webnovel

Entry#23

After what seemed like forever of waiting, nakasakay na rin kami ng jeep! So this is traffic, huh? First time kong maka-experience ng ganitong traffic. Maliit na city lang kasi ang sa amin kaya ang traffic, nagtatagal lang ng mga 10 minutes, pinakamatagal na yun normally. Nagiging hours lang yun kapag may parade. Kung hindi puno, yung iba naman ay iba ang ruta.

Arrgh. Ang sikip! Ano ba yan. Kalahati na lang ng pwet ko ang umuupo.Napapikit ako habang pinupwersa ang mga binti kong nakaskwat na. Shet, mahuhulog na ako pero kapit lang. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa mahabang bakal na nasa ulohan ko.

"Pen, okay ka lang dyan?" Hindi ako lumingon dahil busy ako na magpep talk sa sarili ko pero boses yun ni ate Van.

"Hmm," I responded. Sana lang talaga gumana 'tong mind power trick na 'to dahil nanginginig na ang mga binti ko. Parang hindi ko na kaya pero kailangan kong tatagan ang sarili ko.

AAAHH! Send help! Sana may bumaba na.

Maginhawa na rin kaming nakaupo sa wakas. Maraming bumaba kanina nung huminto ang jeep. May mga pumalit rin naman pero syempre, dahil kami ang mas nauna sa kanila, maayos na kaming nakapwesto ngayon. Buong pwet na namin ang nakaupo sa bench. Oh, the relief!

Ramdam ko na talaga ang pagrereklamo ng tiyan ko. Kaya naman, napatanong na ako kay kuya driver. "Kuya, malapit na po ba sa gmall?"

"Gmall? Lapaw naman mo," ANO! Paano namin yun nalagpasan? Parang ang bilis naman yata? Bakit di namin napansin? Gusto kong tampalin ang sarili ko.

Yung ang sarap na ng pagkakaupo naming tapos biglang lagpas na pala kami. Naks naman, tanga.

Ito namang si ate Wincelette di man lang nagsabi. Dayo pa naman kami dito.

"Hala pa'ano yan.." sambit ni ate Van. May himig na ng pag-aalala ang kanyang boses samantalang tahimik pa rin si ate wincelette.

"Katong daghan nanaog, kato siya ang gmall. Pagbaktas na lang mo ga. Diretsuhon lang ninyo didto o." sabi ni kuya habang nginunguso yung direksyon sa likod namin.

Napatingin naman kaming lahat sa itinuturo niya. "Na, kana siya, gmall na na siya."

"Ay sige salamat kuya!" sabay-sabay naming pagpapasalamat nina Ailou at Arnaisa.

Nagsibabaan na kaming lima sa jeep at nilakad na lang ang papuntang Gmall. Kung tututuusin malapit lang naman pala siya sa binabaan naming. Kaya lang, dahil malapad at pahaba ang daan, parang ang layo kung sa imagination ko lang. Akala ko lang pala yun.

Gmall exceeded my expectations. It's quite big rin naman at in fairness, ang ganda dito sa rooftop nila! May mga sosyaling kainan, tapos may yellow lights sa taas at mga fake flowers and aesthetic green plants. May i-popost na naman ako sa Instagram ko. Hehe.

"Wag mo i-focus. Alam mo namang bagong kain pa yung tao, eh!" reklamo ni ate Van saka matipid na ngumiti sa camera na hinahawakan ni Ailou, our maniniyot friend. "Teka, paano magpose?" tanong niya habang ina-adjust yung katawan niya but she ended up smiling while doing the peace sign.

"Oh, ikaw naman Wince," But ate Wince remained staring into the far away galaxy. Chos! Kanina pa yan tulala, ah. Is something bothering her mind? Or baka sobrang napagod lang siya kanina.

"Ha?"

"Kaw na," sabi ko.

She shook her head. "Ayoko. Kayo lang. Gusto ko umuwi."

Humalumbaba siya sa railings at idinukdok ang kanyang ulo.

Bumalik yung sakit ng binti ko dahil sa pag-iikot namin sa mall kanina. Kaya pagdating ko sa bahay, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha na ang towalya, damit, at sabon ko. Damang-dama ko ngayon ang kapreskohan ng malamig na tubig.

Feel na feel ko na yung pagla-lather ko ng sabon sa buong katawan ko, nang makarinig ako ng katok.

"Oh? Sandali lang," sabi ko.

"Matagal pa yan?"

Luh? Di pa nga ako nakaka-10 minutes dito, eh. Kung maka-angal naman 'tong si Heidi. Kasalanan ko bang nauna ako at gumala pa silang dalawa ni Keith?

Kaagad na akong nagbanlaw at nagbihis. "Pen?" tawag sa'kin ni Danica.

"Oh! Wait lang. Nagbibihis na'ko."

Sumalubong sa akin ang nakapila na sina Heidi, Diana, at Jo-ann na kapwa may mga nakasabit na towalya sa balikat at bitbit na mga damit.

Dumiretso na ako paakyat sa laundry area para isampay ang basang towel ko.

May sumisinghot-singhot.

Lumingon-lingon ako at inilawan ang kabuoan ng laundry area. Isang babaeng nakabun ang buhok at nakashorts nang maikli ang nakasiksik sa madilim na sulok, nakahalumbaba sa katawan niyang animo'y fetus.

"Ate Wincelette?" Nag-angat siya ng tingin. May mga tubig na umaagos galing sa kanyang namumulang mata.

"Ate, anong problema?"

Kaya pala kanina pa siya tulala. Kaya pala pagod siya. Kaya pala hindi siya dumadaldal kanina… she's tired emotionally.

I called the other four here to talk to her. Because she needs the most support that she could get now. I… I don't know what to say.

"Madam…" Arnaisa said.

"Ate wince, anong nangyari?" tanong ni Ailou. Iyan ang tanong sa isip naming lahat ngayon.

Hindi siya nagsalita kaagad. Gayunpaman, hinintay namin siya at tinapik-tapik sa balikat.

Suminok muna siya at nilunok ang mabigat sa kanyang lalamunan. "Si….si Jigs."

Anong nangyari kay kuya Jigs?!

Bisaya notes:

"Lapaw naman mo."

- lagpas na kayo.

"Katong daghan nanaog, kato siya ang gmall. Pagbaktas na lang mo ga. Diretsuhon lang ninyo didto o."

- Yung maraming bumaba, yun ang gmall. Maglakad na lang kayo. Diretsuhin niyo lang doon, o.

"Na, kana siya, gmall na na siya."

- Yun, yun oh. Gmall yan.

Hanari Lee's note: may nagbabasa pa ba nito? Please leave a comment kung meron man. :) I wanna know your thoughts.

So excited for the next chap. Hehe. Follow niyo pala Facebook page ko: Preshy-chan's stories for updates. TTYVM!

hanarileecreators' thoughts