webnovel

Reminisce

Chapter 16: Reminisce 

Haley's Point of View 

Dalawang araw matapos ang night party.

Lunes kaya maaga ulit akong bumangon para pumasok. 

Bumaba ako ng hagdan at dumirestyo sa kusina na siya namang pagsalubong ng pusa ko. Nandoon siya sa harapan ng kainan niya senyales na bigyan ko na nga siya ng umagahan niya. Kinuha ko na nga 'yung cat food sa food cabinet.

Dinadala ko minsan si Chummy kina manang Yhina kapag tingin kong late akong nakakauwi. O kaya minsan naman, nandito lang si Chummy sa bahay 'tapos sila Manang ang nagbibigay sa kanya ng pagkain. 

Humawak ako sa tuhuran ko habang nagsasalin ng dry food  sa kainan ni Chummy at napakagat-labi nang maalala ko 'yung ginawa kong panghahalik kay Reed. 

Hindi ko nagawang makatulog nang maayos ng dahil doon. 

Bakit wala man lang siyang binabanggit tungkol do'n? 

Nagkita kami kahapon dahil dinalaw namin si Jasper sa mansion at nakikain pero umaarte siya na parang wala akong ginawa sa kanya. Pero sabagay, hindi naman siguro 'yun big deal sa kanya. Ba't nga naman niya iisipin 'yon?

Tumayo na ako nang maayos at tinitigan muna sandali ang pusa kong kumain bago pumanik para kunin ang gamit ko.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko't pumunta sa kama kung sa'n ko inilagay ang gamit ko, at bago ako lumabas ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. "Just act normal, kaya mo 'yan." Sabi sa sarili pero makikita mo na kaagad sa salamin ang pamumula ng pisngi ko dahilan para mas mapasimangot ako. 

Inilapag ko muna sa carpet ang bag ko 'tapos kumuha ng sanriyo. 

Subukan kong magbago kaunti ng hairstyle. Ngayon lang. 

Bumalik ako sa harapan ng salamin at tinirintas ang buhok sa may right side. Akala ko nga pangit pero nang igilid ko 'yung ulo ko, laking tuwa ko naman na maayos ang pagkakagawa ko.

Ibinuhol ko na ang isang Red na sanriyo sa dulo ng buhok ko upang maitali. 

Muli akong humarap sa salamin. "This should do it." 

Bumaba ulit ako para tingnan si Chummy kung tapos na bang kumain, pero pagkarating ko sa kusina ay wala naman na siya. Sinilip ko 'yung kinakain niya, may kaunting tira pa. "That's new." Hindi kasi nag-iiwan ng tira 'yung pusa ko. 

Lumabas ako para i-check si Chummy dahil baka mamaya ay kung saan-saan pa siya pumunta.

Papalabas pa lang ako nang marinig ko na 'yung pag-iingay ni Chummy kaya pumunta ako kung nasa'n siya. 

Nandoon siya sa garahe, pumasok ako 'tapos nilapitan siya. Nangangapal ang balahibo niya't galit na galit kung kaya't nahirapan pa akong lapitan siya nung una. "Chummy?" Taka kong tawag sa kanya at sumunod ng tingin sa tinitingnan niya. 

Sa pader lang ang atensiyon niya kaya bigla akong kinilabutan. "M-May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" Natatakot kong tanong subalit napansin naman na ako ni Chummy kaya patalon itong pumunta sa akin. 

I patted her head. "W-What's gotten in to you?" Taka kong sabi at mabilis na lumabas ng garahe. Sa paglalakad ko ay napatigil ako nang makarinig ako ng kung anong ingay sa labas ng gate dahilan para lumingon ako ro'n. 

Tunog iyon na parang may nawasak na kung ano sa pader. "Ano 'yon?" 

Someone's Point of View 

Kinuha ko ang kwelyo ng lalaking ito saka siya malakas na isinandal sa pader. "What do you think you're doing here?" Mariin kong tanong sa kanya.

