Chapter 55: Extricate
Haley's Point of View
Isinandal ko si Roxas sa pader habang mahigpit ang hawak ko sa kwelyo niya. "Kinuha nila si Mirriam at sinundan ni Lara?" Ulit ko sa sinabi ni Roxas matapos niyang sabihin ang ibang detalye. Tumalim ang tingin ko. "At wala kang balak na sabihin kung nasaan sila ngayon?"Hula't dagdag ko.
Luminya ng ngiti ang kanyang labi. "Easy, ba't ba ganyan kayong magkapati--"
"Palagi mo na lang kaming ikinukumparang pareho pero ang totoo, minamaliit mo 'ko." Marahan pero may diin kong sabi at mabilis na kinuha ang baril sa pouch gun niya na nagpasinghap kay Reed. Mukha ring nagulat si Roxas sa ginawa ko kaya namilog din ang mata niya. Subalit ibinaba niya nang kaunti ang mga talukap ng mga mata niya't pinagmasdan ako.
"H-Hoy, Haley." Tawag ni Reed na nasa likuran ko.
Itinutok ko ang baril sa mismong puso niya't huminga nang malalim.
"I don't want to hurt you." Ngiting sambit ni Roxas na hindi ko binigyan ng kahit na anong ekspresiyon.
"Me, either." Tugon ko kaya akma niya sanang hahawakan ang mga pulso ko para ilagay siguro sa likod ko't hindi makagalaw pero patalon din akong umatras.
Napahinto siya sandali pero hindi iyon ang dahilan para tumigil at susugod pa siya sa akin pero mabilis ko lamang itinutok sa mismong noo niya ang baril niya. Pasimple kong kinalas ang safety nung baril upang hindi ko maaksidenteng maiputok ang trigger nito. Ibinaba ko rin ang hammer nung armas na hawak ko.
Naningkit ang mata niya. "Oh…" Namamanghang boses ang kumawala sa bibig ni Roxas.
Samantalang pinanliitan ko siya ng tingin. "Let's make a deal." Panimula ko habang hindi lamang siya umimik at hinihintay lamang ang aking sasabihin. Ang kaninang nakangiti niyang labi ay naglaho.
Ang seryoso na ng tingin niya ngayon sa akin. "Kung tutulungan mo 'kong mahanap si Mirriam. Hahayaan kita sa gusto mong gawin sa 'kin pagkatapos."
"Huh? Alam mo ba 'yang sinasabi mo, Haley?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Reed sa likod ko at tututol pa sana ngunit binigyan ko siya ng matalim na tingin na nagpatahimik sa kanya.
"Shut up, Reed." Pagpapatahimik ko sa pamamagitan ng malalim kong boses. "It's none of your business." Dagdag ko pa saka ko ibinalik ang tingin kay Roxas na hindi pa rin nawawala ang pagka seryoso sa kanyang mukha.
Umismid siya. "Sinasabi mo ba sa 'kin na hahayaan mo 'ko sa kung ano ang gusto kong gawin sa 'yo? Kahit na ano?" Tanong niya sa akin na nagpatungo nang kaunti sa ulo ko. Hindi ko pa rin tinatanggal 'yung tingin sa kanya.
"Tama ka." Sagot ko kaya nagsimula siyang humalakhak. Nagtaka man ako pero hindi na ako nagsalita't hinayaan lamang siyang tumawa nang tumawa.
Humawak siya sa noo niya. "Hindi ako makapaniwala sa 'yo. I'm a man with respect, let's just say napaka promising ng offer mo pero hindi ako nadadala sa mga ganyang salita." Humakbang siya ng isa't hinawakan ang kamay ko para maibaba ang baril na nakatutok kanina sa kanya. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. "You should save that one for the person you want to be with. Hahayaan naman kitang mahanap 'yung kaibigan mo, eh." He whispered, making me embarrassed.
Hindi ako nahiya dahil sa una niyang sinabi. Nahiya ako sa part na napahiya ako dahil tutulungan naman pala niya kami pero hinayaan pa niya akong sabihin 'yung nakakahiyang kasunduan na 'yon.
