webnovel

Tears of Agony

Chapter 60: Tears of Agony 

Haley's Point of View   

  Tungo lamang akong nakatulala sa lupa habang nakikita ko sa aking peripheral eye view ang patuloy na pagbagsak sa gumuhong gusali. Nang aking tingnan niyon, mas lalong nawalan ng buhay ang mata ko habang bumababa nang paunti-unti ang aking mga luha. Napapaawang-bibig ngunit napapatikum din. 

 

  Dahan-dahan akong tumayo, hindi inaalis ang tingin sa baba. Wala sa katinuan na naglakad paalis dahilan para tawagin ako ni Roxas. "Saan ka pupunta?" Tanong niya pero hindi ko sinagot. 

  Naglakad pa ako nang ilang hakbang noong marinig ko ang pagsinghap nila Reed. Sa patuloy kong paglalakad, huminto ako dahil may mga paa akong nakita. 

  Tumingala ako upang makita kung sino 'yung taong humarang sa dinadaanan ko. 

Si Lara na pasan pasan ang walang malay na si Mirriam. Nanlaki ang mata ko ngayong nakatingin ako sa mukha ni Lara na seryoso lang din na nakatingin sa akin. 

  "Ano'ng… ibig sabihin nito?" Rinig kong tanong ng nanghihinang si Sir Santos. "May kambal si Haley?" Dugtong nito na mukhang sinagot naman ni Reed sa pamamagitan ng pagtango. 

  May iilang dumi sa mukha ni Lara dahil siguro sa usok na nanggagaling sa gusali sa loob pero wala naman akong nakikitang galos o pasa. 

  Marahan niyang ibinaba't inihiga si Mirriam sa may dahunan habang ramdam ko ang dahan-dahang paglapit ni Reed kasama si Sir Santos. Sinalubong naman ni Roxas si Lara at tinanguan bago ito tuluyang umalis. "Kukunin ko lang 'yung sasakyan." si Roxas.

  Sinundan panandalian ni Lara si Roxas bago ibinalik ang tingin kay Mirriam. "Nakuha ko si Mirriam, pero may iilan pang nakatakas…" Sinasabi niya iyan ng walang kare-reaksiyon. Pero nakita ko 'yung paniningkit ng mata niya sa sunod niyang sinabi. "I'm sorry." 

  Hindi ko nagawang makapag salita dahil hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin. Wala akong ideya sa kung ano ang dapat kong ipakitang emosyon, masaya ako dahil buhay sila. Masayang masaya ako, pero… 

  Inilipat ko ang tingin kay Mirriam. "Ano'ng… nangyari kay Mirriam?" Tanong ko. "Buhay naman siya, 'di ba?" Paanas kong tanong pero sapat lang para marinig niya. 

  Napatakbo si Jasper papunta kay Mirriam. Pabagsak na lumuhod at binuhat ang balikat ni Mirriam, wala siyang suot na saplot at ang tanging nagtatakip sa kanyang hubad na katawan ay ang itim na jacket yata ni Lara. 

  Tumayo na siya at diretsyo akong tiningnan sa mata. "She's alive, pero hindi ko masasabing makakabalik siya sa buhay na mayroon siya dati." 

  Bumuka ang bibig ko at animo'y may biglang bumigat sa dibdib ko. May ideya ako sa pinaparating niya, at dahil sa ayaw kong tanggapin na mayroon ngang nangyari kung saan iyon nga ang kinatatakutan ko. 

  Nagmaang-maangan ako. Kasi ano ba ang malay natin? Baka mali lang pala ako ng iniisip? 

  "Ano ang ibig mong sabihin? Anong hindi na siya makakabalik sa buhay na mayro'n siya dati? Pwede bang diretsuhin mo na lang ako? Palagi kang ganyan, eh. Ang dami-dami mong sinasabi, pero hindi mo sa akin ipinapaliwanag nang mabuti. Kaya hindi kita maintindihan." Hinihingal kong sabi dahil lumalakas ang pagpintig ng puso ko lalo pa nung medyo lumalim na 'yung paraan ng pagtitig niya. 

  Tumalikod siya sa akin at tumingala para tingnan ang kalangitang padilim na. Ikinuwento niya ang mga kaunting pangyayari na siyang nagwasak sa puso ko. 

