webnovel

Six

"PUMUNTA kayo sa bahay may welcome party kasi umuwi na si Dad kasama sina Danger,namiss ka daw ni Danger Bella."imbita nya sa kaibigan.

"I miss Danger's cheeks too."hagikgik nito.Napailing nalang sya,hilig nito noon na pisil-pisilin ang pisngi ng kapatid nya.Naalala nya tuloy noon na sa sobrang gigil nito kay Danger ay kinagat nito ang pisngi ng bata dahilan para umiyak ito.

"Pupunta kami mamaya."sagot ni Enzo sabay nakaw ng halik sa pisngi ng kaibigan nya.

"Baka naman gustong mag-paawat."Iritang sabi ni Adam,ito pala ang kapatid ni Bella.

"Respeto naman sa single."Sabad naman ni Justin.

"Single single---bakit single ka ba?"pang-aasar ni Enzo dito.

"Hindi.Pero naniniwala akong ako ang pinaka-gwapo satin at virgin pa ko."ngumisi ito.

"Weh puta yak,sating tatlo ikaw ang virgin?Ulol ka ba?"segunda ni Adam.

"Babaero lang ako pero di ako nagkakama ng babae."Proud na sabi nito.

"Eh kaninong panty yung nasa headboard ng kama mo?sa nanay mo?"ngumisi sa kanya si Enzo. Tila tinakasan ito ng dugo dahil bigla itong namutla.

"Panty??"tanong ni Bella kay Justin. Napakamot ito ng ulo at nag-peace sign.

"I got drunk last night it was an----ARAY TAMA NA MASAKIT!"pagpapaliwanag nito ngunit bigla syang kinurot sa tagiliran nito.

"Hey,una na ko sa inyo. Enzo,Bella punta kayo sa bahay bukas. Sama nyo narin yang dalawang kumag na yan."paalam nya sa apat. Tumango si Enzo at bumeso naman si Bella sa kanya.

"Kasama kami?"tanong ni Adam at kumurap-kurap pa.

"Bakit ayaw nyo?Oka---"naputol ang sasabihin nya ng biglang humiyaw ng 'Yes' yung dalawa.

-*-*-

Gabi na ng makarating sya sa building ng condo na tinitirahan nila.

Pag karating nya ng dorm ay halos malaglag ang panga ng dalawang kasama nya sa bahay,her hair turned fire red--sinong di mapapa-nganga diba?

"May welcome party bukas and invited kayong dalawa."Anunsyo nya pagkasalampak nya sa sofa habang may hawak na ice cream.She cleared her throat ng maramdaman nya ang matalim na pagtitig ni Dane sa kanya.

"May sasabihin ka ba Dane?"bulalas nya,pakiramdam nya ay masusunog sya sa titig nito sa kanya.

"Bat ngayon ka lang?San ka galing?Sinong kasama mo?Bat bigla kang nawala?"sunud-sunod na tanong nito.She rolled her eyes,he's acting like a boyfriend again.

"Anong pake mo?Tsaka isa pa pwede ba...wag kang pabibo at mag-asal jowa jan?Di naman tayo."inis na sabi nya sabay tayo at padabog na pumasok sa kanyang sariling silid at binagsak ang pintuan nito.

"Nasobrahan ka ata bal."napailing nalang si Dash sa inasal ng kapatid,sa halip kasi na kamustahin nya ito ay tinanong pa ng mga tanong na parang nagseselos na karelasyon.

"I lost my control fuck!"napahilamos ito sa sarili.

-*-*-

[House of d'Aurevelle • Paris,France 7:30am]

"Mom uuwi ako ng Pilipinas,aayusin ko pa yung business natin don."ani ng lalaki sa kanyang ina.

"Aayusin mo o gusto mo sya makita ulit?"tanong ng ina nya.Half filipino at Half french ito kaya nakakapagtagalog.Ang ama naman nya ay Half Korean at half american ngunit sa Pilipinas lumaki.Maging sya ay sa Pilipinas pinanganak at lumaki pero ng magkaroon ng komplikasyon sa puso ay kinailangan sya dalhin sa pransya upang ipagamot.

