Crissa Harris' POV
Kinuha ko agad yung baril na nakapatong sa side table ko at pinaputukan ko sya. Bumangon ako matapos syang humandusay sa sahig. Wala si Harriette sa tabi ko. At wala rin sila Alessandra at Renzy sa kama nila.
N-nasaan sila?
Lumabas ako sa kwarto namin at nang mapayuko ako dun sa lalaking nakasandal sa may tabi ng pinto, parang unti-unting nadurog yung puso ko.
Si C-christian, naliligo sa sarili nyang dugo..
Nanlambot ang tuhod ko at tuluyan na akong napaupo sa sahig. Unti-unti na ring nagsiunahang tumulo yung luha mula sa mga mata ko.
"I-i know, y-you're still fine, e-even without me.. Bye.."
"No!! No C-christian.. I am not!.. Please.. Wag k-kang mamamatay.."
"Crissa.. Uy gising, you're dreaming.." nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa pisngi ko. Pagdilat ng mata ko, tumambad agad sakin ang alalang mukha ni Harriette.
Mabilis akong bumangon at napahawak ako sa pisngi ko. Basang-basa ng luha. Pagtingin ko sa orasan na nasa side table, ala-una palang ng madaling-araw.
"Nananaginip ka kanina. Umiiyak ka.." hindi ko pinansin yung sinabi nya.
"N-nasan si C-christian?.."
"Si Christian? Nandun sa kwarto nya.. Bakit?.." bakas sa itsura nya at sa tono ng boses nya na nagtataka sya. Hindi ko nalang sya sinagot uli at mabilis nakong lumabas ng kwarto.
Tumulo nanaman ang luha ko. Damang-dama ko rin ang panginginig ng katawan ko. Napakasamang panaginip non. Sa sobrang makatotohanan, akala ko totoo na. Hindi ko talaga kakayanin pag nagkatotoo yun. Hindi ko kakayanin na mawala ang kakambal ko. Oo, madalas kaming mag-away at nito lang, malaki ang naging pag-aaway namin. Pero hinding-hindi mawawala ang malasakit at pagmamahal ko sa kanya nang dahil lang doon. Magkarugtong ang buhay namin at lahat ng nararamdaman nya, nararamdaman ko rin. Pag namatay sya, para na rin akong namatay.
Napahinto ako sa paglalakad at doon ko lang nakita kung saan ako dinala ng mga paa ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Christian. Pinihit ko yung doorknob at bahagya pa akong nagulat dahil hindi nakalock yun. Dere-deretso akong pumasok katulad na rin nang nakasanayan naming kambal. At dun sa may bintana, nakita ko syang nakatayo at nakatanaw sa may labas.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumatakbo na akong lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Yung sa sobrang higpit, hindi na sya makakaalis pa. Hindi ko na rin pinigilan yung luha ko at hinayaan ko nalang tumulo yun habang nakasubsob ang mukha ko sa likod nya.
"Sabi na e.. Kaya bigla nalang akong nagising sa pagkakatulog, may nangyayari sayo.." humarap sya sakin at pinunasan yung mga luha na tumutulo sa pisngi ko. Pakiramdam ko, may kung ano na biglang natunaw sa loob ko nang dahil sa ginawa nya.
"Nanaginip ka ng masama no? Wag ka nang umiyak.. Panaginip lang yan. Saka hindi naman mangyayari yan kung hindi mo hahayaan.." dagdag pa nya habang hinahaplos yung ulo ko.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. Those words never fail to calm me. Hindi mangyayari ang isang bagay kung hindi mo hahayaan.. Palagi nyang binabanggit sakin yan kapag may gumugulo at bumabagabag sakin. At yan yung dahilan kung bakit nagiging malakas ako despite of what I am going through. Sya yung number one na nakasuporta sakin.
Ngumiti ako ng matipid sa kanya.
"Malaki ang chance na, ikaw nalang ang natitirang kapatid ko.. Kaya sana, wag kang aalis ha? Wag na wag mo kong iiwan? Hindi ko kaya.. Mapipilay ako.."
"Ikaw? Iiwan ko? Ni minsan hindi ko naisip na gawin yan.." bulong nya at saka ako niyakap.
Ito yung yakap na kahit siguro yung yakap ng lalaking mamahalin ko ay hindi kayang ipangtapat. Iba to e. Para akong nakayap sa isa pang ako. Nakakatunaw. Nakakagaan ng loob. Feeling ko safe na safe ako.
"Oh, matulog ka na uli. Dyan ka na sa kama ko. Babantayan kita.." pagkasabi nya nun, automatic naman akong tinuklaw ng antok. Humiga ako dun sa kama nya at nagtalukbong ng kumot. Hinaltak nya naman yung upuan nyang puti at saka pwinesto sa may gilid ng kama. Naupo sya dun at may kinuhang libro sa side table.
"Di ka matutulog?"
"Babantayan nga kita diba? Matulog ka na.."
"Wag kang aalis ah? Wag mo kong iiwan.."
"Tss. Ang kulit. Pano kita mababantayan kung aalis ako?.."
Ngumiti ako sa kanya bago ko ipinikit ang mga mata ko. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kuya na tulad ni Marion. Pero hindi ko alam na may mas isi-swerte pa pala ako nang nagkaroon ako ng kakambal na tulad ni Christian.
At masaya ako na nagkaayos na kami. Hindi man ako nakapagsorry sa kanya, at hindi man sya nakapagsorry sakin, mukhang okay na rin yun. At least okay na kami.
Tuluyan na akong nakatulog. At sa susunod na pagdilat ng mata ko, maliwanag na ang buong kwarto. Agad hinanap ng mata ko yung puting upuan ni Christian sa tabi ng kama pero napabalikwas agad ako nang makita kong wala na sya doon.
