After a few minutes of my internal struggle, nagdesisyon akong pumunta sa birthday party ni ate Wincelette. Kasi feeling ko, kapag hindi ako pumunta, pagsisisihan ko. I will miss something important in my life if I let it pass. Mabilis lang akong nagbihis ng panglakad. Pamasahe at cellphone ko lang ang dala ko.
Bahala na. Sumugal ako na umalis kahit na gabi na at kaunti nalang ang dumaraan na tricycle dito sa amin. May mga makakasabay naman siguro ako mamaya sa pag-uwi. Kasama naman namin si Ate Kris. Sasabay nalang siguro ako sa kanya pauwi tutal magkapitbahay lang naman kami.
Hindi naman masama na sundin ang puso kahit minsan lang. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa excitement. Para akong sira na nakangiti buong byahe. Buti na lang, wala akong kasabay sa tricycle! Hahaha.
Naabutan kong inaayos nila Ailou at ate Vanessa ang HAPPY BIRTHDAY na mga letra sa pinto. Samantalang busy naman sina ate Kris at kuya Earl sa pag-arrange ng mga pagkain, plato at pinggan. Si ate Wincelette naman ay nagpapalobo ng mga balloons. Nag-uusap-usap silang lahat at nagtatawanan.
"Surprise!" with all the energy sabay may pa taas pa ng dalawang kamay na sabi ko pagkarating sa boarding house ni Arnaisa. Napalingon silang lahat sa akin.
"Oh? Penelope!" gulat na salubong sa akin ni Kuya Earl. Malamang, hindi nila inaasahan na pupunta ako. Bilang na bilang lang sa kamay ang mga pagkakataon na sumasama ako sa mga outings ng mga classmates ko.
Kasi naman, kadalasan hindi ako invited eh. Mukha lang akong walang hiya sa klase pero may hiya pa naman ako sa katawan ko 'no. Hindi ko ugali ang mang gate crash. Pero invited na ako this time, kaya pumunta ako. Kapag invited naman ako, puros naman inuman session o di naman kaya'y magastos o pupunta sila sa malayong lugar. Di talaga kami magkakalevel ng wavelength ng karamihan sa classmates ko.
"Himala, nakapunta ka pen!"sabi naman ni ate Vanessa.
"Hi madam!" bati sa akin ni Arnaisa. Ever since we became close, tinatawag niya na akong madam. Pati rin si Ailou.
"Yudieeee!"
"Syempre! Hindi na nga sana ako pupunta kasi gabi na atsaka pamasahe lang talaga ang meron ako eh. Pero pumunta talaga ako para kay ate Wincelette."
"Ayieeee!" tukso nilang lahat sa akin at pagkatapos ay natawa kami.
At dahil napansin kong busy silang lahat, lalo na sina Arnaisa at Ailou, nag-alok na ako ng tulong. "Ano pa bang pwede ko maitulong?" Kakain lang, walang tulong, tapos uwi agad? Nakakahiya naman yun, no. Atsaka para may silbi naman ako dito. Hahaha.
Tumulong na ako sa pagpapalobo ng mga balloons.Patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan at pagbibiruan nang may dumating na isang maliit na lalakeng hindi ko kilala. May bitbit siyang tatlong bote ng coke.
Inilapag niya ang tatlong coke sa lamesa. Pinunasan niya ang mga tumatagaktak niyang pawis.
Kumuha si ate Wincelette ng pera sa wallet niya at ibinigay kay kuya na hindi ko kilala. "Bili ka nalang rin ng lechon manok, Jigs. Tsaka eto ang resibo. Pakiclaim ng cake na inorder ko sa cakeshop."
"Sige. Ano pa?"
"Grabe ka naman, Wince! Boyfriend mo ba siya o utusan? Yung girlfriend ko nga, hindi ako ginaganyan eh." reklamo ni Kuya Earl.
"Hahahaha. Kawawa naman si Kuya Jigs, kanina pa yan." Natatawang sumang-ayon si ate Kris.
"Slave ko yan. Hahaha. Joke," pabirong sagot ni ate Wincelette.
At ang sagot ni Kuya Jigs ay: "Ganyan naman talaga siya. Sanay na ako sa kanya. Hindi niya kasi ako mahal." pero tinaasan lang siya ng kilay ni ate wincelette.
"Ayieeeee!"
"KISSSSSS!"
Tumawa kaming lahat dahil sa pamumula ni Ate Wincelette. At mas lalo pa siyang namula nang bigla siyang hinalikan ni kuya jigs sa pisngi at pagkatapos ay mabilis na nagpaalam saka tumakbo palabas ng gate.
Kilig na kilig kaming lahat! Hahaha. Hindi namin yun ini-expect. Tili pa rin nang tili sina Ailou, Arnaisa, at Ate Kris. Napapangiti na lang ako nang malawak.
Hindi lang mga couple ang pwede kiligin no. Kahit wala kaming lovelife, posible namang kiligin para sa iba.
"Eeeek!" panggaya ni Kuya Earl sa kanila. "Ganyan ba kiligin ang mga baboy?"
Ang unang nagreact ay si Ate Kris. "Gago ka Earl! Hahaha. Erset!"
"Hala! Baboy daw oh! Hala!" panggagatong pa ni Ate Vanessa. Palibhasa parehas kaming payatot kaya hindi kami pasado sa kantyaw na iyon.
"Lalaban ka sa amin? Tandaan mo Kuya Earl, isang tira ka lang, talbog ka na! hahaha."
"Sorry lang. Wag na kayo magalit. Baka wala akong kainin. Masarap pa naman ang lech-" Hindi na natapos ni kuya earl ang sasabihin dahil binatukan nanaman siya ni ate Kris.
Maya-maya pa'y dumating na rin si Kuya Jigs bitbit ang mga iniutos ni ate Wincelette sa kanya. Nagpicture-picture naman kami. Group photo ng mga magkakasama sa thesis- sina ate Wincelette, ate Van, Arnaisa, at Ailou.
Tapos sumunod naman, kasali na kami ni Ate Kris. Si Kuya Jigs ang nagpicture sa'min. Syempre may couple picture rin silang dalawa. Ang dami nilang shots. Pero ang pinakamaraming shots ay ang selfie ni birthday girl. Nag-ala photographer pa kaming dalawa ni Ailou para maachieve ang magandang shots.
"Mga madams, wag niyong sasabihin ha. Tahimik lang kayo tungkol sa amin ni Jigs. And please lang, walang pagpo-post ng pictures naming dalawa ni Jigs." Pakiusap niya sa amin.
Ipinaliwanag niya sa amin na highschool sweethearts pala silang dalawa na nagbreak at pagkatapos ay nagkabalikan nanaman. Ayaw niyang malaman ng parents niya na sila na ulit dahil ayaw niyang sisihin nila tita at tito ang boyfriend niya sa mga mabababa niyang grades.
I feel her. Yung lahat nalang ng gawin mo, pinaghihinalaan ka dahil sa lovelife?