Ngiti itong napaubo. "Oh, ikaw pala?" Tila parang nang-aasar pa niyang sabi kaya inilabas ko ang baril kong may silencer para iputok iyon sa tabi ng ulo niya bilang warning. 

 

Nanlaki naman ang mata niya kaya natawa siya nang kaunti. 

"C'mon, chill! Hindi ko s'ya gagalawin. Gusto ko lang s'yang makita kung gaano--" I collared him.

"I'm warning you... 'Pag nalaman laman kong may ginawa ka sa kanya, I won't think twice to eliminate you" ngumisi lamang siya at marahas na tinabig ang kamay ko.

Umismid siya. "You don't need to tell me that." Tipid niyang sagot niya bago mag pamulsa't mag lakad. Napatingin naman ako sa babaeng iyon na papalabas na sa bahay niya kaya dali-dali akong umangkas sa motorsiklo ko't umalis, nagawa ko ring daanan siya. 

Haley's Point of View 

Humakbang na ako sa campus ng mag-isa.

Nauna na ulit akong pumasok gamit ang skateboard ko, kaya may suot akong short leggings. 

Gaya ng nakaugalian, iniwan ko sa guard house 'yung skateboard. 

Sa ngayon ay naglalakad ako sa gitna para dumiretsyo sa building namin, at namamangha pa rin ako kung paano rin mamangha ang mga estudyante ng E.U ngayon pa mang may new look kuno ang isang miyembro ng Trinity6. 

"New look." 

"Nabawasan 'yung intimidating aura niya." 

"Mas gusto ko pa rin 'yung usual!" 

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag at nagbuga ng maraming hininga. 

Sa simpleng tirintas, natutuwa na sila't pinagtitinginan ako?

But it's kind of nostalgic. 

This is how it goes kahit nung una pa lang. 

Huminto ako sa tapat ng building namin at tumingala. 

Flashback 

Humakbang ako paloob sa campus, nakatingin ang mga estudyanteng nakakalat sa paligid mapalalaki man o babae pa iyon. Ito yung panahon nung nasa 3rd year high school ako.

"Para siyang Chinese." 

"Sanay naman akong maraming magaganda sa E.U pero ang daming malahi rito." 

"She has the perfect legs, too"

Ganitong ganito ang bungad sa akin simula noong makalipat ako sa Enchanted University. 

Pumunta ako sa Bulletin Board kung saan nakalagay ang section list, hinanap ko ang pangalan ko pero bago ko pa man makita ay napatingin ako sa apilyedong "Montilla"

Si Papa ang unang pumasok sa isip ko, pero wala sa utak ko no'n na anak niya ang babaeng nagnangangalang si Keiley dahil wala naman akong kaalam-alam na mayro'n pala siyang anak. 

"Hmm..." I hummed. Tiningnan ko naman 'yung pangalan ng adviser ko. "Kim Reyes..." basa ko roon.

"Yes, that's right" Nilingon ko ang nagsalita sa aking likuran, I was a bit surprised that day dahil isang matangkad at magandang babae ang nakangiti sa harapan ko. "I guess you're the new girl" 

She's pretty...

Iyaan kaagad na sa isip ko nang makita ko ang magiging adviser ko.

"Yes" magalang kong sagot na may pag tango.

Ngumiti ito at inayos nang kaunti ang hawak. "You're just on time, pupunta na rin sana ako sa classroom natin. Kaya mabuti at nakita kita rito" ngiti nitong wika. She's too friendly for a teacher. 

Tumalikod na siya sa akin nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Let's go, I will introduce you to your class." Aya niya at naglakad. 

Pero hindi ko siya sinundan, nagpaalam ako sa kanya na bibili lang ako sa canteen upang bumili ng maiinum. Inalok pa niya ako kung kaya ko pero tumango lamang ako bilang pagsagot. 

