webnovel

Chapter 5: Ang Simula ng Misteryo

Mary's Point of View

"Mary! Gising na si Mary!"

Narinig ko ang boses ni Ate Freya kasabay ng pagdilat ng aking mga mata. Napagtanto ko na nasa hospital ako nang naramdaman ko na may nakalagay sa likod ng aking kamay. May turok nga ito.

"Nak, kumusta ka na?"

Hindi ko nakita na nakaupo pala si mama sa tabi ng kama. Bagama't pagod, pinilit kong lumingon sa kaniya, at aking naalala ang nangyari sa Masquerade Party. Bigla na lamang ako naiyak dahil sa takot, parang mumultuhin na ako ng babaeng nakita ko sa bathtub nito.

"Anak, anong nangyari sa iyo? Sabihin mo!"

Sabi ni mama sabay yakap sa akin. Agad kong itinigil ang aking pag-iyak upang sabihin ang nakita ko sa banyo ng mansiyon.

"Ma! May nakita lang akong isang babaeng duguan doon sa bsnyo sa mansiyon! Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya"

Sambit ko sa kaniya. Tulala lamang si mama sa kaniyang narinig habang naramdaman ko ang biglang takot ni Ate Freya sa gilid.

"Huwag kang manakot! Nakita ka roon ng janitor na walang malay sa banyo at wala na siyang nakitang iba pa"

Wika ni Ate Freya. Itinaas ko ang kilay ko dahil sa gulat kong naramdaman. Ako lang ba talaga tao roon? Kung wala man, mas paniniwalaaan ko pa rin ang sarili ko. Alam kong may nakita ako roon.

"Tama si Freya, ikaw lang daw ang natagpuan doon. Wala silang nakitang bakas ng dugo roon"

Pagsang-ayon ni mama kay Ate Freya. Nanatili akong nakatingin sa sahig, iniisip kung naging imahinasyon ko lang ba iyon o nanaginip lang ako noong oras na iyon. Pero hindi ko in alam kung paano ako napunta roon sa banyo kung nagtatago ako kagabi sa isang kabinet.

"Nag-aalala kami sa iyo, nak. Hinanap ka talaga ni Freya noon. Mabuti na lamang at nahanap ka kaagad ng janitor doon"

Dagdag pa ni mama. Nagpapasalamat naman ako kahit na hindi na masyado nagagalaw yung mansiyon na iyon. Ngunit hindi ko na naman inaasahang umiyak dahil sa babaeng iyon. Kasama pa niya yung lalaki kagabi sa ilalim ng kama, saan ba talaga napunta yung lalaki? Ilang segundo lamang ang nakalipas nang pumasok ang isang doktor na mukhang masaya dahil nakita akong may malay.

"How are you, Ms. Lim?"

Tanong sa akin ng doktor na may hawak-hawak na checklist sa kaniyang kamay. Napatingin ako kay mama para hintayin siya sa pagsagot.

"Okay naman na siya, doc! Natatakot lang siya dahil may nakita siyang hindi karaniwan sa banyo roon sa mansiyon"

Sagot ni mama. Itinaas ng doktor ang ka iyang kilay dahil sa gulat niya.

"I see. Another case of the so-called Humming Lady"

Salita ng doktor at napatingin sa akin ng kakaiba. Sandali, ano ang Humming Lady? Isang espiritong gumagala-gala rito? Akala ko ba naman napakaganda ng Mastoniaz. Ilang segundo rin na napalibot ang kuwarto ng katahimikan pagkatapos magsalita ng doktor tungkol sa Humming Lady.

"Well, basta't mag-iingat lamang kayo. Nanay, siguro at mapapalabas na rin ang inyong anak bukas na bukas"

Dagdag pa ng doktor sabay naglakad nang mabilis palabas, habang naiwan kami ritong tahimik at gulo ang mga utak.

