webnovel

No Choice

"Alexia, nasan ka na?!" Galit na tinig ng kanyang manager ang narinig niya sa kabilang linya. Kasalukuyan na siyang nakaayos para sa event sa Ferrer heights pero hindi pa rin niya makuhang sumakay ng kotse.

Ang kaibigan niyang si Karen ay palakad-lakad sa likod niya na parang natataranta.

"'I don't really want to go there, Terry!" Pagmamaktol na parang bata niya dito.

"Subukan mo lang na hindi pumunta dito at talagang malilintikan ka sa akin! This is the biggest event of the agency. Dito pare-parehong nakasalalay ang career natin. Kaya 'wag sanang sirain ng kaartehan mo." Nagggalaiti sa galit ang bakla sa kabilang linya.

"Ok. I'm on my way." Nakasimangot niyang sabi saka ibinaba ang telepono.

"Pupunta ka talaga? Oh my, Sierra!" Tila kinakabahang ani ng kaibigan.

Maluha-luha naman niyang nilingon ito.

"I have no choice! Gusto mo bang makasuhan ako for breach of contract?" Namomoblema niyang ani dito.

"So how about your brother?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"I'm sure sa dami ng tao dun ay hindi na niya ako mapapansin. I'll try my best na hindi niya ako makita." Nakasimangot niyang sabi dito.

"Good luck sa 'yo friend. Just call me." Ani nito. Malalim ang paghingang tumayo na siya at nagtungo sa garahe kasama ang kaibigan. Ito ang nagmaneho ng sasakyan pahatid sa kanya sa Ferrer Heights.

Sinalubong siya ng manager na si Terry ng nakapamey-awang. Mababakas sa itsura nito ang pagka-aburido.

"Hindi ko talaga matanggap na may balak kang hindi sumipot dito, babae ka!" Pairap na wika nito ng makalapit ito sa kanya pagbaba niya sa kotse ni Karen.

"Ít's all part of plan na inisin ka. Pero honestly, pupunta talaga ako no!" Pabiro niyang sabi dito upang alisin nito ang inis sa kanya ngunit may malaking bahagi ng utak niya ang nagsasabi na kailangan na rin niya agad umalis sa lugar.

"Hmp! I hate you!" Inis na sabi ng bakla.

"Ang arte mo 'te! Tara na nga!" Natatawa niyang yaya dito. Napatawa na rin ang bakla at sabay silang nagtungo sa malaking bulwagan.

Punung-puno ang lugar ng mga mayayaman at kilalang mga tao sa negosyo. Inilibot niya ang paningin sa paligid upang hanapin ang taong matagal na niyang iniiwasan- si James. Hindi naman siya nabigo at nakita ang lalakeng umaakyat ng stage kasama pa ang mga nakaamerikanang mga negosyante.

Hindi niya naiwasang humanga sa porma nang lalake. Katulad ng dati ay kay linis nitong manamit. Lalo pa itong gumwapo sa cleat cut na gupit ng buhok. Malalakas na palakpakan at tilian lalo na mula sa mga kababaihan doon ng tumayo ang lalake mula sa stage.

Napahawak siya sa braso ni Terry ay pilit sumiksik sa karamihan ng tao upang hindi siya nito mapansin.

"Grabe! Totoo ngang napakagwapo ni James Ferrer!" Kinikilig ng sabi ng manager niyang si Terry.

"Mamaya ipapakilala kita sa kanya. Malay mo, mapusuan ka niyang modelo sa mga products nila!" Ani ng bakla na lalo niyang ikinakaba.

"I think, Terry, you should not do that." Nasambit niya sa pagitan ng pagyuko at pagbaling ng ulo dahil pakiramdam niya ay maari siyang makita ng lalake dahil sa nakaangat niyang katangkaran. 5'8 kasi ang normal height niya, ngunit nakasuot siya ng 3-inch heels kaya namukod tangi ang tangkad niya sa mga kababaihan doon.

"Why not girl? Baka ito na ang break na hinihintay natin!" Ani ng bakla. Napagat-labi na lamang siya hang sinusulyapan si James na abala sa pakikipag-usap sa katabi nitong lalake sa stage.

'I don't need a break anymore!" Sigaw ni Sierra sa isip. Muli niyang itinuon ang pansin sa emcee na nagsimula ng bumati sa mga panauhin. Maya'maya pa'y tinawag na nito si James bilang tagapagsalita ng gabing iyon. Malakas na palakpakan ang sumalubong sa lalake.

"Good evening, fellas! Thanks for being with me and my company as we celebrate its silver anniversary. Salamat po!" Ani ito at malakas na palakpakan ang muling pumuno sa bulwagan.

"I want to take this opportunity to thank all of the people who brought success to this company. Lahat pong ito ay dahil sa aking mga magulang na siyang nagpasimula at nagpaunlad sa negosyo. Sa aking ama na siyang naging haligi ng kumpanya sa loob ng maraming taon, at sa aking ina na nagpatuloy sa pagpapatakbo nito. Alam ko pong masaya nila akong pinapanuod ngayon sa langit." Pagpapatuloy na lalake. Muling malakas na palakpakan ang ibingay ng mga panauhin sa lalake.

"And of course to my wife- hindi ko man po siya kasama ngayon, she's always in my heart. In times I feel so pressured about work, thinking of her makes me feel strong. Her laughters bring melody to my heart. I love her so much & I hope to see her again soon." Ani ng lalake na ikinakilig ng mga panauhin.

"Óh my God! My wife na pala siya..and he's so sweet!" Parang wala sa sariling bulalas ni Terry.

Si Sierra naman ay hindi naiwasan ang luhang pumatak sa kanyang mata. Pakiramdam niya ay sumikip ang kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang panyo sa kanyang maliit na shoulder bag at pinahid ang mga luhang hindi na niya napigilan pang pumatak.

"Haha! It may sound so corny right now, but she's my life." Pagpapatuloy ng lalake na sinuklian naman muli ng palakpakan at hiyawan ng mga tao.

"And of course, I would like to thank you guys for your support. For that, cheers!" Masiglang ani ng lalake saka itinaas ang kopitang hawak.

次の章へ