Lumayo na siya sa akin at tumagilid. "Wala na tayong oras. Mahaba-haba pa 'yung biyahe." Sambit niya at inilipat ang tingin sa monitor ni Reed. Nando'n pa rin ang pulang tuldok sa screen at hindi gumagalaw. "Hindi ko matawagan 'yung kapatid mo pero alam kong nandoon na siya sa lugar na pinagdalhan sa kaibigan mo, makakahabol pa tayo kung bibilisan natin."
Jasper's Point of View
Nakalayo na ako mula sa siyudad namin. Nagtatatanong-tanong ako sa kung sinu-sinong madadaanan ko habang ipinapakita ang litrato ni Mirriam mula sa cellphone ko pero ni isa sa kanila, iling lamang ang naging sagot.
Tinawagan na ako nila Ate Jean at sinabing tumawag na sila ng police dahil hindi pa rin umuuwi si Mirriam.
"Baka nakita n'yo po siya, Sir?" Tanong ko sa lalaking sasalubong sa akin. Tiningnan niya 'yung ipinapakita ko sa screen at umiling bilang sagot.
Bumaba na ang balikat ko at tumango. "Salamat po." Pagpapa-salamat ko bago magsimulang maglakad muli.
Umupo ako sa makapal na railings dito sa tabing kalsada. Nakatungo lang ako nang tumingala ako para pumaharap ng tingin. Padaan-daan lang 'yung mga sasakyan na tila parang normal lang ang lahat.
Hindi mo aakalain na mayro'n na pa lang nangyayari sa paligid ng hindi namamalayan ng mga tao.
Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng mga tuhod ko.
Sinubukan kong tawagan si Roxas kanina para makahingi ng tulong pero palaging out of reach 'yung cellphone niya. Gusto kong puntahan si Lara pero wala naman akong ideya kung nasaan siya.
Natawa ako bigla sa sarili ko.
Alam kong sanay si Lara sa mga mapapanganib na sitwasyon at baka matulungan niya ako pero grabe naman, Jasper. Talaga bang dedepende ka sa babae?
"Not cool." Bulong sa sarili at umiling. Tumungo ulit ako. "Pero si Mirriam…" Dagdag ko at pumikit nang mariin. "Kailangan namin siyang mahanap."
Ano ba'ng dapat kong gawin? May magagawa ba ako ngayon para makita siya 'agad?
Huminga ako nang malalim. "Isip. Isipin mo mabuti, Jasper." Bulong ko pa. "Ano ang kaya mong gawin ngayon?" Nag-iisip ako pero wala akong matinong ideya kung ano ang dapat na gawin. Kasi ano nga ba ang magagawa ng isang estudyante na wala naman talagang alam sa kabilang buhay ng mundong ito?
Si Lara at Roxas lang ang katangi-tanging may alam. Kaya ano gagawin ko?
"Hoy, gag*!" Nagulat ako sa pamilyar na boses kasabay ang pagtigil ng sasakyan sa harapan ko. Dahan-dahan akong tumingala upang makita ang lalaking nagbaba ng bintana niya. "T*ngina mo! Bakit hindi mo sinabi nandito ka pala? Halika na!" Mura pa ni Reed 'tapos nagulat din ako nang malaman kong na sa tabi rin niya si Roxas.
"Hoy! On the way ka na sa intersection. May huli rito!" Sigaw ni Roxas. "Masyado na rin tayong marami!" Dagdag niya.
Nilingon siya ni Reed. "Alangan namang iwan ko rito 'yung kaibigan ko?!" Pakikipag debatehan naman ni Reed. May dalawa ng sasakyan ang na sa likuran nila na nag cause nang kaunting traffic.
Ibinaba naman nung na sa likod ni Reed ang bintana. Namilog ang mata ko nang makita si Haley, at hindi si Lara.
"Wala na tayong oras, Jasper." Binuksan niya 'yung pinto kaya napatayo na ako. Kasabay naman niyon ang pagsitsit sa 'min ng traffic enforcer kaya pareho kaming napalingon lahat doon.
Nakita ko pa ang pagsapo ni Roxas sa noo niya. "Hindi na sana ikaw ang nag drive!" Paninisi ni Roxas kay Reed kaya inis naman siyang tiningnan nung kaibigan ko.
Samantalang kinuha naman ni Haley ang pulso ko upang ihila ako papasok sa sasakyan dahil palapit na ang traffic enforcer. Pinaharurot na ang kotse papunta sa kung saan.