"Ma, ayoko pong mapasali sa mga nakakatakot na pangyayari! Matatakutin ako, ayokong magkaroon ng experience na makilala ang isang multo!"

Sumigaw ako kay mama, habang nag-iinarte sa gilid niya. Niyakap na lang niya muli ako habang hinahaplos ang aking buhok. Totoo naman at matataukutin ako sa multo, lalo na at hindi pa ako nakakakita at nakakaramdam, kahit isang beses.

"Hayaan mo, ipapa-bless na lang kita kay Father. Umiwas ka na rin sa paggala nitong mga susunod na araw"

Sabi ni mama, at tumayo mula sa kaniyang ikinauupuan. Bakit naman ganoon? Dapat pala hindi ko na sinabi yung nangyari sa akin kagabi kahit na nakakabahala.

"Magpahinga ka na muna. Bukas ay baka makaalis ka na rito"

Sambit pa ni mama bago umalis sa kuwarto nang nakangiti. Lumapit naman si Ate Freya sa akin para makipag-usap.

"Te! Ano ba nangyari? Totoo ba yung may nakita kang babaeng duguan?"

Tanong niya sa akin na may boses na para bang natataranta. Hindi na ako nagtataka kung bakit iyakin ito noong bata pa kami. Tumango lamang ako sa kaniya habang napaupo naman siya sa upuan na inupuan kanina ni mama.

"Baka naman may nagalaw ka o ano, kaya nagpaparamdam sa iyo nang biglaan"

Hula niya habang pinaglalaruan ang tela ng kama ko. Kung gayon, ano yung nahawakan ko? Mukha namang imposible dahil maingat akong tao. Isa pa, nakausap ko pa iyong babae na iyon kagabi.

"Oo nga pala, enrolled ka na pala agad sa Vernaz Central High School. Malapit lang yun, pwede mong ilakad"

Aniya habang napangiti nang sandali. Nakakapagtampo naman dahil hindi ako sinabihan na ie-enroll na ako. Baka mamaya pangit pala ang mga estudyante roon.

"Anyways, magpahinga ka na muna. Next time kasi didikit ka sa akin para makaiwas tayo sa kasamaan. Yung sinasabi mong babae, baka wala lang iyon. Matulog ka na muna, ha"

Sambit ni Ate Freya at tumayo na para lumabas sa kuwarto. Napatingin lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at kung anong sasabihin ko. Hindi niyo talaga ako pinaniniwalaan dahil hindi kayo ang nasa yapak ko pero alam kong totoo talaga iyon. Naalala ko rin yung isa pang babae na nakita ko kagabi na nakaharap sa salamin at lumabas ng kuwarto nang hindi nagsasalita. Mga kaluluwa ba sila at hindi nila ako makita? Hindi ko talaga maintindihan, siguro parang gusto ko na lang maging detective nito.

Ipinalipas ko ang buong araw ng pag-iisip at pagtulog nang mapuno ko naman ang energy ko. Ipinipilit ko nalang matulog kahit na minsan ay nakakaramdam ako ng takot habang umaasa na makalabas ako ng hospital bukas.

-•-

Lumabas ako ng hospital nang mabagal na para bang may sakit pa rin ako, habang pinapanood ang pagsikat ng araw sa harapan ko. Dumating na ang kinabukasan at sa wakas ay nakalabas na ako ng hospital. Ako'y napaluha dahil parang nakulong ako roon ng isang taon at ngayon ko lang ulit nakita ang labas. Pinuntahan ko ang maliit na parke sa tapat lamang ng hospital upang pagmasdan ang mga naggagandahang bulaklak. Ang tagal naman kasi magbayad nina papa sa loob kaya kailangan ko munang umiwas sa inip. Hinawakan ko ang bawat bulaklak na kumuha sa aking atensyon. Kahit kailan hindi talaga nakakapagod pagmasdan ang ganda ng mga bulaklak.

"Oh, bakit mo pinagmamasdan ang mga bulaklak ko?"

