webnovel

Chapter 75: Tungo Sa Mundo Ng Mga Bathala

Sermon ang inabot ni Kabatao at Kabayuhan kay Borjo dahil sa pinagsa sabi ng mga ito. Tila ba hindi nakakaramdam ang mga ito ng pagka ilang sa kanilang kasalukuyang ayos. Sila ay seahorse na walang saplot. Ngayon naman ay nakuha pang imaginin ng mga ito na sila ay maging ibon na may kaanyuang kabayo??? Anong klaseng imahinasyon yan?!?

Inip na nagpa lipas ng oras sa labas ang tatlong seahorse, madilim at malapit ng gumabi ng magising si Arnie.

Agad nitong hinaplos ang impis na tiyan na tila ba gustong ipahiwatig na siya ay gutom na. Iniunat ni Arnie ang dalawang braso kasabay ng paghi hikab.

Arnie: ho... hum ..... asan kaya ang mga tao dito??? eh??? Mali hindi nga pala sila tao... ang mahinang bulong ni Arnie habang bumababa mula sa malaking kabibe.

Ang suot niyang diving suit ng nakaraang gabi ay napalitan na ng isang mahabang puting pantulog.Bakas sa kanyang suot ang magandang hubog ng kanyang katawan na muling nagpa luwa sa mga mata ng nadaanan niyang sireno at siyokoy. Tumulo pa ang laway ng mga ito habang nakasunod ang tingin sa kanyang maarteng pagla lakad sa tubig???

Oo tama nagla lakad nga siya sa tubig at hindi lumalangoy, iba talaga ang dating ng itinakdang ito hindi ba???

Sa bulawagan natanaw siya ni Neptunong nagla lakad patungo sa kanyang kinaroroonan .

Arnie nagising ka na pala..... Ang bati sa kanya ni Neptuno.

Arnie: ah, oo medyo napasarap nga ang tulog ko. Ang sagot ni Arnie kasabay ng malakas na pag kulo ng kanyang tiyan bilang pahiwatig na kailangan niya ng kumain.

kruuuuggggggg kluk kluk kluk....

Neptuno: 😬

Agad na nagpa hain si Neptuno ng pagkain sa batong lamesa, mabilis namang umupo si Arnie at kumuha ng maliit na taklobo upang gamiting plato.

Ilang sandali pa, lumalantak na naman si Arnie ng kain. Naka taas pa ang isang paa nito sa batong kanyang inuupuan.

次の章へ