webnovel

5. Fired?

Agad na akong buma-likwas nang bangon sa hinihigaan ko at saka dumiretso na ako sa cr para maligo. Halos mataranta na ako sa sobrang excited at saya ko dahil first day ko 'to sa bago kong trabaho.

At sa sobrang taranta ko, di ko namalayan na sa halip na towel lang ang dadalhin ko sa cr, nasama ko na pati bra at panty ko. At ang nakaka-kaba nga lang ay muntikan pang mahulog sa inidoro. Buti nalang at alerto ako at agad kong nasapo, dahil kung hindi, baka uniform lang yung masuot ko. Joke lang, syempre! Ang dami kayang available sa drawer ko na mga nakatuping bra at panty ko.

Bakit ko nga ba kasi dala-dala 'tong bra at panty ko sa cr?

Napasapo nalang ako sa noo at sabay napangiti. Na-papraning na ata ako.

Pagkatapos kong maligo, agad ko namang tinungo yung maliit kong kwarto ko at agad ko namang sinuot yung uniform na binigay sakin ni Roxie bago ako maka-uwi kahapon.

"Ayan." Sabay napa-palakpak pa ako ng tignan ko ang sarili ko sa salamin habang suot ko yung white sleeves blouse, kitten heels at pencil skirt na below the knees. Wew. Mag-mumukha ako nitong seksi! Well, seksi naman talaga ako. Ngiti.

Naglagay lang ako ng lip gloss at powder sa mukha ko sa halip na make-up. Alam kong maganda naman ako kaya hindi na kailangan ng beauty pace ko ng make-up. Sabay tingin ko ulit sa salamin..at pak! Ang ganda talaga ng ate niyo! Haha.

Pagkalabas ko ng kwarto, tumambad naman sakin si Suzanne na naka-cross arms habang nakaupo sa sofa at nakatitig lang siya sakin. Napansin kong naka-uwang ng bahagya yung bibig niya habang nakatitig pa rin siya sakin.

Humakbang ako papunta sa kanya at saka nagsalita ako. "Alam kong maganda ako Suzanne. Itikom mo kaya yung bibig mo. Tutulo na laway mo." Pag-bibiro ko at sabay tinikom naman niya kaagad yung bibig niya.

Speaking of Suzanne, biglang pumasok sa isip ko yung tungkol kagabi. Hindi ko pa pala naitatanong sa kanya 'yon kung bakit may kasama siyang gwapong nilalang kagabi at hindi manlang niya ipina-alam sakin.

"Oyyy! Suzanne, sino pala yo--"

Pinutol nama niya yung sasabihin ko sana ng makita kong tumayo agad siya at saka nagsalita. "A-te..ikaw ba y-an?" Nagtataka niyang tanong sakin.

Huh? Ano naman kayang tanong 'yan?

"Ano ka ba! Syempre, si ate Marsha Sandoval mo 'to." Sabay hinampas ko siya sa braso niya ng mahina. "Ang pinaka-maganda mong ate sa balat ng lupa. Bakit ba ganyan ka nalang kung makatanong?" Tanong ko.

Napansin kong naglakad siya paikot sa akin at parang sinusuri niya ako ng mabuti.

Ano bang nangyayari kay Suzanne? Sinasapian ba siya?

Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya at hanggang sa tinigil na rin niya yung ginagawa niya at saka nag-cross arms ulit siya at nagsalita. "Ikaw nga talaga yan, ate Marsh!" Sabay sinunggaban naman niya ako kaagad ng yakap.

"Aray!" Sambit niya ng batukan ko siya ng mahina sa ulo niya at saka kumalas na siya sa pagkakayakap niya sakin.

"Ano bang pinagsasabi mo! Sabihin mo nga sakin Suzanne, sinasapian ka ba? Kung gayon, dadalhin kita kaagad sa albo--"

Tumigil ako sa pagsasalita ko ng bigla siyang humalakhak ng malakas at parang nababaliw na.

"Haha! I-ikaw talaga ate! Haha. Syempre hindi noh! Sadyang nanibago lang ako ngayon sayo." Sabay kinindatan pa niya ako ng limang beses at sabay pumalakpak pa siya. I roll my eyes.