"She was sexually harassed after they gave her the Aprosidiac Drugs--" Patuloy niya sa pagpapaliwanag. "…pero wala akong ideya kung ipinilit nila 'yung sarili nila sa kanya." Tukoy niya kay Mirriam. 

  Hindi pa rin pino-proseso ng utak ko 'yung buong kwento. Mas lalo lang akong natulala kaysa kanina. 

  Dumating na si Roxas kasama ang sasakyan na ginamit namin kanina. 

  "Let's go--" Hindi naipagpatuloy ni Roxas 'yung sinasabi niya nang magsalita ako. 

  "This is all your FAULT!" Paninisi ko sa sarili kong kapatid habang galit akong nakatingin sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin at walang imik. "Kung hindi lang naman dahil sa 'yo, hindi naman 'to mangyayari lahat, eh! Kung hindi ka nagpakita ulit sa 'kin, she won't suffer!" Tukoy ko kay Mirriam na buhat pa rin ni Jasper sa balikat. "I won't suffer from all of this sh*ts!" Nanggagalaiti kong sigaw sa galit pero hindi pa rin niya ako nagawang sagutin. 

 

  Nakaharap pa rin ang tingin niya habang walang imik, pero nagawa ring lumingon sa akin pagkatapos. Nagsisi ako sa sinabi ko pagkatapos kong makita ang napakalungkot niyang mata na parang sinasabi niya na sisihin ko lang siya hangga't gusto ko. 

  Parang tanggap niya kung ano man 'yung mga masasamang salita ang ibubuga ko sa kanya. 

  "You're right." Tanging sabi niya na mas nagparamamdam sa akin ng galit. 

  "Listen, you know you're being--" Ipapatong ko pa lang 'yung kamay ko sa balikat niya ay mabilis at malakas niya akong tinulak para hindi ako matamaan ng bala. Napaupo ako sa dahunan at napatingala. Laking gulat na imbes ako ang matamaan ng bala, sa braso ni Lara ito tumama. May umuusok pa sa balat niya at makikita sa mukha niya na namilipit siya sa sakit. Subalit sandali lamang iyon dahil mabilis siyang naka-compose at itinutok ang baril sa lalaking nagputok ng bala. 

 

  Hindi siya natamaan at nakaiwas kaagad. Tumakbo na rin siya paalis kaya hahabulin pa sana ni Roxas nang pigilan siya ni Lara. "Let him." 

  "Are you sure?" Paninigurado ni Roxas. 

  "Hayaan natin siya, mas maganda kung iisipin nila na natamaan nila ako para ma-overwhelm sila at magkaroon ng disadvantage for knowing that they were able to shoot me." Paliwanag ni Lara at tumayo nang maayos kasabay ang pagpunit ni Roxas ng damit niya para ibuhol iyon sa brasong patuloy sa pagdudugo. "Isa pa, wala silang lakas ng loob na sabihin sa nakatataas nila tungkol sa pamilya ko, matataas ang pride nila pagdating sa posisyon at pera." 

  Nanatili pa rin akong nakaupo habang nanginginig na nakababa ang tingin. Nilapitan ako ni Reed para tulungang tumayo at tinatawag na rin niya ako pero tila parang wala akong naririnig. 

 

  Bakit umaarte si Lara na parang walang nangyari sa kanya at patuloy lang siya sa ginagawa niya para lang sa amin? 

  Tumingala ako para makita ang braso ni Lara na nakabuhol sa punit na damit ni Roxas. "Kailangan na nating umalis dito." Rinig kong sabi ni Roxas. 

  Mali. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit kami napunta sa sitwasyon na 'to. Hindi ko dapat sinisisi si Lara sa mga nangyayari ngayon dahil ako talaga ang nagdala sa kanila sa kapahamakan. Ako ang naging dahilan, bakit ko 'yon nakalimutan? 

  Pumunta sa harapan ko si Lara at inabot ang kamay sa akin. Ibinaba ko ang tingin sa kamay niya. 

  Bakit? Bakit matapos ko siyang bigyan ng masakit na salita, pinipili pa rin niya akong tulungan? 

  "We have to move, Haley." Malumanay niyang sabi kaya kinuha ko na ang kamay niya saka niya ako tinulungang tumayo. Binitawan niya rin ako pagkatapos kaya nanatili ang kamay kong nakaangat. Saka ko lang ibinaba nung tinalikuran na niya ako't naglakad. 

