webnovel

Chapter 93

Crissa Harris' POV

Hmp. Nagkampihan pa silang dalawa.

Tuluyan na nga lang akong naglakad papalayo. Masakit talagang mapagsarhan ng pinto. Lalo na kung doon sa likod ng pintong iyon, naiwan ang armas na inaasam mo. Huhu.

Deretso nalang akong lumabas sa main door at agad bumungad sakin ang masasayang halakhak nung mga batang naglalaro kasama si ate Romina. Pati rin si Lennon na ngayon ay nandito na rin at itinutulak ang nasa swing na si Harriette, kitang kita ko ang magandang ngiti. Ang saya-saya nila.

Napatingin ako sa langit.

"What a bright day, indeed. Clear na clear ang langit. Maliwanag. And what is the best way to spend this beautiful morning? This is a great time to have some fun!" nakangisi akong lumapit papunta kay Lennon at Harriette.

"Lennon, can I borrow that?" sabi ko sabay turo doon sa sukbit niyang sniper. Nung makita kong nagtatatlong isip pa siya doon, mabilis ko siyang pinandilatan ng mata. "Ayaw mo? Sasaktan ko si Harriette!"

Mabilis niyang hinubad yung sniper at inabot sakin. Ako naman ay nagningning ang mata habang nakatitig doon. Nagsimula na rin akong maglakad, at narinig ko pa ang mahinang pagbulong ni Harriette mula sa likuran ko.

"Ano ka ba? Bat binigay mo! Nagpauto ka pa doon, e hindi naman ako kayang saktan nun!"

Nilingon ko sila. Nagkakamot lang ng batok si Lennon habang sinesermunan ni Harriette. Hehehe. Naisahan ko sila.

Masigla akong nagtungo sa may gate. Excited na excited at may patalon-talon pa talagang nalalaman. Pero nagtigil din naman ako sa paganon-ganon nung paakyat na ako sa hagdan ng lookout tower namin. Mamaya madupilas pa ako at humampas ang mukha ko e. Edi nagmukha na rin akong undead kung nagkataon.

Pag akyat ko dun ay mas lalo ko pang napagmasdan ang mas lumaking kampo namin. Natanaw ko pa rin ang nasa swing na sweet couple, si ate Romina na nag iisip bata kasama yung mga batang babaeng naglalaro, at sa may di kalayuan sa labas ng kampo ay sila Elvis, Alessa, at Renzo na tinetrain yung mga batang lalaki. Sa may bandang likuran naman ay bahagya ko ring natatanaw yung mag asawang matanda na inaasikaso yung mga pananim nila.

Napangiti na naman ulit ako.

Sure ako na alam niyo na kung sino sino ba yung mga nadagdag na iyon na miyembro namin.

Oo, sila yung mga iniuwi nila Christian almost 3 weeks ago kung tama ang pagkakatanda ko, nung panahong magrarun sila dapat ng pagkain. That time, gulat na gulat pa kami ni Tyron kung sino ba yung mga tao na yun, pero nung nakita namin ang reaksyon ni Russell nung makita yung babaeng buntis at yung isa pang batang babae, nagkaroon na kami ng hint.

Natagpuan sila nila Christian sa isang general merchandise store na pinagkuhanan nila ng stocks namin. Syempre, takot daw ang unang naging reaksyon nung mga taong yun nung makita nila yung grupo nila Christian. Lalo pa at puro sila baril. Sa parte naman nila Christian, agad na awa raw ang naramdaman nila sa madatnan nilang itsura nung mga iyon. Kasi, , malilinis nga at maaayos yung damit nila dahil maraming tindang damit sa lugar na yun, kabaliktaran naman sa pagkain.  Kasi yun palang general merchandise store na yun ay more on for clothing. Kaya ayun, namamayat na sila at medyo wala na silang stocks ng pagkain.

Kaya rin naisipan nila Christian na isama yung grupo na yun dito sa amin. Lalo pa at medyo delikado talaga sa lugar na pinanggalingan nila. Kasi doon lang talaga sila nagstay at ni minsan daw, simula nang magpunta sila doon, hindi pa sila ulit nakakalabas. Malamang dahil sa takot para sa kaligtasan nila, wala silang medyo durable na armas at yung estado pa nila. Limang matanda, walong bata, at isang buntis, paano sila makakalaban nun at ipagtatanggol ang sarili nila sa labas? Napaka imposible nga naman diba? Wala silang kakayanan.

