webnovel

Fix

Kinagabihan ay dinalaw ni Bryan si Richard sa kwarto nito. Parang pagod na pagod itong nakahilata sa kama nito.

"Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ni Bryan dito.

"Tinuruan ko kasi sina Kim para doon sa final practicum nila sa PE."

Napakunot ang noo ni Bryan. "Kim?"

"Oo, si Kim."

"As in Kimberly Agustin?"

"Yup! No other than Ms. BS."

"Tinuruan mo sila ng gagawin nila sa practicum sa PE..."

"You just repeated what I said, Cuz."

"Bakit ikaw? Kailangan bang ikaw?" tanong ni Bryan.

"Bakit naman hindi? Alam mo namang basta sayaw, or anything that involves rhythmic exercises, eh pinapatulan ko. I love dancing, you know that."

Yes, Bryan knows it very well. Alam niyang iba ang happiness na idinudulot ng pagsasayaw kay Richard. Kagaya ng paglalaro ng basketball para naman sa kanya.

"Actually, ako nga ang magtuturo ng sayaw kay Kim para sa Ms. CPRU. Sa kanilang dalawa ni Nick."

"Ikaw ang magte-train sa kanila? Eh si Kuya Andrew?"

"May regular job na daw, eh." ani Richard.

"Eh bakit ikaw?"

Napakunot ang noo ni Richard. "Bakit parang inuulit mo lang ang mga sinasabi mo, Bry?"

"Pwede naman silang kumuha ng iba, eh," sa halip ay wika ni Bryan.

"Okay lang naman," ani Richard. "Ako naman ang nagprisinta."

"Ikaw?" Lalong naguluhan si Bryan.

"Sayang din naman yung chance. Meron na nga akong concept na naisip. Siguradong sila ang mananalo na Best in Talent." Richard smiled victoriously.

"Eh si Alex? Baka naman mawalan ka na ng oras para sa kanya?" Kinausap siya kanina ni Angel. Sabi nito, parang problemado si Alex tungkol sa relasyon nito at ni Richard.

"Hindi naman siguro. Isa pa, hindi pa naman sigurado. Kakausapin muna ni Kim iyong officer in charge nila kung papayag ang mga ito na ako ang magturo sa kanila ni Nick. At kung pumayag man ang mga ito, hindi pa rin magiging problema iyon. Matagal pa naman ang pageant, so marami pang time para mag-practice. Pwede naming i-spread ang practice sessions namin until December. Isa pa, maiintindihan naman iyon ni Alex. Mabait naman iyon."

Hindi nga niya naiintindihan. Di sana wala siya ngayon dito at kinakausap siya at inaalam ang problema?

"Alam mo kasi, Chard, minsan ang mga babae, kahit gaano pa kabait iyan, napupuno din. Kaya kailangang alam mo kung paano balansehin ang oras mo at magawan mo ng paraan na maiparamdam mo sa kanila na hindi ka nakakalimot sa kanila."

"Oo na, Mr. Love Expert."

"Seryoso ako, Chard. Nung Thursday inaasahan ka ni Alex. Akala niya kasama ka sa dinner namin. Ang lungkot kaya niya dahil wala ka."

"Talaga?" Para namang naalarma ito sa narinig.

"Hindi ka man lang kasi nagsabi kung saan ka pupunta noong gabing iyon. Wala tuloy akong maisagot sa kanya nung tanungin niya kung saan ka nagpunta."

"Biglaan lang din kasi iyon, eh. Last subject ko na nung sabihan ako ni Mommy. Hindi naman ako dapat sasama doon."

"Well, now you know. At least you can do something about it now. Kausapin mo si Alex. Bukas."

"Family day bukas, di ba?" ani Richard. "Isa pa, imi-meet ko ulit iyong group nina Kim. May practice ulit kami sa hapon."

Napabuntong-hininga siya. "Ewan ko sa'yo. Bahala ka nang dumiskarte diyan."

"Don't worry, Cuz. Hindi ko naman pababayaan kaming dalawa ni Alex. Ayoko namang mapunta lang sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan ko sa panliligaw ko sa kanya. Ngayon lang ito, promise!"