Umayos ako nang upo para tingnan ang mga kasama ko. "Haley, Reed. Si Mirria--"
"Pupuntahan natin siya. Alam namin kung nasaan si Mirriam." Tugon ni Reed kaya napatingin ako kay Roxas.
"At nandito si Roxas, kaya ibig bang sabihin…"
Tumango si Haley. "B.R.O. ang dahilan kaya nawawala si Mirriam ngayon. Sinundan na ni Lara 'yung kumuha kay Mirriam, hahabol lang tayo."
Nakaawang-bibig ako nang iharap ko na ang tingin.
Bumuntong-hininga ni Roxas. "Gusto ko lang malaman n'yo, ah? Pero hindi ko responsibilidad na iligtas kayong dalawa." Tukoy niya sa 'min ni Reed. "Si Haley lang pina-priority ko dahil kapatid siya ni Vivien. Itong pagsama n'yo rito ngayon, kayo ang pumili ng kamatayan n'yo, wala naman akong superpowers para iligtas kayong lahat kung malalagay man tayo sa alanganin--"
"Handa ako." Mabilis kong sagot kaya napahinto si Roxas sa sinasabi niya habang nakita ko naman peripheral eye view ko na napatingin sa akin si Reed mula sa front mirror.
"Pero kung mangyari man 'yon." Ipinasok ko ang kamay sa aking bulsa para kunin ang wallet. Inilabas ko ang school I.D ko at inabot iyon kay Roxas. "Ibigay mo 'yan sa babaeng nagngangalang Yiah sa Villanueva Residence." Dahan-dahang kinuha iyon ni Roxas, mukha siyang nag-aalanganin pero nagawa niyang tumingala para tingnan ako sa mata.
Ngumiti ako. "Sabihin mo, sorry."
Nagdikit ang kilay ni Haley, handa na sanang magsalita noong sumabat si Reed. "Sasama ako sa'yo." Panimula ni Reed kaya sa kanya naman ako napatingin.
"Ayoko pang mamatay pero--" Pare-pareho kaming napatingin kay Roxas noong bigla siyang sumigaw sa sobrang iritable. Hawak-hawak niya ang ulo niya.
"Bakit ba kayo ganito?! Lahat ba talaga kayong magka-kaibigan, ganito? Nakakasira kayo ng ulo!" Inilabas niya 'yung cellphone niya at may tinawagan, samantalang nakatingin lang kami sa ginagawa niya.
"Emergency. Need back-up for Code 1220." ani Roxas.
Nanlaki ang mata ni Haley na animo'y may narinig na nagpagulat sa kanya. "Code 1220…?" Masyadong mahina ang boses niya kaya hindi ko na narinig ang bulong niya.
Itinuon ko na lamang ang tingin sa harapan at higpit na ikinuyom ang mga kamao. Mirriam…
Mr. Santos' Point of View
Kanina ko pa tinatawag si Mirriam mula noong makatulog siya mula kanina. Chine-check ko siya dahil matapos ng ilang segundo ng paghagulgol niya, tumahimik siya. Baka nakatulog.
Sinusubukan ko siyang abutin pero hindi ko magawa dahil medyo malayo siya sa akin. Kung hindi lang talaga ako nakagapos, lalapitan ko siya para tingnan ang kalagayan niya.
Malamig din kasi sa lugar na ito, nakita ko pang punit-punit ang damit niya kaya baka mamaya magkasipon siya.
Pero…
Napakuyom ang mga kamao ko. "Ano ba kasing ginawa nila sa 'yo?" Tanong ko sa estudyante ko. "Mirriam." Tawag ko pa at napatingin sa kanan na bahagi nang makarinig ako ng dalawang lalaki na nag-uusap sa labas.
Malayo sila mula rito, pero dahil na rin sa walang kagamitan sa lugar na ito. Nagko-cause ito ng echo.
"Akalain mo 'yon? Kaibigan pala ng kambal ni Vivien Villafuerte 'yung ipinasok nila rito."
"P*ta, jackpot na tayo nito."
"Pero narinig ko pala kanina na susubukan daw 'yung Aphrodisiac sa babaeng 'yon para makita kung gaano ka-effective."
"Iniisip ko pala 'yan. Depende yata kasi 'yung magiging effect no'n sa tao. Ni hindi nga natin alam baka mas mataas tolerance ni Vivien Villafuerte sa kahit na anong drugs."
