webnovel

Cheat

Chapter 27. Cheat

        

         

MASAYANG-MASAYA ang mga magulang ni Jave nang ibalita niyang magbabaksyon siya. Nang mabalitaan kasi niyang nakabakasyon si Nicolea ay ginanahan siyang umuwi. Nasabi kasi sa kanya ng mama niyang naimbitahan ulit ang pamilya niya na kumain sa labas ng pamilya ni Nicolea. Noong nakaraan ay kasalo siya sa hapunan subalit wala si Nic. At ngayong nandoon naman ito'y 'tsaka siya wala.

Hindi bale, uuwi rin naman siya.

Nawala ang gaan ng pakiramdam niya nang may s-in-end na picture ang pinsang si Rexton sa kanya. It was a picture of Nicolea, while she's with someone. Mabilis na tumawag siya kahit alam niyang makakaistorbo siya.

Ilang sandali pa ay nagpaalam ang mga Punzalan. Bakas din ang pagkagulat ng mga magulang ni Nicolea.

"What have you done, Nic?" wala sa sariling bulong niya nang magtama ang paningin nila sa screen ng cellphone. Nakatayo na ito at paalis na.

Hinarap ni Rexton ang camera sa mukha nito nang makaalis na ang pamilya ni Nicolea.

"I heard she's pregnant," balita sa kanya ni Rexton nang makaalis ang mga Punzalan sa restaurant.

"Why are you telling me this?"

"That guy from earlier, is her fiancé. Doktor pala siya."

Nicolea likes doctors? Bakit pa ako naging Kapitan ng barko kung doktor pala ang gusto niyang mapangasawa?

"Bakasyon yata ni Nicolea kaya umuwi rito. Sige na may pupuntahan pa ako."

Napailing siya nang maalala ang usapan nila nang kumain ng hapunan sa labas ang mga pamilya nila ni Nic.

Tinaboy na rin siya sa isipan ang isa pang picture na pinasa sa kanya ni Rexton. It was Nicolea and that guy, kissing inside her car.

"Let's eat," yaya ulit niya rito.

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "Busog pa ako."

"Let me drive you home instead."

"Susunduin ako ni Karding." It was obvious that she was avoiding him.

"Ihahatid na lang kita."

"Don't bother." She really sounded as if she's panicked.

"Kumain muna tayo habang hinihintay mo si Karding."

"I said don't bother, Jave!"

Parehas silang natigilan sa biglaang pagtaas ng boses nito. Lumingon pa ang ibang mga tao dahil nasa gitna sila ng daan. For sure, they looked like lovers having a quarrel. Hindi niya napigilang mangisi kahit pa nga nainis niya ito.

Nic bit her lower lips and marched away from him. Sinundan naman agad niya ito.

"I'm sorry. Gusto ko lang mangumusta."

Tumigil ulit ito at humarap sa kanya. "Fine. Let's eat."

Sa totoo lang ay hindi niya inakalang papayag ito. Ang akala niya'y kahit ano'ng pagpipilit ang gawin niya, wala siyang mapapala.

He let her lead the way. Bahagya lang itong nauna sa paglalakad at halos sumabay rin siya rito. Huminto ito sa restaurant kung saan kumain ang mga pamilya nila noong nakaraan.

"Walang gaanong tao rito," dahilan nito.

Kahit saan pa sila kumain, ayos lang sa kanya.

The waiter assisted them to a table for two near the corner. Hindi niya maialis ang tingin niya kay Nicolea nang makaupo na sila. Hindi niya mapigilan ang magbalik-tanaw.

Kung hindi ba siya bumitiw noon, siya ang pakakasalan nito ngayon?

"Ano'ng sa iyo?"

Tumikhim siya. "Kung ano ang sa iyo."

Habang nagsasalita ito ay nakatitig lang siya sa labi nito. Her voice was still the same, too. Sultry.

"Ano ba'ng pag-uusapan natin?" Bumaling ito sa kanya matapos um-order.

"I just want to congratulate you."

"On what?" Nangunot ang noo nito.

"You're pregnant, right?"

She became uneasy and didn't meet her gazes. "Bakit, gusto mong maging ninong?" she sarcastically asked.

I want more than that.

Dinaan niya sa magaang pagtawa ang reaksyon niya. "Kung ayos lang sa iyo."

"Fine. Ninong ka ng magiging anak ko."

"Anak mo?"

May problema ba ito ang ang mapapangasawa? He grimaced. Damn, it's weird to think of that when just the other day, he pictured himself marrying her. Ilang beses na ba niyang na-imagine iyon? Be it a church wedding, a beach, nude wedding, garden... or a military wedding.

