webnovel

Chapter 9. "Pain of the Past"

Chapter 9. "Pain of the Past"

Jana's POV

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.

Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti.

"Oh, anak may kasama kang-babae?" Hindi makapaniwalang tanong ng Mama niya sa kanya.

"Ma, naman alangin namang lalaki ang iuwi ko sa bahay." Natatawang sabi ni Takore. "Siya po pala si Jana, kaibigan ko." Pagpapakilala sa akin ni Takore. Ngumiti naman ako sa Mama niya.

"Hello po, good evening po." Bati ko rito. Tumango-tango naman ang Mama niya.

"Akala ko girlfriend mo na e." Sabi ng Mama niya saka tumawa. "Tara pasok na tayo sa loob." Paanyaya ng Mama niya saka naunang pumasok sa loob. Nagkatinginan na lang kami ni Takore saka pumasok sa loob.

Pagpasok sa loob ng bahay nila mas maganda pa pala ito sa labas. Malaki rina ang bahay nila at modern style. Pero natigil ako sa paglilibot ng tingin nang makita ko ang maraming box na nakakalat. Para bang bago silang lipat ng bahay.

"Takore, kakalipat niyo pa lang dito?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo naman siya sa sofa at nagtatanggal ng sapatos niya.

"Ah hindi, lilipat pa lang kami ng bahay." Paliwanag niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Binenta na kasi 'to ni Mama tapos may binili siyang mas mura. Alam mo matutuwa ka kung malalaman mo kung saan kami lilipat." Aniya't tumawa saka umalis dala ang sapatos niya. Sinundan ko naman siya ng tingin na bakas ang pagtataka sa mukha.

Hindi ko na inisip ang sinabi niya at tumingin-tingin pa sa bahay nila. Sa kakamasid ko hindi ko nakita ang isang kahon kaya ako natalisod nito, nabuhos naman ang laman ng kahon na nagsanhi ng ingay.

"Anong nangyari?" Tanong ng Mama ni Takore habang hingal na hingal mula sa pagtakbo parito sa sala.

"Pasensya po, nasagi ko po kasi 'tong-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang laman ng kahon. "Ang dami namang medals." Bulalas ko.

Natawa naman ang Mama ni Takore sa reaskyon ko. "Kay Xial lahat ng iyan." Aniya't inayos ang nabuhos kong mga medals. Tinulungan ko naman siyang ibalik sa kahon ang mga medals. "Napakatalinong bata. Magaling pa sa sports." Sabi ng Mama ni Takore.

"Ang swerte niyo naman po sa kanya." Masaya kong sabi at kinuha ang isang malaking medal. Binasa ko ang nakasulat sa medal. "MVP of the Year?" Tanong ko.

"Last year lang 'yan, hindi ba schoolmate kayo?" Tanong ng Mama niya at tumango-tango. "Ba't di mo alam na varsity ng basketball si Xial?" Nagtatakang tanong ng Mama niya.

Natawa naman ako. "Kasi po varsity din po ako, kaya hindi po ako nakakanuod ng ibang game." Paliwanag ko. Nakita ko namang namangha ang Mama niya.

"Anong sports?" Masiglang tanong niya.

"Volleyball po." Sagot ko. Mas lalo siyang namangha at na-excite sa sinabi ko.

"I was a volleyball player before." Aniya't umarte pang nag-sspike ng bola. Natawa naman ako.

"May pinagmanahan po pala si Xial." Masaya kong sabi.

"Kanino ako nagmana?" Sabay kaming napatingin ng Mama niya sa kanya nang magsalita siya sa likod namin. Nanglaki naman ang mata ko nang makita ko siya. Bakit? Ganyan ang hitsura niya? Ibang-iba kanina! Nakasuot siya ng makapal na salamin at nakatali pa ang bangs niya! Pero ang mas nandiri ako ay sa suot niyang pajama, pajama na may spongebob print.

