December 31.
Three Days after nung pangyayaring yun, oo na! Sige na! Mahal ko na nga ata si Trace. Pero ayoko, ayokong ituloy 'tong nararamdaman ko. Ayokong tuluyang mahulog sa taong hindi ko pa nakikita at hindi ko lubusang kilala.
Ay tanga, nahulog na pala ako.
Pero mali ito hindi ba? Hindi naman ito tunay na pagmamahal. Paano mo iibigin ang taong sa computer mo lang nakilala?
Gabi-gabi siyang nagmemessage sakin pero hindi ko talaga siya nirereplyan. Tinitiis ko kahit alam kong gustong-gusto ko na siyang makausap. Gusto kong masigurado muna kung tama ba itong nararamdaman ko.
Narinig ko na lang ang malakas na sigaw ni Ace galing sa ibaba. "MAGALIT KAYO SAKIN! MAGALIT KAYO SA AMIN! MAGALIT KAYO SA MUNDO! Dyan naman kayo magaling hindi ba?"
"Mama!", sigaw ko nung makita kong sinampal niya si Ace. Agad naman siyang hinawakan ni Ate Maddy.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Wala kang alam kaya wala kang karapatang sabihin sakin yan! Ako ang nanay mo, baka nakakalimutan mo!"
"Buong buhay ko tinatawag kitang Mama pero hindi ko kailanman naramdaman yun. Para lang akong batang walang magulang na pinatira mo dito dahil lang kailangan mo! Pero hindi, hindi ka naging ina sakin!"
Sinampal ulit siya ni Mama. Pero hindi tumigil si Ace. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nasasaktan ako. Bakit ganito? Bakit hindi pwedeng isang beses lang dumating ang problema? Bakit kailangang magsabay-sabay sila?
Hindi na ba talaga ako magiging masaya?
"Nakita mismo ng dalawang mata ko ang mga sulat niya sa'yo. Ang mga album niya na tinatago mo, ang mga bagay na binigay niya sayo at ang picture na magkasama kayo! Nakita ko ang pagluha mo nung kinanta ni Ate ang kanta ni Papa para sa'yo! Bakit ba hindi niyo na lang sabihin samin? Siya ang Tatay namin, hindi ba?", tanong ni Ace dahilan para mas maguluhan ako.
Kaninong sulat? Album? Picture? Tatay namin? Shit! Anu bang nangyayari?
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ace?", tapos tumingin siya sakin. "Louisa? Hindi niyo siya ama! Hindi siya karapat-dapat tawaging ama niyo! Iniwan niya ako, iniwan niya tayo", she started crying. "Mas importante ang lintik na banda niyang yan kesa satin! Kaysa sa inyo! Bakit ko hahayaang tawagin niyong ama ang isang katulad niyang hindi tayo binigyan ng halaga?"
Bigla na lang tumakbo si Ace sa kwarto niya, sa tingin ko ay hindi niya na kinaya ang emosyon niya at mapapaiyak na siya. Gustuhin niya mang sumagot pa kay Mama ay mas pinili niya na lang na tumahimik. Kung iyakin siya nung bata, yun na ang bagay na pinaka-iiwasan niya ngayon.
After that big mess between Ace and Mama, Ate Maddy explained it all to me...
Kilalang-kilala ang pamilya nila Mama dati sa lugar nila at marami ang lalaking may gusto sa kanya. Kahit sila lola ay may lalaki nang inilaan sa kanya. Pero wala siyang gusto sa kahit sino man dun. Hanggang sa lumipat sa street nila ang isang pamilyang galing sa America. May nag-iisa itong anak na naging kaibigan ni Mama. Ang pangalan niya ay Louie Ray, ang nanay niya ay Pilipina na nakapag-asawa ng Amerikano. Isang buwan lang dapat sila sa Pilipinas nang magkasakit ang lola ni Louie at napagpasyahan nilang magtagal pa. Ilang buwan bago tuluyang nahulog ang loob ni Mama sa binatang si Louie. Kahit ayaw ng pamilya niya ay ipinaglaban niya ito. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang masasakit na sinasabi ng lola ko at napagpasyahan nilang mag-tanan. Lumayo sila at ang tanging bumubuhay lang sa kanila ay ang gabi-gabing pagtugtog at pagkanta ni Louie sa maliliit na videoke bar. Hindi ito sapat lalo na nung nalaman pa nilang buntis na pala si Mama sakin. Gustuhin man ni Louie na alagaan si Mama ay alam niyang hindi makakaya ng kaunting kinikita niya. Mahal niya ito ngunit alam niyang mas makakabuti kung ibabalik niya na ito sa pamilya niya at lalayo na lang. Nagalit si Mama sa desisyon niyang yun. Ilang buwan din siyang hindi nagpakita kaya napagpasyahan na ni Mama na ituloy ang kasal sa lalaking matagal ng gusto ni lola para sa kanya. Tinanggap siya ng lalaki kahit pa alam niyang nagdadalang-tao na ito.
