webnovel

CHAPTER 6

Breaking News:

Kapapasok lamang po ng balita: ang modelong si Francis Tan at isang kasamahan nito ay nabiktima ng isang snatcher; kaagad namang nahuli ang suspect, subalit sa kasamaang palad ay sugatan ang babaeng kasama ng nasabing modelo, nasasaksak ito ng suspect; manatiling nakatutok para sa mga susunod ng update.

"Ma!" Patakbong tinungo ni Paul ang kusina upang ipaalam sa ina ang kakapanood lang niyang balita tungkol sa kapatid at sa kasintahan nito.

"Bakit kaba sumisigaw?" Abala sa paghahanda ng pananghalian si Mrs. Francia kasama ang mga katulong ng mga oras na iyon.

"Ma, kuya Francis and her girlfriend was in trouble! They attact by a snatcher, the snatcher was already caugth by the police, but her girlfriend was wounded" Walang prenong pagsasalita ni Paul.

"What?! San mo naman nasagap ang balitang yan?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Mrs. Francia.

"Ofcourse sa TV! Sa breaking news Ma!" Sagot ni Paul.

"I need to call your brother" Ani Mrs. Francia. "Manang kayo na muna ang bahala dito" Bilin nito kay manang gloria.

Kinuha ni Mrs. Francia ang kanyang cellphone at idinayal ang number ni Francis.

"Hello, Ma" Wika ni Francis sa kabilang linya.

"Nasan ka? I heard in the news na nabiktima kayo ng snatcher, and Reyann was wounded, how is she?" Ani Mrs. Francia.

Napabuntong hininga si Francis, pag talaga sa harap ng camera ang buhay mo, wala kang maitatago. "We're here at GFC hospital, and Reyann is still in the emergency room, nasaksak siya at maraming dugo ang nawala sa kanya, she needs blood transfusion" Sagot ni Francis sa ina.

"Pupunta ako jan-" Hindi naituloy ni Mrs. Francia ang sasabihin.

"Ma, wag na, I can handle this, pag ok na tsaka nyo na bisitahin si Reyann" Wika ni Francis.

"But iho, I want to make sure na magiging okey si Reyann" May pag-aalalang sabi ng ginang.

"Ako na pong bahala Ma, wag na kayong masyadong mag worry"

"O-okey, just call me as soon as possible pag may bagong balita" Wika ng ginang, wala na itong nagawa sa gusto ng anak, magtityaga nalang siyang maghintay sa susunod na mga mangyayari kahit na sobra siyang nag-aalala para sa anak at kay Reyann.

*****

Hindi mapakali si Francis habang hinihintay na matapos ang ginagawang blood transfusion kay Reyann. Nadagdagan pa ang mga bumabagabag sa kanya ng tumawag ang ina, naibalita na pala sa telebisyon ang nangyari, siguradong may mga reporters nang naghihintay sa kanya sa labas ng hospital. Sa kalaliman ng kanyang pag-iisip ay nadistract siya ng biglang mag-ring ang cellphone ni Reyann na ibinigay sa kanya kanina ng isa sa mga nurse na nag-asikaso kay Reyann.

Calling..

Ate Ariella

Nag-alangan si Francis kung sasagutin ang tawag, pero napag-isip niya na kailangan din malaman ng pamilya ni Reyann ang mga nangyari.

"He-hello" Mahinang sabi ni Francis.

"Hello! Asan si Reyann? Anong lagay niya?!" Nagpapanic na tanong ni Ariella sa kabilang linya.

"She's still in the emergency room, sinasalinan po siya ng dugo" Mababa ang boses na sagot ni Francis.

"Jusko! Ano na naman ba ang pinasok ng babaeng yan?! At bakit isang modelong katulad mo ang kasama niya?" Pagtataka ni Ariella. Napanood din nila ang balita sa t.v ang tungkol kay Reyann sa modelong kasama nito.

"Ipapaliwanag ko po ang lahat pagdating niyo dito" Ani Francis.

"Sige, papunta na'ko jan"

Inihanda ni Francis ang sarili upang makiharap sa pamilya ni Reyann, magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, naiisip niya na baka sa kanya mabunton ang sisi. Sa isang iglap lang ay nakarating na sa ospital ang ate ni Reyann, may kasama din itong isang lalake na sa palagay niya ay di nalalayo sa edad niya.

"Nasan ang kapatid ko?" Tanong agad ni Ariella pagkakita kay Francis.

"Nasa emergency room pa" Tipid na sagot ni Francis. Naupo sila sa upuan na nasa harapan ng emergency room.

"Ano na naman itong pinasok ni Reyann? Lagi nya nalang kaming pinag-aalala" Naluluhang wika ni Ariella.

"Walang kasalanan si Reyann, hinabol niya lang yung snatcher" Pagpapaliwanag ni Francis.

