webnovel

Chapter 3: Numbers

Biglang tumunog ang keypad kong phone. Si Mama, tumatawag. Nakatayo ako sa gilid ng estante saka sinagot ang maingay na cellphone.

"Hello, Ma."

"Nasaan ka na anak?."

"Dito palang sa Mall of the Valley po."

"Naayos na ba yung phone mo?."

Umiling ako kahit di nya naman kita. Tumagilid ako sa kay Elijah. Kita ko naman sa gilid ng mata kong lumapit yung kasama nya sa kanya. Kinausap at tinanong ngunit di ko iyon naintindihan dahil sa mga sinabi ni mama.

"Di pa po."

"Ganun ba. Kung maayos na yan. Pabili muna ng tinapay ah. Wala na kasi."

"Yes po. Anong tinapay?."

"Yung dati. Kuha ka na rin ng cheese bread. Bayaran ko nalang pagkauwi mo."

"Sige ma."

"Okay. Ingat. Text mo ako pag uwi ka na."

"Opo. Bye Ma."

May katagalan ang usapan namin ni Mama kaya pagkalingon ko sa gilid ko ay nakatayo na sya.

"Okay na." Sabay abot nito sakin. Nakita ko ang kanyang palad na malaki at mamula mula. Di ko pa napigilan ang mata kong suyurin ang braso nyang lumalabas ang mga ugat doon. Shit!.

Kinuha ko agad iyon saka pinindot ang power. Yun naopen ko na. Nabuhayan naman ako ng loob. Ilang araw na rin kasi akong di nakakapagupdate ng story ko sa wattpad. Baka kung ano nang nangyari doon.

"Thanks.." hinalughog ko ang mga apps. Wala namang nawala kaya nakahinga ako ng maluwag.

"So, I have to go. Salamat ulit. Sure kang libre to ha?.." pakita ko sa kanya ng phone sabay ngiti ng pilit. Gustuhin ko mang ipiliit ang aking bayad kung ayaw nya naman. E di thank you nalang. Baka nga. Mabait ka talaga!. Kinindatan nya pa ako at tinanguan.

Wala akong ibang maisip na gawin kundi suklian ng isang matamis na ngiti.

ang kabutihan nya.

"Bye. Salamat ulit. Eli." Paalam ko. Pagkalabas, nakahinga ako ng maluwang. Binubulabog kasi ako netong puso kong kulang nalang tumalon palabas saking katawan. Di nya mapigilang tumili sa tuwing may naiispatan na gwapong nilalang. Tupad nalang ni Elijah!.

Sumabog agad sa mukha ko ang masarap na hangin na galing sa itaas. Open kasi ang itaas ng mall. Kita mo mula sa baba ang bughaw na langit.

Nalagpasan ko na ang ilang shop nang madinig ang mabibigat na mga yabag. Nagulat nalang ako ng may humablot sa aking palapulsuhan.

Kumabog ng todo ang puso ko sa takot.

Takot na mandurukot iyon.

Noon lang nawala ang kaba ko ng makita sya. Si Elijah. Hinihingal pa.

"Eli?." Gulat kong sabe. Nagtataka sa presensya nya.

Huminga sya ng malalim bago tumindig ng maayos sa harapan ko habang nakakunot ang aking noo.

Anong meron?.

Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Ayoko nang pangunahan ang bawat galaw ng mga lalaki. Masasaktan lang ako.

Tinaasan ko sya ng kilay. Napakamot naman ito ng ulo habang yumuyuko.

Nahihiya ba sya?. Bat ang hot nya?.

Yung panty ko?. Suot ko pa ba?.

Baliw!.

"Bakit Elijah?.." tanong ko nang makitang medyo nawala na ang hingal nya.

Yung mga napapadaan na sa amin ay pinagtitinginan na kami.

"Ah. Mary Jane. I forgot your surname. Can I have it?.." natatawa sya.

Grabe!..

Ang gwapo nya talaga!.

"Surname or my number?. You choose?." Para di na sya mahirapan. Bibigyan ko nalang ng choices. Masyado akong mabait kapag kinikilig.

Ngumiti sya sabay nguso. Ang sarap halikan! Naku Jane!.

"Your number then. I don't mind your surname. Soon, that will change.." anya sabay lahad ng telepono sa harap ko.

Kinuha ko agad yun at tinype ang numero ko. "There.."

"Thanks." Anya. Pinatunog pa ang telepono ko para makasigurado raw sya na yun talaga ang gamit ko. Nakita ko rin ang numero nya sa pinaayos ko na telepono. We changed number. What's next?.

"You okay?." Dungaw ko sa mukha nyang nakangiting naktitig sa kanyang telepono.

"Yeah.." tugon lang nya.

"I need to go now." Paalam ko. Bahagya syang nalungkot.

"Uwi ka na?."

Umiling ako.

"Mamaya pa siguro. May bibilihin pa ako sa Baker's. Malaki ang kanyang ngiti habang kagat ang kanyang labi.

"Alright." Kamot na ang kanyang batok.

Shit! Juiceku!! Ano ba naman ito?

"Bye. Eli." Mabilis na akong bumaba para iiwas ang aking sarili sa kanya. Baka di ko talaga mapigilan ang sarili oong halikan sya.

Bumaba ako ng hagdan. Nasa second floor kasi ang pwesto ng shop nila. Baka matagalan pa ako kapag di ko sya iniwasan.

次の章へ