webnovel

Chapter 22

MAGKAHAWAK ang mga kamay na naglalakad kami ni Lorenzo. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Lumingon lang siya saglit sa'kin at ngumiti pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Pasimple kong kinurot ang braso ko para makasigurado na hindi nga ako nananaginip, nang makaramdam ako ng sakit saka ko lang napatunayan na totoo ang lahat ng ito. Madalas lang ako noon mag-day dream pero ngayon abot kamay ko na siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman na mahal ka rin ng mahal mo. Para akong lumulutang sa saya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kapag naaalala ko ang mga linya ni Lorenzo. Sana pala nirecord ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil at humarap sa akin si Lorenzo. Nagtaka ako nang maglabas ito ng panyo mula sa kanang bulsa.

"Bakit?"

"I have to cover your eyes." Lumapit ito sa'kin.

"Susurpresahin mo ba ako?" Napangisi ako.

Natawa siya. "Actually, dapat kanina ko pa ito ginawa but I forgot to do it. So.. makisama ka na lang."

Natawa na lang ako. He's up to something.

Pumunta siya sa likod ko at itinakip sa mata ko ang hawak na panyo. Hindi naman masayadong mahigpit ang pagkakatali nito. Nakikita ko pa rin ang ibaba. Pagkatapos ay inalayan niya ako sa paglalakad.

"Let's go." Pinakiramdaman ko ang nilalakaran ko. Ramdam ko pa rin ang mga buhangin sa paa ko. Ibig sabihin hindi kami babalik papunta ng hotel. Saan ba ako dadalhin ni Lorenzo?

Ilang minuto rin kaming naglakad nang maramdaman ko ang paghinto niya.

"We're here." Lumuwag ang panyo na nasa mata ko. Mukhang tinanggal niya na ito.

Iminulat ko ang mga mata. Sa una ay wala akong makita, siguro dahil matagal akong nakapikit kanina. Hindi nagtagal ay unti-unti na ring luminaw ang paningin ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ganda ng lugar. Unang nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang puno na nababalutan ng maraming string lights. Ang ganda ng mga ilaw.

Nagmukhang itong mga nagniningning na bituin.

Pagtingin ko sa baba ay may nakalatag na tela at may mga maliliit na unan.

"Wow." Inilibot ko pa ang paningin ko. May basket din akong nakita. It must be our food.

"Do you like it?" nakita ko pang lumapit siya saglit para ayusin ang nakalatag na tela dahil nagulo sa hangin.

"Yes, it's so beautiful." Hindi ko mapigilang mamangha.

"Mabuti at nagustuhan mo. Medyo nagkaaberya kami kanina dahil akala ko ay uulan pero buti na lang ay nahiya ang ulan sa'kin. Siya na ang nag-adjust." Pareho kaming natawa.

"And here, this is for you." Mula sa likod niya ay inilabas niya ang isang bouquet of flowers. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling dahil hindi ko man lang ito napansin kanina marahil masyado akong na-amazed sa lugar.

Tinanggap ko ang flowers. It is a combination of white and red roses. Pigil pigil ko ang pag ngiti habang tinitingnan ito.

"Hindi ko alam na may pagkaromantic ka pala ah." Napangisi ako ng makita ko ang pamumula ng tenga niya.

"Alam ko 'wag mo na akong asarin pa." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tela. Para kaming magpipicnic.

Kinuha niya ang basket at isa-isang nilabas ang mga pagkain. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya ang mga ito.

"Anong pumasok sa isip mo at nagawa mo ito?"

Napaisip ito na para bang may naalala. "Alam mo bang sinira mo ang diskarte ko."

Napakunot ang noo ko.

Ako? ano bang ginawa ko? wala naman ako maalala na ikinasira ng mga gagawin niya. Saka hindi ko naman alam ang tungkol sa surprise niya.

"I was planning to confess my feelings here, pero inunahan mo ako for the second time around." Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Mabuti na lang at hindi niya ito masyadong mahahalata dahil nakayuko ako.

Pinagmasdan ko ang paligid. Kaharap lang namin ang dagat, kaya namang kitang-kita mula rito ang mga nagtataasang hampas ng alon. Ramdam ko rin ang mabining hangin.

Naisipan ko biglang asarin si Lorenzo.