So, kung gayon..bakit ganyan na lang siya kung maka-react? Alam kong maganda ako pero common na sagot na 'yon sakin eh...hindi kaya...

Puma-mewang ako at nginisian ko siya.

"Suzanne, sabihin mo nga sakin, binabago mo ba yung usa--"

Naudlot na naman ulit yung sasabihin ko sana ng makita kong bigla nalang siyang tumakbo palabas ng bahay.

"Ate! Alis na ako!" Rinig kong sigaw niya. Pero nakatayo parin ako at hindi kumikilos dahil sa pagkaka-bigla.

"Ayyy! hehe. Naiwan ko yung bag ko. Sige pasok na ako ate diyosa! Wag lalaki ulo! Baka pag-uwi mabcdjegkj.." Napukaw naman ang atensyon ko ng makita ko ulit siyang bumalik at sabay kinuha niya kaagad yung naiwan niyang bag na naka-patong sa sofa at pansin kong papasok na ata siya. Napataas lang kilay ko at sabay napangiti ako.

So, diyosa pala talaga ako? Bakit ngayon ko lang nalaman 'yon?

*********

Nakangiti lang ako habang binabaybay ang Figueroa's Corporation papasok sa loob. Pero, bago ako maka-pasok, binati naman ako nung dalawang sekyu at sa pagkaka-alala ko ay yung isa sa kanila na may panot sa ulo ay yung si manong na naloko ko at nasabihan ko pang may ipis sa balikat niya. Natatawa tuloy ako.

"Good morning ma'am--"

"Marsha po, kuya manong. Good morning rin po sa inyo." Nakangiti kong sabi sa kanila. At sabay ngitian naman rin nila akong dalawa.

"Ayy, oo nga pala maam, pasensiya na pala kahapon..."

Tinap ko sa balikat si manong panot at sabay nagsalita ako. "Okay lang po 'yon. Tsaka, ako nga po dapat ang humingi ng tawad sa inyo, niloko ko po kasi kayo kahapon. Hehe".

Napakamot naman ng ulo si manong. "Oh siya, papasok na po ako. Pwede na po ba?" Pag-papaalam kong tanong. Baka kasi, pagbawalan na naman niya ako. At baka hindi lang ipis ang iuto ko sa kanya. Hays, natatawa ako. Baka sabihin kong manong panot siya. Baka ma-high blood sakin si manong.

"Oo naman po maam. Sige, pasok na po kayo sa loob." Sambit nung isang sekyu at sabay nagkatinginan pa silang dalawa at sabay tumawa.

Napailing ako. Ano kayang nakakatawa?

Tinulak ni manong guard yung glass door at sabay pumasok na ako sa loob. Agad ko namang tinahak yung elevator at nakangiti pa rin akong pumasok sa loob nun at saka pinindot ko yung 20th floor na kung saan, nandun yung office ni Roxie. Dadaanan ko muna siya bago ako pumunta dun sa opisina ng halimaw kong boss na si Logan.

Oh! Akala niyo magkakamali akong banggitin yung pangalan niya? Haha! Syempre! Kinabisado ko pa 'yon kagabi noh bago pa ako matulog. Kaso nga lang, sa kaka-kabisado ko sa pangalan niya, bigla nalang pumapasok sa utak ko yung mukha niya. At ang nakapag-tataka, bigla nalang tumibok yung puso ko. Kailangan ko na ata sigurong magpa-check up. Baka lumala na 'to. Sayang yung beauty ko kapag hindi ko pa naagapan yung buhay ko. Baka hindi ko na masilayan ang ganda ko. Huhu!

*ting!

Agad naman na akong lumabas sa elevator at saka ko tinungo yung opisina ni Roxie. Kumatok muna ako at narinig kong pinapa-pasok niya ako sa loob.

"Oh! Marsha. It's my pleasure to see you again. Take a sit." Pagbungad niya at nakangiti niyang sinabi iyon.

Ang ganda niya talaga kapag nakangiti siya. Napag-isip isip ko tuloy na baka siya yung nawawala kong kapatid. Pero joke lang 'yon syempre! Imposibleng magkapatid kami, eh ang layo nga ng standards ng beauty ko sa kanya. Tsaka, ayoko nang kapatid na lalaking mukhang halimaw. Si Logan yung tinutukoy ko.

