webnovel

Fail

Chapter 31. Fail

        

        

NAGPASYA na nga sina Nicolea at Jave na bumalik ng Cebu. They were on the lift going up to fourth floor, where her unit was, when she realized her phone was low battery and was already shut down. Hindi na siya nag-abalang mag-charge ng cellphone dahil hindi naman talaga niya kailangan.

Nang nasa tapat na sila ng unit ay natigilan siya. Dahil na rin siguro sa trabaho kaya natural na ang pagiging alerto niya.

May nagbukas ng unit.

Bago pa makapagsalita para sana pigilan si Jave ay pinihit na nito ang seradura, at tama ang hinala niyang nabukas ang pinto. Si Jave nama'y mukhang inakala na siya ang nag-unlock.

They were greeted by the cold breeze of the air conditioner. Kinabahan siya dahil wala namang ibang nakakaalam ng passcode ng kanyang unit. Maliban na lang sa hacker na si...

"Leigh!" nakangising bati ni Hugh na halos pahigang nakaupo sa sofa-bed.

"Hugh?" gulat na tanong niya. "Ano'ng g-ginagawa mo rito?"

"I'm visiting my fiancée."

Agad na hinarang ni Jave ang katawan nito sa kanya para mawala sa level ng paningin niya si Hugh.

"Sino siya? Bisita ba natin?" Nakangisi pa rin si Hugh.

What the heck was he doing here?!

"Leigh, we need to talk." She felt the sense of urgency in his voice.

"J-Jave," nauutal na tawag niya't humawak sa naninigas na braso ni Jave. His veins were protruding and she felt him controlling his anger and jealousy.

"I'll wait you in my unit, Leigh. Hindi mo pa naman siguro nakalimutan kung saan iyon," ani Hugh at walang pakialam na tumayo, kinuha ang saklay at nilampasan sila ni Jave para makalabas na.

"What does that mean? Ano'ng unit?" agad na tanong ni Jave nang makaalis si Hugh.

"He has a unit on this same building."

"And you did not tell me?"

"Because I know you'll insist to just book a hotel or rent a unit far from here."

"Mas mainam iyon kaysa narito tayo!"

"I didn't know he'll be here, too," depensa niya. "Can you wait for me? Kakausapin ko lang siya saglit."

Masama ang tingin nito nang magtama ang mga mata nila. "Dito ka lang."

"Kailangan naming mag-usap."

"Sasama ako."

"I'll be back right after. Huwag ka nang sumama," pamimilit niya.

Tumiim ang bagang nito at nangangalit na umigting ang mga panga.

Hinayaan siya nitong makalabas para mapuntahan si Hugh.

Hugh was still in front of the lift, as if he's waiting for her.

"Akala ko, magtatagal pa kayo, eh."

"Bakit ka nandito? Ano'ng nangyari sa iyo?"

"Nadaplisan ulit ang tama ko sa binti. But that's not important. You should check the files we sent you."

Nangunot ang noo niya. "Lowbat ako."

"You're always alert. Kinakalawang ka na ba?"

"Baka nakakalimutan mong nakabakasyon ako?"

"Let's go to my unit now."

Nang makapasok sila ay agad nitong pinakita ang files na sinasabi kanina.

"Oh my god!" bulalas niya.

"Let's go?"

Napalunok siya. "Hindi ko pwedeng iwanan si Jave."

"Iwanan mo na siya. Or do you want others to take this one?"

Mabilis na umiling siya.

"Shh..." pinigilan siya nitong magsalita. She knew exactly why. May nagmamatyag sa kanila. How careless of Hugh not to lock the door. Agad siya nitong hinila papasok ng kwarto at ni-lock ang pinto.

"Sumunod ang lalaki mo. Hanep ka, may binabahay ka na pala rito."

"Shut up and let's do it!"

         

         

         

(Present Time)

       

         

PILIT na tinaboy ni Jave ang mga alaala mula sa nakaraan. On that fateful day in Cebu, where he followed Nicolea and she went inside the unit with that fake doctor, was the same day his heart was shattered.

Para siyang paulit-ulit na pinapatay habang naririnig ang mga halinghing ni Nicolea, ang mga ungol na parang mga hayup sa kanyang pandinig, habang nasa loob ng silid ang dalawa. He was told that she'd just talk with him, but what she did was fuck him.

Hindi pa ba sapat ang pinaramdam niyang pagmamahal dito? Buong ingat niya itong inangkin sa nagdaang mga araw kahit pa nga gusto niyang maging marahas.

But still, he waited on her unit. He fucking waited patiently for her to come back, but she never showed up.

He came back to the service just to quit, and he got discharged from the navy. It was a tough decision.

Kaya kanina, nang sawakas makakuha na siya ng impormasyon sa babae, ay dali-dali siyang nagtungo sa club. At ganoon na lamang ang galit niya nang makita nga itong nagtatrabaho roon bilang escort, gaya ng impormasyong nakuha niya sa kanyang pinsan.

Gusto niya itong saktan para magising sa katotohanan. Edukada itong tao, kayang-kayang iahon ang palubog na negosyo ng mga Punzalan nang hindi ito nagbebenta ng laman.

Tumawag siya kay Rexton.

"Ano?"

"I saw Nicolea."

"O, tapos?"

"If she doesn't want to save their failing business, let me save it. Tell her parents you will buy it. Put it under my name."

"Why would I do that?"

"Because I'm on a mission. You should do it now before it's be too late."

Minura siya ng pinsan. "Alright, fucker."

Napasuntok siya sa pader at iritadong sinundan si Nicolea. Iaalis niya ito sa club na iyon.

Eversince he got discharged, he became a businessman. Habang abala si Rexton sa pamamalakad sa Entertainment Company na minana nito sa mga Montreal, siya naman ang humawak sa Dela Costa Malls. And he's a major stockholder at his mom's side businesses—The Torrejos Group of Companies.

He wasn't the one who managed at first, it was still his father. Habang hinahanda siya nito ay nagsanay naman siya para maging mahusay na agent.

His college friend, put up a security agency, but he knew what lies behind Phoenix International Agency. It wasn't just a prestigious security agency, it was also an international intelligence agency.

Siya rin ang dahilan kung bakit nakilala ni Rexton ang mga kaibigan niya. Bago siya lumipat sa PMA, mga nakaklase niya ang ilang kasama niya sa Phoenix ngayon.

Rexton then joined the agency when he was still in the navy, his cousin was also trained as one of the top agents of Phoenix.

At iyon ang pinagkaabalahan niya nitong mga nakaraang taon. Hindi gaya ng ibang mga agents, ay hindi siya laging sumasabak sa mga misyon, sa tuwing may kabilang lang na mga kumpanya na madali para sa kanya na mapasok. Gaya na lamang ng The Eve Club, ang misyon niya ay hanapin ang taong nangunguha ng mga babae sa club para ikulong sa minamanmang Casa Manarang ng ibang mga agents. Pagkuwa'y pinipilit na ipagawa sa mga babae ang mga sekswal na bagay na taliwas sa mga ito.

次の章へ