webnovel

Chapter 6: A Happy Breakfast

Justin Klyde's POV

"Huy ayusin mo nga lakad mo. Para kang lantang gulay jan." Pagsita ni Dylan sa akin.

"Sapakin kaya kita gusto mo? Kasalanan mo to eh."

"Luh. Jogging lang eh. Buti nga ginaguide kita to healthy living."

"I'm already healthy." Sagot ko.

"Healthy na pala yan." Sabay tusok niya sa tagiliran ko na siya namang ikinakiliti ko.

"Ang OA talaga ng kiliti mo no? Para kang bulateng may asin."

"Magagawa ko?" Saka ako humikab. Putek na yan inaantok pa ako. Sa susunod talaga ipapalagyan ko na ng password yung gate namin para di na makitulog sa amin tong damuhong to.

"Oh dito na way ko. Mamaya nalang." Sabi ni Dylan ng marating na namin yung intersection papunta sa mga rooms namin.

"He! Wag ka ng papakita sa akin."

"Sus. Matitiis mo ba namang di makita ang bespren mo?"

"Oo. Ng di ako mastress. Sige na babye kapre."

"Luh. Bansot ka naman. Gege." And we parted our ways.

Pagdating sa room sinalubong ako ng ingay ng mga kaklase ko.

"Walang klase Bry?" Tanong ko ng makaupo sa tabi niya.

"Yes Bess. Ang aga ko pa naman dito. Nasa Davao daw si Sir. Di man lang nagsabi kaasar."

"Okay lang yan. Makakatulog pa ako ng konti." Sabi ko.

"Anyare? Para ka ngang zombie pagpasok mo. Walang kaenergy energy."

"Kasalanan to ng bespren kong unggoy. Sinama ako kaninang 5 am sa jogging niya. Bwisit talaga!" Irita kong sabi.

"Buti ka nga may pogi kang kasabayan mag jogging. Ako wala." Himutok ni Bryan.

"Gusto mo bang samahan kita Bry? Malapit lang naman bahay ko sa inyo." Pagsingit ni Benedict sa usapan namin.

"Nako Benedict wag na. Baka mabangga pa yan." Sabi ko.

"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ni Benedict. Tinignan ko naman si Bry at nakakunot ang noo.

"Kase habang nagjajogging kayo sayo lang siya nakatingin." Right after kong sabihin yung nakatanggap naman ako ng hampas.

"Walangya ka Bry wag ka ngang nanghahampas! Ang sakit na nga ng katawan ko eh." Reklamo ko.

"Wag mo ngang sinasaktan yung Baby ko Bry." Sabay may umakbay sa akin. Si Paul pala.

"Late ka din pala." Ang nasabi ko nalang.

"Paano mo nalaman?"

"Eh hindi kita napansin kanina."

"So hinahanap mo pala ako?" Pang aasar niya.

"Asa." Saka ko inalis ang pagkakaakbay niya.

"Sungit naman. Dahil ba yan kahapon? Ki--." Hindi ko na pinatapos si Paul dahil tinakpan ko na yung bibig niya. Bwisit na to!

"Anong meron kahapon?" Tanong ni Bry.

"Gumawa kame ng project." Sagot ko saka nilingon si Paul at binantaan ng tingin.

"Oo gumawa kame ng project sa bahay." Napatango nalang yung dalawa.

"Speaking of project, patulong naman kame bes." Sabi ni Bry.

"Tigilan mo ako Bry. Kaya niyo na yan."

"Sige na bessssss. Lilibre nalang kitang chuckie." Pangsusuhol ng bruha.

"Isa lang? No thanks. I can buy it for my own."

"Isang box bess."

"Sounds great. Deal." Palibhasa mayaman kaya walang pagaalinlangan. Hahaha.

"Mahilig ka ba sa sweets Justin?" Tanong ni Benedict. Tumango lang ako.

"Parehas lang pala kayo ni Paul."

Dagdag niya.

"Mahilig ka din pala sa sweets? Hindi halata." Sabi ko kay Paul.

"Yeah. Kaya bagay tayo. Sweet tayo parehas." Proud na sagot ni Paul.

"Hindi din. Sweet kayo pareho diabetes abot niyo." Out of nowhere na sabi ni Dylan.

"Ginagawa mo na naman ditong kapre ka? Mamaya pa lunch ah?" Pagsusungit ko.