"Anak namin ni Hugh," maliit ang tinig na sambit nito, halos hindi niya marinig.

Man, wake up!

Hindi niya mapigilan ang pagtangis ng kanyang bagang.

Tahimik sila nang i-serve na ang appetizer. Nasa main course na nang magsalita ulit ni Nicolea.

"Tapos ka nang mangumusta?"

He licked her lower lip and nodded. But he noticed how she was mesmerized while staring at his actions. Gusto niyang ngumisi.

Why, Nicolea? Gusto mo bang makatikim ng ibang putahe?

He cussed in her mind to drive away his thoughts.

"...I'm really happy that you became a captain."

Huh? What was she saying? He shouldn't be spacing out!

"You're not really listening, aren't you?"

"May naalala lang."

Tumango ito at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ikaw, ano'ng pinagkakaabalahan mo?"

He knew. He fucking knew that she's a traveler and a blogger.

Nilunok muna nito ang nginunguyang pagkain at uminom ng tubig. He also noticed her now wet lips and she wiped it using a tissue.

"I'm a blogger."

"I see. Hindi ka na nag-opisina."

"I just realized I wanted to go outside my comfort zone."

"Kaya nga kita pinakawalan," he mumbled.

"Huh?"

"Nothing." Natutuwa siyang kahit paano ay umayos ang takbo ng pag-uusap nila. At natutuwa siya na hindi ito mapalagay.

"Ikaw? Kumusta naman?"

"I'm fine." What kind of answer is that, fucker?

"Ah..."

He should keep the conversation ongoing. "I became a captain because of you."

Napakurap-kurap ito.

"You're my inspiration, Nic. Noong una'y sapat nang maging PMAer ako, pero sa tuwing naaalala ko kung paanong gusto mong maging kapitan ng barko, iyon ang nag-udyok sa 'kin para magpatuloy pa't abutin ang pangarap mo."

"Why are you telling me this?"  titig na titig ito sa kanya kahit halata na parang natataranta na ito.

"I just want to thank you. If it wasn't for you, I won't be here now."

Nag-iwas ito ng tingin.

"Nic..."

Matapang siya nitong tinitigan ulit. "M-May gusto ka pa ba sa akin?"

Instead of answering, he said, "I'm really sorry about what happened before."

She looked surprised, then she sighed. "You don't have to b-be sorry. Masyado pa tayong bata noon. We didn't know how to handle our relationship very well."

"And it was true that it's suffocating you."

"It was suffocating us," pagtatama nito. "Kung pinagpatuloy natin, paniguradong mauuwi tayo lagi sa away. Kung hindi naman, ay baka masanay na lang tayong wala nang p-pakialaman. Lalo pa't abalang-abala ka sa trainings noon, at abala rin ako... sa pag-aaral," litanya nito at nag-iwas ulit ng tingin.

"I did not wait for you after that vacation because you made me realize that we were still young. That we can still meet after everything."

"Yes..."

Napapikit siya ng mariin. Sinabi niya ang lahat ng iyon kahit wala naman talaga siyang balak, para kumpirmahin ang hinala niya. Nicolea had been uneasy since she saw him. The way she stuttered while she talked, the way she couldn't meet his gazes, and the way she was blushing— he knew that his hunch was right.

Alam niyang gaya niya ay kinakabahan ito at nananabik din. Sa madaling salita, parehas silang nangungulila sa isa't isa.

"Nic," he uttered her name once again.

"I t-think Karding is already here. Mauna na ako."

"Oo, may gusto pa ako sa iyo." Binalewala niya ang huling pangungusap nito, bagkus ay sinagot niya ang naunang tanong.

Her eyes widened and her mouth was half-opened.

"And I know you still feel something for me. Come with me. I will father your child."

"Nahihibang ka na! H-Hugh will get mad."

"Do you love him?"

Her lips were pursed. Hindi niya napigilang mangisi.

"As expected."

"What do you mean?" halos pabulong nitong tanong.

"You don't love him. If you're going to marry him just because you're pregnant, then forget it. I will marry you instead. We still have feelings for each other."

"No. Hugh and I were in a relationship," she strongly uttered. Like she was reminding herself that she's in a relationship. But, fuck! He didn't care at all.

"I know."

Mas lalong nangunot ang noo nito. "Magiging kabit kita." Pinamukha nito sa kanya ang magiging resulta ng gusto niyang gawin.

"Yes, that's exactly what I'm saying, Nic. Cheat with me."

次の章へ