Siguro, iniisip niyo na ang gago namin para magdesisyon na tuluyan nang tanggapin at kupkupin yung grupo na yun dito sa kampo namin. Na hindi pa kami nadala dun sa unang pinagkatiwalaan namin na masasamang tao pala at muntik pa naming ikapahamak at ikamatay.

Oo, ang gago talaga.

Pero chill kayo mga mahal na readers ni ateng author. Kasi sigurado kami sa ginawa naming desisyon. Lalo pa nung malaman namin yung kwento sa likod ng kung paano nagkatagpo tagpo ang landas nila? Nako. Napakuyom agad ang palad ko. Parang gusto kong mag instant teleport sa pinanggalingan nila at ubusin yung mga taong nandoon. Yung tipong aagos yung dugo mula sa nabutas nilang noo.

Hay. Nakikisabay sa init ng panahon ang init ng ulo ko ha? Tsk. Malapit na kasing magsummer tapos naalala ko pa to.

Napatingin ako sa suot ko. Racerback na sando, tapos maong short na hindi naman masyadong kaiksian. Sa pang ibaba, yung combat boots pa rin ni Zinnia. Pero dahil these past few days, hindi na ako gaanong lumalabas dahil ako ang nagbabantay dito sa kampo dahil madalas nasa labas ang kakambal ko at yung iba pa, boots na hanggang ankle lang ang suot ko. Init kaya. Edi naglawa ng pawis ang legs ko kung yung kay Zinnia pa rin ang suot ko.

Lahat kaming mga babae, ganito ang suot, para komportable. Yung mga lalaki naman, hubo. As in walang saplot.

JOKE. Ang dumi ng isip niyo. Pati ako.

Haha. Yung mga lalaki, hindi na naka leather jacket pero ganon pa rin. Naka maong pants and shirt. Lahat ng damit na suot namin ngayon? Doon nanggaling sa general merchandise store na pinanggalingan nila ate Romina. At talagang sinulit pa nila dahil sobrang dami nilang kinuhang damit doon para samin. Kaya ngayon, wala na kaming problema pagdating sa isusuot. Paminsan minsan din kasi, bumabalik doon sila Christian para magrun ng kung ano-ano pa naming kailangan.

Sa isa pang banda, sobrang laki rin ng naitutulong samin nitong mga bago naming kasama.

Una dahil simula nung mapunta sila dito, mas malaki pa ang inimprove ng kampo namin. Literally. Nakatulong namin sila sa paggawa nitong lookout tower na ito, na idea ni tatay Roger. Pati na rin yung lalo pang pagpapatibay at pagpapataas nung pader na nakapaligid dito. Meron din kaming mga trap sa paligid nitong kabuuan ng compound na to para sa mga undead.

Sa may likod naman ay yung idea nila tatay Jack at nanay Nellie na gumawa ng taniman ng mga gulay at rootcrops. Mas naging healthy na tuloy kami dahil nakakatikim na kami ng natural na pagkain. And nabanggit ko na ba? May alaga rin kaming ilang manok na inahin. Kaya minsan na rin kami ulit nakatikim ng karne. At ito pa, ideya naman ni tatay Jack na gumawa ng balon na kukuhanan namin ng tubig. Para raw kung sakaling matuyo yung pinagkukuhanan namin ng tubig sa linya ng gripo, may pang substitute kami na pagkukuhanan.

Si nanay Sonya at nanay Marie? Sila ang katulong naming mga babae sa mga gawaing pangloob ng bahay. Paglalaba, paglilinis, pagluluto. At sila rin ang naghahandle sa pagaalaga nung mga bata. Hihi. Naalala ko naman tuloy, kapag walang ginagawa si nanay Sonya at nanay Marie, gumagawa sila ng mga ginantsilyong damit. Mga sweater at bonnet? Ganon. Para sa mga bata, at para rin samin. Para rin daw sa dadating na tag ulan, handa na kami.

Yung mga bata naman? Sila ang dagdag na kasiyahan dito sa amin. Na sa tuwing umaga na dumadating, mga tawa at boses nila ang naririnig namin. Masarap sa pakiramdam e. Na sa tuwing maririnig namin ang tawa nila, pati na rin yung sa matatanda, para bang normal lang ang lahat. Normal lang yung paligid namin. Idagdag pa na ilang weeks or days mula ngayon, madadagdagan pa ng isang bata dito.