Wala nang nagawa pa si Bryan. Higit sa kanino man, si Richard ang makaka-solve ng problema nilang dalawa ni Alex. At kahit ano pang gawin nila ni Angel, wala pa ring mangyayari kung ang dalawa mismo ang hindi makakatulong sa kanilang mga sarili.

★☆★☆★☆★☆★

Beast mode kaagad si Alex pagpasok niya ng Lunes ng umaga. Kahapon kasi ay hindi man lang siya minessage ni Richard. Hindi sila nagkausap ng buong maghapon. Nalaman din niya mula kay Bryan, sa pamamagitan na rin ng ate niya, na kaya hindi na niya nakakausap ng matino si Richard ay dahil busy ito sa pagtuturo sa grupo ni Kim ng final practicum ng mga ito sa PE.

That Kim again. Ewan niya, pero hindi niya maiwasang magselos. Alam niyang walang basehan ang nararamdaman niya, kaya hindi niya ito dapat maramdaman. O, wala nga ba?

Pagpasok niya sa classroom ay namataan kaagad niya si Richard. Pagkakita nito sa kanya ay kumaway pa ito. No choice siya kundi ang puntahan ito at umupo sa upuang ini-reserve nito para sa kanya. Napakalapad pa ng ngiti nito pagtingin niya dito.

"Hi!" At parang masayang-masaya pa ito. "Na-miss kita."

Walang epekto sa kanya ang paglalambing nito ngayon. Beast mode on. "Ikaw kasi, masyado kang busy."

"Pasensiya ka na, ha? Medyo tight lang kasi talaga ang schedule ko ngayon. Pero promise, babawi ako sa'yo."

Wala na siyang sinabi pa. Baka mamaya masinghalan pa niya ito dahil sa inis niya. At dahil na rin sa alam niyang si Kim ang dahilan kung bakit tight ang schedule nito ngayon.

"Tinulungan ko lang kasi sina Kim doon sa final practicum nila sa PE. Wala raw kasi silang makuhang magtuturo ng sayaw. Kaya humingi siya ng tulong sa akin. Anong klaseng kaibigan naman ako kung tatanggi ako, 'di ba? Isa pa, madali namang matuto ang mga kagrupo niya. Noong Sabado at Linggo nga, naging madali ang pagko-conceptualize ng sayaw nila dahil very participative ang lahat. Marami silang mga ideas kaya hayun, nakabuo kami kaagad ng konsepto. Iyong mga steps na lang niyan ang bubunuin ko."

Tuluyan nang nainis si Alex. Paano ay puro si Kim na lang kasi ang sumunod na ikinuwento ni Richard. Kesyo gumaling na itong sumayaw. Kesyo ipinagluto sila nito ng meryenda. Kesyo ang bait-bait pala nitong kasama. Kesyo ang dami pala nitong alam pag-usapan.

Gusto na nga niyang singhalan si Richard para tumigil na ito sa pagkukwento. Mabuti na lang at dumating na ang professor nila. At least, inevitably ay tumigil na si Richard. Katulad ng ibang mga estudyante ay nakinig na ito sa professor nila sa harapan.

But Alex could not concentrate on the subject being taught. Wala siyang ibang maisip ngayon kundi si Richard at ang pagkahumaling nito kay Kim at sa mga sandaling kasama nito iyon.

★☆★☆★☆★☆★

Sa last subject ay magkaklase ulit sina Richard at Alex, and usually after the class, tumatambay muna sila sa student lounge o sa The Coffee Club kasama sina Angel at Bryan. Ganito na ang naging routine nila mula noong malaman ng ate niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Richard.

Pero kaiba noong hapong iyon. Pagkatapos ng last subject nila ay nagpaalam na siya kay Richard.

"May aasikasuhin kasi akong project."

"Ganoon ba? Sayang, isasama ko pa naman sana si Kim sa The Coffee Club. Alam mo na, para maiiwas siya kay Terrence Mendoza."

Hanggang ngayon pala ay si Kim pa rin ang balak nitong pagkaabalahan. "Magkikita naman pala kayo ni Kim, eh. Okay lang kahit wala ako, may kasama ka naman," she said sarcastically. "See you around na lang."

Richard smiled. "Okay."

She smiled and immediately turned around, so that Richard could not see it when she rolled her eyes on him.

"Bye!" pahabol pa ni Richard.

