webnovel

Chapter 1.17

Nakita na lamang ni Evor ang sariling naglalakad patungo sa loob ng malawak na kagubatan. Ang Moon Shape Forest

Ang nakuha niyang misyon ay D-Level na siyang ikinagalak niya.

Kitang-kita ng mga kapwa niya estudyante ang pagtanggap niya ng nasabing misyon.

May nadismaya ngunit marami din ang lihim na napangiti sa kaniyang ginawa.

Karaniwan kasi ay F-Level or E-Level lamang ang nakukuha ng mga estudyante pa lamang. D-Level sa mga seniors na at C-Level sa mga nakatapos na ng kanilang pag-aaral sa kanilang akademya.

Ni wala ngang naglakas ng loob na pigilan siyang isama sa isang random group kung saan ay pinagsama-sama ang mga grupo ng mga isa o dalawa lamang.

Bawat lebel ng mga misyon ay siguradong hindi pwedeng balewalain lamang. Malaki ang panganib habang tumataas ang nasabing lebel ng misyon.

Ang D-Level mission na nakaatang sa grupong kinabibilangan ni Evor ay ang pagligtas ng mga bihag ng isang grupo ng mga bandido, ang Ghost Metal Bandits!

Hindi naman nakaangal si Evor lalo pa't kailangan niya rin ng pera at siyempre ang lumakas na siyang pangunahing layunin niya sa misyong ito.

Ang nasabing lider nila sa grupong ito ay si Rugar, isang dating miyembro ng mandirigma ng Moon Kingdom, ang karatig-kaharian ng Dragon City

Nasa boundary nito ang Moon Kingdom.

Napakalakas ng kaharian na ito at hindi basta-bastang pwedeng banggain lamang.

...

Unti-unting humiwalay ang bawat miyembrong kinabibilangan ng grupo ni Evor habang pumapasok sila sa mga pasikot-sikot na daan sa loob ng Moon Forest.

Hanggang sa humiwalay na rin siya ngunit kasa-kasama niya ang dalawang magkapatid na lalaki at babae na sa huli ay nalaman niyang magkambal pala ang mga ito. Si Zen at Zero.

Hindi sila magkamukha at talagang baliktad kung titingnan ang mga ito.

Ang kambal na ito ay kakaiba rin ngunit makwela ang mga ito. Katulad niya ay mga estudyante sila at ang mas ikinagulat niya ay sa Azure Dragon Academy din sila nag-aaral.

Hindi na rin siya nakaangal o nakapagsinungaling pa dahil kilala na daw siya ng mga ito.

Maraming rumors daw ang lumaganap at ang misteryosong pagkatanggap nito sa loob ng Azure Dragon Academy.

Bawat estudyante ay isinasalang sa entrance examination ngunit siya ay hindi man lang nakasali. Isa din iyon sa pinaka-iniinggitan sa kaniya ng ibang mga estudyante.

Hindi alam ni Evor na may pagka-chismoso din ang mga estudyante ng Azure Dragon Academy.

Zen and Zero are twins ngunit ang nasabing mga summoners nila ay talagang ikinamangha ni Evor.

Zen's summoner attributes is water habang ang summoner's attributes ni Zero ay fire.

Nasabi pa ni Evor na parang baliktad ata ang attribute ng kakambal ngunit sinabi nilang tama ang nasabing attributes nila.

Ang ama nila ay mula sa isang Water Tribe habang ang ina nila ay mula sa Fire Tribe. Isang kabawalan sa tribo nila na mag-krus ang landas ng dalawang lahi na may magkaibang element.

Labag ito sapagkat hindi nabibiyayaan ng supling ang mga ito. Nang isilang si Zen at Zero ay isang himala kung maituturing.

Hindi na nag-usisa pa si Evor ng kung ano pa man. Ang importante ay may kasama siyang maglakbay ngayon.

Isa pa ay hindi niya alam ang pasikot-sikot sa loob ng Moon Forest na ito. Mas mapapabilis ang misyon kung kasama niya ang dalawang ito lalong-lalo na si Zen.

Mula sa kawalan ay mabilis na ibinato nito ang isang summoner's ball nito.

Lumabas ang isang summon na uso.

Isang Water Cloud Bear ito. Ito daw ang unang summon ni Zen. Namangha naman si Evor dahil mukhang kasinglambot ng balahibo ng osong ito ang kutson at lumilipad ito.

"Bakit mo pala pinalitaw ang Water Bear na ito? Hindi ba't parang takaw-atensyon naman ito?!" Sambit ni Evor habang makikitang papasok sila sa makitid na daanan.

