Harriette Kobayashi's POV
Day 57 of Zombie Apocalypse
"Harriette, anong balita? Gising na ba s'ya?"
Agad sumalubong sakin ang hindi mapakaling si Isabelle. Gustuhin man n'yang pumasok sa kwartong iyon pero, hindi pa talaga pupwede sa ngayon. Iilan lang kaming pwedeng pumasok doon.
"Wala pa rin, eh.. Let's just hope for the best. Gigising din s'ya.."
Yun nalang ang sinabi ko sa kanya at pumunta na ako sa kabilang kwarto para silipin yung natutulog na sanggol.
Ang ganda-gandang bata, manang-mana sa nanay n'ya. Sana lang, maranasan pa n'yang magkaroon ng magandang buhay kahit na ba puro na naglalakad na halimaw sa paligid. Haaayy..
Hirap pa rin akong kumilos ngayon dahil hindi pa totally gumagaling yung sugat sa hita ko. Nakasakay pa rin ako sa wheelchair pero hindi ko ginagawang dahilan 'to para hindi makakilos at makagalaw. Tumutulong ako sa abot ng makakaya ko. Sa pag-aalaga at pagtingin sa mga bata, lalo na kay Crissa.
Si Crissa? Hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagigising. Simula nung nangyari 3 days ago, unconscious pa rin s'ya. Inuwi s'ya dito na unconcious, tapos hanggang ngayon ganon pa rin. Walang pagbabago.
Unstable pa ring matuturing 'yung kalagayan n'ya ngayon, pero iniisip nalang namin na mas okay na siguro 'to dahil hindi naman s'ya namatay. Nagawa pa s'yang isalba ng mga kapatid n'ya nung araw na 'yon.
Hindi ko alam yung buong ikot ng istorya dahil wala ako mismo doon sa lugar na 'yon pero base sa pagkakasabi nila, nakaranas ng matinding shock si Crissa. Dahil sa mga nangyari. Sa lahat ng sakit na nakita n'ya, lalo pa sa mga pisikal na sakit na hindi na n'ya nagawang alalahanin pa.
Dahil mas pinili n'yang itindihin at unahin ang iba.
Napailing ako.
Kahit kailan talaga 'tong bestfriend ko. Sobrang selfless. Mas gugustuhin pang s'ya ang mapahamak kesa mga mahal n'ya.
Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko.
Crissa really did so well, pati na rin yung iba. Marami mang namatay sa amin, napakalaki pa rin ng sakripisyong ginawa nila, lalo na sila Crissa para lang ipaglaban at ipaghiganti kami.
Sobra-sobra na 'yon. Sobra-sobrang pagmamalasakit at pagmamahal na 'yung pinakita nila para sa amin. Para sa lahat.
Syempre, hindi madaling mawalan ng mga mahal sa buhay. Never yun magiging madaling tanggapin. Lalo pa kung sa mapait na paraan pa nangyari 'yon. Walang awang pinatay, pinagsamantalahan ang kahinaan, o 'di naman kaya'y nakain ng naglalakad na patay na buhay.
Sobrang masakit 'yon. Nakakatrauma yung pakiramdam. Nakakadown. Nakakadepress. To the extent na gugustuhin mo na lang na 'wag nang mabuhay dahil wala ka nang ibang nakikitang dahilan pa para mabuhay. Wala ka nang nakikitang pag-asa. Wala nang rason. Wala nang saysay. Mas gugustuhin mo nalang ding mamatay.
Paano ko nasasabi ang mga bagay na 'to? Kasi gantong-ganto rin ang naramdaman ko, at ito yung mga bagay na una kong naisip habang pinagmamasdan si Lennon na unti-unti nang nawawalan ng hininga sa harapan ko. Yung sakit nung mga oras na nakikita ko s'yang ganon? Gusto ko na lang kumuha ng kahit na anong armas para gagamitin kong pangpatay sa sarili ko. Kasi naisip ko, may saysay pa ba yung buhay ko? E wala na yung taong mahal ko?
'Yan ang naisip ko sa mga oras na 'yun. Pero nung mahimasmasan ako nang kaunti at makita ko yung ibang kasama namin na nanatiling buhay, lalo na yung mga bata at sanggol na ito, bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Nagkaroon ulit ako ng rason.
May saysay pa pala yung buhay ko.
