webnovel

Kiss

Chapter 16. Kiss

     

    

NAPAILING si Jasel nang ang dalawa ay mag-usap na rin tungkol sa negosyo. Ngayon lang niya nalaman na major shareholder pala ang pamilya ni Vince sa ospital na pinagtatrabahuan nito. And the director was his grandfather. So basically, his family owned the private hospital.

"I'm impressed," anang kuya niya. "Masisiguro kong hindi maghihirap ang kapatid ko sa iyo."

Sinaway niya ito. Nakakahiya kay Vince. Baka isipin nito, minamadali niyang makasal sila dahil alam niyang kahit hindi siya magtrabaho ay hindi siya maghihirap sa piling nito. Pero hindi. Her feelings were all true. She could wait. Lalo pa't abala ito sa trabaho ngayon. Ilang buwan din siguro itong magiging abala dahil nabuksan din ang topic na may research pala itong ginagawa kasama ng team nito, at naka-base ang mga ito sa Maynila ngayon.

That was a good thing. At least hindi na kailangang lumayo ng lalaki.

"Baka isipin ni Kuya, nagbubuhat ka ng sarili mong bangko," biro niya kay Vince.

"That's exactly what he is doing, Jasel," sabad ng Kuya niya.

"He's right. I'm trying to impress so he will be rest assured that you are with me."

Ngumisi ito sa kuya niya na ginantihan din ng ngisi ng huli. Minsan, gusto niyang isipin na ang dalawa talaga ang magkapatid at sampid lang siya. Marami kasing pagkakatulad ang mga ito. Kaya nga ba't naging magkaibigan noon, at kung hindi lang umalis si Vince ay baka mag-business partners pa.

"Suggestion ko lang, anakan mo na si Jasel para may kalaro ang pamangkin ninyo," bulalas ni Ice.

Sabay silang maang na napatitig ng Kuya niya rito. Hindi siya naeskandalo sa sinabi nitong anakan na siya ni Vince. At alam niyang ganoon din ang Kuya niya. Napalingon siya kay Vince at nakitang nginitian niya si Ice.

Balak ba nitong sundin ang payo ng kaibigan niya? She shook her head to brush away that thought. Pero nasisiguro niyang namumula siya. 'Tsaka na niya iisipin iyon. Gusto niyang tiyakin ang sinabi ni Ice.

"Are we pregnant?" Hindi makapaniwalang-tanong ng Kuya niya.

Her friend sweetly smiled and nodded. Impit na napatili siya't tumayo para yakapin ito, pero hindi niya nagawa dahil naunahan siya ng kanyang Kuya na sobrang saya sa nalaman. Naramdaman niyang tumayo si Vince at lumapit sa kanya. Maluha-luha siya sa tuwa nang gagapin nito ang kamay niya. She was too overwhelmed with the good news that her best friend was an expectant...

She was going to be a tita!

     

    

HINDI mapakali si Jasel nang araw na iyon, Sabado, at walang pasok si Vince kaya napagpasyahan nilang mag-out of town. Siya nama'y hinabilin ang shop sa trusted staffs niya. A day or two without her wouldn't affect the shop. Ang mga ito pa nga ang tumutulak sa kanya na mag-dayoff siya. Which she happily did.

Nakatanggap siya ng text kay Vince na nagsasabing malapit na ito. Mas lalo siyang nataranta dahil hindi pa siya nakakapag-shower o hilamos man lang. Mabilis na tumungo siya sa lababo para makapag-toothbrush man lang. Halos labinlimang minuto ang nakalipas nang dumating ito. He knew the pass code in her unit that's why he could enter her place whenever he wanted to.

Lagpas alas sais pa lang ng umaga at nasisiguro niyang hindi pa ito nakakain ng agahan. Lumapit siya para salubungin ito.

"Good morning," bati niya rito. Mabilis namang sinapo ni Vince ang baba niya at kinintalan ng isang mabilis at malalim na halik. Halos habulin niya ang mukha nito nang humiwalay ito. Na-miss niya ang lalaki dahil hindi sila nagkita ng dalawang araw, naging abala ito sa ospital.

"Good morning. I miss you, baby girl," anas nito.

"Kumain muna tayo bago ako magbihis." Pero bago ba makapaghain ay niyakap siya nito mula sa likuran at binaon ang ulo sa bandang leeg nito. Halos makiliti siya sa tumutubong balbas nito.

"You didn't shave," pansin niya.

"I'll shave later," bulong nito at sinadyang idikit tumutubong balbas nito sa leeg niya.

Nagsitaasan ang balahibo niya nang maramdaman ang kiliti niyon, kasabay ng pagdaloy ng kakaibiang nakakakuryenteng sensasyon sa buong kayawan niya.

"Vince..."

"Hmm?"

"G-Gusto mo ng kape?" Pilit niyang binabaling ang isipan sa ibang bagay.

"No, I want you," he murmured. He was very vocal about wanting her. But he never took advantage for he said that he respected her so much.

"Hindi ka mabubusog sa 'kin, pumayat ako," she joked about her weight.

"Patatabain kita ng pagmamahal ko."

"Ang corny mo, ah!" Kunwaring sita niya pero ang totoo'y kilig na kilig siya. Bihira ang mga lalaking handang maging magsabi ng cheesy lines para lang mapakilig ang kasintahan. "Maupo ka na nga nang makapaghain na ako."

Kumawala siya sa yakap nito pero hindi siya nito hinayaan, "Not yet," bulong nito at pinaharap siya rito.

Napalunok siya nang sinakop nitong muli ang kanyang labi. She had been waiting for another kiss.

"The next time you want... to kiss... me—" anas nito sa pagitan ng halik. "—just do it."

Napaungol siya bilang pagsang-ayon. Mas lumalim ang pagtugon niya sa mga halik nito at halos tumingkayad siya para mas maabot ang labi nito. Mukhang sinadya siya nitong bitinin ang halik kanina para na rin masanay siyang mag-first move sa intimacy nilang dalawa.

Vince lifted her a bit so she'd step on his feet. Bahagya rin itong yumuko para hindi siya mahirapang tugunan ang mapupusok na halik nito. Isinukbit niya ang mga braso sa magkabilang balikat nito habang patuloy sa pagsimsim sa labi nito.

"Vince..." she murmured and she started sucking his lower lip while he's busy on her upper lip. Halinhinan sila sa pagdama ng halik na pinagsasaluhan nila.

Hinihingal sila nang putulin ni Vince ang halik. Lumuwang ang pagkakayakap nito sa balakang niya habang puno pa rin ng pagnanasang tinititigan nito ang mukha niya.

"You own me, Jasel. If you want to kiss me, do so. You don't have to restrain yourself. I am all yours."

"Pero nahihiya ako..." amin niya. Kung gaano siya kawalanghiya sa mga lalaking nakasayaw niya sa mga bar at club noon, ay siya namang kabaliktaran pagdating kay Vince. Kahit pa noong college sila ng lalaki, hindi siya nagfi-first move.

次の章へ