Nanghihina ang tuhod na tumayo si Topher habang hawak ang kanyang labi. Inalalayan siya ni Mrs. Garcia habang matalim na nakatitig na ngayon kay Nico.
Frustrations are flastered all over Topher's face. Tumawa siya na para bang mababaliw na. I know he won't absorb it well.
"W-what..." Ani ni Topher habang hawak ang kanyang panga. Nakatayo na siya at kumukuha ng suporta kay Hazmin. "What are you saying..."
Huminga si Nico upang sumagot, ngunit mas nauna nang magsalita si Mrs. Garcia.
"NICO!" sigaw nito. Siya na ngayon ang nasa unaha. "Wala kang utang na loob! Sino ka para isumbat 'yan sa kapatid mo na dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon?!"
Natiim ni Nico ang kanyang panga noong marinig iyon. Hindi siya sumagot. Tinignan niya muli ng masama si Mrs. Garcia bago niya hinawakan ang braso ko upang isama ako sa pag-alis sa harapan nila.
"NICO! Nico!" Sigaw ni Hazmin upang pigilan kami. "MAS PIPILIIN MO PA TALAGA ANG BABAENG 'YAN? NICO!"
Ngunit hindi na namin siya nilingon.
Mabilis ang paglalakad namin at bumagal lamang iyon nang makarating kami sa courtyard garden ng hospital. Maraming halaman doon at bulaklak. Wala na nga lang tao ngayon siguro dahil madilim na nga, halos mage- 8 PM na rin...
Napatingin ako kay Nico noong tumigil kami sa paglalakad. Nakatalikod siya sa akin at nakapamewang na tila ba nagiisip.
Kumakalabog ang puso ko't hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Napalunok ako bago nagsalita.
"Are you a-already okay?" Tanong ko saka kinagat ang labi. "I mean... yung kalagayan mo."
Saglit siyang tumingin sa gilid niya upang tignan ako sa kanyang peripheral vision. "Yeah."
I took a deep breathe again...
"A-about... w-what you've said earlier," sambit ko na halos naging bulong na dahil sa kaba... Bumagsak sa lupa ang mga mata ko dahil hindi ko mapagpatuloy ang gusto kong itanong.
Natatakot ako na baka nagkamali lang ako ng intindi... natatakot ako na baka hindi naman. Pero...
"N-naaalala mo na ako?" Dugtong ko pa.
Sinubukan kong silipin ang mukha niya dahil nakatalikod pa rin siya, ngunit agad na naghabulan ang puso ko nang narinig ko ang malalim niyang hininga.
"It was a mistake..." He sighed.