Special Chapter 61.9:
Haley's Point of View
Rinig na rinig ang ingay na nanggagaling sa insektong Cicada sa labas nung bintana ng classroom gayun din ang bawat pagsipa ng bola sa Soccer Field. Ramdam ang sobrang init sa loob ng classroom, nagkataon na sira ang mga aircon at Electric fan kaya ngayon ay may mga sari-sarili kaming hawak na pangpaypay tulad ng cardboard na nanggagaling sa lengthwise paper, filler notebook. May iba naman na may mga portable mini fan habang nagsusulat ng lectures.
Pinayagan kaming maghubad ng blazer dahil sa sitwasyon namin ngayon pero ang hindi namin ikinatuwa ay magkakaroon kami ng activity pagkatapos lang nang kaunting lectures ni Sir Santos.
Sumalong-baba ako't hinipan ang bangs ko. Si Reed naman na nandoon sa tabi ko ay halos humiga na roon sa inuupuan niya. Si Kei naman, may hawak ding mini fan. Pinapahiram niya 'yon sa akin kanina pero tinanggihan ko dahil kaya ko naman kahit papaano ang init.
Ibinaba ni Sir Santos ang white board marker niya sa table at humarap sa amin. "Magpalit na kayong lahat at dumiretsyo na sa open gym."
"Open gym? Bakit? Walang aircon do'n, Sir! Nakikita mo ba 'yung singaw sa labas?" Tinuro pa nung kaklase kong 'yon ang labas ng bintana with matching pagtayo pa.
"Sir, hindi namin kaya 'yung init! Sa PLC tayo!"
Kanya kaya nilang reklamo sa adviser namin.
"May gumagamit sa PLC kaya huwag na kayong magreklamo diyan at bilisan n'yo. Isang oras lang tayo sa baba!" Walang nagawa ang lahat kundi ang sumunod. Tumayo na nga lang ako at tiningnan si Mirriam at Kei na kinukuha ang mga gamit nila pangpalit ng damit dahil sabay kaming pupunta sa banyo. Samantalang si Harvey naman, pumunta kung nasaan si Kei.
"Kukunin ko lang sa locker ko 'yung sako, iniwan ko kasi ro'n." Sinabi 'yon ni Harvey at inilayo ang tingin. Magka-grupo kasi sila sa gagawin naming sack race mamaya. Sila ni Reed, Jasper, Kei, at Harvey samantalang kasama ko naman sila Mirriam, John, at Rose.
"Talagang kay Kei mo lang sinabi? Baka ka-grupo mo rin kami?" sarkastikong pagkakasabi ni Reed kahit nang-aasar lang talaga.
Humawak ako sa aking noo. "You really don't know how to read a room." Mahina pero sapat lang para marinig niya ang sinabi ko kaya nagsisimula nanaman 'yong bunganga niya. Subalit hindi ko na napagtuunan ng pansin dahil pumukaw sa atensiyon ko 'yung naghaharutang si Jasper at John. Nagbabatukan at nagtutulukan silang pareho habang nagtatawanan noong madulas si Jasper mula sa malakas na pagtulak ni John.
Tumama ang likod ni Jasper sa likod ni Harvey na siyang dahilan para bumagsak nang paunti-unti ang katawan nito papunta kay Kei. Nagkanya-kanya kami ng reaksiyon, tila parang nag slow motion ang paligid habang sinusubukan namin siyang abutin upang hindi matumba.
Mabilis na pumagitan si Reed sa dalawa kaya nasalo ni Reed si Harvey. Nakabaon ang mukha ni Harvey sa balikat ni Reed nang iangat niya ito at tingnan ang nakasimangot na si Reed.
"Mag-ingat ka nga. Paano kung bumagsak ka talaga nang tuluyan?" Naiinis pero nag-aalalang sambit ni Reed na siyang nagpaawang-bibig kay Harvey.
