webnovel

No More Miss Nice Girl

ILANG ULIT NA PINAKINGGAN NI CAMILLE ang humigit-kumulang na sampung minutong downloaded audio recording mula sa phone ni Brett. Hindi siya makapaniwala. Pati ang time stamp ng mga phone calls—ganun ka-detalyado ang Android app na nilikha ni Jack—nakalagay dun. Ang huling phone call ay sa isang babaeng nagngangalang Erika. Nagpupuyos ang kalooban ni Camille; para siyang mabubulunan.

"Wait kita after ng Prom. Hatid ko lang si Camille. I'm sure hindi makakahalata yun."

Hindi maitatangging boses yun ni Brett.

"Ha ha ha ha! Ibang klase ka talaga. Napaka-busy mo ha," sabi ng boses ng babae, na Erika ang pangalan. Sa house na lang tayo. Wala naman si Mommy at Daddy. Ako lang mag-isa magdamag."

Napakalandi ng bruhang to!

Isa pa lang yun. May Joanna pa. May Sandra pa. May Cherry pa. May mga iba pa. Aba matindi, siguro'y masasabi ni Jack kung narito lang yun, hanep pala ang time management nitong si Brett ah. Professional!

Ang galing nga ng EasySpy ni Jack—sa loob ng isa't kalahating araw, ilang dosenang phone calls ang nadownload nito remotely mula sa phone ni Brett, at lahat ng iyon ay automatic—ni hindi niya alam na nagtatrabaho ang app habang gamit niya ang phone. Mas maa-appreciate sana ni Camille ang pagiging genius ni Jack kung hindi lang masamang-masama ang loob niya. Naniningkit na ang mga mata niya. Humanda kang Brett ka. Hindi kita patatawarin.

Sa labas ng CR, dumadagundong na ang ingay ng mga fans. Malapit na kasing matapos ang second quarter. Lamang pa rin ang team ni Brett. Biglang naisip ni Camille: kapag nanalo ang lecheng ito, lalong tuwang-tuwa ang Brett, lalong magpapakasasa sa lahat ng mga babaeng mauuto ng kakisigan niya.

No more Miss Nice Girl.

Tila bagyong lumabas ng CR si Camille, dire-diretso paakyat ng stage kung saan nakaupo ang panel ng mga organizers. Diretso sa upuan niya, na napapagitnaan nina Mrs. Santos at Miss Rodriguez. Bigla na lang niyang hinablot ang mic sa magsasalita sanang si Mrs. Santos.

"Brett, hayup ka," bulyaw ni Camille sa microphone. "Break na tayo. Hinding hinding hindi ka na makakabalik sa akin! Magsama kayo ng Joannang iyan, pati na ng Erika, Sandra at kung sino-sino pang kalukadidang mo!"

Napahinto bigla ang lahat—pati ang basketball game. Lahat napalingon kay Camille. Pero hindi pa ito tapos. Biglang idinikit ni Camille ang phone niya sa mic habang naka-play pa rin ang EasySpy.

"Sa house na lang tayo, tutal wala naman si Mommy at Daddy. Ako lang mag-isa magdamag," boses ni Erika, dumadagundong sa PA system ng buong school.

Press Next audio clip:

"Hi, Joanna. What's up? Are you free Saturday night?"

Tila pusang lampong ang boses ni Joanna: "Oo naman, basta for you. Same place lang ba?"

Ibinaba ni Camille ang mic, nakatitig kay Brett. Ang lahat ay napalingon tuloy sa lalaki, na noon ay nakatayo sa gitna ng basketball court, hawak pa ang bola. Tulala ito. Pero hindi pa tapos si Camille: binawi ulit ang mic sa namamanghang si Mrs. Santos. "Ma'am, at sa lahat ng mga teachers, gusto ko lang malaman nyo, AKO ang taga-gawa ng mga assignments ni Brett. Walang alam iyan kundi mambabae! Kaya tama, yakapin mo iyang bola na iyan, kasi mambobola ka naman talaga."

Mambobola-la-la-la-la, echo ng mga speakers sa buong school.

Sabay walk-out. Walang lingon-likod. Puro pula ang nakikita ni Camille—kung may nagkamaling humarang sa daan niya nang mga sandaling yun, malamang nasaktan niya ito. Tapos na ang trabaho niya para sa Foundation Week. Tapos na rin ang chapter na ito ng buhay niya. Move-on, move-on din pag may time.

Pero saan nga ba siya magsisimula muli?

次の章へ