"Wag kang mag-alala Evor, kayang-kaya ng summon ko na magdetect ng kahit na ano'ng panganib sa bawat lugar na dadaanan natin. Isa pa ay mas mainam ito lalo pa't malaki ang posibilidad na maraming patibong sa paligid ng lugar na ito lalo pa't papalapit na tayo sa kuta ng mga bandido."

Nakampante naman si Evor at napagtanto niya na tama ang mga sinabing ito ni Zen. Kung maglalakad silang tatlo ay tatlong beses na lalaki ang posibilidad na makakatapak sila ng patibong.

Nakikita din ni Evor na mayroong bumabalot na mga hamog sa pupuntahan nilang direksyon na siyang indikasyon na malapit na talaga sila sa kuta ng nasabing bandido.

Nakikita ni Evor na delikado ang misyong ito. Hindi ito simpleng misyon ng mga mag-aaral lamang.

Kung tama ang tingin niya ay napakadelikado ng lugar na ito. Marami na rin kasing nabigo na patumbahin ang Ghost Metal Bandits.

Marami ang bilang ng mga bihag nito. Sa tingin niya ay mga miyembro ito ng isang maliit na tribong malapit lamang sa lugar na ito.

Ito din siguro ang dahilan kung bakit pinili ng kambal na sina Zen at Zero na tanggapin ang misyon na ito.

Papakapal ng papakapal ang hamog dahilan upang mahirapan sina Evor na makaabante.

Masyadong makitid ang daan at talagang nasa dulo pa talaga ng bangin ang kinaroroonan nila.

Hindi na nakapagtataka na marami ang nabigo. Talagang tuso ang mga bandidong ito.

Walang nagawa ang magkambal kundi ang maglakad kasama si Evor.

Mula sa malayo ay narinig ni Evor ang tunog ng mga nagbabanggaang mga metal.

"Ano ang nilalang na iyan Evor?!" Sambit ni Zen nang mapansin ang lumilipad na nilalang sa itaas ng nagkakapalang mga hamog.

Nakakatakot ang presensya lalong-lalo na ang kaanyuan ng halimaw na ito.

"Evil Summoners!"

Ito na lamang ang nasambit ni Evor at Zero nang mapagtanto ang kakaibang nilalang na nakalutang sa ere.

Ang nilalang na ito ay mayroong kaanyuan ng napakaitim na uwak habang ang kamay nito ay gawa sa itim na mga metal.

Pinagsama-sama ata ang kapangyarihan upang mabuo ang nilalang na ito lalo pa't ramdam nilang tatlo ang iba't-ibang enerhiya na galing sa kung sinuman.

Mukhang pinaghandaan talaga ang pagdating nila.

Napagtanto ni Evor ngayon-ngayon lamang na ang dahilan nito ay ang mga hamog sa kapaligiran.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagkaroon ng rust ang suot na bracelets ni Zen.

Isang metal attribute ang summons na ito.

Mula sa ere ay lumitaw ang isa pang ibon na gawa sa metal ngunit may maliit ito ng dalawang beses sa dambuhalang uwak.

Isang Metallic Hawk!

Ito mismo ang may gawa kung bakit mayroong makapal na hamog.

Sakay-sakay ng halimaw mula sa likod nito ang limang nilalang habang mayroong mga metal claws sa mga daliri ang mga ito.

"Hindi ito maaari, isa itong patibong!" Naaalarmang sambit ni Zen habang napagtanto nito ang nangyayari.

Unang-una pa lamang ay patibong na ito ngunit ngayon niya lamang napagtanto na isang malaking patibong ang nakahanda sa kanila.

"Zen, itakas mo ang mga bihag at ako ng bahala sa mga ito! Ikaw naman Zero, ikaw ang bahala sa ibang miyembro ng Ghost Metal Bandits. Ako na ang bahala sa mga ito!"

"Pero malalakas ang mga ito. Sa tingin ko ay hindi mo kakayanin ang mga iyan!" Sambit ni Zen na halatang may himig ng pagtutol.

Tiningnan naman ni Evor si Zero ng makahulugan at walang sabi-sabing hinila nito ang kapatid nito papalayo.

Hindi na nakaalma si Zen nang hilain na siya ni Zero papasok sa makapal na mga hamog.

SHRRRIIIIIEEEEKKKKK!!!!!!

Isang malakas na atungal ng nasabing halimaw na ibon ang narinig ni Evor habang mabilis itong patungo sa kinaroroonan niya.

次の章へ