"So, you really into me huh?" Tinitigan ko siyang maiigi. Umiwas siya ng tingin pero lumapit ako dito at hindi ito nilubayan ng tingin.

"Hey, 'wag kang lumapit." Halatang iritado na ito dahil hindi niya na alam kung saan iiwas. Natuwa ako ng lumayo siya ng konti.

Pero hindi ko ito tinigilan. Lumapit pa ako dito hanggang sa mapatigil si Lorenzo sa pag-atras dahil nakasandal na siya sa puno. Balak pa sana nitong umalis pero iniharang ko ang kamay ko sa magkabilang gilid niya. Sumama ang tingin niya sa'kin.

Natawa ako sa isip ko, ang sarap asarin ni Lorenzo.

"Oo na, oo na titigil na ako." Natatawang lumayo ako dito. "Pero anong nagustuhan mo sa'kin?"

"Sa'yo? wala naman akong nagustuhan sa'yo sadyang abnormal lang ang puso ko at sa'yo tumibok." Natatawang pahayag niya.

Tumaas ang isang kilay ko. "Ah ganun, so bumabawi ka-" Napatigil ako ng bigla akong halikan nito.

"Syempre, Joke lang." Humalakhak ito.

Napatitig ako sa kanya bigla 'atang nagbuffer ang utak ko dahil sa ginawa niya pero nang makabawi ako ay hinampas ko siya.

"Magnanakaw!"

Tawang-tawa lang si Lorenzo.

Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. Napansin ko na unti-unti na siyang nagseryoso. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ba mahal kita. Maybe because I'm amazed of how brave you are to face any struggles."

"Sa sobrang tapang mo, handa kang isakripisyo kahit pa ang kaligayahan mo."

Naalala ko ang tinutukoy niya. Ang business namin na muntikan ng malugi.

"Ayoko man aminin pero noong araw ng kasal mo.. natakot ako." Bumuntong hininga siya.

"Nakaramdam ako ng takot na paano kung masama pala ang ugali ng mapapangasawa mo? Paano kung pagbuhatan ka niya ng kamay?"

"Ang daming what ifs ang pumapasok sa isip ko. Kaya nagdecide ako na pigilin ang kasal. That's what I thought because as your best friend, I really care about you."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Kaso iba ang nangyari, ako ang naging groom." Natawa siya kaya natawa na rin ako.

"I know I have hurt you so much and I'm really really sorry for that. It's just that, I'm really confused of my feelings that time." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Nagtaka ako ng hawakan niya ang pisngi ko at pahirin ito. Tumutulo na pala ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.

"But now, it's all clear. I love you Kara at handa akong dumaan sa butas ng karayum para patunayan ang pagmamahal ko." Nakangiting wika niya.

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at biniro ito. "Paano 'yan hindi ka kasya sa karayum?" Natawa ako ng sumimangot siya.

"Bahala na ang karayum ang mag-adjust."

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang cute!

Napatingin ako sa pagkaing nasa harap namin. Ganun din pala siya. Lalo kaming natawa dahil alam kong iisa lang ang nasa isip namin.

"Nagutom ako sa speech mo."

"Sorry naman po at nagugutom na ang prinsesa ko." Nakagat ko ang ibabang labi ko ng sabihin niya na ako ang prinsesa niya. Inabot niya sa'kin ang isang plato at sabay kaming kumain.

Kung anu-ano lang ang napagkwentuhan namin, karamihan sa mga ito ay mga kalokohan namin noong nag-aaral pa kami.

"Naalala mo 'yung JS Prom natin, hindi ka umattend kaya pati ako dinamay mo, kawawa naman si Jameson wala tuloy siyang kadate sa prom."

Si Jameson ang kadate ko nung JS prom ng highschool kami. Kaklase namin siya ni Lorenzo. Hindi kasi umattend si Lorenzo sa Prom. Hindi ko alam kung bakit basta ako aattend ako. Sayang naman 'yong pagpractice ko ng cotillion kung hindi ako aattend. Ready na ako nang gabing 'yon hinihintay ko na lang na sunduin ako ni Jameson sa bahay. Nakasuot ako noon ng isang off-shoulder evening gown na kulay black ang taas at emerald green naman ang baba. Pero hindi ako natuloy dahil sinundo ako ni Lorenzo, sabi niya ihahatid niya ako sa school pero 'yun pala ay lalo niya akong nilayo kaya ang ending pareho kaming hindi umattend ng prom.

