webnovel

Horrifying

Chapter 25. Horrifying

        

      

WALA nang mahihiling pa si Jasel sa buhay niya. She had everything she could ever wish for, everything she'd ever dreamed for.

I've got a great future lies ahead with Vincent. Aarte pa ba ako?

Sa ngayon ay abala sa research si Vince kaya halos tatlo o apat na beses sa isang linggo lang siya nito napupuntahan sa shop. Kaya naman binalak niyang bisitahin ito sa ospital kahit saglit lang.

Sa loob ng anim na buwan ay kumuha siya ng kursong related sa baking at katatanggap lang niya sa certificate niya noong nakaraang linggo. Gayunpama'y umo-order pa rin siya ng pastries and cakes sa rati niyang supplier. Hindi pa kasi niya kayang gumawa ng bulk orders araw-araw at hinahasa niya pa ang kakayanan sa pamamagitan ng pagtanggap ng small orders.

Ngayon ay abala siya sa pagbe-bake ng strawberry shortcake at iyon ang dadalhin niya sa ospital. Gumawa rin siya ng mga cupcakes kanina dahil may um-order sa kanya ng tatlong dosena niyon. Balak din pala niyang mag-expand ng business, at sa susunod na taon ay tatanggap na siya ng mga personalized orders ng cakes or cupcakes para sa mga events gaya ng birthdays, weddings at iba pa.

Napakislot siya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa kitchen counter para sagutin ang tawag.

"Buksan mo ang pinto. Sira pa yata ang doorbell mo," bungad ni Ice.

Mabilis na tumalima siya't binuksan ang pinto. Malaki na ang tiyan nito dahil kabuwanan na sa susunod na buwan.

"Sorry, I was baking," hinging-paumanhin niya matapos humalik sa pisngi ng kaibigan.

Matagal na niyang pinalitan ang passcode ng kanyang door lock, o mas tamang sabihing pilit na pinapalitan ni Ice dahil gusto raw sila nitong bigyan ng privacy ni Vince sa tuwing bibisitahin siya ng nobyo. Alam na niya agad ang tinutukoy nito nang pinilit nitong palitan ang lock niya. Dati kasi ay malaya itong nakakapasok sa unit niya dahil may access ito roon gaya ng kuya niya, subalit mula nang maging sila ni Vince ay nag-aalangan na raw itong pumasok doon.

"Patikim!" she excitedly exclaimed.

"Tara!" bahagya siyang lumingon sa baby bump nito. "I'm sure that our mini Ice will love it!"

Babae ang magiging anak ng mga ito. And she was so excited to see her first niece!

"Aakyat nga sana ako mamaya bago umalis kasi ihahatid ko itong half-dozen na cupcake sa inyo," pagbibigay-alam niya. Sa penthouse pa rin nakatira ang mag-asawa. Pero ang alam niya'y nagbabalak ang mga ito na tirhan ang kanilang hacienda. Mas mainam iyon lalo pa't alam niyang lalaki pa ang pamilya ng mga ito.

"Ayos lang. Naiinip kasi ako," anito habang ngumunguya ng cupcake. "Ang sarap!"

"Dalhin mo na rin iyong isang box pa. Pinasobra ko talaga iyan."

Eksaheradang sumimangot ito, "Ang taba-taba ko na, pinapataba mo pa ako lalo. Baka maumay ang kuya mo sa 'kin."

"Kahit maging dambuhala ka pa, sa iyo lang si Kuya, 'no! Sobrang whipped kaya niya sa 'yo," she commented.

"May stretch marks na nga ako, e. Kapag nangangati ako minsan, siya pa ang kumakamot. Ayan tuloy, nagka-pekas na."

"Kakain ka ba o magda-drama?" biro niya.

Biglang nangilid ang luha nito't nagpatuloy sa pagkain.

"Gosh, sorry..."

"No, okay lang. Ganito lang talaga ako these past few months."

"Sorry na nga. Huwag ka nang umiyak."

Mas lalo itong humikbi. "Para kasing inamin mo na ring ang pangit-pangit ko na."

"Hindi ka pangit. Medyo lang," biro niya't nag-peace sign dito. "You're still our beautiful Ice, dear..."

"Humanda ka talaga kapag ikaw ang nabuntis. Tatadtarin kita ng lait!"

"Oo na, sige na. Nagbibiro nga lang kasi ako!"

Hindi ito sumagot at nag-walk out na lang. Hindi pa nakakalayo ay bumalik ito't dinampot ang naiwang box ng cupcakes.

Naiiling na natawa siya. Naiwan din nito ang isang box pa na binibigay niya. Hindi bale, ihahatid na lang niya mamayang pagkauwi niya, o kaya nama'y bukas, bago siya pumuntang shop.

