Criss Harris' POV
"Ganito ang gagawin natin. We'll secure this place first. Isasarado natin lahat ng mga bintana at pinto na nasa buong first floor." panimula ni Christian. Nandito na nga kami sa may grand staircase sa first floor at kasalukuyang pinag-uusapan yung eksakto naming gagawin.
"Para kung sinoman ang nasa loob ng mansyon, yun nalang muna talaga. Wala munang makakapasok. Mahirap na, baka puro undead na yung nasa labas e. Dumugin pa tayong nandito sa loob." dagdag ko sa sinabi nya.
"But how are we gonna group ourselves? I mean, by two's ba or sama-sama na tayong lahat?" - Alex
Nagtinginan naman kaming tatlo nila Christian at Elvis.
"We'll group ourselves into two." - Christian
"Five." - ako
"Sama-sama." - Elvis
Nagtawanan yung pito pa dahil sabay-sabay kaming nagsalitang tatlo.
"I think, mas okay kung 2 groups lang tayo with five members each. Para na rin dere-deretso na. We'll secure this floor, magse-search na rin tayo, and magki-clear pa tayo. Mas maaga tayong matatapos pag ganon." - Sedrick
"I agree. Tingin ko rin, we're not yet ready na mag-execute ng mga actions nang isa-isa lang tayo or by two's. And after all, wala pa tayong alam sa mga armas na hawak natin." - Tyron
Napasmirk naman ang kakambal ko at tumayo na. "Better. Then let it be. There will be two groups. And you, Alex and Renzo, you'll go with me together with your sisters."
"How about me, Christian? I'll go with you too! Hindi ako hihiwalay sayo! I am your twin sister." pag-aalma ko.
"No. You can do fine without me. Lead your group."
"Lead my group!?"
Napatigin naman ako sa gilid ko dahil inakbayan ako ni Elvis.
"Yes, you will lead US." nakangiting sabi nya. Nakatayo na rin sa may likod nya si Tyron, Sedrick at Harriette na kapwa mahigpit na ang hawak sa mga weapons nila.
"So I guess that's a yes, twin sister? Dyan kayo sa may right part, and dito kami sa left. Pag natapos na tayo sa mission natin, dito rin tayo sa grand staircase magkita-kita." nag-umpisa nang bumaba sila Christian at nakasunod na sa kanya yung magkakapatid.
Pero bago pa sila tuluyang makalayo ay muling lumingon si Christian sa amin.
"Elvis, take good care of my sister. As well as you, Crissa. Take good care of your group."
Naiwan na kami dun sa may grand staircase dahil tuluyan nang nakalayo sila Christian. Sinenyasan ko na rin yung apat kong kasama na mag-umpisa na kami.
"Put your guards up. Baka may makasalubong tayo." sabi ni Elvis na mahigpit na rin ang hawak sa axe nya. Hinigpitan ko na rin yung hawak sa club ko.
"Elvis, dapat ikaw nalang leader natin e." bulong ko sa kanya. Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko.
"The decision is final, Crissa. You're the second leader after Christian."
"E bakit ba kasi ako?"
"Malalaman mo rin afterwards kung bakit ikaw." sabi nya ng may malaking ngisi.
"Pukpukin kita netong club sa mukha e! May nalalaman ka pang afterwards!" inirapan ko sya at lumingon ako kay Harriette na nasa likod namin.
"Harriette, gusto mo ikaw nalang lead--"
"Unless you want us all to die." pagpuputol nya sa sinabi ko. Inirapan ko rin sya at kay Tyron naman ako tumingin.
"No." matipid na sabi nya.
"Grabe ka ha!? Di pa nga kita tinatanong e, may sagot ka na agad! Saksakin kita ng katana mo e." sabi ko at si Sedrick naman ang tinignan ko.
"Ikaw Sedrick, gusto mong maging leader? Bibigyan kita ng isang kahon na corned tuna bilang reward! Hehehe." sabi ko.
Naramdaman ko naman ang biglang pagpula ng pisngi ko nang tumawa si Sedrick at tumambad sakin ang mga dimples nya na parang sinaksak ng combat knife sa sobrang lalim. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at tumingin na uli ako sa nilalakaran namin.
At saktong-sakto naman dahil pagkapasok na pagkapasok namin sa kitchen, tumambad na agad ang isang security namin na naghahalungkat sa ref ng mga karne. Nang mapansin nya kami ay agad syang naglakad papunta samin kaya nagkalaglagan na sa sahig yung mga hinahalungkat nya. At kasama sa nalaglag ang isang tupperware na pamilyar na pamilyar sa akin. Natapon lahat ng laman nun.
Bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Ang alam ko nalang na sumunod na nangyari ay agad ko syang nilapitan at mabilis na hinataw ng malakas sa ulo gamit yung club na hawak ko. Naramdaman ko ang pagtalsik sakin ng pinaghalong nadurog na laman at buto pati ng dugo. Malagkit at nakakasulasok ang amoy.
Nang tumingin ako sa may sahig, nakahandusay na doon ang katawan nya. At kasama ng dugong umaagos galing sa nadurog nyang ulo, kasabay nun ang paghalo nun dun sa natapon na laman nung tupperware kanina.
Napaluha na naman ako. Hindi dahil sa undead na ang isang hinahanap namin at napatay ko sya. Naluha ako dahil ang laman nung tupperware na yun ay yung tuna spread na ginawa ni Yaya Nerry kagabi. Ni hindi man lang namin natikman.
"C-crissa, okay ka lang? Hindi ka naman nakagat e, bakit ka umiiyak?"