Hindi naman ako bata na kailangan pang samahan. 

Kaso kahit sinabi ko 'yan sa kaisip-isipan ko, naligaw ako. Imbes na makarating ako sa cafeteria ng E.U. Napunta ako sa kung saan-saan. 

Kaya ang nangyari, ang dapat na early bird na si Haley Miles Rouge. Na-late sa klase niya! Unang klase pa lang, ah? Kaasar! 

Nagtatatakbo na ako sa kung saan-saan para lang mahanap 'yung magiging classroom ko. Grabe lang talaga, ang hirap hirap magkaroon ng malaking school! Kung hindi lang talaga kako kay Mama, naku! 

Narating ko na nga ang harap ng classroom namin. Hingal na hingal pa 'ko no'n kaya huminga na muna ako nang malalim at kumuha ng sapat na hangin para maging compose. Pinunasan ko ang pawis ko bago tumikhim at binuksan ang pinto. 

Bumungad ang mga bago kong kaklase't mga nakatingin sa 'kin. "Sorry, I'm late." Cool kong wika bago pumasok. 

Noong una akong makarating sa classroom at nang makita ko si Reed ay talagang kinasusuklaman ko siya, I hate him to the point that I wanted him to disappear. 

But who would've thought that little by little, I got to fall in love with him? 

It's so funny, I'm such a clown. 

Kahit hindi mo naman piliing gustuhin 'yung tao, kung siya ang pinili ng puso mo. Wala kang magagawa.

"I'm not the right person to be your friend, go find someone else"

End of Flashback 

I met them in an unexpected way. 

Hindi man gaano kaganda ang unang meet naming lima but it ended really well, now.

"Pervert Sicko!

"Malanding Feelingero!"

"Impakto!"

"Sisiw na malaki ang boobs." 

Siguro, tadhana na talaga ang nagbangga sa amin para magkita at magbuo kami, gayun din si Mirriam Garcia na hindi ko rin inaasahan na magiging isa sa mga kaibigan ko. 

Naglabas ako ng hangin sa ilong. 

Ordinaryo't na sa mala Romantic Comedy sana ang kwento namin kung hindi lang talaga nangyari 'yung mga bagay na katatakutan namin. 

Isa-isang nagsilitaw sa utak ko 'yung mga trahedyang nangyari simula nang mamatay si Rain hanggang sa insidente kay Ray. 

Napahawak ako sa ulo ko dahil pilit ko rin talaga itong tinatanggal sa utak ko. Ito rin ang dahilan kung bakit nahihirapan na akong makatulog sa gabi. 

Wala naman akong problema masyado noon pero habang tumatagal, parang lumalala. 

Nagsimula ito noong consecutively kong nakikita sa panaginip ko si Lara. 

May ideya ako na baka severe stress na itong nangyayari sa akin gayun din ang anxiety pero hindi ko pwedeng hayaan na atakihin ako nito palagi. 

"Hailes" Nanlaki ang mata ko 'tapos mabilis na nilingon si Jin-- si Caleb.

"Jin..." Tawag ko naman sa kanya. 

Huminto siya sa harapan ko't taas-kilay akong nginitian. "Hindi ba't  sabi ko sa'yo, Caleb na lang ang itawag mo sa 'kin?" Tanong niya sa akin. 

Siya naman ang tinaasan ko ng kilay. "I can't easily call you by your second name, Jin ang nakasanayan ko." Simangot kong saad na nagpatawa sa kanya 'tapos mas tinitigan ako. 

"You've got your new look," Hinawakan niya ang hibla ng buhok ko. "It's glamorous." 

Pikit kong inalis ang kamay niya sa buhok ko. "Stop it. Ano ba'ng kailangan mo?" Pagsusungit ko sa kanya ngayong umaga. 

"I came here to see you." Sagot niya at bumuntong-hininga. "May test kami mamaya kaya kailangan ko ng lucky charm." At nag puppy eyes pa siya na nagpaatras sa akin. 

