webnovel

Introduksyon

Rebecca Natividad

introduksyon

Noong mga panahong high school student pa lamang sina Teresita Natividad at si Erginald Solomon, sila'y may gusto na sa isa't isa. Madalas ay kumakain sila nang magkasama, gumagawa ng mga assignment, o kaya'y nagbabasa ng libro sa silid-aklatan. Kaibigan ni Teresita si Conscolascion Dela Vara. Napakabait at napakaganda ni Conscolascion, kaya't napapaibig niya ang mga kalalakihan noon. Hindi niya alam ang tungkol sa relasyon ni Teresita at Erginald dahil pilit itong itinago ng kanyang kaibigan.

Isang araw, aksidenteng natuklasan ni Erginald ang tungkol sa mga kakayahan ni Conscolascion, ang kanyang mga pinakatatagong kapangyarihan. Nakipagkaibigan si Erginald sakanya, natukso sa kapangyarihan at kalakasan. Unti-unting nahulog ang loob ni Conscolascion sakanya. Nasaksihan ito lahat ni Teresita, kung gaano nahulog ang kanyang kaibigan sa taong kanyang iniibig. Pinili niyang magparaya, lumayo ang loob niya kay Erginald.

Isang araw, habang may pinag-uusapan sina Conscolascion at Erginald, may kakaiba silang naramdaman. Aksidente silang nakalikha ng isang formula,—hindi, isang gayuma ang ginawa ni Conscolascion. Naging marubdob ang kanilang pagtitinginan hanggang sa nauwi ito sa isang pagtatalik.

Kinabukasan, nang magising sila sa kasalanang ginawa, nagising din sa katotohanan si Erginald. Aksidente lamang ang lahat ng pangyayaring iyon. Sinabi ng binata na wala siyang gusto sa kanya. Sinabi din niyang mayroon siyang gusto kay Teresita, kaya hindi tama ang kanilang ginawa. Umalis si Erginald, at iniwan ang dalagang luhaan.

Nang dahil sa aksidente na iyon, nabuo ang isang bata sa sinapupunan ni Conscolascion. Tumigil siya sa pag-aaral at mag-isang tinaguyod ang bata. Natutunan din niya ang iba't ibang enchantments at spells mula sa kanyang Lola. Sa kabilang dako, nagtapos ng pag-aaral sina Teresita at Erginald. Humingi ng tawad si Erginald kay Teresita at muli silang nagmahalan.

Nalaman ni Erginald ang tungkol sa batang inaalagaan ni Conscolascion ilang taon na ang nakalipas. Pilit niyang tinanong kung sino iyon, kaya't 'di naiwasang sumagot ni Conscolascion sakanya. Binigyan siya nito ng isang araw upang makapiling pa ang kanyang anak.

Sa pag-uwi ni Erginald, nadatnan niya ang kanyang nagdadalang-taong asawa na nakaupo sa silyang tumba-tumba, nakatingin mula sa bintana, isang tuyong luha ang nasa kanyang mukha. Lumapit siya sa kanya atsaka hinawakan ang kamay nito, ngunit laking gulat niya nang tapikin niya ang kamay nito. Ipinilawanag lahat ni Teresita ang kanyang mga natuklasan, masakit man sa kanyang kalooban ay pinalayas niya si Erginald dahil ayaw na niya itong makita pang muli.

Bumalik si Erginald kay Conscolascion, hindi para sila'y magsama, kundi para makuha ang kanilang anak. Walang iniwang salita si Erginald. Pilit mang inigaw ni Conscolascion sakanya ang bata, hindi niya ito nagawa hanggang sa makalayo na ang mag-ama.

Ipinangalanan ni Erginald na 'Erzeclein' ang kanyang anak, atsaka sila namuhay ng magkasama, bago natuklasan ni Erginald na may malalang sakit ang kanyang anak at ito ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya, upang makabuo ng isang pormula na magpapabuhay dito, ngunit nawala ang pormula sa kadahilanang may nagnakaw nito.

Sa unang libro, nakilala natin si Rebecca o Becca (ang kanyang palayaw) at siya ay isang napakatapang na babae. Siya ay anak ni Teresita. Pilit na pinaalalahan ni Teresita ang anak na huwag na huwag niyang babanggitin ang salitang ama at tanging dinahilan nito ay patay na siya.

Sa epilogó ng unang libro, natuklasan natin na may koneksyon si Erginald at Becca, si Erginald at Teresita, at si Erginald at Conscolascion. Si Erginald ang ama ni Becca, at ito'y nangangahulugang kapatid niya sa labas si Erzeclein.

Sa puntong ito, hindi nila maiwasan ang katotohanang si Rebecca ay ang nabubuhay na kaputol ni Erzeclein. Rebecca is Erzeclein's Half.

次の章へ