"Both mom.I want to see her again."Ngumiti ito ng malungkot.

"Iho,you know she's doing good.Pabayaan mo na sya."His mom's hazelnut brown eyes saddened.

"Pabayaan?I can't forget her.I can't leave her alone with Dane."he looked at his mom hopelessly.

"Dane loves her,di nya hahayaang malagay sa piligro si Alex."pangungumbinsi ni Lady Madison sa anak.

"He's possessive Mom,nasasakal si Alex sa kanya."he insisted.

He is Maddox Greyson d'Aurevelle Volkzki,tagapagmana ng House of d'Aurevelle at Volkzki Empire.Anak sya ni Lady Madison d'Aurevelle na anak ng Duke ng Pransya at ni Gavin Volkzki na CEO at Founder ng Volkzki Empire.

He is the best friend of Alex,actually tatlo sila...Si Bella si Maddox at si Alex,kaso nung third year sila inatake sa puso si Maddox kaya kailangan sya dalin sa france.

He sighed.

Napakunot ang noo nya ng biglang tumunog ang viber nya.

Bella Han

7:45am

Bella:Kuya Grey,ikakasal na ko next month.😚

Napangiti sya ng makita ang litrato ng kamay nito na may singsing na attached sa message.

Grey:Kay Enzo ba?😂

Bella:Yep 😍😍

Napailing nalang sya.

"Cleo?"tawag nya sa personal assistant nya.

"Yes Lord Maddox?"

"Tell the pilot to ready my plane in 20 minutes."utos nya rito.

"Yes Your Highness."ika nito at nag-bow bago umalis.

-*-*-

He massages his temples ng pumasok sya ng opisina ng ninong nya,kung bakit ba kasi minamalas sya at wala syang mahanap na sekretaryang hindi malandi at tutuwad mapasukan nya lang?

"Ninong."ngumiti sya sa lalaking naka-upo sa swivel chair at nakaharap sa laptop.

"Oh,Justin upo ka"sabi ng ginoo sa kanya na agad nyang sinunod.

"Anong sadya mo rito?"tanong nito sa kanya,ngumiti sya rito.

"Do you have a trusted employee na pwede kong maging secretary?Please ninong,ayoko ng babae hanggang maaari. My secretary resigned earlier dahil manganganak na sya."pakiusap nya rito,sawang-sawa na sya sa mga babaeng nag-aapply na gusto maging secretary nya na halos lumuwa na ang boobs.

"I can give you my secretary's intern kaso babae sya pero hindi mo gugustuhing magalit at hindi sya yung tipo ng babaeng kaya manyakin o manlandi ng boss."proud na sabi ni Stephen sa inaanak.

"Huh?"takang tanong ni Justin,'siguro manang to' he is imagining her to be manang,malapugad ang buhok,mahaba ang palda,makapal ang salamin.

"Vienna?Yes,papuntahin mo nga yung intern mo dito."napatigil sya sa pag-iimagine ng marinig ang boses ng ninong nya na may kausap sa telepono.

Maya-maya pa ay may kumatok at niluwa ng pinto ang isang babaeng naka-slacks,longsleeve na white na pinatungan ng amerkana at nakapusod ang buhok na messy bun with matching eye-glasses.Her hazelnut eyes met his.Napalunok sya,presensya pa lang nito nakakatakot na ngunit mapagkakatiwalaan.

"Need anything boss?"tanong nito sa kanyang ninong na wagas kung maka-ngiti.

"Starting tomorrow you'll be working as Justin's secretary in his company. You will be under his payroll as well."anunsyo ng ninong nya. Muli syang binalingan ng babae at tinignan ulit ang ninong nya.

"Yes sir.Yun lang ba?"tanong nito.

"Yes,thank you Iris."pagkasabi ng ninong nya nito ay lumabas na ito ng silid.

Anong balita kay Justin?Tulala parin.

"Problem solved.May kailangan ka pa ba inaanak?"umiling sya.

"Sige po alis na ko.Thank you po."paalam nya sa ninong nya.

Feeling nya nakakita sya ng anghel sa sobrang ganda nito. Napangiti sya at tumingin sa cellphone nya.

A photo of him and his childhood bestfriend.