"Ang pangit mo, huwag kang magpa-cute ng ganyan." At mabilis kong hinimas himas ang braso ko dahil kinikilabutan talaga ako. 'Tapos ay umabante para ituro siya. "Saka anong test? Pumunta ka lang dito sa E.U para lang makita ako? Malayo 'yung school mo rito, 'di ba?" 

Humawak siya sa bibig niya na animo'y natutuwa sa sinabi ko. "You actually knew where I studied? Nata-touch ako, Hailes." 

Ibinaba ko nang kaunti ang kamay kong nakaturo sa kanya. "H-Hindi, nabanggit lang ni Mirriam sa akin noon." Sagot ko. 

Nagpameywang siya 'tapos kinindatan ako. "Narito ako dahil nasabi ng assesor namin na dito namin isasagawa ang NC2 namin, dahil kumpleto ang gamit sa E.U" Naglabas ngipin siya nang ngumiti siya.

Itinagilid ko ang ulo ko.

Ano ba ang kinuha niyang course? Hindi ko pala iyon natatanong sa kanya.

Humawak siya sa mga kamay ko. 

"Pwede ko bang hiramin ang iilang oras mo?" Ginamit nanaman niya 'yung puppy eyes niya. 

Inalis ko ang kamay niya at hinampas ang kamay niya dahilan para mapanguso siya. "I have to go." 

Binigyan naman niya ako ng tingin aso na animo'y nalulungkot na kailangan ng umalis ng amo niya. "Pero... humiwalay ako sa mga kasama ko para makasama ka nang kaunti. Mamaya pa 'yung assessment namin, eh." 

A-Ang liwanag niya... 

Inilayo ko ang tingin 'tapos muling napabuntong-hininga. "Okay, I get it. May 45 minutes pa naman bago magsimula ang klase." Parang napapagod kong sabi kaya laking tuwa naman siyang napasigaw. 

Ngumiwi lang ako at magsasalita sana noong may tumili sa kaliwa naming bahagi. "Si Jin Garcia nandito! Kyahh ~!" Ito 'yung mga hardcore fan ni Jin. 

Napaatras ako habang hinila naman ako ni Jin-- ni Caleb sa kung saan. "Sa Music Room tayo." Masigla niyang sabi na may malapad na pag ngisi. 

Nakatingin lang din ako sa kanya nang taas-kilay ko rin siyang nginitian. 

Reed's Point of View 

On the way na ako sa school at ako lang talaga 'yung mag-isang pumunta rito dahil nanghingi ng pabor sa akin si Harvey na gusto niya na magsabay sila ng bestfriend ko. Kaya heto't nag solo.

Bumuntong-hininga ako at inayos ang pagkakasabit ng aking bag sa balikat ko.

Bakit kasi nauna si Haley pumasok? Wala namang gagawin sa 1st period, ah? Aayain ko sana siya na magsabay kami sa pagpasok kaso wala na pala siya sa bahay nila.

Nakapasok na ako sa campus. 

At sa ngayon ay pinagtitilian na ako ng Grade 7-9 students. "Parang na sa concert lang ang peg ko, ah?" bulong sa sarili at nagtuloy-tuloy lang sa pag lalakad.

"Huh? Talaga? Magkasama si Jin Garcia at Haley Miles Rouge?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang naging usapan ng dalawang estudyante sa gilid ko.

"Oo! Nakita ko kanina, hindi ko nga alam kung bakit siya nandito, eh? Pero alam mo? Ang sweet nilang tingnan. Bagay rin sila" Kinikilig nitong sabi dahilan para magsalubong ang aking kilay. Anong sinabi niya? Sila? Bagay?

Tumingin ako sa hindi kalayuan, lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa inis at selos. Kaya pala pumasok siya ng maaga, 

...okay. 

Umismid ako't diretsyo na lumakad diretsyo sa classroom. 

***** 

次の章へ