"Bye!" ganting bati niya; again, sarcastically.

Dali-dali siyang nagpunta sa may Business School. Tiyempo namang palabas na rin ng classroom sina Bryan at Angel nang mga sandaling iyon.

"Ate!"

Napatingin sa kanya si Angel. "Alex!" Ngumiti ito.

"Let's go home, Ate."

Nagulat si Angel sa sinabi nito. "Hindi ba kayo magkikita ni Richard?"

"Magkikita naman daw sila ni Kim, eh. Kaya okay lang na umuwi na ako."

Nagtinginan sina Bryan at Angel. Bigla naman siyang nahiya sa pagiging pamatay trip sa dalawang lovers.

"Sorry Ate. Kung gusto mo, mauna na lang ako. Sumabay ka na lang kay Bryan mamaya. I'll just explain it to Dad."

"Hindi, okay lang," ani Angel.

"Tsaka may practice din naman kami ng basketball, so malamang na gagabihin ako ng uwi," ang sabi naman ni Bryan. "Baka magalit ang daddy ninyo kung sobrang late na umuwi ang ate mo."

"O sige Bry, mauna na kami," ani Angel kay Bryan.

"Sige."

"Halika na, Alex."

Magkasabay na silang magkapatid na nagpunta sa may parking lot.

★☆★☆★☆★☆★

Kanina pa sa may kotse ay gusto nang tanungin ni Angel si Alex kung ano ang problema nito. Pero naisip niyang baka bigla itong humagulgol at hindi na siya makapag-drive pauwi dahil makiki-iyak na rin siya dito.

Kaya naman hinintay muna niyang makauwi sila ng bahay at makapagpahinga ng konti. Noong gabi na niya ito tinanong. Pinuntahan niya ito sa kwarto nito.

"Alex?" Sumilip siya sa loob. Nakahiga si Alex ng nakatalikod sa may pintuan. Pumasok pa rin siya dahil alam niyang hindi pa naman ito natutulog.

Lumapit siya sa may kama at pinilit silipin ang mukha ng kapatid. "Alex?"

Hindi ito sumagot. Tinabihan na lamang niya ito sa kama at niyakap ito. "You're not yet sleeping, I know."

"How did you know?"

Napangiti siya. "You answered."

Humarap si Alex sa kanya.

"Are you okay?" Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha nito.

"I guess so..."

"What's wrong?"

Alex sighed. "I'm so bad, Ate."

"Hmn?" Napakunot ang noo niya.

"I've turned into a green eyed monster."

"Bakit naman?"

"Si Richard... Si Kim..."

Now she understands. "Huwag mo kasing isipin iyon. Hindi naman siguro iyon gagawin sa iyo ni Richard. He really likes you."

"I know. That's why I feel so bad." At lumungkot nga ulit ang mukha ni Alex.

"Hey! You're not that bad. Stop thinking like that."

"Why can't I stop being jealous?"

"Normal lang iyan," aniya. "You love him that's why you're jealous."

"I can't talk to Richard like this. Baka mamaya awayin ko lang siya. Mabuti na lang busy siya ngayon sa pagiging protector niya kay Kim."

"Are you sure you don't want to fix this? The only way to do that is for you to talk to him."

Umiling si Alex. "Hindi ko pa kaya, Ate. Baka mamaya mas lalo lang gumulo ang sitwasyon."

"Okay." Niyakap na lamang niya ito.

"Thanks, Ate. Thank you for being there all the time."

"It's a pleasure."

Doon na rin natulog si Angel nang gabing iyon. Hindi niya iniwanan ang kapatid at sinamahan ito buong magdamag.

Bᴇ ᴄᴀʀᴇғᴜʟ ᴡʜᴏ ʏᴏᴜ ɪɴᴠᴇsᴛ ᴛɪᴍᴇ ɪɴ... ᴡᴀsᴛᴇᴅ 𝑻𝑰𝑴𝑬 ɪs ᴡᴏʀsᴇ ᴛʜᴀɴ ᴡᴀsᴛᴇᴅ ᴍᴏɴᴇʏ.

Have some thoughts about my story? Comment it and let me know.

Like it? Add to library!

Next chapter will be exciting. Watch out for it.

joanfriascreators' thoughts
次の章へ