webnovel

Perfect for You

Nanalo ang Green Tigers kontra sa kalaban nilang Yellow Huskies. Pagkatapos noon ay isang game pa ulit ang sumunod. Purple Penguins versus Blue Dolphins ang maglalaban. Pero kahit school nila ang lalaban ay hindi na nag-abala pang manood si Alex. Sumama na siya sa mga kaibigan niya na inabangan ang Green Tigers sa paglabas nila sa may student lounge.

Kasama pa rin nina Alex sina Richard at Kim, to her dismay. Pero ano bang magagawa niya? Sinigurado na lang niya na nakahiwalay pa rin ang grupo nila ng mga kabarkada niya sa mga ito. Pinili niyang puntahan iyong mesa na nakapagitna sa mga mesang may tao na. Hindi na kasya pa doon sina Richard pero tama lang iyon kung sakaling samahan sila nina Angel at Bryan. Kaya naghanap na lang ng ibang mesa sina Richard. Dalawang mesa ang pagitan ng napuntahan ng mga ito mula kina Alex.

Ilang sandali pa'y lumabas na rin ng gym si Angel. Kaagad naman nitong pinuntahan sina Alex.

"Si Bryan, Ate?" tanong ni Alex dito.

"Hayun, magbibihis pa daw," sagot naman ni Angel.

"Naku Ate Angel, dapat kinunan mo iyong pagbibihis nila," ani Steffi. "Iyon iyong mga gustong makita ni Issay."

"Ano ka! Magtigil ka nga diyan!" saway ni Issay sa kaibigan.

Naaliw naman ang lahat sa pagbibiruan ng magkaibigan.

"Oo nga pala. Isang quick pose naman mula sa ating mga cheerers," ani Angel sabay ready ng camera na hawak niya upang kunan ang grupo nina Alex.

"Yay! Gusto ko iyan!" anang Issay na excited na pumuwesto.

Kinunan ni Angel ng litrato ang apat. Ilang shots din ang nakuha nito bago ito lumipat sa ibang mesa. Pati ibang estudyante ay kinunan nito, bilang documentation sa The Echo page ng school nila. Pagkatapos ay sa grupo naman nina Richard ito nagpunta. Iniwasan na lang ni Alex ang tumingin sa mga ito at kunwa'y busy sa kung ano sa cellphone niya. Katabi kasi ulit ni Richard si Kim at may ilang shots pa nga na nakaakbay pa ito sa babae.

"Bagay na bagay sina Richard at Kim," ani Issay sa mga kaibigan.

"Sila na kayang dalawa?" tanong naman ni Steffi.

"Wala pa naman akong naririnig. Pero lagi silang magkasama, 'di ba?" sagot ni Issay sa tanong ni Steffi.

Gustong singhalan ni Alex ang dalawang kaibigan upang tumigil na ang mga ito sa kwentuhan tungkol kina Richard at Kim, pero kapag ginawa niya ito ay malalaman ng mga ito ang sekreto niya.

Pagkatapos kumuha ng litrato ni Angel ay bumalik ito sa tabi ni Alex. Kinausap ito ni Alex para na rin ma-divert ang attention niya mula sa dalawang taong kinaiinisan niya.

"Wala ka na bang iko-cover na event, Ate?" tanong niya sa kapatid.

"Mamaya pang konti. Lawn tennis," sagot ni Angel sa kanya.

"Boys din, Ate Angel?" hindi nakatiis na tanong ni Issay.

Napangiti si Angel. "Oo."

"Hay! Ikaw na ang maswerte," malungkot na wika ni Issay.

Napakunot ang noo ni Angel. "Maswerte ba iyon? Imbes na manood at i-enjoy lang ang mga event, kailangan kong magtrabaho at kumuha ng mga litrato. Tapos kailangan ko pang gumawa ng article mamaya para sa updates sa Intrams."

"Alam mo Ate, naiinggit siya sa'yo kasi nakakasalamuha mo iyong mga players," ang sabi naman ni Steffi. "Lalo na iyong mga boys."

"Grabe ka!" ani Issay kay Steffi. "Hindi naman."

"Eh kanina nga sabi mo ang swerte ni Ate Angel kasi nakakasama siya nung mga players sa locker room," ang sabi pa ni Steffi.

"Hindi naman," muling tanggi ni Issay. "Nga pala, naisip ko lang Ate, nakakapasok ka sa locker room, 'di ba? Eh di nakikita mo silang nagbibihis?"

Natawa ang lahat sa sinabi ni Issay.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Issay sa mga kasama.

"Hay naku! Ewan ko sa'yo," ang sabi naman ni Steffi.

"Siyempre hindi naman," natatawang wika ni Angel. "Meron namang isang area sa locker nila kung saan sila nagbibihis. Tapos meron din iyong pwede ko silang kausapin at i-interview. Doon ako nagsi-stay lang."

"Pasensiya ka na dito, Ate," ani Steffi. "Medyo may pagka-slow kasi talaga ito."