Sakto namang natapos na ang bine-bake niya. Palalamigin na muna niya iyon kaya mag-aayos na siya para maihatid ang cake sa ospital. The cupcakes were already delivered at the shop, pinakuha niya kay Cadence dahil ipi-pick-up iyon ng customer mamaya.

She excitedly prepared and dressed up beautifully. Iyon ang unang beses na bibisitahin niya si Vince sa ospital at gusto niyang maging presentable sa mga katrabaho nito, at maging mas maganda para rito.

Nag-book siya ng cab at alas sais na ng gabi nang umalis siya. Antok na antok na siya dahil maaga siyang gumising kanina para malingunan ang mga orders, kaya nama'y hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa loob ng sasakyan.

Hindi rin namalayan ni Jasel kung ilang oras na ang lumipas nang gumising siya. Bahagya pa siyang naghikab at umayos ng upo. Bakit parang ang lalim na ng gabi? Ganoon ba ka-grabe ang traffic ngayon kaya hindi pa siya nakararating ng ospital? Kinusot niya ang mga mata at tumingin-tingin sa paligid.

Bakit sa talahiban dumadaan ang sasakyan? Wala namang ganoong parte sa route na dadaanan nila. Wait, was the cab even moving?

Napalunok siya sa kaba nang mapansing wala ang driver at nasa isang bakanteng lote siya. She alerted herself and tried her best to be calm. Agad na hinanap ang shoulder bag para kuhanin ang cellphone doon para matawagan si Vince ngunit wala iyon sa kanyang tabi. At ang dala niyang cake ay natumba na rin.

Lumingon ulit siya sa paligid at napansing may umilaw sa bandang harapan. Nabuhayan siya ng loob nang mapansing headlights iyon ng isang sasakyan kaya mabilis na lumabas siya't akmang kakawayan iyon para humingi ng tulong.

Natigil sa ere ang pagkaway niya nang makita kung paanong tinulak papalabas ng sasakyan ang isang lalaking bugbog sarado at halos gumagapang na lamang papalayo sa mga ito. Mabilis na humarurot papalayo ang sasakyan matapos iyon.

Nasindak siya nang mapagsino ang lalaki, hindi ba at iyon ang driver ng cab na sinasakyan niya.

"Manong!" natatarantang sigaw niya't mabilis na tumakbo papalapit dito.

"H-Hija, tumakbo k-ka na. Patawarin mo ako kung nadamay ka. Dapat hinatid na muna kita bago ko sinunod ang utos sa aking makipagkita sa mga—"

Napatili siya ng isang putok ng baril ang dumaplis sa balikat ng lalaki. Patuloy na nanginginig ang kalamnan niya habang niyuyugyog ang balikat ng lalaki.

"T-Takbo..." nanghihinang sambit nito. Napatayo siya at paatras na lumayo sa nakatatandang lalaki.

Muli ay napatili siya nang isang putok ang umalingawngaw at tumama ang bala ng baril sa ulo nito. She almost threw up seeing how macabre and morbid death it was. It was horrifying.

Mabilis na tumakbo siya at pumasok sa loob ng sasakyan, hindi na nag-abalang mag-seatbelt. She had a driver's license but she didn't usually drive. Adrenaline rush na rin siguro ang nagtulak sa kanya na patakbuhin agad-agad ang sasakyan. Subalit hindi pa nakakalayo ay umalingawngaw na naman ang isang putok ng baril at gumewang-gewang ang pagtakbo ng sasakyan. Ilang beses pang nagpaputok ang mga kriminal pero hindi siya huminto sa pagmamaneho.

At tumigil ang lahat nang maramdaman niyang bumaon ang bala sa kanyang dibdib at tila siya kinakapusan ng hininga. Hindi na rin niya makontrol ng maayos ang sasakyan dahil hindi siya magkandaugaga sa patuloy na pagdurugo sa kanyang dibdib.

Tuluyan niyang nabitawan ang manibela at patuloy sa pagdiin sa kanyang dibdib. Hindi maipaliwanag na sakit at kirot ang nararamdaman niya sa mga maaaring mangyari. Ang takot at sindak niya'y hindi mapagsidlan lalo na nang makita niya ang sasakyang humahabol sa kanya sa rear view mirror, kung paano binangga ang minamaneho niyang sasakyan at gumewang-gewang hanggang sa bumangga siya sa isang malaking puno. Isang putok ng baril pa ang tumama sa bandang balikat niya't tuluyang humarurot palayo ang sasakyan ng mga ito.

Sa nanghihinang katawan ay pinilit niyang lumabas ngunit hindi na niya kinaya't tuluyan nang bumagsak ang kanyang nagdurugong katawan.

"V-Vince..."

次の章へ