Sa araw mismo ng kasal ni Mama ay nagpakita si Louie sa simbahan, habang nasa harap na siya mismo ng altar. Nagkaroon pala ng kasunduan si Lola at Louie na babawiin niya rin kami ni Mama sa oras na maayos na ang kinikita niya. Nagkataon naman na sa ikli ng pagtatrabaho ni Louie sa Amerika ay nadiskubre siya ng isang bandang nangangailangan ng isang miyembro. Sa oras na yun, nagkaroon siya ng lakas ng loob na humarap muli kay Mama. Pero nahuli na siya, ikakasal na ito at hindi sumunod si lola sa usapan nila.
Umalis siya pabalik sa Amerika at doon niya pinasikat ang kanyang version ng "25 minutes" by Michael Learns To Rock. Ang hindi niya alam ay hindi pala tinuloy ni Mama ang kasal at nagbaka-sakaling masundan siya.
Isang taon na ako ng magkaroon ng concert ang banda nila Louie sa Pilipinas at dun nagkita sila muli ni Mama. Naging maayos ang lahat at binilhan siya ni Louie ng bahay na matitirhan. Dun nila nakilala si Ate Maddy at iyon ang lumang bahay namin. Minsan wala, minsan nandun ang tema ni Louie sa bahay. But still, masaya si Mama na magkasama na muli sila. Ilang taon pa ay nasundan na rin ako.
Sa araw na ipinanganak si Ace ay yun yung mismong araw na may malaking event na dadaluhan si Louie kaya hindi siya nakabalik sa Pilipinas. Hindi niya muling nakita ang pagsilang ng pangalawa niyang anak. Nung una ay okay kay Mama ang minsang pagkawala niya pero kinalaunan ay hindi na ito nagiging masaya. Hanggang sa tuluyan ngang nakipaghiwalay na si Mama.
Mas lalo silang nawalan ng communication sa isa't-isa nung lumipat na kami ng bahay. Hindi totoo na iniwan kami ni Papa, hindi totoo na wala siyang pakialam samin at mas lalong hindi totoo na hindi siya naging Ama sa amin. Alam lahat ni Ate Maddy iyon. Si Mama lang ang nagpasyang putulin ang lahat.
Ang ganda ng pagtatapos ng taon ko, talagang hindi ako nilubayan ng problema. Ilang araw na akong hindi makatulog dahil kay Trace at ngayon eto naman.
Ilang ring pa rin ng cellphone ko ay hindi ko na ito natiis...
"Louisa?", I let him call my name thrice before answering.
"Bakit?"
"Okay ka na ba?", tanong niya sakin. Kung alam niya lang kung ano ang nararamdaman ko ngayon, hindi siya maglalakas loob na tanungin ako ng ganyan.
"Hindi ako kailanman magiging okay. Not now, not ever."
"Louisa? What's the problem? Alam mo naman na pwede mong sabihin sakin lahat hindi ba?"
Sabihin ko na Ama ko ang idolo niya? Nasasaktan kami ng kapatid ko ngayon dahil ang tagal iyong inilihim ni Mama. Kaya pala ayaw niya ang pagfafangirl ko sa banda, ayaw niyang makita na tumugtog si Ace at kaya pala naiiyak siya sa kantang iyon ay dahil lahat kay Papa. Ayaw niya ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya dito.