My life itself, rason na 'to e. Rason na 'to para magpatuloy mabuhay. Kasi hindi porket may nawala sa'yong mahal mo, dapat mo nang hayaang maging rason 'yun para tumigil. Dapat maging rason pa nga yun para magpatuloy e.
Lalo na 'tong buhay ng mga bata na 'to. Kailangan makatulong ako sa pagpapanatili sa kanila na ligtas at buhay. Kailangan kong makipagtulungan sa lahat. Para lahat kami mananatiling ligtas at buhay.
Naramdaman kong may tumulo na namang luha sa mata ko pero agad kong pinunasan 'yun.
Namimiss ko silang lahat. Sila na nawala samin.
Alam ko na hindi na katulad nang dati ang lahat dahil nawala sila samin. Pero, hindi kami dapat huminto. Dapat gawin din namin silang motivation. Para magpatuloy. Kasi kung sila 'yung buhay, at kami yung nawala, alam kong ganito rin ang gagawin nila. At hinding-hindi rin naman namin gugustuhin na dahil lang nawala na kami ay hihinto na rin ang buhay nung ibang natira. Gugustuhin namin na magpatuloy lang sila.
Nakita kong marahang napangiti yung natutulog na sanggol kaya napangiti na rin ako.
"Diba, baby? Lalaban tayo. Lalaban lang at magpapatuloy. Walang susuko. Walang hihinto."
Ngumiti ulit yung sanggol habang mahimbing pa ring natutulog kaya yung magpinsang Russell at Rosette naman ang sinilip ko. Sa may 'di kalayuan naman ay natutulog din ang magkakapatid na Franco, Harley, at Clint. Papasikat na ang araw pero ang himbing himbing pa rin ng pagpapahinga nilang lahat.
Sa totoo lang, hinahayaan lang namin silang ganito dahil alam kong malaking trauma rin ang dinanas nila dahil sa mga nangyari. Ang daming nasaksihang karahasan ng mga murang isipan nila. Gusto naming ngayon, mapanatag sila at maramdaman na magiging okay lang ang lahat at hindi namin sila pababayaan. Ayaw naming makaramdam sila ng pressure dahil sa paligid ngayon.
At hinding-hindi rin naman namin hahayaan, na hindi nila maranasan yung masayang buhay na deserve nila.
"Harriette, nak, tapos na kaming magluto ni Fionna. Kumain ka na doon, at ako muna magbabantay sa mga bata."
Nilingon ko si Nanay Nellie sa may pintuan at tumango ako. Pero iiikot palang sana yung wheelchair ko ay parehas na kaming nagulat sa malakas na pagsigaw ng isang lalaki galing sa kwarto na kinalalagyan ni Crissa.
"Shit, si Noah.." mabilis akong nagtungo sa pinto. "Nay, yung mga bata." bilin ko dahil biglang nagising yung sanggol at pumalahaw ng iyak.
Mabilis ko pinuntahan yung kinaroroonan ni Crissa at laking gulat ko nalang nang makita ko s'yang nasa ibabaw ni Noah na nasa sahig. Pilit n'ya 'tong sinusubukang sakalin.
"C-crissa! Calm down, hindi s'ya kalaban!!" sigaw ko pero parang hindi n'ya ako naririnig.
Alam kong nagiging maingat lang si Noah kaya hindi n'ya nilalabanan ang sugatang si Crissa. Kahit na ba para ring plano na s'yang patayin non.
"C-crissa!! Kaibigan s'ya ni Marion! Hindi s'ya masamang tao! Please, calm down!!!"
Nakuha ko na ang atensyon nung iba pa naming kasama na nasa paligid kaya nagsipuntahan na rin sila sa kinaroroonan namin.
Pero mukhang hindi naging maganda na nagpuntahan pa sila dito dahil as soon as mapatingin si Crissa doon sa babaeng hindi pamilyar sa kanya, na kadarating lang, agad n'yang sinugod 'yon at inundayan ng suntok sa sikmura.
Napaupo sa sahig si Alexis at namilipit sa sakit ng pagkakasuntok sa sikmura n'ya.
A-ano 'to? Bakit ganito si Crissa?
