"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!
Di naman sya sobrang gwapo. Actually, payat sya. Medyo may kalakihan ang mata. Di maayos na buhok. Di masyadong katangkaran. At di ko talaga sya crush, noon. As in wala.
Kasi may gusto na akong nasa higher grade. Singkit ang mata. Matangkad. Gwapo. Maputi. Matalino. Lahat ng gusto ko sa lalaki. Nasa kanya.
Pero dahil sa taong to. Na classmate ko rin. Nagbago ang lahat ng pananaw ko tungkol sa lalaki. Yung tipong paglingon ko na sa kanya. Gwapo na sya. Binago nya lahat. Mula sa first crush ko na kinahumalingan ko noon. Nagdedaydream pa ako kasama ang ultimate crush. But damn! Boommm!Nabaling nalang bigla ito sa kanya na dati namang wala lang sya sakin. Hindi ko napapansin o sabihin ko nalang na balewala lang sya sakin. Nagkaroon lang ng gatong ang pagkagusto ko sa kanya simula noong may sinabi ito sakin. Hindi kp ito inasahan at lalong nagulat talaga ako. Jusmiyo! Ako daw?. Gusto nya?. Ehckk!!.Pero di ko alam kung bakit malaki ang naging epekto nito sakin nito magpasahanggang ngayon.
That day...
Recess time namin.
Abala ang lahat na bumili at kumain. Nakatayo ako sa may gilid ng pinto dahil hinihintay ko si Joyce. Kaibigan ko. Di ko alam saan sya pumunta. Tumakbo kasi ito palabas matapos magpaalam ang aming guro. Nakadungaw ako ngayon sa labas. Mataas ang sikat ng araw kahit alas nuwebe pa lang. Naiinip na rin akong kakahintay ng aking kasama. Kanina pa ako gutom. Bakit kaya ang tagal nya?. Kumakalam na ang sikmura ko. Di pa naman ako kumain sa bahay kanina.
Maya maya.
Dumating nga si Jaden. Kaakbay ang kaibigang si Ryan. Nagtatawanan ang dalawa habang papalapit sa aking gawi. Noong una, di ko sila pinansin. Nasa malayo lang ang tingin. Dahil nga classmate lang ang tingin ko sa kanya. Natural. Walang bahid ng kahit na ano. Natural. Kumbaga. Balewala ang presensya nya sakin noon. Yes noon iyon. Pero dahil bigla silang huminto saking harapan. Bigla akong natulala. Di makalunok dahil biglang nanuyot ang lalamunan ko. Kunot ang noo sa kinikilos nila. Nagtatanong. Nagtataka. Gusto kong ibuka ang labi para magtanong sana kaso di ko alam bakit bigla akong napipi at nawalan ng boses.
"Bamby, may sasabihin lang kami." unang sabi ni Jaden sakin. Sya ang una kong pinagtaasan ng kilay. Walang bahid ng malisya kahit titigan ko pa.
Matalim ko syang tinignan. Humalukipkip pa nga ako. Ano kayang sasabihin nya?. Ngiting ngiti pa. Parang ang saya lang nya.
"Bakit?." di kasi ako close sa kanila. Kaya nagtataka ako ngayon kung tungkol saan ang sasabihin nila.
Weird!.
"Si Ryan... gusto ka raw nya.." mabilis na sambit ni Jaden. Di ko agad naproseso ang narinig mula sa kanya. Kumurap kurap ako. Binabasa kung totoo ba ang sinasabi nila. Kung trip lang ba nila o hinde. Ngunit napagtanto ko na nantritrip lang sila dahil nagtawanan ang dalawa sabay alis. Nalilito kong tiningnan ang likuran nila habang papalayo sakin. Bigla akong nanginig at nanlamig.
Mga timang!. Ako ba naman pagtripan!.
Ipinagsawalang bahala ko ang araw na yun.. Hangang sa dumating ang araw na tuwing dumaraan si Jaden sa gawi ko. Sa harap man yan o sa likod. Bigla akong naiilang sa presensya nya. Bawat galaw nya. Ayokong tingnan. Ewan ko. Bigla nalang. Siguro dahil sa ginawa nila na di ko inasahan. Nagtataka nga rin ako bat sa kanya ako naiilang at hindi kay Ryan na syang tinuturo nyang may gusto sakin. Basta pakiramdam ko. Sakanya ako mas naiilang talaga. Di ko maexplain kung paano o kung bakit. Basta nalang.
At simula noon. Di ko na namalayan na. May gusto na pala ako sa kanya. At lumalalim pa.