Hindi ko napigilan ang hindi magpigil ng tawa. "Hoy, ba't ka natatawa?" Asar niyang tanong sa akin.

"Wala!" Sagot ko. Pati ang Mama niya sumabay na sa pagtawa ko.

"May mali ba sa suot ko?"Tanong niya sa amin.

"Hindi okay na okay 'yan." Natatawa kong sabi. Siguro kung makikita ng mga babae sa school ang ganitong hitsura ni Takore, maraming babae ang iiyak at magpapakatiwakal.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ng Mama niya sa amin.

"Opo, Ma." Sagot ni Xial. "Hoy tara na Jana.Tuturuan na kita." Tawag niya sa akin.

Umakyat na kami sa kwarto niya sa second floor nila. Malaki ang kwarto niya at maganda ang ambiance sa loob kaso nga lang nakakakahon na rin ang ibang gamit niya.

Naupo ako sa kama niya. Malambot ito at malinis. Checkerd ang design ng bedsheet niya katerno ang una at kumot niya. Humiga na ako sa kama niya. Nakakapagod ang nangyari ngayong araw. Buong araw yata kaming nasa labas nitong si Takore.

"Jana" Rinig kong tawag niya sa akin. Bumangon naman ako sa kama. Pagbangon ko,nakalahad sa akin ang kamay niya na may hawak na damit. "Magpalit ka na muna." Sabi niya. Kinuha ko ang damit niya. Tiningnan ko ang damit, kulay white na Culture Shirt at isang jersey short. "Bago 'yan wag kang mag-aalala." Natatawa niyang sabi.

Tumayo na ako at tinuro niya sa akin ang CR niya sa kwarto. Pagpasok ko sa CR niya, bigla akong natahimik at nakaramdam ng hiya. Kakaiba rin ang kaba sa dibdib ko. Kung tutuusin ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto ng lalaki. Nilibot ko ng tingin ang loob ng CR niya. Pati na rin sa CR ng lalaki ito ang unang beses ko. Hindi ba parang nakakahiya sa kanya? Pero in all fairness, malinis ang CR ni Takore at mabango.

Nagbihis na ako ng binigay niyang damit. Naghilamos na rin ako pero walang towel kaya lumabas akong basa ang mukha. Nagulat naman si Takore nang paglabas ko ay basa ang mukha ko.

"Oh teka kukuha ako ng bagong towel." Saad niya. Pareho naman kaming nagulat nang pagbukas niya ng pinto niya ay naroon ang Mama niya't muntik pang matumba. "Ma, anong ginagawa mo diyan?" Inis niyang tanong sa Mama niya.

"Ah, wala." Maang-maangan ng Mama niya. "Towel ba?" Pagbabago nito ng usapan. Nakita kong nairita si Takore at nasapo na lang ang palad sa noo saka lumabas ng kwarto niya. Nagkatinginan naman kami ng Mama niya at nagngitian saka ito sumunod sa kanya.

Pag-alis nila, naiwan na akong mag-isa rito sa kwarto ni Takore. Tiningnan ko kung ano ang ginagawa niya kanina sa study table niya.

"Mukha hinahan-ano 'to?" Bulalas ko nang makita ko ang mga nakasulat sa notebook niya. "Math ba 'to? Ba't parang hindi ko naman alam 'to?" Kinakabahang sabi ko. Binasa ko ang mga nakasulat pero ni isa wala akong maintindihan. Talaga ngang pinagkait sa akin ang pagmamahal sa subject na Math sa mga numero!

Napatayo naman ako nang bumukas ang pinto, ang Mama ni Takore na may dalang towel.

"Ito na hija." Nakangiti sabi nito saka inabot sa akin ang towel. Kinuha ko naman ang towel at nginitian siya.

"Salamat po." Saad ko saka nagpunas. Naupo naman ang Mama niya at pinanuod ako habang nagpupunas ng mukha. Nakangiti lang siya sa akin habang pinapanuod ako, medyo nakaramdam naman ako ng hiya.