"S-shit Fionna, ilayo mo si Alexis! Renzo, awatin mo si Crissa!" sigaw ko sa kanila at sumunod naman agad sila. Si Sedrick naman ay hinaltak patayo si Noah at dinala palabas ng kwarto, kasama si Alexis at Fionna.
Nilock ko yung pinto at tinungo ko si Crissa na yakap-yakap ni Renzo. Pinipilit pakalmahin at hinahawakan yung kamay nitong nakakuyom pa rin.
Pinagmasdan kong mabuti si Crissa.
Hinihingal, walang emosyon ang mukha pero sobrang tense ng katawan na para bang handa na namang umatake anomang oras.
Hindi ko lubos maintindihan.
Bakit ganito s'ya. Sariwa pa ang mga sugat n'ya. Marami s'yang pasa, at alam kong wala s'yang lakas dahil kagagaling n'ya lang sa pagkakaratay na puro dextrose lang ang tinetake ng katawan n'ya.
Pero bakit ganto? Bakit parang sobrang agresibo n'ya?
"Sshh.. Crissa.. We're here. Calm down, huh? Calm down. You're fine.." pang-aalo ni Renzo kay Crissa habang inaakay ito paupo sa folding bed.
Nakita kong kumalma si Crissa matapos ang ilang sandali.
Pero bakit ganon? Bakit hindi s'ya nagsasalita? Bakit nakatingin lang s'ya nang walang emosyon sa kawalan?
Lumapit ako sa kanila at binulungan ko si Renzo. "Ako nang bahala dito. Labas ka muna saglit."
Ganon nga ang ginawa ni Renzo at iniwan kami sa loob. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at dahan-dahan akong lumapit kay Crissa. Pilit ko s'yang inabot at binigyan nang marahang yakap.
Nang maramdaman kong hindi s'ya nagrerespond, bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang kumain? May niluto sila Fionna at nanay Nellie doon. Dadalhan na ba kita?" sunod-sunod na tanong ko. Pero lahat nang 'yun ay parang hangin lang na dumaan sa harapan n'ya. Basta deretso lang s'yang nakatingin nang walang emosyon sa kawalan.
Bahagya akong umusod paatras at binigyan s'ya nang matipid na ngiti.
"Osige, alam kong nanghihina ka pa. Magpahinga ka muna para makabawi ka ng lakas. Tapos kapag gusto mo nang kumain, tawagin mo ako ha?" turan ko.
Ilang sandali pa ang inintay ko sa pagbabakasakaling sasagot s'ya pero nabigo ako dahil parang wala talaga s'yang narinig. Basta mabagal lang s'yang humiga ulit at nagkumot ng katawan n'ya.
Nang lumabas ako ay naabutan ko sa may pinto si Renzo na nakasandal. Alam ko ang iniisip n'ya kaya inunahan ko na s'yang magsalita.
"Nag-alala ka kay Crissa, 'no? 'Wag kang mag-alala, ako rin."
Mula sa pagkakatingala sa kisame ay unti-unti s'yang lumingon pababa sa akin.
"Parang may iba sa kanya, Harriette.."
Sinalubong ko ang nag-aalala n'yang tingin at napabuntong hininga nalang ako.
"Intayin nalang nating dumating si Christian, at kuya Marion.." yun nalang ang sinabi ko at kapwa nalang kami nanatiling nagbabantay sa labas ng kwarto na 'yon.
Bandang alas nuebe na ng umaga nang dumating sila Christian at kuya Marion mula sa pagrun ng mga pagkain at medical supplies. Kasama nila si Axel at Elvis na nanatili na lang sa labas para makipagusap kila Sedrick tungkol sa nangyari kanina.
"Gising na s'ya, pero.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa marahang pagtapik ni kuya Marion sa balikat ko.
"Kumain na muna kayo ni Renzo. Kami nang bahala sa kanya.."
Hindi na nga kami umalma pa at umalis na rin kami nang pumasok si Christian at kuya Marion sa kwarto ni Crissa. Kumain na nga lang kami ni Renzo, at nang matapos kami ay tahimik nalang naming inintay lumabas ng kwarto yung dalawang lalaki. Para na rin makibalita.
Sa kabilang banda, gising na yung mga bata at naririnig ko na silang nakikipaglaro sa labas kina Fionna at Owen. Habang yung sanggol naman ay naririnig kong pinapatulog ulit ni nanay Nellie sa kabilang kwarto. Yung ibang mga lalaki, kasama sila Alexis at Noah na nag-aayos ng mga weapons, at supplies na na-run nung mga lumabas kanina.
