webnovel

Challenge Accepted

Kasalukuyang nagmi-meeting ang mga officers ng JPIA sa opisina nito. Nasa harapan ang presidenteng si Hannah at si Angel naman ay nakaupo sa may mesa nito katulad ng iba pang mga officers.

"Guys, alam kong next week ay mid-term exams na natin at busy kayong lahat sa pagre-review ninyo," panimula ni Hannah. "Pero importanteng makausap ko kayo ngayon dahil sa isang napakaimportanteng bagay. One month from now ay gaganapin na ang annual Business Week ng Business School. And since exam week next week, we only have three weeks to prepare."

Ang Business Week ay isang taunang activity sa Business School kung saan naglalaban ang iba't ibang mga organizations sa iba't ibang competitions. Kabilang na dito ang mini-sports fest, pageant, at ang mini-business venture ng bawat organization. Bukod pa doon ang iba pang events na inihanda ng mga student leaders ng Business School.

"Dapat tayo ang mag-overall champion this year. Kailangan nating matalo ang mga JFINEX na iyan," ang sabi pa ni Hannah. Ang JFINEX o Junior Financial Executives ang organization ng mga BSBA major in Financial Management students. "Kaya kailangan bongga ang negosyong maiisip natin. Siyempre, kailangan mag-excel din tayo sa mini-sports fest. Iyong cheer dance, kailangan tayo ang mag-champion. Meron akong kilalang pwedeng magturo sa atin. Pati iyong mga ibang events kailangan nating mag-perform ng mahusay. At siyempre, iyong Mr. & Ms. Business School. Dapat makuha natin ang korona doon."

"Hannah, ang sabi nila, si Gina Marie Aguilar daw ang Ms. BS ng YES," ang sabi ng isang officer. Ang YES o Young Entrepreneurs Society naman ang organization ng mga BS Entrepreneurship students.

"Hay naku! Wala namang alam iyang Gina Aguilar na iyan kundi ang mag-flaunt ng boobs at balakang niya," ani Hannah. "Beauty and brains ang labanan, ano? Substance over form."

"Mukha namang okay din si Gina," ang sabi naman ng isa pang officer. "Hindi nga siguro siya ganoong katalino pero hindi naman siya ganoon ka-dumb. Hindi naman siya makakapasok dito sa CPRU, lalo na dito sa Business School, kung bobo siya."

"Pero kung ikukumpara naman sa mga BSA students, siguradong wala siyang panama," ani Hannah. "Angel, ikaw ang in-charge sa Mr. & Ms."

Gulat na napatingin si Angel kay Hannah. "Ako?"

"Yup. Ikaw ang hahanap ng representative natin sa pageant," ani Hannah. "Humanap ka ng member ng JPIA na good looking na, eh witty pa. Iyong kakabog sa Gina Aguilar na iyon."

Kilala naman halos ni Angel ang mga members ng JPIA. Hindi naman din karamihan ang mga BSA students sa Business School. Sinasala kasing mabuti ang mga ito, mula enrollment hanggang sa mataas na maintaining grade para manatili ka sa kursong iyon.

Ang poblema, hindi marunong mangumbinsi si Angel. Marunong siyang mag-utos, kaya effective siyang editor-in-chief ng The Echo. Pero iyong kausapin ang isang estudyante at kumbinsihin itong rumampa sa harapan ng mga estudyante ng Business School, kung hindi man ng buong CPRU, parang hindi niya carry.

"Eh kung magpa-survey na lang kaya tayo?" ani Angel kay Hannah. "Gumawa tayo ng survey sa lahat ng mga JPIA students. Ako na ang magpa-facilitate noon. Tapos iyong top three candidates, sila iyong kakausapin natin." Siguro naman, kung buong JPIA na ang pumili, hindi na siya mahihirapan pang mangumbinsi. Sasabihin lang niya na siya ang gusto ng nakararami at gagawin niya ito para sa organization nila.

"Sige," sang-ayon naman ni Hannah. "Ikaw na ang bahalang dumiskarte. Pero dapat, maumpisahan ang survey yung week after nung exam. Tapos, huwag mo ring patagalin iyong survey mismo. Mga one week lang. Kasi kailangan pang mag-ready ng contestant. Kailangan pang mag-practice ng talent noon. Tapos one week before Business Week, may mga pictorials na iyon tsaka kung anu-ano pang preparations. May mga pre-pageants na rin."

"Ako'ng bahala," ang sabi na lamang ni Angel para matapos na ang usapan.

"Okay,"ang sabi naman ni Hannah. Nagpatuloy na rin ito sa pagdi-delegate ng ibang tasks sa kanyang mga co-officers.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Naging tambayan na nina Alex at Richard ang The Coffee Club. Maging sina Angel at Bryan ay nahikayat na rin nilang tumambay sa lugar na iyon kapag free time nila.

Sa isang bahagi ng coffee shop ay merong mga booth na may mga sliding door na parang sa mga old Filipino houses. Iyon ay para sa mga customers na gusto ng privacy tulad ng mga executive na nagmi-meeting habang nagkakape. Doon palaging pumupwesto ang apat at wari'y lagi na rin naman iyong naka-reserve para sa kanila.

Nang hapong iyon ay muli na namang naka-tambay ang apat sa The Coffee Club. Naghihintay silang lahat ng oras ng kanilang susunod na exam. Midterm exam week na kasi sa CPRU.