"Reed…" Tawag ni Harvey sa pangalan nito na parang na-touch pero nawala rin at napalitan ng pagka iritable bago itulak si Reed palayo. "Kadiri! Lumayo ka nga sa 'kin!"
"P*tangina mo! Kung hindi kita nasalo, mababagsakan mo si Kei!" At nagsimula na silang mag-away habang inaawat lang sila ni Kei. Tinawag ko na nga lang si Mirriam para ayain na siyang magbihis dahil nararamdaman ko na 'yung masamang tingin ni Sir Santos.
***
"Group B and E! Ready?" At itinaas ni Sir Santos ang kamay niya upang makita namin ang senyas.
Inayos namin ang mga tayo naming apat ng ka-grupo ko. Hindi namin inaasahan na kami pa talaga 'yung mauuna. Sila Reed, Kei, Jasper, and Harvey ang kalaban namin na nandoon sa kaliwa lang namin.
Inayos ko ang jogging pants ko saka ako nagulat sa biglaang paglabas ng malanding boses ni Rose. "Iyahh ~ Ano 'yang nadidikit sa perlas ng silanganan ko?" Pati mukha niya, para akong nilalandi!
"Tumigil ka nga sa kakaungol mong babae ka! Saka ang layo ng kamay ko sa'yo, ah?!" Naiinis kong wika sa kanya na may kaunting hiyang nararamdaman pero humalakhak lang siya.
"Baka nakakalimutan n'yong may kasama tayong lalaki?" Pilit na ngiti ni Mirriam sa tabi ni Rose. Na sa kanan siyang bahagi katabi ni John.
"Okay lang 'yan, isipin n'yong babae rin ako." Pag thumbs up ni John na may pagkindat pa sa'min kaya binigyan siya ng walang ganang tingin ni Mirriam.
"That's not the issue here."
Lumingon si Rose sa kaliwa namin. Nagkakagulo 'yong apat sa pagtayo nila at madalas bumagsak si Jasper kaya nasasama 'yung iba. "Medyo ang funny na magkasama 'yung former Trinity4."
"Ah, I know what you mean." Pagtango ni Mirriam.
Tumaas ang kaliwa kong kilay at tiningnan ang apat na may pag-aalala sa mukha ko. "Pero okay lang kaya sila?"
"Hoy! Ano ba 'yang ginagawa n'yong apat diyan?!" Turo ni Sir Santos kila Kei.
"Sir! Ang gulo po ni Harbe!" Paninisi ni Jasper kaya nakatikim siya ng panunulak ni Harvey.
"Gag*." Mura ni Harvey.
"P-Pwede bang ayusin na natin 'to dahil kanina pa tayo bumabagsak." Suway ni Kei saka sila umayos nang tayo.
Pumunta na sa harapan namin si Sir Santos kung saan ang pinaka finish line namin na may dalawang upuan sa magkabilaan niya at muling itinaas ang kamay. Pumito siya senyales na mag ready.
Kaya pumusisyon na kami ng ka-grupo ko, at noong ibinaba na niya ang mga kamay paharap, nagsimula na kaming magtatatalon kasama ang sako namin. Nagbibilang din kami para sabay sabay kaming pumaabante.
Akala namin, madali lang namin matatapos ang laro pero mukhang nahahabol kami nung apat at napapantayan kami.
Wala rin silang balak na magpatalo.
"Hoy, Haley! Kapagka nanalo kami rito, lilibre mo kami mamaya ng Milktea!" Hamon ni Jasper.
"Ang yaman yaman mong tao, magpapalibre ka?!" Hindi makapaniwala kong sabi at kamuntik-muntikan pang matumba saka nagpatuloy sa pagtalon.
"Uy, kayong anim lang ba? Sama naman ako."
"Ako rin, ako rin! Masarap ang libre."
Napatingin naman ako kina John at Rose. "Ayoko! Nagtitipid ako." Pagtanggi ko.
"Then try not lose to us." Panghahamon ni Reed kaya ngumisi ako.