"Libre kitang breakfast. Hindi pala tayo nakapag proper breakfast kanina. Bagal mo kase mag jog." Sabay hila sa akin.

"Wait lang naman uy!" Sabay hablot ko sa bag ko.

"Huy Tin yung project ha?!" Pasigaw na paalala ni Bry. Nagthumbs up nalang ako. Para sa chuckie! Hahahahaha.

"Oh anong gusto mo kainin?" Tanong ni Dylan ng marating namin ang cafeteria.

"Kahit ano."

"Walang 'kahit ano' sa menu nila." Inirapan ko lang siya.

"Pancake nalang."

"Okay. Hanap ka na ng mauupuan natin."

"Okay boss."

Ilang minuto pa lang akong nakaupo ng makita ko si Dylan na nagmamadali papunta sa pwesto namin.

"Oh eto na pancake mo." Saka umalis.

"Hoy unggoy san ka pupunta?!"

"Nakita ko si Baby. Busog pa pala ako. Ikaw nalang muna magbreakfast Tin! Bye!" Saka siya kumaripas ng takbo.

"Hayop na yun! Akala mo naman papansinin nung crush niya." Sabi ko saka naupo ulit.

"Excuse me, pwede ba makiupo?"

"Ay crush kita!" Gulat kong bulalas saka napatingin sa nagtatanong. Nanlaki bigla yung mata ko. Si Baby Kasoy!!!!

"Ha? Crush mo ko?" Takang tanong niya.

"Ah hinde. Ay oo. Hinde hinde namali lang ako ng sabi. Sorry sorry." Natataranta kong sabi. My gosh bakla!!!!

"You seem startled. Sorry din. Wala na kaseng space. It seems gutom lahat ng mga tao." Nilingon ko  nga din ang cafeteria at puno nga.

"Hinde okay lang. Pwede naman makiupo hindi naman akin yung cafeteria." Sagot ko trying to calm myself.

"Thanks." Tipid niyang sagot saka naupo.

Jusko nangyayari ba talaga lahat to? Kasabay kong mag aalmusal si Miguel???

"Hey, okay ka lang?"

"Ah oo okay lang ako." Jusko bakla umayos ka nga. Act normal. Mahahalata ka niyan eh!

Nakatitig pa din siya sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.

"No. Parang namumukhaan lang kita. Have we met before?"

(O___O)

Napailing naman ako.

"Oh I know! Ikaw yung nag add sa akin sa FB right?" Lupa bumuka ka kainin mo na ako right now. Napatango nalang ako. Humanda ka talaga sa akin Dylan. Kasalanan mo talagang lahat to! Kung hindi mo pinindot yung add button hindi niya ako makikilala! Okay na kase ako sa 'crush ko siya sa malayo situation' eh.

"Actually yung loko loko kong bestfriend yung nag add sayo. Sorry." Sabi ko.

"Okay lang yun. Add lang eh. Hindi naman ako magagalit. Pero paano ka napunta sa profile ko?" Malamang sinearch ko. Yun sana isasagot ko but come to think of it hindi yun ang tamang sagot.

"Ah eh napansin ko lang din sa news feed. Alam mo yung mga nagpa pop lang na list ng mga pwedeng iadd. It happened na parehas tayo ng mutual friends tapos yun nga nakialam bestfriend ko." Pageexplain ko. Tumango naman siya. Looking convinced. Jusko. Wag ka ng magtanong please.

"Sige kain ka na. Andami ko ng tanong haha." Tumango lang ako saka finocus yung sarili ko sa kinakain ko.

Few minutes later natapos na siyang kumain at tumayo.

"Thanks for offering a seat."

"Ah wala yun." Sagot ko.

"It's nice to meet you in person Justin?" Jusko naalala pa niya pangalan ko!!!

"N-nice to meet you din Miguel."

"Sige. Bye. See you around." Nakangiti niyang sabi saka umalis. Pinagpatuloy ko na din ang pagkain ko na naudlot ng dumating siya.

Lumabas ako ng cafeteria ng nakangiti. Naghahum pa ako ng ost ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo habang naglalakad pabalik ng room.

"Kilala mo si Miggy?" Halos mapatalon naman ako ng biglang sumulpot si Paul sa tabi ko.

"Ha?"

"I said kilala mo ba si Miggy? Magkasama kayong mag almusal kanina right?"