Itinuro ko nalang kay Elvis yung tuna spread na nasa sahig bilang pagsagot. Nagets nya naman agad yun at inakbayan nya ako.
"Nakaganti ka naman na e. Okay na yun." -Elvis
"Great job, Crissa." - Sedrick
"Tss. Delikado yun." - Tyron
"Ang astig kaya. Namana mo pala yung baseball skills ng sikat na baseball superstar na si Marion Harris." - Harriette
Pinunasan ko ang luha ko at nginitian ko nalang sila including Tyron. I admit, delikado nga talaga yun. Ilang inches na lang din kasi kanina yung kuko nung undead mula sa mukha ko. Kung nagkataon na nakalmot nya ko, buddy na kaming dalawa.
But syempre, yun na ang una at huling beses na mangyayari yun. Hindi ko na uli ilalagay sa alanganin yung buhay ko. Dahil simula nga ngayong araw na to, hindi nalang ako nabubuhay para sa sarili ko. Nabubuhay na rin ako para sa kanila..
Nagpatuloy kami sa ginagawa naming mission. Pagkatapos naming masiguradong locked na yung pinto sa kitchen, nagpunta na kami sa family dining room at family living room. Pero bago yun, tinanggal muna namin yung bakas ng dugo nang madaan kami sa bathroom 1 kung saan ko nakita yung katawan ni Yaya Nerry.
San kaya sya nagpapagala-gala ngayon? Parang hindi ko ata kakayanin kapag finally nakita ko na sya sa state ng pagiging undead. Lalo pa kapag, kailangan na rin namin syang patayin..
Hindi ko talaga kaya..
"Crissa? You're spacing out. I said ito na pala yung last spot na ise-secure natin base dun sa blueprint. Ang aga pa pala oh. Wala pang 11 am.. " sabi ni Elvis habang isinasarado yung pinto sa may papuntang patio.
Sila Tyron, Sedrick at Harriette naman, nakatayo nalang dun habang hawak pa yung malilinis nilang armas. Caught off guard nanaman ako nang biglang tumingin si Sedrick sa akin at ngumiti. Kaya ngumiti nalang din ako ng pilit para hindi awkward.
Tss. May gana pang magngingiti tong pogi na to. Hampasin ko to ng pagmamahal e.
"Elvis, look out!" sigaw ni Harriette. Kaya pare-parehas kaming napatingin.
Bago maisarado ni Elvis yung isang bintana, biglang may maputlang braso ng undead na lumitaw mula sa labas. Mabilis naman si Elvis kaya naiwasan nya agad yun at pinilit nyang ipitin yung braso.
Lumapit nako sa kanya para tumulong. Pero hindi naman tuluyang naputol yung braso nang hatawin ko ng club. May natira pang balat na nakakapit. Kaya sinenyasan ko si Tyron para sya na ang tumapos.
Hindi nya naman kami binigo. Isang maliit na galaw lang nya sa hawak nyang katana ay agad nang nalaglag sa sahig yung naputol na braso ng undead.
"Wooh. That was close. Thanks Ty and Crissa." sabi ni Elvis na iwinawagay yung axe nya na nalaglag kanina sa sahig.
Ngumiti naman ako. "But most especially, thanks to you Harriette." tinignan ko sya at ngumiti naman sya pabalik sakin.
"For the sake of the group." sabi nya at bumalik na kami papuntang grand staircase.
Pagkadating namin doon, wala pa sila Christian. Naupo naman kami at pinunasan namin ni Tyron yung gamit namin na nabahiran ng dugo ng undead kanina.
"Oh, naunahan pa nila tayo?" narinig kong boses ni Renzo. Pagkatingala ko, naglalakad na sila galing sa may conference room.
"Si Crissa pa ba? Eh sumasamba sa tuna yan." biro ni Alex. Pero bigla nanaman akong nakaramdam ng lungkot dahil binanggit nya yung word na TUNA.
Naramdaman kong lumapit si Christian sakin at pinaggugulo ang buhok ko.
"What's with that face, twin sister? Aren't you happy to see me still alive? We've secured the left part. But sadly, we've killed three undead." binatukan ko sya dahil sa una nyang sinabi. Tapos, tinignan ko naman yung magkakapatid.
Wala pa ring bahid ng dugo yung combat knife ni Alessa at Renzy. Pero yung gauntlet ni Renzo at machete ni Alex, pati yung axe ni Christian meron na.
"Na-secure na rin namin yung left part. And sadly, nakapatay din kami ng isa."
"And base sa itsura ng damit mo, mukhang ikaw ang nakapatay?" paninigurado ni Christian. Tumango naman ako.
"Great, twin sister. You're doing good." bulong nya sakin tapos tumayo na uli sya.
"Maaga palang mission accomplished na agad tayo, so let's call it a day. Kumain na muna tayo. But before that, let's all take a shower. Lalo ka na.." sabi nya sabay tingin sakin.
"Wooohh! Okay yan! Naglalagkit nako! Pwede na kong ihalo sa suman!" - Alex
"Wow! Alam na this! Sabay-sabay din ba tayong lahat na maliligo?" tumatawang sabi ni Renzo. Nilapitan naman agad sya ng kapatid nya.
"Want a piece of this, kuya?" sabi ni Renzy sabay tutok kay Renzo ng combat knife nya.
Nagtawanan kaming lahat dahil dun. Pero napansin kong si Harriette ang mas natawa dahil mukhang ikagagalak nya nga ng lubos kapag yang lalaking tikoy nga na yan ang unang ma-sample-an ng talim ng kutsilyo ng kapatid nya.