webnovel

CHAPTER 53 : GININTUANG HARDIN; 2

Sa daan papuntang talon, manghang mangha sila Arnie sa mga nadadaanan nila, malayong malayo ang itsura ng Kaharian sa itsura ng kinatatakutang patay na burol kung saan naroroon ang mahiwagang mundo ng mga engkanto...

Maraming mga kakaibang halamang namumunga at namumulaklak na para bang ang buong paligid ay isa lamang napaka laking hardin.

habang ang patay na burol ay madawag at napakasukal, nagtataasan ang mga damong hindi magawang patayin ng may ari ng lupa kahit na anong gawin na pagtatabas dito.

Habang naglalakad sinabi ni Borjo kay Arnie na maari niyang utusan ang lahat ng puno sa lugar na yon ganon din sa mga puno sa mundo ng tao.

ARNIE : totoo? paano?

BORJO : Kausapin mo lang ang puno at ito ay makikinig at susunod sa iyong kahilingan, bilang itinakda lahat ng hayop, halaman at ibat ibang ibon at insekto ay makikinig at susunod sa iyong nais.

ARNIE : TALAGA!!!! sige nga!!! subukan ko kung totoo!!!! at tumingala si Arnie sa isang mataas na puno ng mangga na hitik ng bunga

Kaibigang puno ng mangga!!! maaari ko bang tikman ang iyong bunga?

mistulang tanga na sigaw ni Arnie na ang magkabilang kamay ay pinagsalikop pa at saka ginamit na animo ay mega phone .

PUNONG MANGGA : anuman ang iyong naisin ay buong puno kong ibibigay mahal na itinakda.....

ang sagot ng punong mangga na yumukod pa bilang pagbibigay galang kay Arnie, sa panggigilalas ni Arnie at ng kanyang tatay at kapatid...

ARNIE : ehhh..... huh? ang nagulat na si Arnie, hindi akalaing sasagot at magsasalita ang puno ng mangga...

Sa kanilang muling panggigilalas at pagkabigla ang ilang sanga ng puno na hitik ng bunga ay gumalaw at bumaba sa may harapan ni Arnie upang ialay sa kanya ang mga bunga nito....

WOW!!!!! ang galing mo naman..... ang tuwang tuwang sabi ni Jr kay Arnie.

pumitas sila ng ilang bunga na manibalang at hinog bago nagpasalamat sa puno ng mangga

MARAMING SALAMAT GINANG MANGGA ang sabay sabay na wika ng tatlo habang nakatingin lamang sa kanila si Borjo na nakangiti.

PUNONG MANGGA : walang anuman mahal na itinakda, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong mapaglingkuran ka at matikman mo ang aking bunga...

ARNIE : sige, paalam na muna punong mangga ...

at bitbit ang mga prutas na muling nagpatuloy sa paglalakad sila Arnie patungo sa talon habang si Peter at Jr ay may dalang metro at sinusukat ang distansya ng Talon mula sa kaharian.

ARNIE : prinsipe Borjo, maari bang mag utos ka sa iyong tauhan upang bumili ng mga materyales na isusulat ni itay mamaya???

PRINSIPE BORJO: Oo Arnie walang problema, sino ang sasama sa kanila sa bayan para bumili ng materyales ?

ARNIE : papuntahin mo sila sa bahay, patutulungan ko na lang sila kay ate Lia at kuya Yel...

mag chat ako agad mamaya kay ate Lia pagka balik natin sa palasyo habang isinusulat ni itay lahat ng Kailangang materyales, sagot ni Arnie kay Borjo.

PRINSIPE BORJO : ah, tamang tama daraanan natin ang ginintuang hardin, doon na lang tayo kumuha ng ipang bibili ng materyales mamaya, ang sabi ni Borjo na lumapit sa isang tila gate na gintong pintuan at doon ay nauna nang pumasok..

ARNIE : Ginintuang Hardin???

PRINSIPE BORJO : Oo andito na tayo sa ginintuang hardin....

ang sabi nito na itinuro ang napakalaking hardin ng mga halamang ginto ang puno at mga sanga, habang ang bunga naman ay mga batong brilyante, diamante at ibat ibang uri ng mamahaling batong hiyas..

habang ang mga dahon ay isang uri ng mataas na klase ng Jade at berdeng berde ang kulay...

sa isang dako naman ng hardin ay may mga punong ginto ang katawan ugat at mga sanga ang mga dahon ay mataas na uri ng Jade habang ang bulaklak at bunga nito ay ang isang uri ng mamahaling diamante, ang blood diamond.

katabi din ng mga punong ito ang ginintuang puno na mayroon namang bunga at bulaklak na pink diamond....

ang mga puno ginintuang puno naman na namumunga ng naglalakihang brilyante ay nasa kabilang panig nito.

nanla laki at halos lumuwa ang mga mata ng mag aama sa nakikitang mga mamahaling batong hiyas at ginto sa paligid ng hardin

nanginginig ang kamay na nabitiwan ni Peter ang metro habang kinukusot ang mga mata at di makapaniwala sa kanilang nakikita.

PETER : TOTOO BA ANG LAHAT NG ITO??? Jr kurutin mo nga muna ako at nang ako ay magising, baling nito sa anak na noon ay tulala pa rin

PRINSIPE BORJO : halina kayo at nang makapamitas muna tayo bago tayo dumeretso sa talon sa likod ng bakod ng ginintuang hardin na ito, anyaya sa kanila ni Borjo.....

nanginginig ang mga paa at tuhod na humakbang ang tatlo, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita....

Namitas na nang mga bungang diyamante at brilyante si Borjo, naglabas ito ng isang malaking lalagyan na kinuha nito sa kung saan.....

dagdagan na natin ang ating kukunin upang ang iba ay maiuwi ninyo, ang sabi pa ni Borjo na tila ba ordinaryong prutas lang ang pinipitas.

maya maya pa ay lumakad ito sa isang parte ng hardin na walang gaanong mga tanim na puno at halaman

nang ito ay kanilang sundan, nakita nilang namumulot ito ng mga naglalakihang ginto, ang mga bato at lupa sa parteng iyon ay ginto kung kaya't walang gaanong halaman,

maliban sa mangilan ngilang puno na ginto na kakaiba ang itsura ng mga dahon at bunga na maliliit na brilyantitos.

次の章へ