"Ah eh oo. Wala kase siyang maupuan kanina eh saktong bakante yung upuan in front of me nakiupo na siya." Pag eexplain ko.

"Ahh okay."

"Tropa nga pala kayo no?" Sabi ko.

"Oo. Ba't mo natanong?"

"Ah wala lang. Masama magtanong?" Saka ako naunang maglakad.

Paul Adrian's POV

Pinagmasdan ko lang siyang naglalakad papuntang room namin. Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura niya kanina nung kasama niya si Miggy kanina. He seems pressured pero makikita mo yung ngiti sa mga mata niya. Please Justin, wag sa bestfriend ko.

Well you can possibly guess it. I like Justin. No, I love him. You might call it love at first sight. Ever since na naging magkaklase kame I always had this strange feeling towards him. Akala ko lang nung una may mali lang sa akin. Yung pala may mali na talaga. I'm a straight guy but this boy changed everything. Sad to say pero mukhang malabo na magkagusto siya sa akin. Partida ayaw pa sa akin nung bestfriend niya. Mukha kase siguro akong bad boy but believe me when it comes to relationship I am so damn serious. Well, kung sakali man na may gusto nga si Justin kay Miggy, I better step up my game. I don't wanna lose this battle.

Napabuntong hininga nalang ako saka naglakad pabalik sa room. Nakakastress magmahal. Hahaha.

Before I reached our building nakasalubong ko yung bestfriend niya. Silence. Until he decided to talk.

"Nakita mo ba si Justin?"

"Yeah. Nasa room na siguro yun right after niyang kumain." Tumango lang siya. I thought wala na siyang sasabihin so I decided to pass him.

"Paabot kay Justin. Magtatime na rin kase di ko na madadala sa room niya." Sabay abot niya ng chuckie. Kinuha ko saka umalis. Wala na rin naman kameng pag uusapan since ayaw niya sa akin.

Dumiretso na din ako papuntang room. Hay buhay.

Justin Klyde's POV

"Oo nga natanggap ko na yung pinapaabot mo." Irita kong sagot kay Dylan sa phone. Pinipilit kase niya na baka ininom daw ni Paul.

"Ahh okay. Akala ko di inabot sayo malilintikan sa akin yun."

"Jusko Dylan chuckie lang yan."

"Chuckie lang pero kung makapagdemand ka minsan maiiyak iyak ka pa." Natawa naman ako sa sinabi niya kase totoo.

"Basta nakuha ko na. Saka buti nalang umalis ka na ang sarap ng breakfast ko kanina."

"Oh bakit? Kase kasama mo si Paul?"

"Hindi no. Hulaan mo kung sino ang kasama ko."

"Hula hula pa. Malay ko. Sino nga?"

"Ano ba yan ang weak mo naman. Si Miguel."

"Weh?" Di makapaniwala niyang reaksyon.

"Oo nga. Hays. Napakasayang araw ng buhay ko." Sagot ko.

"Breakfast lang eh. Last na daw yun."

"Okay lang atleast naranasan kong makasabay siya kumain." Sagot ko naman na ikinatawa niya sa kabilang linya.

"Hay nako Justin. Basta crush crush lang muna. Lagot ka kay Tito kapag nalaman niyang pumapag ibig ka na."

"Luh OA ka. Saka wag nga kung ano ano kinukwento mo kay Papa kapag nasa bahay ka! Pinopollute mo utak niya eh." Oo tama po kayo jan. Kase minsan sinasabihan niya si Papa na may naghahatid daw sa akin sa school or sumusundo. Eh jusko naman siya lang naman kasama ko halos sa buong araw ko sa school.

"Hahahahaha. Paniwalang paniwala nga si Tito eh."

"Tawang tawa ka pang bwisit ka. Oh siya babye na! Matutulog na ako."

"Gege. Bukas nalang." Saka ko siya pinatayan. Haysss.

Saglit muna akong nagfacebook. Nakuha ng isang post ang aking pansin. It was Paul's.

Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko or wag muna ngayon kase baka mabigla siya?

112 likes. 36 comments.

Hindi naman siya sikat sa lagay na yan. Pero sino naman kaya tong napupusuan ng mokong na to? Nilike ko nalang din.

Basta ako isa lang napupusuan ko. Kinikilig na naman ako. Nagtanggal na ako ng salamin saka natulog.

次の章へ