  Binuhat na ni Jasper si Mirriam, malungkot itong nakatingin pero nagpatuloy pa rin sa kanyang paglalakad upang sundan si Roxas na pumasok ulit sa sasakyan. 

  Tumabi si Reed sa akin at tumango. Sinundan na rin niya sila Lara, samantalang naiwan naman ako rito sa kinatatayuan ko. 

Unti-unting ibinaba ang ulo't napayukom ang mga kamao bago humakbang. 

*** 

  "ANO 'YUNG NANGYARI SA ANAK KO?! JASPER! MAGSALITA KA NAMAN." Naghe-hysterical ang ina ni Mirriam matapos namin silang tawagan kanina na nandito sa ospital si Mirriam. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. 

  Umalis sila Roxas para ipagpatuloy ang pagte-trace sa isa o iba pang kalaban kaya naiwan kami rito ni Jasper. Si Reed kasi, nandoon sa kwarto ni Sir Santos at binabantayan ito. 

  Samantalang hindi pa namin sinasabi kina Kei kaya wala silang alam na nasa ospital kami ngayon. 

  "Airam…" Pagpapatahan ni Tito Max sa asawa niya habang hinahagod ang likod. 

 

  Nagmartsa si Tita Airam papunta kay Jasper at higpit na hinawakan ang magkabilaan nitong braso. "Bakit nagka ganyan 'yung anak ko?! Ano'ng nangyari?! Bakit ang... Bakit ang dami niyang galos?! Bakit ang dami niyang pasa?!" Sunod-sunod na tanong nito habang umiiling-iling. Niyuyugyog din niya ang walang imik na nakatungong si Jasper. 

  May kumatok sa pinto saka pumasok ang dalawang pulis . "Good evening po." Bati ng isa sa kanila at tiningnan kami ni Jasper. "Kayo bang dalawa ang nakatagpo sa anak nila Mrs. Garcia?" Lahad niya sa mag-asawang Garcia. 

  Tumingala ako at handa ng magsalita pero mayroon nanamang kumatok sa pinto at pumasok. Nagulat ako dahil si Sir Santos ito. 

"Ako ang sasagot sa mga tanong n'yo." Bungad nito kaya lumingon ang dalawang pulis sa adviser namin. 

Sumunod ang isang nurse at humawak sa braso ng kanyang pasiyenteng si Sir Santos.  "Sir, bumalik po tayo sa kwarto mo. Hindi pa po okay 'yung katawan n'yo, kailangan n'yo pa po ng pahinga." 

  Hindi pinansin ni Sir Santos ang nurse na iyon at seryoso lamang na nakatingin sa mga pulis. Nag-aalala ako dahil baka masali 'yung kapatid ko at magkaroon pa ng panibagong problema kaya pasimple akong umiling para ipahiwatig na huwag niyang sabihin. 

  Napatingin sa akin si Sir Santos pero ibinalik din ang gawi sa mga pulis na nagkanya kanya ng porma. "Kung okay lang na tanungin ka, mas maganda para mabilis naming maimbestiga ang nangyari." Sambit ng unang pulis bago senyasan ang kasama. 

 

  Humarap ang mga pulis sa dalawang mag-asawang Garcia. "Excuse po, babalik po kami." Paalam nito bago sila umalis sa kwartong ito. 

  Nagtakip ng mukha si Tita Airam at nagsimulang humagulgol. "Bakit may mga nangyayari sa anak ko nung kayo 'yung nakakasama niya? Ano ba'ng ginawa ko sa inyo?" Patuloy nito sa paghagulgol habang hawak lang siya ni Tito Max sa kanyang balikat. 

 

  Naririnig ko na rin ang pagpatak ng ulan mula sa labas. Malakas na pag-ulan na tila parang nakakabingi kung pakinggan.

***** 

Hello! Thank you for reading the new chapter!

Anu-ano 'yung mga scenarios na tingin n'yo gusto n'yong malaman at tingin n'yo hindi pa nasasagot?

Your answers will be helpful para mas mapaganda ang kwento. Hehe! Thank you so much! God bless.

Yulie_Shioricreators' thoughts
次の章へ