Bigla na lamang lumitaw ang isang magandang babae na nasa katamtamang gulang na unti-unting naglakad palapit sa akin.

"Ah, sorry po. Akala ko po wala pong may nagmamay-ari kasi naririto po ito sa publiko. Akala ko rin po pagmamay-ari ng lokal na gobyerno"

Sambit ko sa kaniya. Lumapit ulit siya sa akin at dahan-dahang hinaplos ang aking buhok na dahilan para tumaas ang aking mga balahibo sa katawan.

"Haha, ginawa nilang dekorasyon ang mga halaman ko rito sa parke, kahit na wala silang permiso sa akin. Pero siguro okay lang naman sa akin"

Wika niya habang tumatawa nang mahinhin. Ganoon ba at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kaniya.

"Sige, aalis na muli ako. Araw-araw kong binibisita itong mga halaman ko. Nakakatuwa at may nagbibigay halaga sa aking mga halaman kahit papano"

Mahinhin niyang pagsasalita sabay ikinaway niya nang mabagal ang kaniyang kamay para magpaalam. Kumaway rin naman ako kahit na nahihiya ako sa kaniya habang siya'y unti-unting lumayo sa aking mga paningin. Mukha siyang mabait at magiging anghel ka kung makakasama mo siya muli.

"Hoy!"

Napatalon ako sa gulat nang narinig ko si Ate Freya na papalapit sa akin na mukhang seryoso.

"Let's go! It's already your first day of school!"

Aniya. Kinabahan ako sa kaniyang sinabi. Bakit ngayon agad? Hindi naman sa tinatamad ako pero kakagaling ko lang ng hospital tapos papasok na agad ako? Nakakaiyak naman dahil akala ko mapapahaba yung bakasyon ko. Naglakad kami patungo sa kotse ni papa para kami'y makauwi nang maaga sa bahay, na puno ang aking mukha ng kalungkutan. First time being lazy in the first day of school.

-•-

|7:00 AM|

Nakalipas ang ilang oras ng pag-iiyak ko sa loob ko, nakarating na rin ako sa aking bagon eskuwelahan. Mabuti naman at maganda ang uniform ng paaralan na ito. Pinagmamasdan ko ang lahat ng mga estudyanteng tahimik na naglalakad patungo sa school gate. Nakakatakot at mukha talaga silang mga matatalino.

"Ito na yung school mo, ayaw mo pa bang lumabas? Sundin mo na lang yung schedule ng classes mo at magtanong-tanong ka kung nahihirapan kang hanapin ang mga klase mo"

Pagbibigay ideya sa aking ni papa habang siya'y nakatingin sa akin sa salamin ng kotse. Napalunok na lamang ako dahil sa kaba na aking nadarama at mabagal na iniyapak ang aking mga paa. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang lamig ng hangin na humahaplos sa aking katawan. Kumaway naman sa akin si papa at mabilis na pinaandar ang kaniyang kotse, mukhang marami talaga siyang gagawin.

"Excuse me, ang ganda niyo po. Pwede pong pa-picture?"

Narinig ko ang isang estudyanteng kumakalabit sa balikat ko habang inaayos ko ang aking buhok. Siya ay isang babaeng medyo maputi at kulot ang kaniyang buhok, kasama niya ang isang lalaking may salamin at medyo maliit.

"Hindi naman. Nakakahiya naman pong magpa-picture lalo na at hindi naman talaga ako maganda"

Wika ko habang tumatawa na para bang hayop na nakawala sa hawla.

"Bago ka lang ba rito? Anong strand mo ba?"

Tanong nila sa akin habang tinago ang cellphone ng babae pabalik sa loob ng bag niya. Nakakatuwa naman at sinunod nila ako dahil nahihiya ako.

"Oo, ABM strand ko. Grade 12-Walton"

Sagot ko sa kaniyang tanong. Napatalon naman yung babae sa aking sinabi. Hula ko parehas kami ng strand at section, dahil sa kaniyang reaksiyon.