"Hindi ko alam Trace. Kung tama ba na pinagkatiwalaan kita ng ilang buwan. Kung tama ba na nakipag-usap ako sa isang stranger na katulad mo at kung tama ba na ibinuhos ko halos lahat ng oras ko kakaisip sa'yo."
"What do you mean by that?"
"Ang tanga-tanga ko. Alam kong miserable na nga ang buhay ko ay nagdagdag pa ako ng magiging dahilan para mas maging miserable ako. Bakit kasi hinayaan kong mahulog ang sarili ko sayo, Trace?"
"Louisa, an--anu bang sinasabi mo?"
Huminga muna ako ng malalim at, "Anu ba ako sa'yo, Trace? Mahal mo ba ako?", ngunit hindi siya sumagot.
"See? Kahit ikaw hindi makasagot. Kasi tama naman, 'di ba? Ang tanga-tangang idea nito. Paano ba naman ako nahulog sa taong hindi ko pa nakikita at nakikilala ng personal. Siguro nga tama na ito... tigilan na natin ito..."
Pinatay ko na ang tawag at unti-unting bumagsak ang luha sa mata ko.
Mas lalo pa akong napaiyak nung mabasa ko ang message ni Trace.
Trace: I don't want to hurt your feelings, Louisa. But always remember this, you are the kind of girl anyone would ever wanted to be with... for a lifetime... till forever, if it does exists. But I'll assure you, he will make that happen, he will make forever exists together with you.
Tss. What's the point? Matatapos at magsisimula ba ang bagong taon na umiiyak ako?
-------
Matapos ang ilang months, with the help of my bestfriend, naging maayos ulit ako. Naging okay na rin si Mama. Nangako siya na hahanap ng paraan para magkausap ulit sila ni Louie, no, ni Papa. Nangako rin siyang aayusin niya na ang lahat lalo na ang relasyon niya saming dalawa ni Ace. I guess, hindi rin naman pala masama ang nangyaring iyon. Naging dahilan pa nga ito para masagot ang ilang sa mga tanong ko.
"I have good news for you ..", balita sakin ni Opay. Gumagawa kami ngayon ng valentine's decorations sa kwarto ko para sa department bulletin.
"Hindi ka na magiging makulit?", I joked.
"No! May concert ulit ang Elixir, sa Valentine's Day.", ngumiti siya. "Dahil birthday mo yun, naisip kong bumili ng ti-"
"No, Opay. Okay na yung nakita natin sila ng isang beses.", but the thruth is, gusto ko ring malaman kung matatandaan ba ako ni Blake. Pero may isang bagay rin na humaharang, paaano kung magkita na kami ni Trace dun?
"Okay. If that's what you want", at nagpatuloy na kami sa ginagawa namin.
Alam ko kasi na hindi pa ako tuluyang over kay Trace. Paulit-ulit ko pa rin siyang naaalala pero dahil siguro mas napapadalas ang bonding namin sa bahay at oras namin ni Opay ay kahit papaano, nakakalimutan ko siya.
Bumukas ang pinto, "Ate may mail ka," at iniabot sakin ni Ace ang isang envelope.
"Kanino galing?", tanong ko sa kanya but he just shrugged his shoulder then went down.
Galing ito sa isang music company sa America. Nagtaka kami ni Opay. Meron bang sumali samin sa isang musical contest?
"Buksan mo na...", hindi mapigilang pamimilit ni Opay.
Binuksan ko ang envelope at tumambad sakin ang dalawang Concert Ticket. May naka-attach pa itong letter.
It is the least thing I can do to thank you for giving your precious time with me. I'm hoping to see you again. -Blake
"OHMYGOD! It's from Blake", sambit ni Opay. Paano niya napadala ito sa amin? Paano niya ako nakilala?
"Louisaaaa! Ikaw na talaga ang pinakaswerteng fangirl. Anu huy! Hindi ka ba masaya?"
"Nagtataka lang ako. Nung nagkasama kami, hindi niya naman tinanong ang pangalan ko. Hindi ko rin naman na sinabi dahil masyado na kaming nag-enjoy. Paano niya nalaman ang address ko kung hindi niya nga alam ang pangalan ko?"