Si Alexis at Noah nga pala? Mga kaibigan sila ni Marion at kasama nila ni Isabelle sa athletic meet. Dun din sila inabutan ng apocalypse kaya nakabuo sila ng grupo at sila na ang nagsama-sama. Si Isabelle yung kaibigan namin na gymnast at artista. Tapos ito naman si Noah at Alexis, parehas archers 'yan. Kapalitan din namin ni Fionna si Noah sa pagtingin sa kalagayan ni Crissa dahil Med Tech ang kinukuha n'yang course.
I mean dati, nung wala pang mga naglalakad na buhay na patay.
Mga miyembro na rin namin sila ngayon kasama si Nate na tao ni Axel at, si Tristan na isa pa n'yang tao.
Kaya kahit na malungkot pa rin kami nang sobra-sobra dahil sa mga namatay at nahiwalay na miyembro namin, medyo naibsan naman yung void nang dahil sa mga bago na 'to.
May mga nawala, pero may mga naging kapalit.
Sana palaging ganon, diba?
"Harriette, nak. Pakarga muna itong si baby, at magbabanyo lang ako.." inabot sa akin ni nanay Nellie yung sanggol at kinuha ko naman agad yun. Kasabay naman nun ay ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Crissa.
Magkasunod na lumabas si Kuya Marion at Christian. Agad silang dumeretso palapit sa aming dalawa ni Renzo at base sa itsura nila, mukhang wala silang magandang balita na maisshare sa amin.
"Maybe, she is that traumatized. Dahil sa nangyari. She is in deep shock. Nakabawi nga yung katawan n'ya sa sakit, yung isipan n'ya naman nandun pa rin sa lowest point na pinagbagsakan nito. Kami nang dalawa na ni Chris ang kumausap ah? Pero, wala pa rin e. Nakatulala lang." disappointed na sabi ni Kuya Marion. Nang ilipat ko naman ang tingin ko kay Christian, batid kong sobra s'yang nag-aalala at stressed out dahil sa kilos ngayon ni Crissa.
Batid ko rin kasing somehow, nararamdaman n'ya yung pinagdadaanan nung isa. Dahil kambal sila. Konektado sila sa isa't-isa.
"Baka kailangan na nating umalis sa lugar na 'to. Kailangang lumayo na tayo." tahimik na turan ni Renzo kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.
Muli naman s'yang nagsalita at seryosong tumingin sa malayo.
"Dahil hanggat nandito tayo, patuloy pa rin nating maaalala yung mapapait na nangyari. At sobrang unhealthy 'yun para satin. Lalong-lalo na kay Crissa. Lalo pa ngayon sa kalagayan n'ya.."
Nagtinginan kaming lahat at kapwa nalang nagpakawala ng buntong hininga. Alam kong sa isip-isip nung magkapatid ay ikinoconsider nila nang malaki yung sinabi na yun ni Renzo. Tahimik lang sila doon na parang malalim ang iniisip.
Sabay sabay kaming napatingin sa isang direksyon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Crissa at lumabas s'ya doon na seryoso ang itsura. Dahan-dahan s'yang naglakad papalapit sa akin at partikular na nakafocus ang tingin sa may bisig ko.
Dahan-dahan tuloy akong napatingin sa yakap ng bisig ko at napagtanto kong yung tahimik na sanggol nga pala ang hawak ko.
Unti-unti akong napatingala at nagtama ang tingin namin ni Crissa na ngayon pala ay nakatayo na sa harapan ko. Mabagal niyang inilahad ang mga braso n'ya sakin na animo may gustong hingiin.
Napatingin ako kila Christian at doon lang din nakafocus ang tingin nila sa braso ni Crissa.
Bago pa ako makabawi ng tingin ay naramdaman ko nalang yung mga kamay ni Crissa na maingat na kinuha mula sa bisig ko yung sanggol. Nagdadalawang isip pa ako kung babawiin ko o hahayaan nalang. Pero wala na akong nagawa dahil pare-parehas na kaming nagulat sa sumunod na nangyari.
Marahang hinalikan ni Crissa sa noo yung sanggol at bumulong.
"Baby Romina.."