Magkatabi sa isang bahagi ng mesa sina Richard at Alex. Nagtuturuan sila sa pagre-review ng Philippine History. Sina Bryan at Angel naman ay nasa kabilang bahagi at kanya-kanya sa pagso-solve ng mga accounting problems.

"Paano ba nakuha iyong answer dito?" tanong ni Bryan sa katabing si Angel.

Tinignan naman ni Angel ang nasabing accounting problem.

"Gagamitin mo iyong weighted average na in-issue na shares," sagot naman ni Angel. "Iyong bonus shares hindi siya kasama, kasi wala naman siyang additional consideration. They are related back to the beginning of the earliest period presented. Iyong shares issued by cash lang ang kasama. They are time apportioned from the date the cash was receivable."

"Hmn... Okay, so one hundred thousand plus twenty thousand; plus three over twelve - that's twenty-five percent - of twenty-eight thousand. That would be... one hundred twenty-seven thousand. Letter D."

"Tama," ani Angel kay Bryan.

Tahimik na nagmamasid lamang si Richard. Napapakunot ang noo niya kapag naririnig ang mga accounting terms ng dalawa.

"Okay," ani Bryan. "Akala ko kasi kasama iyong bonus issue."

"Medyo tricky nga iyang question na iyan kaya kailangan talagang tignan ng mabuti. Muntikan na nga rin akong magkamali diyan," ang sabi naman ni Angel.

"Alam ko na ang feeling ni Daddy kapag nag-a-attend siya ng board meeting," bigla'y wika ni Richard. "Kaya pala siya nabo-'bored' lagi."

"Huwag kang mag-alala," ani Bryan sa pinsan. "Kapag tayo na ang namamahala sa TGH, tutulungan kitang mag-analyze ng mga data para naman hindi ka ma-OP at ma-'bored' sa board meeting."

"Haayyyy!" Napasandal si Alex sa upuan. "Nahihilo na ako sa kaka-review!"

"Second day pa lang ng exams, sumusuko ka na?" ani Angel sa kapatid.

"Ang hirap, Ate!" ani Alex. "Ang dami-dami!"

"Masasamay din kayo," ani Bryan. "Ngayon ninyo nalalaman na ibang-iba ang high school sa college."

"Nung high school hindi man lang ako nagre-review," ani Richard. "Pero nakakapasa ako ng matiwasay."

"Di bale. Pagkatapos niyan pwede na kayong mag-relax at mag-enjoy ulit," ani Angel na abala pa rin sa pagsulat at pagre-review.

"Pwede na tayong manood ng sine." Biglang nagliwanag ang mukha ni Alex.

"Guardians of the Galaxy!" ang sabi naman ni Richard. "Di ba gusto mo iyon, Bry?"

Tumango si Bryan. "Sige. Pagkatapos ng exam week, manlilibre ako ng sine."

"Sama kayo," ani Richard sa magkapatid. "Di ba Bry?"

"Oo naman," ani Bryan.

"Huwag na," ani Angel. "Kayo na lang dalawa. Nakakahiya naman sa inyo."

"Okay lang," ani Bryan.

"Ate, sumama na tayo," ang sabi naman ni Alex. "Akong magpapa-alam kina Daddy."

"Hindi ka naman mahilig sa mga ganoong pelikula," ani Angel sa kapatid. "Baka ma-bore ka lang doon."

"Hindi ba parang it's high time for us to watch Marvel films because everybody is talking about them na?" ani Alex. "Iyong mga Avengers, kailangan na natin silang makilala, Ate."

"Meron si Bryan ng mga iyon from iTunes," ani Richard.

"Yeah," ani Bryan. "If you want I could give you copies."

"Movie marathon," excited na wika ni Alex. "Oo nga, Ate."

"Baka naman kailangan naming mapanood muna ang lahat ng iyon bago namin panoorin ang Guardians of the Galaxy?" tanong naman ni Angel.

"Not necessarily," ani Bryan. "Iba naman kasi ang kwento niya. Though medyo may connection siya sa ibang Marvel films dahil nga sa part iyon ng so-called Marvel Cinematic Universe, eh pwede pa rin itong maging stand-alone film."

"Iyon naman pala, eh. Ate, nood na tayo ng Guardians," muli'y pilit ni Angel sa kapatid.

"Gusto mo ba talagang mapanood ang Guardians, o gusto mo lang makasama si Richard?" tukso ni Angel sa kapatid.

"Ate naman eh!" Nag-blush ang nahihiyang si Alex. Si Richard naman ay napangiti sa sinabi ni Angel.

"Huwag mo na ngang tuksuhin iyang kapatid mo," ani Bryan. "Sumama na kasi kayo sa amin."

"O sige na nga!" sa wakas ay wika ni Angel. "Basta ba libre mo, ha?"

"Oo na nga," ani Bryan. "Para sa Richlex love team."

"Richlex?" Napakunot ang noo ni Alex.

Natawa naman si Angel sa sinabi ni Bryan. Maging sina Richard at Alex ay natawa rin nang ma-realize ang ibig sabihin ni Bryan.

"Tama na nga iyan," ani Bryan. "Mag-review na nga lang tayo."

Nagpatuloy na sa pag-aaral ang apat kahit pa nga natatawa pa sila sa biro ni Bryan.

次の章へ