Nakita kong nag-iba ang ekpresyon ng mukha ni Opay, "Talaga?"
February 14.
Dahil dalawa ang ticket ay naisama ko si Opay. Yung last time ay talagang nag-enjoy kami mula umpisa hanggang dulo. Pero ngayon, iba yung pakiramdam ko. Para bang hindi ako mapakali na ewan.
Ibang band na ang nag-front act ngayon at katulad pa rin nung last time, hindi talaga natahimik ang loob dahil sa sigawan ng mga nanunuod. Hindi ako makasigaw, hindi rin mapapirmi ang mata ko sa isang lugar lang at hindi talaga ako mapakali. Mas hindi ko naintindihan ang nararamdaman ko nung lumabas na ang Elixir sa stage. Ganun pa rin naman silang lahat, pero nung lumabas na si Blake ay hindi na tumigil ang puso ko sa mabilis na pagpintig nito.
"Ang tahimik mo yata? Okay ka lang ba?", sabi ni Opay sa pagitan ng pagtili niya.
"Okay lang ako", hindi ko na naialis ang tingin ko kay Blake. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko ngayon kahit wala naman talagang nagbago sa kanya. Imbis na mapasigaw ako ay nakikita ko ang sarili kong napapangiti na lang lalo na kapag napapatingin siya sa pwesto namin.
Hanggang sa natapos ito...
Paos na naman sa Opay at ako naman ay inaantok na. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Opay ng makarinig kami ng malakas at nakakarinding ingay mula sa speakers.
Isang nakakabinging irit naman ang sumunod naming natunghayan. Lahat sila ay nakatingin sa stage na para bang magsisimula pa lang ulit ang palabas. May nag-udyok saking tumingin din kahit na sobrang inaantok na ako. Wala kang ibang makikita kundi ang mga gamit sa stage at si Blake, na tinapatan naman ng spotlights. Spotlight mula sa kanan, kaliwa at gitna. Akala ko huling pagpapakita niya na kanina dahil nagpaalam na siya.
Lumapit siya sa pinakamalapit na mic stand, kinuha ito at muling tumayo sa bandang gitna ng stage. Rinig mo ang malakas na paghinga niya na para bang humugot siya ng lakas ng loob bago nagsalita.
"I have been in a difficult situation lately, whether to follow my heart or my mind. You know it's a tough fight between them. It all started with this one girl..."
Tumahimik ang paligid. Walang nagsalita. Parang nagulat ang lahat at inantay si Blake na magpatuloy.
"That girl that made me realized how important I am not just to her, but also to some people whom I thought before was not even bothering to listen to my crappy music."
Tumigil siya. Tumingin sa itaas at parang ngumiti sa hangin tapos iginala ulit ang mga mata niya sa audience.
"I sing and I perform every single day because it is my job. It is my source for everything I needed. But when this girl finally enters the picture, I realize that I was wrong. I was completely wrong. I didn't actually remember the first time we've met, not personally, but it was, perhaps, the most memorable chapter of my life."
Tumigil siya sa pagsasalita ng makarating ang mga mata niya sa pwesto namin. Nakaramdam ako ng kaba. Shit! Ano ba'to? Bakit iba na naman yung pakiramdam ko?
Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata niya sa amin, sa akin, ng muli siyang magsalita.
"I broke some rules just to get to her life. I did crazy things just to talk to her every sole day. I began to completely impart my heart while performing and I didn't even notice that I also started giving my heart on her... maybe because I'm enjoying it."
Ngumiti siya.
That smile...
It ruined my heartbeat.
"But I was too late, she's already in love with someone. With someone who's funny, with someone who is amiable and warmhearted, with someone who never hesitate to show his real personality to her and with someone who is perfect behind his imperfections. The worse point here is that, I knew that 'someone', I knew that person and that is the reason why I've regretted everything."
Hindi ko na maisip na nasa loob kami ng concert hall. Parang ako, ang pagtitig ng brown niyang mata at ang lalo pang pagbilis ng mga tibok ng puso ko ang tanging napapansin ko.