"Don't underestimate me." Pagtanggap ko sa little game namin kaya mas napabilis ang pagtalon namin makarating lang sa finish line.
Nangunguna kami pero minsan nahuhuli. Subalit nang malapit lapit na kami sa finish line, napatingin kami sa kabilang grupo dahil palapit nang palapit sa amin. "Lumayo kayo, mababangga kayo sa 'min!" si John.
"Hoy naman kasi, Jasper! Umayos ka!" si Reed.
"G-Guys… napapagod na 'ko…" Hinihingal na sabi ni Kei.
"Bakit ako sinisisi n'yo?!" ani Jasper.
Nabunggo sila sa amin kaya inis ko silang tiningnan. "Kapag kami natumba dito, malilintikan talaga kayo sa 'kin!"
"Eek! Haley, tingnan mo 'yung mukha mo. Nagiging dragon nanama-- Whoa!" Natalisod si Jasper at patagilid silang matutumba kaya kahit pilit namin silang iwasan, hindi na namin nagawa dahil magkalapit lang kami sa isa't isa.
Patagilid akong bumagsak para hindi tumama ang mukha ko sa simento at para braso ko ang tumama sa gilid ng ulo ko.
Subalit dahil sa lakas nung bagsak ko, tumama 'yung buto ng beywang ko sa sahig kaya nananakit siya ngayon. "Aray…" Mahina kong sabi bago ko iminulat ang aking mga mata, nagkasabay kami ni Reed. Walang ideya kung paano nangyari na malapit lang ang mukha namin sa isa't isa.
Bakit ba 'to palaging nangyayari?!
Why the hell are you staring at me?! Why are you so red?! It's making me embarrassed!
Pero mukhang mas nakakahiya pa yata nung nakita ko.
"Mmh!" Umangat ang kalahati ng katawan naming mga na sako para makita si Kei lalo pa nung makita ko ang mga gulat na ekspresiyon sa mga kasama ko.
Napasinghap noong makita namin na nakapatong si Kei kay Harvey at magkalapat ang labi habang pulang pula ang mukha.
Malakas na napasigaw ang lahat lalo na ang mga kalalakihan, ang mga kaklase naming babae, Chine-cheer pa ang dalawa kaya siguro dahil sa hiyang nararamdaman ni Kei, umalis siya kaagad sa loob ng sako at tumakbo paalis.
"Kei--" Tawag ko kasabay ang pagtayo, tatakbo na rin sana para habulin siya pero natalisod ako sa nakalawit na thread galing sa sako kaya bumagsak din ako. Sa pagkakataon na 'to, ako naman ang nakapatong kay Reed. But it's a good thing na bago pa man magdikit ang labi namin, tinakpan ko na kaagad ang bibig ko. Kung kaya't ang likurang palad ang nagawang mahalikan ni Reed imbes na 'yung akin.
Nakita ko ang adviser namin na napasapo sa mukha habang napapikit naman sa ere ang iba naming kaklase. "Sayang!" Sabay-sabay nilang sabi na akala mo nanonood ng kung anong palabas.
Lumuhod ako't dahan-dahang tumayo.
Naniniwala na talaga ako na pinaglalaruan ako ng tadhana. Hindi man lang niya kami hayaan na magkaroon ng matinong kissing scene?
Hindi ako makakapayag na hanggang accidental na lang ang lahat ng nangyayari sa 'min!
Tinuro ko si Reed nang makatayo na ako nang maayos, marka sa mukha niya ang pagtataka. "I won't allow you anymore." Wika ko na mas lalong nagpagulo sa kanya pero dikit-kilay ko lamang siyang tiningnan.
***
SA BAHAY ng Rouge Residence, nag-iiiyak si Kei habang naglalabas ng thoughts n'ya regarding doon sa nangyari kanina sa P.E namin.
"O-Okay lang 'yan, they don't mind naman saka alam naman nilang aksidente 'yung nangyari." Pagpapatahan ni Mirriam habang hagod hagod ang likuran ni Kei.