Nagmamadali akong bumaba at nakita ko sa paanan ng grand staircase si Elvis, Tyron at Sedrick na kapwa kumakain at may hawak na mga lata ng corned tuna. Nung makita nila ako, napanganga silang tatlo.
"N-nasan si Christian?.." tanong ko nang deretso. Nalaglag pa yung tinidor na subo-subo ni Elvis sa bibig nya.
"N-nandoon sa may garden sa likod.."
"Bakit ka umiiyak Crissa?.."
Hindi ko na pinansin pa si Elvis at Sedrick. Pati rin yung pagsunod ng tingin sakin ni Tyron. Basta tumakbo nalang ako papunta doon sa may garden sa likod.
Madapa-dapa pa ako habang tumatakbo papunta doon kay Christian na may hawak na pala at naghuhukay. Kasama nya rin doon si Alex at Renzo. At katulad din nung tatlo kanina, napanganga din sila nang makita ako.
"C-crissa? Anong itsura yan? Bakit umiiyak ka na naman?"
"A-akala ko kasi e, iniwan mo ko.." sabi ko at niyakap ko sya.
"Sus.. Nandito lang ako oh. Clingy twin sister.." bulong nya habang niyayakap ako pabalik. Narinig ko pang tumawa sila Alex at Renzo kaya napabalikwas ako. Nandito nga pala tong mga to.
"Sige na, Crissa. Magbihis ka muna saka kumain. Tapos bumalik ka nalang ulit dito." napatingin ako bigla sa damit ko. Naka barbie pajamas pa pala ako!
Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit ako nung zombie apocalypse outfit ko (sando, leather jacket, jeans, combat boots.). Pero di muna ako kumain. Pagbaba ko, kasabay ko na rin yung tatlong babae na bihis na bihis na din.
Pagkabalik ko doon, sinalubong na agad ako ng nakakalokong ngisi ni Alex at Renzo. Inirapan ko nalang sila.
"Oo. Ayos na kami ng kakambal ko. Pero tantanan nyo kong dalawa. Hanggat hindi pa kayo nakikipag-ayos sa mga kapatid nyo, at hanggat hindi pa nila kayo napapatawad, pasensyahan tayo pero hindi ko rin kayo papansinin." masungit na sabi ko sabay talikod sa kanila. Alam ko namang ang ipinupunto ng mga nakakaloko nilang gestures ay yung pagbabati namin ni Christian e. Tss.
Mukhang sumeryoso naman silang dalawa dahil sa sinabi ko. At mukha ring makikipag-usap na sila ng matino sa mga kapatid n--- asdfghjkl! Nailuwa ko agad yung sinabi ko! Pano ba naman pagkaharap ka sa kanilang dalawa parehas na silang ginugulpi nung mga kapatid nilang babae. Si Alex, sinasakal ni Alessa. Si Renzo naman, nakadapa na sa damuhan tapos nakaupo si Renzy sa likod nya habang sinasabunutan sya sa buhok.
Napatawa nalang ako nang palihim. Pati rin si Harriette na nakatayo sa may gilid, wala nang nagawa kundi umiling. Sa lagay kasi na yan, mukhang okay na uli ang lahat. Balik na kasi sa dati e.
Hindi ko nalang sila pinansin at lumapit ako kay Christian. Pinagmasdan kong mabuti yung ginagawa nya.
"Bakit mo hinuhukay yan Christian?"
"Nire-ready ko lang yung paglilibingan kay Alex at Renzo. Mukhang mamaya lang e, hihimlay na sila." sabi nya habang nililingon yung magkakapatid na naggugulpihan pa rin.
"Di nga? Seryoso Christian!"
"Tss. Dito natin ililibing lahat ng mga tauhan natin na namatay. Mukhang delikado pa kapag sinunog. Alam mo na, ang pagiging curious ng mga undead sa mga bagay-bagay malala. Parang mga baby." E ano daw sabi nya? Gulo ah.
"Sige. Pero tutulong din kami nila Harriette. Huhukay kami ng bukod para dun sila Yaya Nerry, Olga, Bud at Jackson."
Pumayag si Christian sa sinabi ko at hinayaan nya kami ni Harriette na maghukay din. Sumama din si Alessa at Renzy sa ginagawa namin matapos nung bugbugan session nila sa sulok. Yung mga kuya naman nila ay tumulong na rin kay Christian pagkatapos. Samantalang si Elvis, Tyron at Sedrick naman ang taga-labas nung mga undead na nilagay namin sa stock room saka yung ibang naiwan sa paligid ng mansyon.
At oo, kinakausap ko na rin si Elvis. Okay na kaming lahat. Back to normal na uli yung kalokohan namin. Pero as usual, etong si Tyron hindi pa rin pumapalya na pagliyabin ang ulo ko sa inis. Hagisan ba naman ako ng pugot na ulo ng undead!? Bwiset no?
Pero buti nalang talaga nandyan si Sedrick na hindi rin pumapalya para pakiligin at pasayahin ako. Kaya nag-evaporate yung bad vibes na pumapalibot sakin. Hihihi.
Binigyan namin ng disenteng libing lahat ng tauhan namin. Lalo na sila Yaya Nerry, Olga, Jackson at Bud. Nag-alay din kami ng mga bulaklak.
Pero sa huling sandali, mas pinili pa rin namin na maging masaya nalang at hindi maging emosyonal. Sa dinami-rami naman kasi nang nagawa nila para samin nung buhay pa sila, deserve naman talaga nila yung honor. At hinding-hindi talaga namin sila makakalimutan.