webnovel

31 Days With Angelica: 2.2

KINABUKASAN naalimpungatan si Romeo nang tumagilid siya kaharap si Angelica. Pikit-mulat niyang tinitignan ang katabing anghel na mahimbing na natutulog nang mapansin niya ang isang nakakagulat na bagay. Para siyang may nahawakang malamot sa tabi niya. Mainit at parang ayaw na niyang alisin ang kamay niya sa pagkakapatong nito sa malambot na bagay na iyon.

"Waaahhh!!!" sigaw ni Romeo.

Mabilis siyang bumangon at inilayo ang sarili, napansin niya ang pagbabago sa batang anghel. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa nang magising na rin si Angelica, napansin nito ang namumulang mukha ni Romeo.

"A-Ang… ano… k-kataw-an…" nauutal na bulong ni Romeo. Hindi niya maiayos ang mga salitang gusto niyang bigkasin.

"Mister, may sakit ka po ba? Namumula po ang mukha mo." Dahan-dahang lumapit si Angelica, inaantok pa ang mukha't litaw ang balikat sa maluwag na bestida.

Nayuko si Angelica at ipinatong ang isang kamay sa noo ni Romeo. Bumagsak sa dibdib ni Angelica ang gintong buhok niya. Hinawi niya ito gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakalapat sa noo ng binata.

"Mister? Ang init mo po" Itinagilid ni Angelica ang ulo niya sa pagtataka.

Lalo pang napalunok-laway si Romeo nang mapagmasdan ang nakakaakit na ganda ni Angelica. Para itong bulaklak na biglang bumukadkad sa ganda sa loob lamang ng isang gabi. Lalong umangat ang init sa katawan ni Romeo, halos umusok ang ulo niya sa kakaibang sensayon.

"T-Teka!" Hinawi ni Romeo ang kamay ni Angelica. Mahirap ang sitwasyong iyon para sa lalaking tulad niya.

Pinangtakip ni Romeo ang dalawang palad niya sa mukha. "Kagabi mukhang kinder ka lang, bakit ngayon mukha ka nang high school?" Pinilit niyang sumilip sa uwang ng magkadikit niyang kamay.

Hinablot ni Romeo ang kumot, ipinangtakip ito sa ibabang parte ng katawan niya. Delikado, umaga pa naman tapos kaharap pa niya ang magandang babaeng inosente ang mukha.

Nahinto si Angelica sa paglapit kay Romeo nang mapansin niya ang sariling katawan. Mukha na nga siyang high school student sa katawan niyang biglang hinubog sa isang gabi lang.

"Nakalimutan ko po pa lang sabihin sa 'yo mabilis nga pala kaming lumaki dahil wala na kami sa loob ng sagradong itlog na siyang pumipigil sa paglaki namin. Darating ang araw na babalik kami sa tunay naming laki at anyo noong bago kami mamatay. Kapag lumabas na kami sa itlog magsisimula ang 31 days na pagbabago sa aming katawan, sa loob din ng 31 days matatapos ang aming misyon."

"Hah?! Bakit hindi mo sinabi kaagad kagabi!" nahihiyang usal ni Romeo, nakasilip ang isang mata sa gitna ng kanyang mga daliri.

"Sorry naman po, ang sarap kasi ng tulog mo kaya tinabihan na lang kita at hindi na ginambala pa. Kasama nga pala sa bilang ang unang araw na dumating ako bilang itlog."

"Ibig sabihin pangatlong araw na ngayon?"

"Opo! Mister!" masayang sambit ni Angelica sa harap ni Romeo.

Ang unang araw ni Angelica ay nang ilagay ang kaluluwa niya sa loob ng sagradong itlog at ipadala sa lupa mula sa langit. Pangalawang araw ay ang araw na una nilang pagkikita ni Remeo, kahapon lang iyon. Ngayon ang ikatlong araw kaya nang makalabas si Angelica sa loob ng itlog mabilis ang naging paglaki niya.

Sa loob ng 31 days makakasama ni Romeo si Angelica upang tuparin ang misyon niya. Sa oras na matapos iyon ay babalik na siya sa langit at magiging ganap na anghel.

Nang araw ding 'yon kasama ni Romeo si Angelica na pumasok sa eskwelahan. Litaw ang dalawang pakpak na ikinakampay ng anghel sa kanyang paglipad. Hindi nakikita ng ibang tao ang kasamang anghel ni Romeo, nanatili lang siyang nakalutang sa kawalan habang sinusundan ang binata.

"Mister! Dito lang ako sa tabi mo po!"

"Huwag kang sumigaw naririnig naman kita!"

Ngumiti si Angelica. "Mister! Gawin po nating makabuluhan ang buhay mo! Huwag mo na pong tatangkaing magpakamatay!"

Inisnab lang ni Romeo ang sinabi ni Angelica.

***

LUMIPAS ang ikaanim na araw ni Angelica sa tabi ni Romeo, dito niya lubos na naunawan ang kalagayan ng binata. Dito natuklasan ni Angelica ang dahilan ng lalaki para tapusin nito ang sarili niyang buhay.