"ABM-Walton din kami! Hello bagong classmate! Ako nga pala si Kristine, and this is Noelle. Samahan ka namin sa room natin"

Pagpapakilala nila sa akin. Napangiti naman ako dahil may nakilala agad akong kaklase ko kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng eskuwelahan.

"Ako nga pala si Mary! Mukha kayong mababait dito! Salamat!"

Wika ko sa kanila. Gusto ko silang maging kaibigan dahil mukha silang mga inosenteng tao at para na rin makaiwas sa mga masasamang gawain na makakaapekto sa mga grades ko. Hinawakan ni Kristine ang aking kamay at dire-diretso kaming pumasok sa school gate nang magaan ang loob.

Inilibot ko ng aking mga mata sa malawak na paaralang ito, at sa mga estudyanteng naglalakad papunta sa kani-kanilang mga room. Inakyat namin ang isa sa mga gusali kung saan naroroon ang aming room. Napapnsin ko sa mga kasama ko ay napakatahimik nila hindi tulad ng mga estudyanteng nakikita ko sa paligid na maiingay.

"Oh naririto na tayo! First subject natin ay 21st Century Literature!"

Bigkas sa akin ni Noelle at sabay-sabay kaming pumasok ng room na puno ng mga estudyanteng nag-iingay dahil wala pa ang guro. Pinaupo naman ako ni Kristine sa tabi niya dahil sabi naman niya ay walan nakaupo rito.

"Hala! I didn't expect you to be here, Mary!"

Narinig ko ang isang sigaw ng isang babae sa likod ko. Nagulat ako nang makita ko ang mala-anghel na mukha ni Angelia. Hindi ko rin aakalain na dito siya nag-aaral at dito pa sa section na ito. Ngumiti lamang ako sa kaniya at makikipag-usap sana nang nagsalita ang lalaking estudyante sa harap ng classroom, siguro ay ito ang class president dito.

"Guys! Hindi raw makakapasok si Ma'am Trinidad kasi nawawala raw yung anak niya. Baka mamaya nakita niyo pa yung anak niya. Sabihin niyo lang"

Wika ng lalaki at nag-iba ang kapaligiran, at naging tahimik.

"Guys, nakita ko siya sa Masquerade Party but then again, ayun na yung last time na nakita ko siya!"

Nagsalita si Angelia sa likod ko ng malakas habang napatingin lamang sa kaniya ang mga kaklase namin.

"Alam niyo, normal na talaga ito dito sa Mastoniaz. Hindi niyo ba napapansin na tuwing Hulyo, maraming namamatay o nawawala"

Bigla na lamang nagsalita ang lalaking kaharutan ni Noelle sa harapan na para bang nagbibigay ng katatakutan sa aming lahat.

"Tama si Fernando. Parang may pattern nga yung mga pangyayari at nagkataon na na-involved ang anak ni Ma'am at siguro, lahat ng ito ay connected sa kuwento ng The Humming Lady"

Nagsalita naman ang isang naka-sumbrerong lalaki sa tabi nito habang patuloy na naglalaro ng cellphone. Napansin ko ang ibang estudyante nagbubulungan at nagtatakutan na. Ito na naman at narinig ko ang the Humming Lady. Dahil dito, mas naging mausisa ako na malaman kung ano itong the Humming Lady.

"Mawalang galang na po, ano po bang mayroon sa The Humming Lady na sinasabi niyo?"

Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtanong sa lalaking nakasuot ng sumbrero. Nakita ko ang dahan-dahang pagngisi ng lalaki sa aking at naglakad patungo sa akin.

"Gusto mo bang malaman, transferee?"

Bigla kong naramdaman ang takot sa aking katawan kasabay ng pag-iba ng tono ng boses ng lalaki habang mas lalong tumahimik ang buong klase. Lumunok ako at sumagot,

"Oo, kahit na mamamatay ako"

次の章へ