Naglakad ako papunta sa dalawa, pinagtimpla ko sila ng Iced Tea.
Niyakap ni Kei ang mga binti niya. "Nakakahiya pa rin… 'Tapos inaaway-away nanaman ako ni Kath."
Nilapag ko ang inumin namin sa glass table saka ako tumabi kay Kei. "Ano nanaman ba'ng sinabi no'n?" Taas-kilay kong tanong at tukoy kay Kath.
Inangat ni Kei ang ulo niya upang makita ako. "Hahalikan daw niya ako para kunin 'yung inagaw ko sa labi ni Harvey." Sinabi talaga niya 'yan na may kasamang pag puppy eyes.
Pareho kaming namula ni Mirriam. "Really?" Shook na tanong ni Mirriam. "Kinky." Dagdag nito.
Napairap naman ako sa kawalan. "Abnormal talaga 'yung babaeng 'yon…" Tukoy ko kay Kath kasama ang pagpikit pero iminulat din ang kaliwang mata noong magsalita si Mirriam.
"But that wasn't the first time that you actually met your lips, right? I mean, naging kayo." Curious na tanong ni Mirriam.
Napahawak si Kei sa dibdib niya. "Meanie."
Natawa ako nang kaunti sa reaksiyon ni Kei. Para kasing bata.
"Is that a no?" Tanong ni Mirriam na may pagsimangot.
Tumungo naman si Kei while fidgeting. "O-Of course not. M-Maraming beses na rin..." Nahihiya niyang sagot na nagpatulala sa amin ni Mirriam. Napatingin siya sa aming dalawa bago mapapikit nang mariin. "H-Huwag na nga nating pag-usapan 'yan." Tumayo na siya. "Pupunta na muna ako sa kusina, hahanap ako ng makakakain-- oh, Hi, Chummy!" Bati niya sa pusa ko na bumungad sa kung saan.
"Meow ~" Parang pabati namang sagot nung anak ko at nilampasan kami.
Napatingin kami ni Mirriam sa isa't isa. "Ikaw?" Tanong ko kaya mas namula 'yung pisngi niya kaysa kanina.
"N-Not yet." Sabay iwas ng tingin.
"I doubt. So ano nga feeling?" tanong ko na may kuryosidad.
Umurong ang ulo niya at umusog palayo sa akin. "I-It's not something you talk about, and I wouldn't tell you even if we did!"
Tumalikod ako sa kanya at nagkibit-balikat. "Nagawa mong itanong kay Kei pero nung ako na ang nagtatanong, ayaw mong sagutin." Pangongonsensiya ko.
"Sa'yo ko kaya itanong, eh 'no?" She said bashful, "Ay, huwag na pala. Paano mo mararanasan kung puro kayo away ni Reed?" At ngayon nang-aasar siya?
Lumingon ako sa kanya na may pagsalubong sa kilay ko. Pero napangisi rin pagkatapos. "Edi parang sinasabi mo nga na may kissing experience ka na?" Nanlaki ang mata niya saka ako umupo patagilid sa kanya. "Come on, there's nothing to be ashamed of. It's just a kiss." Muli kong pagkibit-balikat at pasimpleng naglayo ng tingin. Ipinagdikit ko rin ang mga labi ko.
"I hate you! Nakakainis ka!" At bigla niya akong pasakal na inakbayan para guluhin ang buhok ko.
"Luh! Huwag!" Awat ko sa kanya at pilit siyang inilalayo sa akin. Dumating na si Kei na may dala-dalang isang platito na may nakapatong na slice of cake. Bumili si Mama niyan kasi nag crave siya.
Tumusok siya ng cake sa matulis niyang tinidor at sinubo. "Gusto n'yo ng cake?" Pag-alok niya. "Kaso wala na." Dugtong niya.
"Hindi ka na sana nag-alok!" si Mirriam.
*****