"Grabe naman kayo!" Napasimangot si Issay, na lalong ikinatawa ng lahat.

Noon dumating si Bryan. "Hi!" bati niya sa lahat. Kaagad itong tumabi kay Angel.

Ipinakilala naman ni Alex ang tatlong kaibigan kay Bryan. "Bryan, these are my friends nga pala. This is Steffi and Sam."

"Hi po!" bati ni Sam dito. Si Steffi naman ay nginitian lamang si Bryan.

"Hi! Nice to meet you!" Inilahad ni Bryan ang kamay upang kamayan ang dalawa.

"And, this is Issay," pagpapatuloy ni Alex. "Your number one fan."

"Uy, hindi naman!" nahihiyang saway ni Issay kay Alex. "Hi po."

"Hi!" Inilahad ulit ni Bryan ang kamay para dito.

Nahihiyang tinanggap iyon ni Issay. Hindi nito napigilan ang kilig at hindi rin napigilan ng tatlo niyang kaibigan na tuksuhin siya.

"Hala! Issay, ang pula-pula ng mukha mo!" tukso ni Steffi sa kanya.

"Hoy!" Napahawak tuloy sa pisngi si Issay.

"Uh... Is something wrong?" tanong ni Bryan sa mga ito.

"Wala po," sagot ni Steffi.

"Pasensiya na po, Kuya. Pagpasensiyahan n'yo na itong dalawang ito," ang sabi naman ni Sam.

"It's okay," ang sabi naman ni Bryan na naguguluhan pa rin sa nasasaksihan.

"Ang bait talaga ni Bryan," ang sabi naman ni Alex na hindi mapigilan ang ngiti.

"Namumula nga si Issay," ang sabi naman ni Angel na parang natutunugan na ang ikinikilos ng apat na magkakaibigan.

"Naku, Issay! Napansin na ni Ate Angel," ang sabi ni Steffi.

"Hala! Ate, wala akong ginagawang masama, ha?" biglang defensive na tanong ni Issay.

Natawa ang tatlo niyang kaibigan sa inarte ni Issay.

"Ha? Ano bang meron?" Ang totoo ay nakukuha na ni Angel ang nangyayari. Patay malisya lang siya kunwari at nakikisakay sa tuksuhan nina Alex.

"Wala! Wala po!" sagot ni Issay.

"Bakit sobrang galang mo naman yata ngayon sa akin?" ang sabi ni Angel na nakangiti na rin. "May 'po' ka pa."

Para namang lalong nataranta si Issay. "W-Wala, wala po." Tsaka ito napayuko.

Hindi na natiis ni Alex ang sarili. "Ate, mag-ingat ka dito kay Issay kasi baka agawin niya yung boyfriend mo."

"Hoy! Wala! Hindi totoo iyan!" nagpa-panic namang tanggi ni Issay. "Ate Angel, hindi! Walang gano'n. Hoy Alex! Bawiin mo iyon!"

Pero imbes na gawin ang sinabi nito ay tumawa lamang si Alex, kasama ng dalawa niyang kaibigan. Maging si Angel at Bryan ay natawa na rin sa biruan ng apat.

"Totoo ba iyon, Issay?" tanong naman ni Angel dito.

"Hindi! Hindi totoo iyon, Ate Angel! Baliw lang itong kapatid mo." Tsaka ito humarap kay Alex. "Hoy! Kaloka ka talaga! Ipapahamak mo pa ako."

"Nagbibiro lang naman ako, sineseryoso mo naman," ang sabi ni Alex. "Pero Bryan, crush ka talaga nitong si Issay."

"Hoy! Alex! Aalis na ako!" Akmang tatayo na si Issay, pinigilan lamang siya ng tatlong kaibigan. Namumula na rin ang mukha nito dahil sa hiya. "Grabe kayo, ha? Nakakahiya."

"Okay lang iyon, Issay," ang sabi naman ni Angel. "Hindi ako galit. Promise."

"Pasensiya ka na Ate, ha? Ito kasing tatlong ito, eh. Wala nang ginawa kundi ang ipahiya ako." Tsaka ito napasimangot.

Tinignan naman ni Angel ang katabing si Bryan na aliw din sa panonood sa apat. "At ikaw naman, Mr. Bryan de Vera. Mukhang naaaliw ka pa na malaman na nadagdagan na naman ang census ng mga babaeng naloloko sa'yo."

"Hindi naman," ani Bryan. "Naaaliw lang ako sa kanila."

"Pagod ka na kaya hindi ka nagsasalita, ano?" natatawang tanong ni Angel.

Natawa na rin si Bryan. "Obvious ba? Ikaw na lang mag-drive mamaya, ha?"

"Grabe, napaka-gentleman mo, ano?" ani Angel dito.

"Binawabasan ko na nga iyong pagka-gentleman ko para wala nang gaanong magkagusto sa akin," biro naman ni Bryan.

"Grabe! Ang kapal!" ani Angel. Natawa silang dalawa ni Bryan sa biruan nila.

