaibigan niya? Paano magiging maayos ang lahat sa pagitan nila?

Muli niyang minura ang kanyang sarili.

次の章へ