"Ngh." Vivien Villlafuerte?
Papalapit na ang dalawang lalaki sa lugar namin, natatakot ako dahil baka si Mirriam ang kailangan nila kaya sila bumalik dito.
"Eh, ano ba'ng pakielam natin doon?" Huminto na 'yung dalawang lalaki sa tapat ng prison door kaya lumakas ang pintig ng puso ko. Lalo pa nung buksan na ang pinto't pumasok.
"Hay nako, ang baho baho na rito!" Iritableng daing nung isang at tumingin sa gawi ko. "Hoy! T*ngina mo, kung hindi ka lang talaga gustong patayin ni Boss, ako na papatay sa 'yo, eh!" Duro duro niya ako kaya umangat ang mga kilay ko.
Ayaw pa akong patayin? Eh, bakit ako nandito?
Binatukan siya ng isa niyang kasamahan. "Manahimik ka na nga diyan, buhatin mo na 'yang babaeng 'yan." Utos nito kaya ibinuhat na nga nung lalaki si Mirriam.
Napaluhod ako. "A-Anong gagawin n'yo sa kanya?" Kinakabahan at nauutal kong tanong nang mabuhat na si Mirriam sa balikat nung lalaking nakaitim. Hindi nila ako sinagot at tuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas.
"Mirria…!" Napahawak ako sa lalamunan ko. Namamaos na ito sa sobrang panghihina. Wala na ako masyadong mailabas na boses.
Pero tumingala ako habang pasarado ang pinto. "Mirriam..." Pumikit ako.
Panginoon, ngayon lang. Kahit ngayon lang, pakinggan mo 'ko!
Haley's Point of View
"O-Oy, nakasunod na 'yung enforcer sa 'tin." Silip ni Jasper sa likod kung saan sinusundan na nga kami ng dalawang traffic enforcer na nakasakay ngayon sa motorsiklo nila. Binubusinahan na nila kami. "Hoy, Reed. Bilisan mo 'yung paga-drive!"
"Gusto mo bang ma-disgrasya tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reed ng hindi inaalis ang tingin sa harapan.
Sinipa ko ang ang likurang upuan ni Roxas. "Barilin mo 'yung gulong."
Nilingon siya ni Roxas. "Madi-disgrasya sila!"
"Masusugatan lang sila, kaya okay lang 'yan." Pangungumbinsi ko pa.
"Seryoso ka ba diya-- Wahhh! Binibilisan na nila 'yung takbo!" Natatarantang sigaw ni Jasper 'tapos pumunta sa harapan para hawakan ang manibela. "Ako magda-drive." Gumewang na ang sasakyan kaya humawak na ako sa pwede kong mahawakan.
"Jasper!" Malakas kong tawag sa kanya saka ko kinuha ang kwelyo niya't iniupo siya.
Lumingon si Reed kay Jasper. "T*ngina mo! Madidisgrasya talaga tayo sa ginagawa m--"
"Tumingin ka sa harapan mo!" Malakas na sigaw ni Roxas kaya pare-pareho kaming napatingin sa harapan. Hindi namin namalayan na napunta kami sa kabilang kalsada at sasalubong na sa 'min ang truck.
Sabay-sabay kaming mga napasigaw bago maiwasan ni Roxas 'yung truck na sasalpuk sana sa amin. Siya umiwas nang mahawakan niya 'yung manibela.
Yumakap na si Jasper sa akin. "Haleeeee ~!" Nangingiyak na tawag n'ya bago ko siya itulak palayo sa akin.
"Tabi! Ako magda-drive." Tinulak ni Roxas paalis ng driver's seat si Reed.
Ikinabit ni Roxas ang seatbelt nang makaupo at higpit na humawak sa manibela. "Humawak kayo, bibilisan na natin." Pagkatapos pa lang niyang sabihin 'yan. Pinaharurot na niya ang sasakyan na hindi namin inaasahan na may mas bibilis pa kaysa sa nasakyan naming roller coaster sa Japan.
Higpit lang akong nakahawak sa handle bar at hindi namalayan na masama na ang paraan ng aking pag ngisi matapos kong maalala ang pwedeng maging kalagayan ng kaibigan ko.
Kapag nalaman kong may ginawa sila sa'yo. Hindi ako magdadalawang-isip na pumatay, Mirriam.
*****