"Ganoon pala sila, ano?" tanong ni Steffi kay Alex. "Parang may sarili silang mundo."

"Ganyan talaga iyan kapag naglalambingan," ang sabi naman ni Alex.

"Inggit ka na naman," ani Angel sa kapatid.

"Ate Angel, sino ba ang hindi maiinggit sa iyo?" ang sabi naman ni Steffi. "Nasa iyo na yata ang lahat tapos you have the best boyfriend in CPRU."

"Uy!" Biglang naging proud si Bryan sa narinig.

"Grabe! Mga bata pa nga talaga kayo," ang sabi ni Angel. "Ito, best boyfriend? Saang banda?" Tsaka parang nanunuring tinignan ni Angel ang katabi.

"Well, yeah. Actually, I'm not the best boyfriend," ang sabi naman ni Bryan. "The thing is, I got the best girlfriend." Tsaka niya inakbayan si Angel.

"Oh my!" kinikilig na wika ni Steffi. Maging si Issay at Sam ay kinilig din sa gesture na iyon ni Bryan.

"Si Ate, kinikilig!" tukso naman ni Alex sa kapatid.

Hindi naman iyon kinontra ni Angel. "Actually, you're right. I've got the best boyfriend but that's because I know that he loves me as much as I do for him. Iyon naman ang importante."

"That's right," sang-ayon ni Bryan dito. "Kaya kayo, mahahanap n'yo rin iyong perfect boyfriend para sa inyo. That guy who will love you and who will take care of you. Hindi naman ako perfect. Pero ang pagmamahal ko para kay Angel, iyon ang perfect."

"Uh..." sabay-sabay na wika nina Sam, Issay at Steffi.

"Pero Kuya, sana kasing-sweet mo siya," ang sabi naman ni Steffi.

"Hmn, lahat naman ng lalaki, sweet," ani Bryan. "Kapag gusto nila yung babae, nagiging sweet sila unconciously."

"O Issay..." Napatingin si Alex sa kaibigan.

"O, ano na naman? Ako na naman ang nakita mo," ani Issay.

"Huwag ka nang magalit!" natatawang wika ni Alex. "Joke lang iyon. Tsaka hindi ko naman sasabihin iyon kung alam kong hindi okay dito kay Ate. Tsaka kay Bryan na rin."

"Oo naman," ani Angel. "Alam ko namang mabait itong si Issay."

"Uy!" tukso ni Steffi kay Issay. "Mabait daw siya."

"Salamat Ate, ha?" ani Issay kay Angel. Pagkatapos ay si Bryan naman ang kinausap nito. "Sorry, Kuya Bryan. Pasensiya ka na dito sa mga kaibigan ko.

"It's okay," ani Bryan. "I'm flattered, actually. Pero gaya nga ng sabi ko, someday makakakita ka rin ng perfect boyfriend para sa iyo. Malay mo, mas gwapo at mas mabait pa kaysa sa akin."

"Tsaka mas humble," pahabol ni Angel.

"Humble naman ako, ah!" ani Bryan. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Gwapo lang talaga ako. Tsaka mabait. Totoo naman iyon, 'di ba?" Saka niya kinausap ang apat na magkakaibigan. "'Di ba?"

Sumang-ayon naman daw ang apat, bilang pakikisakay sa biruan ng dalawang magkasintahan.

"Hay naku! O sige nga, kung mabait ka, ilibre mo nga kami," ani Angel. "Sa cafeteria."

"Pasta na naman?" ani Bryan dito.

Napangiti si Angel. "Alam mo namang favorite ko iyon, eh. Sige na, para makakain ka."

"Ako pa talaga ang kailangang kumain?" natatawang tanong ni Bryan.

Natawa na rin si Angel. "Oo. Pagod ka kaya! Halika na."

Tumayo na si Angel. Napatayo na rin si Bryan at ang apat na kasama nila.

"Yayain ko lang sina Richard," ani Bryan. Pinuntahan niya sina Richard sa mesa nito.

Sinundan ng tingin ni Alex si Bryan nang puntahan nito sina Richard. Pilit niyang dine-decode kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Ilang sandali pa ay bumalik si Bryan sa mesa nila.

"Manonood daw sila ng swimming," ani Bryan kay Angel. "Iyong kapatid daw ni Kim, lalaban."

"Ganoon ba?" ani Angel. Napatingin ito kay Alex.

"Kung ganoon, tayo na lang," ani Alex na pilit in-ignore ang tingin ng kapatid. "Halina kayo. Bah, baka magbago pa ang isip nitong si Bryan. Tara na!"

Nagpatiuna na si Alex sa pagpunta sa cafeteria. Sinundan naman siya ng tatlo niyang kaibigan. Si Angel naman ay nag-aalalang tinignan ang kapatid habang nakasunod dito. Naramdaman na lamang nitong inakbayan siya ni Bryan. She looked at him. Bryan gave her that reassuring smile. She smiled and together they followed the four girls to the cafeteria.

次の章へ