Kasi sobrang sarap lang talaga sa pakiramdam na hindi lang yung mga sarili niyo ang ipinaglalaban niyo para mabuhay. Kasi itong mga nadagdag sa amin, mas lalo pa kaming nagkaroon ng urge na lumaban. Na gagawin talaga namin ang lahat para lang mapanatili silang buhay at nabubuhay ng normal.

Hay.. Sana palaging ganito.

Tumingin ako sa kabilang direksyon at sumilip sa scope ng sniper na dala ko. Sakto namang may nasilip ako na paparating na undead.

Napangisi ako. Itinutok ko yung sniper sa noo nun, at BOOM.

Bulls Eye! Tinamaan nga sa noo. Hmp. Yan ang bunga ng almost 3 weeks ko nang pagtambay dito sa may lookout tower. Bihasa na talaga ako sa pagiging professional, cute, at sexy na sniper. Hahahaha. Dapat si Lennon talaga ang tatao dito e. Pero dahil likas na sakin ang maging mapang uto at mapang blackmail, sinabi ko na palit kami ng pwesto. Siya sa baba at magbabantay sa iba, at mag aalaga kay Harriette. Tapos ako dito.

Hehe. Pabor pa nga sa kanya yun e. Dahil mas may time sila ng labidabs niya.

Sumilip ulit ako sa scope at gayon nalang ang tuwang nadama ko nang makita ko ang limang undead na sunod sunod na naglalakad. Lahat sila pinaputukan ko sa noo nang sunod sunod. Hehe. Ang galing ko talaga kahit kailan. Hmm. Makapag apply nga na hitman para sa mga politiko. Yayaman ako neto! Hahahaha.

"Somebody's watching over you, Crissa.."

"AYYYY! KINALBONG ITLOG AT HOTDOG!" halos mapatalon ako dahil sa gulat nang marinig ko yung makapanindig balahibong boses na yun mula sa likuran ko. Nang humarap ako, sinalubong agad ako ng nagpipigil ng tawa na kakambal ko. Binatukan ko tuloy siya nang malakas. "Hayp ka, Christian! Buti hindi kita nabaril diyan!"

"Tell me, anong itlog ang may buhok, ha?" natatawang sabi niya.

"Edi balot! Bobo ka ba, kambal?" singhal ko sa kanya.

"E sa hotdog? Anong kakalbuhin mo dun? May buhok ba ang hotdog?"

Napairap nalang ako sa kanya dahil wala na akong maisagot pa. Pero siya naman doon ay biglang ngumisi at pinagtatapik ang ulo ko.

"Ikaw ha, kambal? Mukhang nahahawa ka na talaga sa kahalayan ng bestfriend Renzo mo."

Napanguso ako. "Sus, di ko na nga masyadong nakakausap yun ngayon."

"Kasi, nasaktan ng sobra dahil sayo.."

Napa 'ha?' ako dahil parang may narinig akong ibinulong niya doon. Pero sabi niya, nadighay lang daw siya. Ang gago no? Yung dighay niya parang isang sentence.

Hindi ko nalang siya pinansin doon at pinilit ko nalang ikalma ang sarili ko. At habang tahimik na nakatanaw sa malayo, natanawan ko rin yung mga batang lalaki na tinetrain nila bestfriend Renzo. Kasabay din nun ay narinig ako ang matamis na halakhak nung mga batang babae na naglalaro sa ibaba. Ewan ko ba pero, bigla ko na namang nasabi yung linya na ilang beses ko na ring nabanggit simula pa kanina.

"Sana palaging ganito.."

Ilang sandali ang lumipas samin ng kakambal ko bago niya napagpasyahang sumagot sa sinabi ko. Naramdaman ko nalang din ang mainit niyang bisig na umakbay sakin, at ang pagdantay ng ulo ko sa leeg niya. Marahan niya ring hinaplos ang ulo ko.

"Yes. We will make that happen.." malumanay na bulong niya. Sobrang calming. Nakakarelax. Nakakacomfort. May sense of security and assurance.

Napapikit ako at huminga ng malalim. "And we wont let it happen, na yung mga ipinundar natin, mga nasimulan natin, mga pinapangarap pa natin, mawawalan ng saysay. I dont care kung undead or kapwa tao natin ang hahadlang at sisira sa kung anong meron tayo ngayon.." dumilat ako at seryosong humarap sa kanya.

".. Dahil makikipagpatayan talaga ako pag nagkataon; sigurado yon."

次の章へ