"Kasalanan niya! sigurado akong kasalanan niya, masyadong agresibo ang kapatid namin at padalos-dalos, di siya nag-iisip" Ani Ariella, napaiyak na ito dahil sa labis na pag-aalala. Tama nga ang ate ni Reyann, kahit sandaling panahon niya palang nakasama ang tibo ay nakita nya ang pagiging agresibo nito.

"Di talaga nag-iisip ang babaeng yan, yan tuloy ang napala nya" tuluyan nang tumulo ang luha ni Ariella dala ng sobrang pag-aalala. "Nagtataka lang ako, bakit kayo magkasama? Magkaibigan ba kayo?" Tanong ni Ariella kay Francis.

"Magkapitbahay kami, at nagtatrabaho siya sakin" Sagot naman ni Francis.

"You mean..ikaw ang fake boyfriend ni Reyann?" Tanong pa ni Ariella

"O-oo" Sagot muli ni Francis, ang buong akala niya ay walang alam ang mga ito.

"Sinabi samin ni Reyann ang tungkol sa bago niyang trabaho, pero di namin alam na ikaw pala yung lalake" Ani Ariella sa nagtatakang mukha ni Francis. "You don't need to worry, walang makakaalam ng tungkol sa inyo, kami lang" Nakangiti pang wika ni Ariella.

Napangiti narin si Francis, di niya akalaing may mababait palang mga kapatid ang tibo.

"Sana kahit di totoo ang namamagitan sa inyo ni Reyann, tulungan mo siyang magbago, tulungan mo siyang iwasan na ang pakikipag-away at pakikipag karera" Nakikiusap ang mga matang sabi ni Ariella.

"Susubukan ko" Sagot ni Francis.

Sa kalagitnaan nang pag-uusap nina Francis ay lumabas ang doktor na nagsagawa ng blood transfusion kay Reyann. Sabay-sabay na tumayo ang tatlo upang salubungin ang doktor.

"Dok, kumusta ang kapatid ko?" Tanong agad ni Ariella

"Tapos na ang blood transfusion, ililipat na siya sa room niya, she's still under observation, malalim ang naging sugat niya" Saad ni doktor Chua

"Thank you so much doc" Nakahinga na ng maluwag si Francis.

*****

Unti- unting nagmulat ng mga mata si Reyann, pagmulat ng mga mata ay ang puting kisame ang una niyang nakita, inalala niya ang mga nangyare, naalala niyang nasaksak siya ng snatcher, at naalala niyang sobrang pag-aalala ang pinamalas ni Francis para sa kanya, di naman pala bato ang puso ng binata pagdating sa kanya, ubod lang talaga ito ng sungit minsan.

"You're awake!" Napatayo si Francis sa kinauupuan niya ng makitang nagmulat na ng mga mata si Reyann.

Lumabas ng kwarto si Francis upang tumawag ng doktor na titingin kay Reyann.

"Her blood pressure is normal, iwasan lang ang masyadong paggalaw, sariwa pa ang sugat ni Miss Florante" Wika ng doktor.

"Sa food wala bang bawal doc? Can she eat anything?" Tanong ni Francis.

"She can eat anything, espescially fruits, para mabilis bumalik ang lakas niya" Sagot ng doktor. "I need to go now" Nakangiting paalam ng doktor.

"Thanks doc" Ani Francis.

Nang makaalis ang doktor ay binalingan ni Francis si Reyann

"What do you want to eat?" Tanong ni Francis.

"Mamaya na'ko kakain" Nanghihinang sagot ni Reyann.

"No! Di mo ba narinig ang doktor? He said you need to eat para bumalik ang lakas mo" Salubong ang kilay na wika ni Francis. Sumimangot si Reyann.

"Prutas na muna" Nakasimangot na wika ni Reyann, wala pa siyang ganang kumain, at pinaka ayaw niya ay ang pinipilit siyang kumain.

Nagsimulang magbalat ng mansanas si Francis. "Kung hindi ba naman sira ang ulo mo, hindi sana mangyayari yan sayo! Ba't kasi hinabol mo pa yung snatcher?" Wika ni Francis.

"E anong gusto mong gawin ko-" Nahinto sa pagsasalita si Reyann ng maramdamang kumirot ang sugat nya, napalakas ang boses nya dahil sa inis. "Ouch!"

"Wag ka muna kasing magsisigaw!" Puna ni Francis. "Hindi naman ako nakikipag-away sayo, sinasabihan lang kita, para sa susunod hindi kana umulit"

"Tss..alangan namang hayaan kong makuha nalang nya 'tong kwintas ko" Yumuko si Reyann at hinawakan ang kwintas na nakasuot sa kanyang leeg. "Regalo pa sakin 'to ni Tatay noong 18th birthday ko" Naramdaman ni Reyann ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata, ilang ulit siyang pumikit pikit upang pigilan ito.