"Good morning rin po sayo ms. Roxie." magalang kong sabi. At napa-tawa naman siya ng marahan.

"Hey! I told you, don't call me ms. Roxie, okay? From now on, call me as Roxie. And don't you 'po' me also okay?" Sabi niya.

Napa-hampas ako sa batok ko. "Hehe. Okay R-roxie. Hehe.." Utal kong sabi. Hindi lang siya maganda, ang bait pa niya. Minsan napag-isip isip ko rin kung bakit naging kapatid niya si Logan eh. Kung tutuusin, magkamukha naman sila. Parehas silang may itsura at ang nakakapag-taka lang, si Roxie mabait, 'tas si Loga este si  Logan eh mala-halimaw at akala mo palaging may period. Kasi napapansin ko sa kanya, palagi siyang nakasimangot na animo'y sa kanya lahat  binagsak yung problema sa mundo. Tas, palagi pang mainit ang ulo. Baka nag-memenopause rin siguro ang lalaki kaya ganun nalang siya.

"Hey! Marsha! Are you okay?" Sabay nakita kong kinampay-kampay pa ni Roxie yung kamay niya sa mukha ko ng mapukaw naman ang atensyon ko ng sabihin niya iyon.

Ano ba kasi 'tong iniisip ko?

Inayos ko ang sarili ko at saka nagsalita ako. "Uh-okay lang ako. May iniisip lang kasi ako." Sabi ko at saka ngumiti ako sa kanya. At nakita kong napa- tango nalang siya.

"Well, by the way. Did you already came in my brother's office?"

Speaking of this. Bumalikwas na ako ng tayo at saka ko tinungo yung pintuan. "Ayy! Nawala po sa loob ko. Hindi pa po ako pumunta dun." Taranta kong sabi. "Sige po ms. Roxie. Una na po ako".

Tumango nalang siya at saka naman ako lumabas ng opisina niya.

Dali-dali kong tinungo yung elevator at halos muntikan na akong masaraduhan ng pinto. Inipit ko yung kamay ko dun sa pinto at sa wakas ay nakapasok rin ako.

Napapahid ako sa namuo kong pawis sa noo ko at saka inayos ko naman ang sarili ko. Tinignan ko saglit yung repleksyon ng sarili ko sa makinis at makintab na elevator at napansin kong mukhang fresh at maayos pa naman ako.

Tumigil saglit yung elevator sa 23th floor at may nagsilabasan naman na halos puro lalaki at mga mukhang empleyado dito.

Hanggang sa magsara na yung pinto ng elevator at napansin kong may isa pa pala akong kasama ditong lalaki na nakatayo habang nakapumulsa sa gilid ko ng makita ko sa repleksyon ng elevator.

Tahimik lang ang paligid habang hinihintay kong marating yung floor na pupuntahan ko.

Napalingon ako sandali dun sa lalaki ng marinig kong napa-ubo siya. Iniwas ko rin kaagad yung tingin ko sa kanya at hindi ko makita yung buo niyang mukha dahil naka-side view siya. Kaya, inilihis ko nalang rin ang tingin ko sa kanya.

"I've never thought that I'll met a beautiful lady here again."

Sino kausap niya?

Tumingin ako sa paligid ko at tanging ako at 'tong lalaki lang naman ang nandito ngayon. Nagkibit-balikat nalang ako.

This time, napa-baling ulit ako sa kanya ng tingin ng marinig kong napa-tawa siya ng marahan. At sakto namang nagtama ang mata namin sa isa't-isa ng sinulyapan ko siya ng tingin.

Sandali..parang namumukhaan ko 'tong lalaking 'to huh..tama! Siya yung lalaking nakasalubong ko kahapon. Yung pogi na nag-mamanequin ba 'yon?

"Sorry huh. Hindi kasi kita agad nakilala. Ikaw pala 'yan. Hehe" sambit ko at binigyan ko naman siya ng malaking ngiti.

Humarap siya sakin at naaninag ko naman yung gwapo niya mukha. Ngayon ko lang napagtanto na may katangkaran siya, mga 5'9 or saktong 6'0 yung tangkad niya. May kaputian yung kinis at ang kisig ng katawan niya. Na, kung iisipin nga, nakaka-atract na sa ibang babae. Pero bakit sakin walang spark? Sabagay, kapag mataas talaga yung standards ng beauty mo ( pst. Ako lang po yung may ganyang level ng ganda ) kaya nga hindi kaagad tinatablahan ng anumang spells lalo na sa mga gwapong katulad niya.