"Alam mo ba, ngayon na lang ulit nagdala ng kaibigan si Xial dito." Kwento niya. Bumakas naman ang interes sa aking mukha. Kung tutuusin, hindi ko pa nga lubos na kilala si Takore. Oo nakikita ko siya noon sa school dahil nga sikat siya sa mga babae, pero wala akong interes sa kanya noon dahil na kay Julius lang at sa volleyball ang atensyon ko. Hindi ko rin alam na player din pala siya sa school.

Nakinig pa ako sa kwento ng Mama niya. "Tingnan mo 'to." Sabi nito saka kinuha ang isang picture frame na may litrato ng isang lalaki. Tiningnan ko naman ang picture, nakasalamin ang lalaki sa picture habang may nakasabit na medal sa leeg, mukhang kinuha noong recognition day. May brace din ang lalaki at katso pa ang style ng buhok.

"Kapatid po ni Xial?" Nakangiting tanong ko. Nakita ko namang natawa ang Mama niya sa tanong ko kaya nagtaka ako.

"Si Xial 'yan." Natatawang sabi ng Mama ni Takore. Nanglaki ang mata ko at muling tiningnan ang nasa picture. Hindi ako makapaniwala na siya 'to! Ibang-iba ang hitsura niya dati kesa ngayon. Oo aaminin ko nang gwapo nga siya pero dati pala siyang ugly duckling. Nagtawanan kami ng Mama niya.

"Well, nawala ang Xial na 'yan matapos ang nakakalungkot na nangyari sa anak ko." Kwento ng Mama ni Takore. Nakita ko namang naging seryoso ang mukha at tono ng boses nito. "Pero hanggang ngayon, mukhang umaasa pa rin si Xial na bumalik siya." Saad nito't kinuha naman ang isa pang litrato at inabot sa akin. Tiningnan kong mabuti ang larawan. Isang magandang babae, mahaba ang buhok at maganda ang ngiti ng babae.

"Sino po-" Hindi ko na natapos ang tanong ko nang pumasok si Xial. May dala itong tray na may laman na bowl of kiwi at papaya, dalawang tasa at isang maliit na takore. Nagkatinginan kami ng Mama niya.

"Oh siya hija, matutulog na ako." Paalam ng Mama niya. "Anak, ikaw na ang bahala sa kanya ah, wag kang gagawa ng kalokohan." Pagsabi nito kay Xial.

"Ma naman, mag-aaral lang kami." Iritang sabi ni Xial. Tinawanan naman siya ng Mama niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

Inilapag niya ang tray sa study table niya. "Ano namang sinabi sa'yo ni Mama?" Tanong niya sa akin.

"Wala pinakita niya lang sa'kin 'to!" Tinaas ko ang picture niyang nakakatawa, iyong nakasalamin at brace siya at tumawa ng malakas. Pero nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Natahimik ako at natigil sa pagtawa at tiningnan ang hawak kong frame, nabigla naman ako nang makita kong larawan ng babae ang nasa frame. Mali ako ng naitaas na frame!

"Hays, si Mama talaga." Inis niyang sabi. "Akin na 'yan." Seryoso niyang sabi saka kinuha ang frame sa akin. Napansin ko namang inis na inis siya.

"Sino ba siya?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. "Hoy sino ba siya?" Pangungulit ko pero panay pa rin ang sulat niya. Napanguso ako. Marunong pala siyang magseryoso at mukhang malakas talaga ang hatak sa kanya ng babaeng nasa picture.

Humiga ako. Nagsusulat pa naman siya eh.

"Siya si Jasmine, ex ko." Napabangon ako sa sinabi niya. Nagtama ang mga mata namin, kitang kita ko ang seryoso niyang matang nakatingin sa akin. Habang nakatitig sa mga mata niya, kita ko ang galit mula roon.

次の章へ