*one of my latest works*
Naglalakad na naman sa pamilyar na lugar
Di alam kung aasa bang makasalubong ka
Bawat kalye, ala-ala na kasama ka ay bumabalik
Pwede pa bang ulitin ang tamis kahit saglit?
Di makalimutan tamis ng halik, pwede bang maulit?
Tila ba'y pangalan mo lamang ang narito sa aking puso nakaukit
Na kahit anong gawin ay di kayang tanggalin
Maaari ba ulit akong pagbigyan ng tadhana na ikaw ay maging akin?
Kahit sa mga punong nadadaanan, naaalala ang iyong tawa na tila'y musika
Sa harap ng simbahan, kung saan tayo umupo
Isinabi ang mga pangako na ngayon ay para bang bulang naglaho
Maaari bang ibalik sa panahon na ang isip ay wala pang pagtataka
Sa bawat hakbang sa hagdan, ikaw pa rin ang laman
Kahit na mapagod paakyat tila ba'y hindi na kita malilimutan
Kapag nakita ka muli, dapat ba kitang habulin o pigilan ang sarili?
Kahit na ikaw ang sinisigaw ng pusong ligaw, sa desisyon ko, ako ba ay iyong masisisi?
WHAaaA! I couldn't believe na almost 100k na kayong mga nakabasa ng mga tula ko (which I wrote during my hs days specifically grade 7 kaya medj learning pa sa grammar until now naman)
Thank you for your time appreciating my younger self's work. For real, I just opened this account for fun, then ito yung bumungad kaya super unexpected huhuhu tysm guys!!
Since I still have a lot of poems to post (na never na-post these past few years), I'll do my best to post my old poems ayaw ko munang revise baka magalit ang pride ng younger self ko HAHAHAH!!
Pero I'll post some of my newest works din if kaya ng time ^__^