webnovel

Panyo

Ang unfair.

Sobrang unfair ng tadhana.

Bakit kung kailan handa na akong i-let go ang lahat ay ngayon ito nagpakita ng pag-asa na pwede pa? At bakit sa napakalupit pa na paraan?

Bakit kailangang hindi na ako matandaan ni Nico?

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nakatingin ako sa bintana habang tuloy tuloy na umaagos ang luha sakin mata. Tahimik kong pinupunasan ang mga luhang iyon dahil hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin si Nico at halos isang upuan lang ang pagitan namin.

Napakatagal na panahon kong hinintay ang pagkakataong ito.

Anim na taon.

Pero ngayong nangyayari na ay wala akong ibang magawa kundi ang masaktan.

Ilang sandaling katahimikan ang nanaig dahil bukod sa wala nang masyadong pasahero, ay dahil wala akong magawa para kausapin siya. Nararamdaman kong tinitignan ako ni Nico. Ramdam kong parang gusto niyang magsalita, pero alam ko ring siguro dahil naaawa lang siya na makitang umiiyak ang isang babaeng tulad ko.

Ang buong byahe ay hinayaan ko lang na lumipas na parang tanga. Hindi ko maintindihan kung bakit, siguro dahil hindi ko pa rin matanggap na ganito ang mangyayari...

Kamusta ka na?

Anong nangyari sa iyo sa loob ng anim na taon?

Saan ka galing?

Bakit hindi ka nagpakita?

Bakit mo ako iniwan?

...bakit mo ako kinalimutan?

Lahat ng iyan ay sinisigaw ng utak ko. Pero ang lahat ay nanatiling tahimik.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtayo niya. Bahagya akong napalingon sa kanya at agad na nagpanic dahil siya ay bababa na.

"A-Ah, saglit lang Ni---..." napatigil siya dahil sa sinabi ko. "I mean.. " Wala naman talaga akong gustong sabihin pero gusto ko lang talagang tignan ulit ang mukha niya...

Sandali akong napatigil. Hindi ako makapaniwala. Napalunok ako para pigilan ang luhang nagbabadya. Sinubukan kong magsalita ng tuwid pero hindi ko nagawa, dahil nanginig pa rin ang tinig ko.

"Y-yung... ahm, i-tong panyo m-mo...?" Iyon na lang ang naisip kong dahilan. Ipinakita ko sa kanya 'yong pantong puno na ng luha ko.

Ngumiti siya pero malungkot, siguro dahil naaawa siya sa akin ngayon. A stranger na umiyak buong byahe habang katabi siya.

"Sa 'yo na lang..." aniya, "...muna." he smiled sadly again. Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. "I mean, malay mo, kapag magkita tayo ulit."

Saka na siya naglakad pababa ng bus. Ilang sandali akong natulala dahil sa sinabi niya ngunit noong umandar na ang bus ay naisipan kong tignan siya sa bintana.

Doon ay nakita ko na siyang naglakad palayo... nang hindi man lang lumilingon.

"Sayo na lang muna. I mean, malay mo, kapag magkita tayo ulit."

Parang nanghina ang tuhod ko noong makababa akong Buenavista. Napahawak ako sa pinakamalapit na pader na makita ako, saka napaupo sa nakaangat na semento. Doon ko lubos na ibinuhos ang luhang buong byahe kong pinigilan... lahat ng hikbi, at hinanakit na hindi ko inilabas.

Noong napakalma ko na ang aking sarili ay pinunasan ko na ang luha sa aking pisngi. Sinigurado ko munang hindi na halata ang mugtong mata ko bago ko naisipang umuwi. Pumunta muna ako sa isang convinience store para magpalipas ng oras at mag-make up para takpan ang mga iniyak ko.

Ngunit hindi nga yata matatakpan ng make up ang kalungkutan. Pagkauwi'y napansin agad ni Mommy ang pagkalamya ko kahit pa sinubukan kong ngumiti sa kanya.

"Sorry, Mom. Uh, napatagal 'yong program ng reunion namin e," sabi ko na lang bago pa ako tanungin ni Mommy. "Hmm, nakakapagod po, akyat na muna ako sa kwarto."

"Hindi ka ba muna kakain?" Nagaalalang tanong niya.

I smiled weakly. "Busog po ako sa Reunion namin."

Hindi na nagsalita si Mommy at sinundan na lang ako ng tingin hanggang sa makaakyat ako. Pagkapasok ay sumalampak ako sa akong higaan. Akala ko ay wala na akong mailalabas pa na luha dahil binuhos ko na kanina at sa buong anim na taong naghintay ako...

...pero mali pala, dahil nagsimula na namang nagsibagsakan ang mga ito na akala mo'y ulan.

次の章へ