"Ang bad mo Lorenzo, hindi tuloy ako nakaattend ng prom. Hindi ko man lang nagamit yung pin-ractice namin na cotillion." Napanguso ako. 'Yun pa naman ang pinaka-inaabangan ko sa prom dahil sasayawy kayo ng partner mo. Nakakakilig 'yon sa mga kagaya ko na may pagkahopeless romantic.

"'Yon lang ba? edi babawi ako ngayon." Tumayo siya at inayos ang damit. He bend his knees and then extend his hand to me.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"May I take this dance?" Hindi ko mapigilang matawa.

"Paano tayo sasayaw, wala namang music?"

Ngumisi ito. "Hindi problema 'yan." Kinuha niya sa bulsa ang phone at pinatugtog ang isang kantang pamilyar sa'kin. Napangiti ako.

Napatingin ako sa kanya na hinihintay pa rin ang pagpayag ko. Inginuso pa niya ang kamay na parang sinasabing iabot ko na ang kamay ko.

Nagkibit balikat ako. "Okay." Lumawak ang ngiti nito.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya at inilagay niya naman ang kamay niya sa waist ko.

🎶Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?🎶

Nagsimula kaming gumalaw ng dahan-dahan. Hindi ko siya magawang tingnan dahil ramdam ko ang mga tingin niya sa'kin.

🎶Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be🎶

"Don't stare at me." Sinulyapan ko siya pero nanatili pa rin itong nakatingin sa akin.

"Alam kong maganda ako, kaya wag mo na ako titigan." Hinawakan ko ang kanyang pisngi para iiwas ito ng tingin.

Natawa naman siya. "Ang lakas ng hangin natin ah." Napangiti na lang ako.

Naramdaman kong humigpit ang kapit nito hanggang sa mapasandal na ako sa dibdib niya.

🎶Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you🎶

Napapikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso ni Lorenzo.

🎶Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be🎶

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I love you, Lorenzo."

🎶Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you

For I can't help falling in love with you🎶

* * *

Kahit gaano ko pa kagustong magtagal pa sa Boracay ay darating at darating pa rin ang araw na kailangan na naming lisanin ang lugar. Baon ang magaganda at masayang alaala namin ni Lorenzo at ng pamilya namin.

Pabalik na kami ngayon sa Manila. Hindi ko na rin nakita pa si Sheena. Ang sabi ni Maricar na binantayan niya daw ng mabuti si Sheena habang magkasama kami ni Lorenzo para hindi raw kami nito sundan.

Natawa ako ng proud na proud na ikinuwento sa'kin ito ni Maricar.

Magkaiba ang airlines namin nila Sheena and thank god buti na lang. Ayoko muna ng negative vibes.

Tumingin ako sa mga kasama ko. Si Mama at ang Mommy ni Lorenzo ay naging Tan ang balat. Mukhang nag-enjoy silang dalawa sa Boracay. Si Lorenzo at kuya Mikee ay umalis saglit para bumili ng pagkain habang kami naman ay matiyagang naghihintay sa sundo namin. Inabutan na siguro ng traffic kaya natagalan.

"So, how was your date with him?" Hindi mapakaling bulong sa'kin ni Maricar. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang kasabikan na makasagap ng kwento.

Ang araw na 'yon na ata ang pinakamasayang araw na naranasan ko. I know I'm exaggerating, pero 'yan ang nararamdaman ko.

"Well, he confessed his feelings to me." Namilog ang mata niya at napatakip ng bibig gamit ang dalawang kamay. Pigil pigil niya ang kilig.

"O my god! so the feeling is mutual?" Lumawak ang ngiti niya nang tumango ako.

"I'm so happy for you Kara. Finally hindi na one sided love ang love life mo." Niyakap niya ako.

"Me too." Natatawang ginantihan ko ang yakap niya. Hindi sinasadyang napatingin ako sa isang nakatalikod na babae. Pakiramdam ko ay pamilyar siya sakin.

Lumayo ako sa pagkakayakap kay Maricar at sinundan ng tingin ang babae. Maya-maya ay humarap ito. Nakangiti ito habang may kausap sa phone.

Bigla akong nanlumo. Ang sayang naramdaman ko kanina ay biglang naglaho.

Bumalik na siya. Ang babaeng unang minahal ni Lorenzo.

Si Cristine.

次の章へ