Nakita ng anghel kung paano pagkaisahan si Romeo sa loob ng silid-aralan. May malaking pilat sa mukha si Romeo. Nakuha niya ito dahil sa sunog na naging sanhi ng pagkamatay ng mga magulang niya. Simula ng mamatay ang mga magulang ni Romeo ang lola niya ang nagpalaki sa kanya. Pero dahil sa pilat sa mukha naging tampulan naman ito ng pambu-bully sa kanya sa paaralan.

Isang umaga nagulat ang mga estudyante nang may transfer student na dumating. Ipinakilala siya ng kanilang guro sa lahat. Natulala ang mga estudyante nang makita ang nakakaakit na mukha ng bago nilang kaklase. Lahat sila ay parang nakakita ng artista sa sobrang ganda.

"Class siya ang bago n'yong kaklase siya si Agelica Heaven, galing siya sa probinsya kaya sana i-welcome n'yo siya rito sa school natin."

"Magandang umaga sa inyong lahat! Nice to meet you po!" Ngiti ni Angelica bilang isang estudyanteng dalaga.

Ang lahat ay napatitig sa magandang ngiti ni Angelica, habang ang mga tingin naman ng anghel ay nakatuon sa dereksyon ni Romeo. Isa nang ganap na dalaga ang katawan ng dating batang anghel. Nakamit na ni Angelica ang orihinal niyang hitsura, bumalik na rin ang malakas niyang kapangyarihan at dahil dito nagagawa na niyang mag-anyong tao.

Tumabi si Angelica sa bakanteng upuan sa tabi ni Romeo, hindi naman makatingin sa kanya ang binata't nakabaling lang ang tingin nito sa labas ng bintana. Lumipas ang mga oras, tumunog ang bell oras ng lunch break nila.

"Mister, tara kain na tayo!" Inilabas ni Angelica ang dala niyang baon.

Nagtinginan ang lahat ng mga kaklase nila't tinitigan nang masama si Romeo. Nakaramdam ng pagkailang si Romeo kayat lumabas siya ng kuwarto nang mag-isa. Sinundan siya ni Angelica hanggang makarating sila sa likod ng school building.

"Mister! Sandali lang!"

"Ano ba?" sigaw ni Romeo.

Kasabay nang malakas na sigaw ni Romeo ang malakas na hanging nagbigay ng lungkot sa mga tingin ng binata. Nang biglang dumating ang grupo ni Ruppert, kaagad nitong napansin ang magandang transfer student na ngayon lang niya nakita sa loob ng eskwelahan.

Lumapit si Ruppert at agad hinawakan ang braso ni Angelica. Agad nabitawan ng dalaga ang bitbit nitong lunch box.

"Hayaan mo na 'yan, sumama ka na lang sa amin at ililibre ka namin ng pagkain!" Napangisi si Ruppert habang pilit nitong hinahatak si Angelica palapit sa kanya.

Hindi nakatiis si Romeo, pumagitna siya't hinawakan niya ang kamay ni Ruppert sabay alis sa pagkakahawak sa braso ni Angelica. "Tama na! Itigil n'yo na 'to!"

"Ano'ng sabi mo?!" Itinulak ni Ruppert si Romeo mula sa dibdib.

Dahil dito napikon si Ruppert, isang suntok sana ang gagawin nito nang biglang dumating ang isang teacher at napigilan nito si Ruppert. Dahil dito ipina-guidance ng teacher ang buong grupo ng mga salbaheng estudyante. Hawak ng guro sa kuwelyo si Ruppoer, bago tuluyang umalis nagawa pa nitong insultuhin si Romeo.

"Humanda ka, lalaking may pilat sa mukha!" Nakatikim naman si Ruppert ng pingot galing sa gurong sumaway sa kanila.

Napayuko na lamang si Romeo, nilapitan niya ang baunan saka dinampot ang mga nahulog na pagkain. "Pasensya na, nasayang tuloy ang baon mo," paumanhin ni Romeo.

Umiling-iling ng ulo si Angelica. "Wala po iyon, Mister."

Iniabot ni Romeo ang baunan kay Angelica, hindi sinasadyang napahawak ang kamay ng anghel sa kanya. Mabili ang naging reaksyon ni Romeo at napalihis na lamang siya ng tingin sa ibang dereksyon. Sa simpleng pagdikit ng kanilang balat sa kamay para na siyang aapuyin sa sobrang init ng pakiramdam ng binata.

"Salamat sa ginawa mo kanina," ani Angelica. Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Angelica.

"A-Angelica…" mahinang bulong ni Romeo sa pangalan ng anghel.

Sa mga sandaling 'yon may kung anong naramdaman si Romeo na hindi niya maipaliwanag. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ni Romeo. Kasabay ng pag-ihip ng hangin, napasulyap ang binata sa nakangiting anghel. Kumikislap ang gintong buhok nito na umaalon kasabay ng hangin, lalo pang nakadagdag sa nararamdaman ni Romeo ang makitang kumikinang ang mga mata nito habang nakangiti.

"H-Huwag mo 'kong tingnan nang ganyan." Sabay tanggal ng kamay saka nayuko't tumalikod. Humakbang ng lakad si Romeo nang may pamumula sa mukha ng binata. Hindi maipaliwanag ni Romeo kung ano ba itong nararamdaman niya. Tila matagal na niyang kilala si Angelica.

次の章へ