Funny, real, amiable and warmhearted. Alam ko ang mga salitang iyon. Kilala ko ang taong may pinagsama-samang katangiang ganon. Bakit eksaktong eksakto?
"Yes, I'm in love with her. And maybe that is one of the two craziest things I've ever done in my whole life, to love a girl that doesn't love you back but likes you for being her favorite. For her, I am just an artist, a performer, her fantasy inside her computer, her fictional singing guy for her to fall asleep at night and her all-time band vocalist idol. That's what I am. While she, for me, is the kind of girl I ever wanted to be with... for a lifetime... till forever, if it does exists. But if she will let me..."
Bumaba siya ng stage, "I will make that happen, I will make forever exists together with her." At lumapit sakin. "Hi", tumingin ang lahat ng tao nung kausapin niya ako. "Happy Birthday, Louie."
Louie. Isang tao lang ang tumatawag sakin sa ganyang pangalan.
"I guess, you still don't wanna talk to me.", he paused. "Okay. But if ever you changed your mind, you can unblock me anytime.", he said smiling. Hindi pa rin ako nakapagsalita, kailangan ko pa ng ilang minuto bago ma-absorb lahat ng ito. Ito ba ang dahilan kung bakit kanina pa ako hindi mapakali?
He's about to turn around when I finally managed to speak. "T..Trace", lumingon siya ulit sakin, tumingin sa mata ko at ngumiti. I really need to confirm it ..
I stretched my hand towards him, "Hawakan mo ang pisngi ko.", pero nakatitig lang siya sakin non na parang hindi alam ang gagawin. "You don't understand me, right?", binalik ko ang kamay ko at tumingin na kay Opay.
Bigla naman siyang lumapit at hinawakan ako sa pisngi. "You said, touch your cheeks but you stretched your hand. Are you trying to confuse me?", then he smirked. Hindi lang ako nagulat nung nalaman kong naintindihan niya pala ako, mas ikinagulat ko nung sabihin niya ito, "Naiintindihan kita, maiintindihan kita at lagi kitang iintindihin, Louisa.", hindi mo talaga aakalaing ang isang tulad niya ay tuwid magtagalog.
Yung turon, si Bantay, yung birthday greeting noong December 13, yung minsang pagkakamali niya sa oras na imbis na lunch ay nagiging dinner, yung tawa niya at yung paborito niyang si Louie Ray.
"Who's Chris Evans?", tanong ko sa kanya at halatang nagtaka siya. "Paborito mo siya, yun ang nabasa ko sa magazine."
"He's Captain America.", that's why paborito rin ni Trace ang Captain America. He's really Trace.
Bakit ba hindi ko agad naisip ang mga iyon? Bakit ba hindi ako nakinig kay Opay nung ilang beses niyang sabihin na "Ang laki talaga ng pagkakatulad ni Trace at Blake."
Why? Was it because I know that it is impossible? That it is out beyond reality?
That moment becomes unexpectedly magical.
"Bakit hindi ka nagsasalita?", tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at tinanggal ito. Pero hindi niya ako hinayaan but instead, hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
"Nung oras na nakasama kita, parang ayoko nang matapos yun. Katulad ng pagkapit ko ngayon sa kamay mo, nung gabing yon, ayaw ko nang bitawan ka sa tabi ko.", tumigil siya saglit bago nagpakilala. "Oh wait. I will introduce myself now, I'm Trace Jeremy Williams. Velasco is my Mother's surname. Blake is my screen name.", ngumiti siya. Parang yung ngiting nakita ko rin sa kanya dati. "And you are Louisa Madrigal, right?".
"Ba... bakit ako?", biglang tanong ko. "Ang daming nagpapapansin sayong babae. Ang dami rin sigurong nagmemessage sa'yo, hindi lang ako. Pero bakit ako?"
"Our manager doesn't want us to talk to our fans if it's not important. So I disobey that rule and made my own facebook account. I don't know ... there's something here." He placed my hand in his chest. "In my heart .. when I read your message, it abnormally beats for you .."
The story becomes a love story when finally their hearts move in mysterious ways.
-- The End --
If you like this chapter, feel free to:
Rate/ Vote, Comment and Share!
Please support.
Thank you ?