"By the way, I'm Xy."

"As in, xylophone?"

Tumawa siya. "Yeah. Like that. Xylem actually."

"I'm Marsha Sandoval."

Iniabot naman niya yung kamay niya sa akin at nakipag-shake hands ako. Ramdam ko pa ngang pinipisil niya yung kamay ko at mukhang wala na siyang balak bitiwan yung kamay ko. Pero, alam kong malambot naman talaga ang kamay ko. Sabagay, baka ngayon lang siya naka-hawak ng malambot na kamay at to think na sa isang tulad ko pa. Aba! masuwerte siya!

"Pwede mo na bang bitawa--"

Agad naman siyang bumitiw at napatawa siya ng bahagya. "Oh, sorry. It was not my intention..." Pagpa-papaumanhin niya.

"Okay lang." Sambit ko.

Napansin kong mukhang magsasalita pa sana siya ng bigla namang nang nag-stop na yung elevator. "Well, anyway I gotta go. And by the way, it's my pleasure to meet you Marsha. I hope to see you again."

Tinanguan ko lang siya ng may ngiti sa labi ko at saka siya lumabas ng elevator at pagkatapos ay nagsara na yung pinto.

Nagising ang diwa ko ng maalala ko na dapat nasa opisina na ako ngayon ni Logan. Tinignan ko yung floor number at nanlaki ang mata ko. Hindi ko namalayan at nakalagpas na pala ako sa 25th floor. At susunod na hihinto yung elevator ay sa 28th floor na.

Bigla akong nag-hysterical at paulit-ulit kong pinag-pipindot yung floor na baba-baan ko.

Lagot na ako nito!

Napalingap ako ng tingin saglit sa kanan ko at napansin kong may wall clock pala dito. Pero, hindi lang siya basta wall clock at mukhang mamahalin dahil sa gintong kulay at mga naka-disenyo dito.

Crap! Nakita kong 6:05 pasado na at limang minuto na akong late!

Kinakabahan na ang beauty ko.

Naka-ilang hinto muna yung elevator bago ko matunton yung 25th floor. Dali-dali na akong kumaripas ng takbo kahit na halos magkanda-tapilok na ako dahil sa suot kong heels ngayon.

Breath in. Breath out. Kalmahin mo muna ang sarili ko Marsha. Wag kang matatakot sa halimaw na 'yon, beauty mo lang ang panang-galang mo sa kanya at hindi 'yon magagalit okay? Breath in, breath out.

Dahan-dahan akong kumatok sa glass door ng office niya at naka-ilang segundo na rin ang nakalipas at hindi manlang niya ako pinagbuksan ng pinto. Medyo nanlalagkit na rin yung noo ko sabayan pa ng nanlalamig kong mga  kamay.

Huminga muna ulit ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Kaya ko 'to!

Kakatok na sana ulit ako ng mapansin kong naka-uwang pala ng bahagya yung pinto. Hindi nalang ako ulit kumatok at dahan-dahan ko nalang itong binuksan.

Hanggang sa makita ko na ang kabuuan ng loob ng office ni Logan at pansin kong wala siya rito.

Ngumiti ako ng malapad at saka nag-breath out ulit ako.

"What do you think you've done?""

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong makarinig ng boses sa likuran ko. Bale, nakaharap kasi ako sa table niya at sinusubukan kong hagilapin siya. Pero, hindi ko napansin na nasa likod ko pala siya at nakita kong naka-cross arms siya habang nagsisimula na namang mag-halimaw yung mukha niya.

Pero paano siya napunta jan? Wala naman siya jan kanina huh?

Sinubukan kong pisilin yung mga kamay at mga braso niya dahil baka isa siyang multo.

Nagsimula na naman akong kabahan dahil hindi pala tama ang hinala ko.

Napalunok ako at lakas-loob akong tumingin sa kanya ng diretso.

"Your fired."

what do you think will happen next? Hmmm..

Keep supporting this story guys. Love lots..

Maiden_pinkishcreators' thoughts
次の章へ