"Wag ka ngang umiyak! Ang pangit mo eh!" Nakangising wika ni Francis. Ang totoo ay pinapagaan lang nya ang pakiramdam ng dalaga, hindi sya sanay na nakikita itong malungkot.

Inirapan lang ni Reyann si Francis. "Akin na nga yan!" Inagaw ni Reyann ang nabalatan ng mansanas sa kamay ni Francis. "Nagpunta ba sina ate dito?" Tanong ni Reyann sa binata.

"Yes, ayaw kapa nga nilang iwanan, pero pinauwi ko sila, they look so tired" Wika ng binata.

"Eh ikaw bakit andito kapa?" Tanong pa ni Reyann.

"Ako ang kasama mo nang mangyare ang aksidente, kaya kargo kita" Sagot naman ni Francis.

"Wow ha, purong tagalog yun" Biro ni Reyann.

"Mukha ka kasing tanga kapag nag-e-english ako" Nakangising wika ni Francis. "Here..kainin mo na 'to" Ani Francis ng matapos mabalatan ang isa pang mansanas.

"Wag ka ngang ngumisi ng ganyan! Nagmumukha kang asong ul*l" Natatawang saad ni Reyann. Napasimangot naman si Francis.

"Magaling kana nga! Malakas kana mang-asar" Nakasimangot na wika ng binata. "O ayan! Kumain kapa!" Isinubo ni Francis ang isang hiwa ng mansanas sa bibig ni Reyann.

Halos mabilaukan si Reyann dahil sa isinubong mansanas ni Francis, hindi sya magkandaugaga sa pagnguya.

"Papatayin mo ba 'ko?!" Singhal ni Reyann matapos manguya ang mansanas.

"Why?" Tatawa-tawang tanong ni Francis. "Ikaw na nga 'tong pinapakain ikaw pa ang mareklamo"

Muling pinukol ng masamang tingin ni Reyann ang binata. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan" Nag-iwas ng tingin si Francis. "Ang creepy!" Totoong nakakatakot ang mga tingin ni Reyann, kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa sya patay.

"Pasalamat ka boss kita" Ani Reyann. "Kung hindi, matagal na kitang nabugbog"

Napapailing nalang si Francis, natutuwa siya tuwing napipikon si Reyann.

"Kumain ka ng mabuti kesa sa kung anu-anong sinasabi mo jan" Pinagpatuloy ni Francis ang pagsubo ng mansanas kay Reyann, sa ganong eksena sila nadatnan nina Mr. Pablo at Mrs. Francia.

Sabay na napatingin sina Reyann at Francis sa mga bisitang bumungad ng bumukas ang pintuan.

"Ma, Pa.." Tumayo si Francis upang salubungin ang mga magulang.

"Kumusta kana iha?" Tanong kaagad ni Mrs. Francia at lumapit ito sa kama ni Reyann.

"Mabuti-buti na po mama" Nakangiting sagot ni Reyann

"I will make sure na hinding-hindi na makakalaya ang gumawa sayo nito" Saad naman ni Mr. Henson.

"Ano ba talaga ang nangyare?" Tanong ni Mrs. Francia

"On that day, may date kami, at ng pauwi na kami, may biglang humablot sa kwintas ni-" Naputol ang sinasabi ni Francis.

"Hinabol ko po yung snatcher, regalo pa kasi sakin ng papa ko yung kwintas, nang maabutan ko po di ko alam na may patalim pala siya, at bigla na nga lang po akong sinaksak" Pagpapatuloy ni Reyann sa pagkukwento ni Francis.

Kapwa walang masabi si Francis at ang mga magulang nito.

"A iha, nagugutom kaba? Anong gusto mong kainin?" Pagbasag ni Mrs. Francia sa katahimikan.

"Katatapos ko lang pong kumain ng mansanas" Nakangiting sagot ni Reyann.

"Mansanas? That's not enough iha, you need to eat more" Anang ginang.

"Yan din ang sabi ko sa kanya Ma, pagalitan nyo nga yan, ang tigas ng ulo" Ani Francis, na parang bata si Reyann na isinusumbong sa ina.

"Ano bang gusto mong kainin iha? Tell me, ipapabili ko" Malambing na wika ni Mrs. Francia.

"Sigurado po kayo ipapabili nyo?" Namimilog ang mga matang tanong ni Reyann

"Oo naman" Sagot ng ginang

"Gusto ko po sana ng siomai, paborito ko po kasi yun" Wika ni Reyann.

"Really? Pareho pala kayo ng paborito ni Francis, meant to be talaga kayo" May konting kilig na sambit ng ginang.

Nagkatinginan naman sina Reyann at Francis.

"Ma magpabili na kayo, gutom na si Reyann, padagdag nyo ah" Ani Francis.

Lumabas si Mrs. Francia sa private room kung saan naka admit si Reyann upang tawagan sa kanyang cellphone ang kanilang driver upang utusang bumili ng pagkain.

Itutuloy....

次の章へ